Alyson (2023, Present)
Naupo ako sa isang bench. Hinahapo na ako sa kalalakad sa gitna ng abala at mataong distrito.
Being independent is not easy. Undergraduate ako ng college at maagang nagtrabaho. Pero pinaka mahirap talaga na naging sitwasyon ko ay nitong mga nakaraang taon. It's been three years since the pandemic pero heto't naghahanap pa rin ako ng mapapasukan.
Hindi ko nga alam kung anong nangyari, matataas naman ang mga grades ko since elementary. Siguro nga mahina lang talaga akong dumiskarte. Pero, kailangan ko ng swerte ngayon, dahil kapag hindi pa ako nakahanap ng trabaho, wala na akong apartment next month.
Inilapag ko sandali ang hawak kong folder sa upuan sa tabi ko. Hinubad ko ang kaliwang sapatos ko at hinilot-hilot ang mga daliri ko sa paa.
Umihip ang malakas na hangin at nilipad ang mga papeles. Napatayo agad ako. "No!"
Dali-dali kong hinabol ang mga nagliliparang papel. Mabilis at isa-isa kong dinampot ang mga iyon sa bangketa.
"s**t, nasa'n 'yong resume ko?" paulit-ulit kong balasa sa mga papel. Napangiwi ako. "No." Last copy ko ‘yon. Malas. Wala pa naman akong dalang softcopy.
Nakita ko ang isang papel na dumaan sa harap ko habang nililipad ng hangin. Sinundan ko ng tingin hanggang sa sumabit sa sanga ng isang puno. Ikinulong ko sa magkabila kong palad ang mukha ko.
***
Jared
Pinagpag ko ang kanang sleeves ng suot kong white coat. A random idiot bumped me sa coffee shop. This is why I hate walking around on a rush hour. People are so clumsy. Sheesh.
Pabalik na ako ng kotse, dala ang binili kong kape. It will be a long day sa office so I gotta get back asap. Wait, should I fire my secretary? Besides, this was all her fault for coming late.
Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko ang isang babaeng nakatungtong sa ibabaw ng kotse. Magulo ang buhok, balingkinitan, maputi, nakasuot ng formal top at mini skirt. Nilapitan ko sya.
I snapped my finger to get her attention. "Hey! Ikaw, what are you doing?"
Napasapo siya ng dibdib at napalingon siya sa akin. "Nagulat naman ako sa 'yo."
"This is my car.”
"May kinukuha lang po ako." Tinuloy lang nya ang pagsungkit gamit ang piraso ng kahoy.
There's no way she's reaching that, sa pandak nya ba naman.
"Hey, I need to go," kako.
"Wait lang." Patay malisya nya.
"Get off my car. I'm gonna be late."
"Wait lang, Kuya, last na."
Tinanggal niya ang isa niyang sapatos. Idinikit sa mukha nya at inasinta ang sanga na akala mo pepektus.
I’m so confused.
Ibinato nya ang sapatos sa sanga ng puno—Lumipad at sumabit din sa sanga.
Nakatulala lang kaming nakatingala. Parang tanga lang.
Napahilot na lang ako ng sentido. "Nice. Will you please get off my car, now?"
"Tulungan mo na lang ako, kuya. Matangkad ka naman, e. Kapag umalis ka, hindi ko na 'yon makukuha."
"You mean, tutungtong din ako sa kotse ko?"
“Oo, please?”
"Not a chance. Baba."
"Kuya naman, resume ko yon. Kapag hindi ako nakahanap ng trabaho wala na akong apartment next month!"
"Not my problem, miss."
Nagpadyak sya ng isang paa. "Grabe ka naman!" Biglang nag-trigger ang alarm ng kotse ko. Nagulat sya at nadulas.
***
Alyson
Nakapikit ako ng mahigpit nang marinig ko ang boses nya. "Could you please let go of me?"
Napadilat ako. Mabuti na lang at nakasabit ako sa leeg ni kuya. Nakatingin sa amin ang mga dumaraan.
Binitiwan ko siya agad bago napahakbang paatras. "Sorry po!" Nakita ko ang malawak na bahid ng kape sa puting coat na suot niya. "O my God! Sorry po talaga!"
“Nasaktan ka ba?”
“Ho?”
“Sabi ko, nasaktan ka ba?”
“H-Hindi naman po.”
“Good,” sarcastic nyang sabi.
Bigla na lang nahulog mula sa mataas na sanga ng puno ang papel at bumagsak sa ulo nya. Kinuha nya yon at tinignan. Napailing sya bago inabot sa akin ang papel.
Kinuha ko 'yon mula sa kaniya at tinignan. "Ang resu–"
WANTED FULL-TIME TUBERO
09192445667
Look for Bobong
"Luh, hindi ito yung resume ko!"
Pumasok sya ng kotse niya. Ibinaba ang bintana at nagsuot ng sunglasses. "Weirdo," bulong nya bago humarurot paaalis.
“Narinig ko yon!” Nagpamewang lang ako at tumingin sa hawak kong papel. “Sino ba si Bobong?”