"You're so beautiful..." anas ni Earl habang pinaulanan siya ng halik. Veronica was delirious when Earl took off her dress and kissed her bare skin. She was panting with desire. She never needed any man like she needed him.
"Oh Earl..." singhap niya. "Love me...please..."
He kissed her hard and she felt how he needed her too.
"Look at me," anito. Their eyes locked. And she was lost in the tenderness she saw in his eyes. They both groaned when he entered her. He gently moved and took her breath in the process. All her emotions and sensations are at the highest heights. Napayakap siya ng mahigpit sa asawa.
"I love you..." usal niya hanggang sa pakiramdam niya'y sumabog silang dalawa. They were both catching their breath. And just when they're breathing the normal pace, Earl started to caress her body and they made love once more.
Halos hindi makapaniwala si Veronica sa bilis ng pangyayari. They're inside this huge room lying on a bed, completely naked. Hindi niya alam kung saan hahagilapin ang mga damit. But it's the least she can think of right now.
What just happened? She felt sore all over. All she knew is they made love over and over again. Pinakiramdaman niya ang katabi. Wala siyang ibang naririnig kundi ang salitan paghinga nila. Hindi niya alam kung anong oras na pero sige pa rin ang tugtog sa labas. His skin is warm, smooth and firm beneath hers. Nakahiga siya sa braso nito at nakayakap siya rito. Can she stay here forever?
She was wondering what he's thinking. Iniisip ba nito ang nangyayari ngayon? Making love isn't part of the deal. Or... was it really lovemaking or plain s*x for him? Gumuhit ang pait sa dibdib.
Gusto niyang makadama ng hiya. Dahil walang anumang tugon mula sa bibig nito nang sinabi niyang mahal niya ito. He just kissed her fully in the mouth. Well, at least he didn't mentioned Bianca. That's a good sign. And he's still holding her up to this moment.
They should get up now. Put back their clothes. But he felt so wonderfully comfortable holding Veronica in his arms. Her smooth, soft and velvety skin felt just so good against his. She just smells so good. He can't get enough of her. He doesn't mind making love with her all night.
"What did we just do?" anitong natampal ang sariling noo. "We better get up," halos bulong na sabi nito. "Earl?" anitong bahagya siyang niyugyog.
"Mmm.." aniyang niyakap ito ng mahigpit. She heard her chanting his name while they were making love. And she whispered something. Was it I love you? Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Was he really happy? He never felt this happy in five years.
"You're still in love with her!" Naalala niya ang sinabi ni Bianca.
No... he groaned inwardly in protest. He still finds her gorgeous. He is somehow convinced that the word 'gorgeous' was made just for Veronica. But that doesn't mean anything at all. He might be addicted to her. He might do crazy things for her, kagaya ng ginagawa niya ngayon. But that doesn't imply something. She can satisfy his needs. She can fill him up. She can drive him crazy. But it's nothing serious. Not at all. She might affect his moods all the time but that's normal. That happens a lot.
He might change some of his views about how he should treat her, but that was his conscience. It's nothing big.
He might feel happy now, an emotion he ceased to feel a long long time ago. Yeah, a bit strange but manageable. Life is just good, why should he be miserable?
He might consider forgetting the pains from the past. Like, he can maybe forgive her...
Napapikit siya ng mariin. Now, that's trouble.
"I'll find our clothes," aniya at bumangon. It took them several minutes to find the pieces of their clothes. Tinulungan niya itong isuot ulit ang gown nito.
"Earl," may pag-aalangan sa tinig nito.
"Yeah?"
"I can't find my-" Hindi man niya nakikita'y nararamdaman niya ang pamumula ng pisngi nito.
"Your?" aniyang hindi napigilan ang pagtaas ng sulok ng labi.
"My undies!" pabulong na asik nito.
"Oh, I ripped it off," aniya. "It's in my pocket."
"You what?" bahagyang tumaas ang boses nito.
"Don't worry, I'll buy you a new one."
"Earl!"
Saka lang niya natumbok kung ano ang ibig sabihin nito.
"Ssh.. It's okay. Nobody will know," aniya saka hinapit ito at dinampian ng halik sa noo.
Veronica felt really uncomfortable without something underneath. She just hoped that the party will end soon. Pagkalabas ng silid ay nagtuloy silang dalawa sa powder room. Nanlaki ang mata niya sa ayos nila. Daig pa nila ang nasalanta ng tsunami. Dagli siyang nag-ayos. Sinuklay ng daliri ang buhok. Ipinasya niyang ilugay na lamang iyon. She was busy putting on her lipstick when she glanced at Earl. Nakatingin ito sa kanya. Nang makontento siya sa ayos ay hinarap niya ang asawa at inayos ang collar ng tuxedo nito.
"I really wish they have something smear-proof," tila wala sa loob na sabi nito.
"Huh?" aniyang nakakunot ang noo.
Hindi ito sumagot, nakatitig lang sa labi niya.
"Oh," aniya nang makuha ang ibig sabihin nito. "I wished so, too."
Hahalikan sana siya ulit nito nang may pumasok.
"We better go," aniya. Baka saan na naman sila mapunta pag hindi sila nagpigil.
Iilang bisita na lang ang naroroon. May ilang parehang nagsasayaw sa mabining tugtog ng biyulin. Kumunot ang noo ni Veronica nang makitang nasa bar si Elaiza. She looked totally confused at panay ang lagok nito mula sa shot glass.
"I'll talk to your sister," paalam niya kay Earl. Tumango ito at lumapit sa grupong kausap ng Daddy nito.
Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Binali niya ang pangako sa sariling hinding-hindi na muling aasa kay Earl. At di niya maunawaan ang nararamdaman. Masaya siya... ngunit hanggang kailan? Magagawa kaya siyang mahalin ni Earl kagaya ng pagmamahal niya rito?
Nang makalapit sa bar ay umupo siya sa tabi ni Elaiza. Tila hindi siya nito napansin. Nakatitig lang ito sa kawalan.
"That's too much," komento niya.
Nagulat itong napatingin sa kanya. Pagkuwa'y matamlay na ngumiti.
"Are you okay? Drunk already?"
Tumango ito. Pagkuwa'y nakagat ang pang-ibabang labi. "Oh I wish I was drunk." Napabuntong-hininga ito. "Have you been in love, Veronica?" malungkot na tanong nito. Nakatitig ito sa shot glass na hawak.
"Of course. I'm in love with your brother," aniyang gumuhit ang saya sa dibdib subalit nabahiran din kaagad iyon ng pag-aalala. I love him so much.
"I mean, before him. First love, you know. Do you have any?"
"When I was sixteen. We all do, right?"
Bumuntong-hininga ito. Hindi niya alam kung saan patungo ang usapang iyon. Pero alam niyang may bumabagabag sa dalaga. Nang umorder ulit ito ng tequila, pinigilan niya ito. Hindi na ito nakipagtalo sa kanya.
"What happened?" tanong nito sa kanya.
"I had to give him up."
"Why?"
"To keep him safe."
"I don't understand..." kunot-noong sabi nito.
"Let's just say what we have is forbidden love. Kinailangan ko siyang ilayo sa galit ng Papa."
Tumango-tango ito. Tila nakuha agad ang ibig nitong sabihin. "Painful, right?"
"Very." Parang tumagos sa dibdib ang sakit pagkasabi niyon.
"I also had mine when I was sixteen and he's still here," anitong tinuro ang dibdib. "I can't get him off here," nahihirapang sabi nito.
Ginagap nito ang palad niya at pinisil iyon. "I know the feeling, Elaiza."
"Why does it have to hurt?" anito.
Hindi siya sumagot. Dahil mismo sa sarili niya, hindi niya alam. Why does it really have to hurt?
"Do you still think of him? Your first love?" tanong nito.
"Yes." Every moment of every single day.
Kumunot ang noo nito. "You still love him?"
Bumuntong-hininga siya. "I guess there are just things that doesn't change."
Nagulat siya nang bigla na lang itong umiyak.
"That's so unfair... "
"It is." She sounded stupid. But well, she is. Niyakap niya ito.
"Kung hindi ba kayo ipinagkasundo ni Kuya, would you marry your first love instead?"
Hindi niya alam kung papaano sasagutin ang tanong na iyon.
"Honestly?" aniyang tiningnan si Elaiza sa mga mata. "Yes."
Lalong nag-uumalpas ang luha sa mga mata nito.
"Don't get me wrong, Elaiza. I love your brother so much."
"I know. I know... I can see it. But-" Pinahid nito ang luha sa pisngi. "It's just so unfair. Why do we have to feel something so strong for someone we can't be together with?"
Muli, wala siyang maisagot. She wants to blurt out, why do we have to love someone who can't love us in return?
"Just let it out, Elaiza..."
"I don't want to love him anymore," anitong sumigok-sigok. "I didn't want to see him. Matagal ng tapos ang sa amin. I don't know how it happened. How he managed to come here in a waiter's uniform. I wasn't even talking to him. And we ended up kissing. And I'm so confused!"
Inalo niya ito. Nang dumating si Earl ay nagpasya na silang umuwi na.
Tulog na si Elaiza pagdating ng bahay. Binuhat ito ni Earl papasok sa silid nito pagkuwa'y binihisan niya ng damit pantulog ang dalaga.
I wish I could help you, Elaiza... bulong niya. I wish I knew every answer to your questions. Because I've been searching for it for so long.
Hinalikan niya ang noo ng dalaga saka pinatay ang ilaw ng silid nito.
Paglabas niya'y naulinigan niyang may kausap ang asawa. Pumasok na siya sa silid. Kaagad siyang nagpalit ng damit saka sumampa sa kama. Sino kaya ang kausap ni Earl sa ganoong oras? Kahit pilit niyang ipikit ang mga mata'y hindi siya makatulog. Nang bumukas ang pinto'y nagkunwari siyang tulog na. Bigla'y nag-ring ang cellphone nito. Dinig niya ang mahinang pagmura nito at sinagot iyon.
"Yes, yes," pabulong na sabi nito saka naglakad papasok ng banyo. "I understand, Bianca. I'll fix this."
Bigla'y nanikip ang dibdib niya. So, it's Bianca... Calling him at 2:30 in the morning? Ano'ng importanteng bagay ang dapat nilang pag-usapan na hindi pwedeng ipagpabukas pa? Can't Bianca give her this night?
Kailangan ba talaga nitong ipaalala sa kanya na ito ang mahal ni Earl at hindi siya? Bumigat lalo ang dibdib niya. Naramdaman niyang humiga na si Earl sa tabi niya.
Dinampian siya nito ng halik sa noo saka iniyakap nito ang isang kamay sa bewang niya. Gusto niya itong itulak. Gusto niyang patunayan ditong makakaya niyang wala ito. Ngunit natagpuan niya ang sariling sumiksik sa katawan nito. Umaamot ng kahit konting pagmamahal. Lihim na humihiling na sana'y magawa siyang mahalin nito gaya ng pagmamahal niya rito.
"Veronica..." bulong nito. "You made me so happy tonight," anas nito at kininintalan siya ng halik sa labi.
I love you, Earl... I love you so so much... lihim na bulong ng puso niya bago siya iginupo ng sariling pagod.
Nagising si Veronica sa masarap na amoy galing sa kusina. Napamulagat siya nang makitang alas-diyes na ng umaga. Kaagad siyang napabangon para lang mapamaang sa isang pumpon ng rosas sa tabi niya.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Kinikilig siyang hindi niya mawari. I hate you, Earl! Kagabi lang, masama ang loob niya sa asawa. Nakakita lang siya ng bulaklak, parang nasa alapaap na siya. Where is her consistency about her emotions? Ba't ba ganito na lang ang epekto ni Earl sa kanya? When will the time come na hindi na siya maapektuhan nito?
Dagli siyang nagbihis at pinuntahan ang asawa sa kusina. Binitbit niya ang bulaklak na nasa kama.
Nakahanda na ang mesa pagdating niya. Ngunit si Elaiza lang ang nandoon.
"Good morning!" masiglang bati niya kahit nakadama siya ng panghihinayang sa dibdib.
Ngumiti ito. Pero halata ang lungkot sa mga mata.
"Hang-over?" aniya.
"I wish. But don't worry, Veronica. I'll figure this out soon."
"I'm just here. You know that, right?" aniyang pinisil ang balikat nito.
Tumango ito saka ngumiti. Pagkuwa'y lumiwanag ang mukha nang makita ang pulang rosas na hawak niya.
"Oh, that's lovely!"
"Yeah, very." Kumuha siya ng vase at inilagay ang mga iyon doon. "Where's your brother? I just woke up with these."
"Kuya could be really sweet. Do you know he never sent anyone flowers? Except you.. Oh well, you're his wife. Silly me," anitong pina-ikot ang mga mata.
"Gusto mo ng kape?" aniya para matakpan ang pamumula ng pisngi.
"Sure," anitong mas lalong lumuwang ang pagkakangiti.
Later in the afternoon, Elaiza packed her things. And by night, after they had dinner together, nagpaalam na ito. Babalik na ito sa condo unit nito. Tumawag si Earl na gagabihin ng uwi dahil may kausap daw itong mahalagang kliyente.
Nakadama siya ng kahungkagan habang pinapanood ang papalayong sasakyan ni Elaiza. Tila kinakain siya ng lungkot nang pumasok sa tahimik na bahay. Nanood siya ng TV ngunit hindi siya makapag-concentrate. Nasaan ba si Earl? Sino ang kasama nito? Ano na ang mangyayari sa kanila ngayon?
Napatingin siya sa bulaklak na kaninang umaga lang ay nasa paanan ng kama niya. Now she knew what that was for... The first time she received flowers from him was after that fateful night when he made love to him and he shouted Bianca's name. He knew that she was hurting. It was a peace offering. And now, he's with Bianca again. He just made sure he had peace offering ready.
Oh, shut up, Veronica. Ano ba'ng karapatan niyang magselos? Ni mag-alala, wala. Something intimate happened between them. Bagay na nangyayari lamang sa pagitan ng mag-asawa. But it doesn't assure her anything. Earl doesn't even love her. He might be attracted to her but he doesn't love her. Because if he did, he would be beside her right now. He would be hugging her. He would be talking about their future. If he loves her, he wouldn't let her be alone in the house worrying where he might be.
Nang sumapit ang hating-gabi'y nagpasya siyang pumasok na sa silid. Niyakap niya ang sariling unan at hinayaang kumawala ang luhang hindi na niya kayang pigilan.
Sumapit ang umaga. Napabalikwas ng bangon si Veronica pagtunog ng alarm clock niya. Napalingon kaagad siya sa tabi. Ni hindi niya magawang ngumiti para batiin ang araw. Naramdaman niya agad ang bigat na nakadarang sa dibdib.
He didn't come home...
Matamlay siyang naligo't nagbihis. Hindi na siya nag-agahan. Dumiretso na siya sa trabaho. Kung ilang beses siyang nakatitig sa cellphone, hindi niya alam. Nangangati ang kamay niyang tawagan ang asawa. Dahil hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib niya.
Kinuha niya iyon at dinial ang number ng asawa. Hindi pa man nag-ring ay pinindot na niya ang end button. Kaagad sumalsal ang t***k ng dibdib.
Nagulat siya ng mag-ring ang cellphone niya. Nanlaki ang mata niya nang makitang si Earl ang tumatawag. Lalong tumindi ang pagkabog ng dibdib. Nanginginig ang kamay na dinampot niya ang cellphone at sinagot iyon.
"Are you okay?" kaagad na tanong ng kabilang linya.
Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang marinig ang tinig ng asawa. Can she tell him she's missing him so much right now?
"Y-Yes. I'm alright. I'm--"napabuntong-hininga siya. "I'm just a bit worried dahil hindi ka umuwi kagabi."
"Oh, don't be. I'm sorry I was not able to call but I'm fine. I just have to do something really important."
"Oh.. okay."
Patlang.
"Veronica?"
"Yes?"
"I won't be home for a couple of days. It's something important."
Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.
"I'll tell you about it when I come home."
Home...napalunok siya at naramdaman niya ang panghahapdi ng mata.
"O-okay. Just be safe," aniyang halos ayaw kumawala ng boses sa bibig niya. Paano ba niya sasabihing hindi niya alam kung papaano kakayanin ang pangungulila rito? Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Kahit ang pagbigkas ng salitang nararamdaman ng puso niya'y hindi niya magawa.
"I will be."
Patlang ulit.
"We will talk when I come home," anito.
Tumango siya kahit alam niyang hindi siya nito nakikita.
"If anything comes up, don't hesitate to call, okay?"
"Yeah."
"And--"
"Earl, I need you here," boses babae iyon.
Lumatay ang sakit sa dibdib niya nang mapagsino ang boses na iyon.
"I'll call you later."
Hindi na siya nakasagot pa. Naputol na ang linya.
Niyakap niya ang sarili. She just heard Bianca's voice. He's with Bianca... Bianca needs him... Ano ba ang nangyayari? It is something serious. Something Earl doesn't want to talk over the phone. Something that has to do with him and Bianca. What if... What if... Nasapo ng palad niya ang mukha kasabay noon ang pagbalong ng luha.
What if Bianca's pregnant?