"I told you about her," mariing bulong ni Veronica. Nagmamadali silang ayusin ang silid na inookupa ni Earl. Mabuti na lang at may pintuang lagusan mula sa silid na iyon patungo sa master's bedroom. Madali nilang nailipat ang lahat ng gamit ni Earl mula doon. "She can't stay here, Earl. I won't be able to pretend we're good."
"I don't want her here either!"
"Ssh!" aniya nang lumakas ang boses nito.
"Tell her to go." Aburidong sabi nito.
"Is she my sister? You tell her," nanggagalaiti niyang sabi. Earl could be really annoying.
"Is everything alright?"
Pareho silang napalingon sa pintuan.
"But of course, Elaiza. We're just fixing your bed."
"Akala ko nagtatalo kayo."
"Uhmm.. it's just sweet nothings," biglang nasabi ni Veronica.
"Oh, sweeeeeeet," anitong kinikilig. "I'm really sorry I am bothering you."
"Yes, you perfectly knew the right time to bother, lil sis," ani Earl.
"Earl," saway niya.
"Oh, I really missed your sarcasm, Kuya!" anitong biglang nangunyapit sa braso ng kapatid. "Did you miss my wit?"
"No. Is there no way you can go, get a taxi?"
"Kuya! Are you saying I'm allowed to sleep with Dave?"
"No!" mariing sagot ni Earl. "Go to your friends. Gumagawa kami ng baby, Elaiza. You should consider that. We need privacy. Should I call a taxi now?"anito ngunit nakayakap ang isang braso sa kapatid. Alam ni Veronica na miss ng mga ito ang isa't isa. Parang hinahalukay ang tiyan niya sa pinag-uusapan ng mga ito. Gumagawa ng baby?
"Oh, Kuya, I don't really mind if you make babies. A lot of babies! You can do whatever you want, hindi ako haharang-harang. My friends don't live close, alam mo yan Kuya. But if I'm allowed to stay with--"
"No DAVE," sabi agad ni Earl.
"Then, there's no other place but here. I already told Veronica and she said yes. Besides, it's just for two days."
Hindi sumagot si Earl kaya siya ang binalingan ng dalaga. "Right, Veronica?"
"Y-Yeah!" dagling sagot niya.
Napatingin si Earl sa kanya parang sinasabing 'Now, that's your fault.' Lihim niyang inirapan ang asawa.
Tila hindi makahinga si Veronica habang nakahiga sa kasama katabi ang asawa. Kahit malaki ang espasyo sa pagitan nila'y hindi pa rin magawang kumalma ng pulso niya. Natetensiyon siya masyado. Lalo pa't naamoy niyang bagong-paligo ito. He smelled fresh.
Wait, wait, wait. Ano'ng nangyayari sa kanya? She hates him.
Hate? Anang isang bahagi ng utak. Okay. Hate is probably too much. Masama lang ang loob niya sa asawa. Masamang-masamang masama.
Then why are you looking at him like he's a god or something?
I'm not!
Oh, yes you are.
No, I'm really not.
Okay, deny it.
Stop it!
"Stop what?" biglang lingon ni Earl sa asawa.
Natampal ni Veronica ang sariling bibig. "W-Wala," dagling sagot niya saka tumalikod dito.
Namayani ulit sa kanila ang katahimikan.
Hindi siya sumagot. Pinakiramdaman niya ang dibdib. Mabilis pa rin ang tahip niyon. Naramdaman niya ang pagpihit nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Gusto na niyang matulog at sana bukas paggising niya paalis na si Elaiza nang hindi na sila magpanggap pa.
Pumihit ulit ito. Tumikhim. Hindi siya gumalaw. Nagpanggap siyang tulog na tulog.
"Veronica?" tawag nito.
"Huh?" Gusto niyang batukan ang sarili. Akala ko ba tulog ako?
"Ah.." anito. Hindi na nagsalita pa.
"What?" aniyang pumihit paharap dito.
"Nothing. Akala ko kasi... Never mind."
"Can I sleep now?" aniyang bakas ang inis sa tinig.
"Sure, sure. Just.."
"Just what?"
"Don't forget to breathe."
Pumihit siya patalikod dito. Wasn't she breathing? Wait... he's watching her breathing?
Kanina pa niya pinagmamasdan ang asawa habang natutulog. There was that aching feeling to get close to her. Kahit anong pilit niyang itanggi sa sarili, nararamdaman iyon ng bawat himaymay ng katawan niya. He just wanted her close, nothing more. Staying out of her way for weeks was a toture. Kinuha niya ang unan sa pagitan nila at maingat na inihulog iyon sa kama.
Just an inch closer... aniya sa sarili at pigil ang hiningang umisod papalapit rito. Naamoy niya ang bango ng buhok nito. He was dying inside to touch her. But he didn't want to make a move that would make her hate him again. No, he had enough of that.
Hindi niya maintindihan ang sariling nararamdaman. Napatitig siya sa katabi na mahimbing na ang tulog. Bigla itong tumagilid paharap sa kanya at napayakap ang isang kamay sa braso niya. Nahigit niya ang sariling hininga nang halos gadangkal ang layo ng mukha nito sa kanya. Hindi siya gumalaw.
That deep longing to touch her was intense. But he restrained himself. Nanantili siyang nakatitig sa magandang mukha ng asawa. She probably have broken too many hearts. And he's one of the unlucky ones. But why does he still wants to get so close to her? Ilang saglit pa'y iginupo na siya ng antok at pagod.
Nagising si Veronica sa mabining dampi ng hangin sa balat niya. It's deliciously warm. Warm... Warm? And it has funny rhythm just like breathing. Breathing?
Ibinuka niya ang namimigat na talukap at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang halos gadangkal lang ang pagitan ng mukha nilang mag-asawa. At isa pang kahindik-hindik, nakayakap sa bewang niya ang braso nito at nakadantay ang paa niya sa hita nito. Ganoon na lang ang pag-atake ng nerbiyos niya. Kaagad niyang binawi ang paang nakadantay dito.
Akmang itutulak niya ng malakas ang katabi nang mapatitig siya sa mukha nito.
Natigilan siya. He still sleeps like a baby. May kung anong kumurot sa puso niya. Unti-unting kumalma ang sarili nang mapagmasdan ang asawa. He looked so peaceful. Wala sa loob na hinaplos niya ang mukha nito. Medyo makapal na ang balbas nito. May kung anong humaplos sa puso niya.
Veronica... anang isip. Ngunit dinama pa rin ng likod ng kamay ang maamong mukha nito. Bigla itong gumalaw. Binawi niya agad ang kamay kasabay no'n ang malakas na pagkabog ng dibdib. Hindi magigising si Earl sa haplos ng kamay niya kundi sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi siya nakakilos nang mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya at ibinaon nito ang ulo sa leeg niya.
Napasinghap siya ng wala sa oras. Tinangka niyang itulak ito dahil sa libu-libong kuryenteng gumapang sa balat niya ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang yakap.
"Earl," aniyang nagpupumilit makawala. There should be no physical contact. She swore to herself what happened that fateful night will be the last. Ngunit bakit hindi niya makontrol ang reaksyon ng sariling katawan?
"Mmm..." tinatamad nitong sagot at mas lalong ibinaon ang ulo sa pagitan ng leeg niya. Pakiramdam niya'y aapuyin siya ng lagnat anumang oras.
"Earl, wake up!" nanggigigil na sabi niya't buong lakas na itinulak ito. Bahagya lang itong natinag. Nakayakap pa rin sa kanya. Hinimas nito ang likod niya pagkatapos biglang natigilan. Kinapa-kapa nito ang katawan niya saka napabalikwas ng bangon. Natampal nito ang sariling noo nang makita ang mukha niya.
"I'm sorry," anitong halos hindi pa maibuka ang mga mata. "I forgot where I was."
Hindi siya sumagot. Dagli niyang inayos ang sarili saka nagsuot ng roba.
"Maghahanda lang ako ng almusal," aniyang hindi ito nilingon. Ngunit natigil siya sa paglalakad nang may maalala at muling lumapit dito at bumulong. "You should eat breakfast."
Napahikab ito saka tumango-tango.
"Greet me good morning and don't forget to kiss me," aniya at tumalikod. Ngunit napatigil siya sa paglalakad nang hilahin nito ang kamay niya.
"Good morning," anito at sinalubong ng labi nito ang labi niya. Huli na para umiwas.
Naging mabuway ang pagtayo niya ngunit maagap siyang sinalo ng bisig ng asawa. Nawalan siya ng lakas na tumutol nang lumalim ang halik nito. She worried about her morning breath because he just tasted so good. So good. Naramdaman niyang may matigas na bagay sa harapan niya.
It took her seconds to realize. Saka bumalik ang sariling huwisyo niya. She promised herself never to allow it to happen again. Ano'ng ginagawa niya?
"Gross!" aniya saka itinulak ito. "I meant goodbye kiss! We only have to kiss when Elaiza's watching!" inis na sabi niyang pilit hininaan ang boses.
Napapikit ito ng mariin na tila ba nagpupumilit na magising. "I thought you meant now."
Pinigilan niya ang sariling magdabog patungo sa banyo.
"Good morning!" masiglang bati ni Elaiza na ikinalingon niya, nakabihis na ito.
"Good morning! Why, you look great!" komento niya sa ayos nito.
"Thanks, Veronica. I need that. I need to look amazing. I have to make a good impression!" excited na sabi nito. "Aren't you working today?" tanong nitong tiningnan ang suot niya. Naka-roba pa rin siya at hindi pa siya naliligo.
"I open the boutique at nine. I still have plenty of time. Sit down," aniyang hinanda ang mesa.
"Is this how you pamper Kuya?" anitong tinulungan siyang maghanda.
Ngumiti lang siya saka itinuon ang pansin sa pinipritong itlog at bacon. I would have if only he wanted to...
"I heard my name."
Nahigit ni Veronica ang hininga nang marinig ang boses ni Earl. Lumingon siya't ngumiti.
"Good morning, b-babe." Parang gusto niyang mabilaukan sa pagkakabigkas no'n. Lalo pa't bahagyang natigilan si Earl at napatitig sa kanya.
Hindi siya nagpahalatang nagulat nang ipinulupot nito ang kamay sa bewang niya sabay dampi ng labi nito sa labi niya. "Good morning, babe."
Instantly, napuno ang baga niya sa bango ng cologne nito. Actually, it's not just cologne. It's a mixture of aftershave, shampoo and soap and that sooo manly scent. Kung hindi pa nito hawak ang bewang niya'y baka natumba na siya sa sobrang panlalambot.
Tumikhim si Elaiza. Saka lang siya natauhan tila bigla.
"Kuya naman, nadi-distract mo si Veronica. Maupo ka nga nang hindi masunog yang niluluto niya."
Ngunit hindi pa rin binibitiwan ni Earl ang bewang niya.
"Jeez, ganyan ba talaga ang mga bagong kasal?" himutok nito. "That's not so you, Kuya," komento ni Elaiza. Napalunok si Veronica. Gusto niyang kutusan si Earl. Baka nahalata na ni Elaiza na masyadong OA ang acting nito.
"And what does that supposed to mean?" ani Earl ngunit nakatingin sa kanya. Muli nitong inilapat ang mga labi sa labi niya. At nawala siya sa sarili ng pansamantala. Saka pinakawalan ang bewang niya. Tinangka nitong kunin ang siyanse sa kamay niya.
"I can handle this, babe. Just sit," aniya kahit nanlalambot ang tuhod. Ngunit nagpumilit itong ituloy ang ginagawa niya.
"I doubt it, Veronica," sabat naman ni Elaiza. "Umupo ka na kasi, Kuya. Para naman kayong hindi magkatabi kagabi."
Naupo si Earl. Sumunod si Veronica at inilapag ang pritong bacon at itlog at ang hinandang French toast at fresh fruits. Ngingiti-ngiti si Elaiza habang nagmamasid sa kanilang dalawa.
"You're not a living dead anymore, Kuya! That's what I wanted to say. Thanks to Veronica," anito habang sumusubo.
Nagkatinginan sila ni Earl. Pagkuwa'y ngumiti ito at pina-ikot ang mga mata. Tila sinasabing napapraning na ang kapatid nito. And suddenly, she felt sixteen once again.
Nang hapong iyon nagulat siya nang biglang dumating si Earl sa boutique. Kaagad siya nitong dinampian ng halik sa labi pagkadating nito. Puno ng pagtataka ang mukha niya.
"This is just for the meantime that Elaiza's in the house."
Napatango siya. "Yeah," aniyang napabuntong-hininga. "What about your work?"
"That can wait."
Bumuka ang labi niya pero hindi niya itinuloy.
"May sasabihin ka?"
Nag-alangan siya pero itinuloy niya ang nasa isip. "Bibisitahin ko sana si Papa ngayon."
"Okay. Let's go."
"Okay?" gulat na tanong niya.
"Yeah," anito sabay tango.
Napatitig siya rito ng wala sa oras.
"Tara na?"
Tumango siya.
"Kelly, I'll go ahead," paalam niya sa assistant na may inaasikasong customer. Ngumiti ito.
It felt weird having Earl around in cozy afternoon like this. Parang gusto niyang bumagal ang takbo ng oras. Kinapa niya ang puso. Hindi ba't masama ang loob niya rito? Lihim siyang napatingin rito. He looked neat without the stubbles and hot with it. Bigla itong sumulyap sa kanya at nagtama ang mga mata nila. Dagli niyang itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Nagwawala na naman ang puso niya.
They stayed a few hours with his father. They began talking about business which bored her. Until they talked about concepts and designs. Earl was an architect and so is his dad. Magkasundo ang dalawa at nagtatawanan pa. Ngayon lang niya nalaman na ito ang nag-design sa condo na pag-aari nito pati ang kabubukas na branch ng 5-star hotel sa Tagaytay. Napatingin siya kay Earl na abala sa paglalahad ng design sa bagong project sa Singapore. She felt happy and proud of how far he had become. Nagawa na nito ang mga bagay na dati'y pangarap lang. Nilingon siya nito habang nagsasalita at hindi niya maiwasang ngumiti. Natigilan ito saglit at gumanti ng ngiti saka ginagap ang kamay niya. Nakita iyon ng Papa niya at kita niya ang lihim na pagngiti nito.
"Thank you. Napasaya mo ang Papa," aniya nang binabaybay nila ang daan pauwi. It's definitely one of the best afternoons of her life. Seeing his dad happy is a big thing.
"I enjoyed it, too," anito.
"Me, too," aniyang napangiti. He smiled back and she felt her heart flutter again. Kaagad siyang umiwas ng tingin. Nahagip ng tingin niya ang mga tuyong bulaklak na nasa backseat.
"What are those for?" kunot-noong tanong niya.
Sinundan nito ang tingin niya pagkuwa'y umiwas ng tingin. "It's nothing."
Nagdududang tiningnan niya ito dahil para itong batang nahuling nang-uumit ng candy. Kinuha niya ang isa.
"Veronica," saway nito. Pinigilan siya nito sa isang kamay pero inabot niya ang bulaklak sa kaliwang kamay.
"These are for me!" bulalas niya nang makita ang dedication card. Panay 'I'm sorry' ang nakalagay sa card. Hindi na ito umimik. Tila may humaplos sa puso niya.
"Why did you let these die without giving them to me?" mahinang tanong niya.
Napabuga ito ng hininga. "You didn't even want to look at me for the past week."
Siya naman ang napipilan. "You could at least put them in a vase."
"I'll remember that."
Pagdating ng bahay ay sumalubong sa kanila ang masarap na amoy galing sa kusina.
"Wow," tanging nasabi niya nang makita si Elaiza na abala sa paghahanda ng hapunan. Napangiti ito nang makita sila.
"I prepared dinner!" masayang sabi nito.
"Tulungan na kita," prisinta niya.
"No, both of you should relax. What do you usually do together?"
"Ha?" muntik na siyang mapa-ubo sa tanong nito. "Well, we like r-reading books together, watch m-movies and.. and cuddle in the sofa," agad na sagot niya.
"Great! Why don't you do that and I'll call you when dinner is ready?"
"I didn't know you know how to cook," ani Earl na nagdududang tiningnan ang kapatid.
"Duh, you were so busy with business you didn't even know I grew up."
"Oh, you did?" anito sa tonong nang-aasar. "That's good news."
"Whatever, Kuya. Veronica, pakiligpit nga ng isang iyan, nasisira ang konsentrasyon ko."
Tuluyan na siyang natawa dahil ginagaya ni Earl ang mukha ng kapatid.
"Veronica..." ungol ni Elaiza na nagpapatulong.
Hinila niya si Earl. "Come on, give her a break," aniyang hindi maiwasang mangiti sa asaran ng magkapatid. Nahigit niya ang hininga nang inilibot ni Earl ang bisig sa bewang niya. Itinukod nito ang baba sa balikat niya sabay bulong, "I don't like movies or reading but cuddling would be fine."
Nanayo ang balahibo sa batok niya nang maramdaman ang init ng hininga nito sa leeg niya. Pinilit niyang itago ang epekto nito sa kanya. Nakatikwas ang kilay nang nilingon niya ito. Subalit hindi nito pinansin ang protesta niya at iginiya siya nito sa living room. Natigilan siya nang makita ang sofa. Pinilit niyang huwag maalala ang nangyari nang hindi maramdaman ang sakit.
"Come," ani Earl na naunang naupo sabay hila sa kanya. Napasubsob tuloy siya sa dibdib nito.
"What do you think you're doing?" pabulong na asik niya.
Niyakap siya nito. "Cuddling?"
"Earl..." protesta niya nang hindi siya makawala sa yakap nito.
"Sshh... I'm trying to erase bad memories here."
Napalunok siya. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya.
"I won't even try to ask for your forgiveness because I know it's unforgivable. I just want you to know that I feel terribly sorry that I hurt you."
Nag-init ang sulok ng mga mata niya at biglang humapdi ang lalamunan. Hindi siya sumagot. Hindi siya tumutol nang ipinaloob siya nito sa bisig nito. Tuluyan na siyang napayakap rito. Kinagat niya ang labi para pigilin ang paangingilid ng luha pero ayaw paawat ng mga iyon.
"I'm so sorry," bulong nito sabay hagod sa likod niya. Napahigpit ang yakap niya rito. His touch soothed her wounded soul. Gusto niyang itanong kung sino si Bianca sa buhay nito pero hindi pa siya handa sa maaaring isagot nito. Sapat na muna sa kanya ang ganito. Matagal silang magkayakap. Kung hindi pa sila tinawag ni Elaiza ay baka buong gabi silang mananatiling magkayakap.
For the first time in their marriage, they had dinner together. Masarap ang ginawang seafood curry ni Elaiza. Puring-puri niya ito habang panay puna naman ang ginawa ni Earl at inasar ang kapatid. Silang dalawa na ang nagligpit ng kusina na para bang palagi nilang ginagawa iyon. Idinalangin niya na sana'y magtagal si Elaiza sa bahay nila. It brings back Earl's cheerfulness, giving her a glimpse of yesterday that she missed so much about him.
"Can we remove this?" tanong ni Earl at itinuro ang unan sa pagitan nila nang makapasok sila ng silid.
Matagal bago siya nakasagot.
"I'm not gonna do anything," mabilis na dagdag nito. Tango ang isinagot niya.
Pareho silang nahiga sa kama.
"Veronica?" tawag nito.
Bumilis ang tahip ng dibdib niya at nilingon ito.
"Is it okay if I hold you close? Kagaya kanina?"
"I.. I guess so," tanging sagot niya.
"Good," anito at kinabig siya nito papalapit sa katawan nito at ikinulong sa mga bisig nito.
For the first time in a along time, she slept with a smile on her face.