Game 2 - Call of Duty

1345 Words
Jared Just arrived in the parking lot. Took my stained coat from the front passenger seat. Pagbukas ko ng pinto ng kotse, nahulog ang isang papel at naapakan ko. Napahinto ako. Dinampot ko ‘yon at tinignan—It's a resume. *** Dumiretso agad ako sa opisina. I Ibinagsak ko sa harap ng computer ang mantsado kong coat bago naupo sa malambot kong upuan. Inilapag ko sa mesa ang resume at sandaling napaisip. I'm looking at her photo. So that's why her face looked so familiar. That girl... It's Alyson Dimaano from high school. Natawa na lang ako habang naaalala sya sa ibabaw ng kotse ko. She looked different. Bigla kong naalala yung pag-angkla nya sa leeg ko, nainis ako bigla. Dalawang katok sa pinto ang agad na nagpabalik ng lumilipad kong diwa, kasunod ng pagpasok ni Nancy, dala ang isang pulang folder. "Good morning, sir. Sorry po, late ako." "Forget about it." Napangiwi siya nang matapunan ng tingin ang coat ko. "S-Sir, what happened to your coat?" "Coffee stain." "Do you want me to bring it to the laundry, sir?" "No. Just leave it there. May kailangan ka ba?" "Dala ko na po 'yong mga bagong character designs na ni-request nyo." Inilahad niya ang pulang folder sa harap ko. "Pirma n'yo na lang po ang kulang." Kinuha ko iyon at isa-isang tinignan. "I told them to use darker colors," iritado kong sabi habang inililipat ang bawat pahina. Napakagat siya ng labi at nagbaba ng tingin. Ibinalik ko sa kanya ang folder. "For revision yan." "Yes, sir." Kinuha niya ang folder at nakayukong tumalikod. "And, Nancy–" Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Sir?" Dinampot ko ang resume sa mula ibabaw ng mesa at iniharap sa kaniya. "Call this girl asap for an interview. I believe nasa area lang sya." "Y-yes, Sir. Anything else po?" Inikot ko ang upuan ko at humarap sa mga building sa labas. "Coffee... black, no sugar." *** Alyson Tuluyan nang nawala ang resume ko. Kanina pa ako paikot-ikot dito. Malas. Pati ang sapatos ko, hindi ko na nakuha sa sanga. Uuwi na sana ako nang makatanggap ako ng tawag mula sa Game Zone–isang game development company. Ang weird lang kasi hindi naman ako nagpasa sa kanila ng resume... well, I don't care. As long as matanggap ako sa trabaho. Kaya naman, nagmamadali na ako. Pagpasok ng building, dumiretso ako sa harap ng elevator at nanalamin sa saradong pinto. Inayos ko ang magulo kong buhok. Bumukas ang pinto at agad akong pumasok. Pinindot ko ang number seven bago huminga ng malalim. Medyo kinakabahan pero kaya ko to. I need to prove myself. Papasara na ang pinto ng elevator nang nagmamadaling humabol ang dalawang lalaki. Nakita ko rin ang pangalan sa ID nila–Cris and Ivan. "I heard ni-reject nya na naman lahat ng designs," bulong ng isa. "Yeah. Mukhang mainit ang ulo," sagot naman ng isa bago pindutin ang number 8. "Sa tingin mo nag-away na naman sila ni Ms. Maricar?" "Siguro." Napatingin sila sa paa ko. Wala akong suot na isang sapatos at ang dumi ng footsock ko. Nginitian ko na lang sila. *** Paglabas ng elevator, sumalubong sa akin ang malawak na hallway, makikita ang mga lumang video game na naka-display sa isang malaking estante, malalaki at makukulay na posters ng mga laro na nakasabit sa mga dingding. Malinis, malamig at amoy matamis. Dumiretso ako sa harap ng saradong pinto. Naririnig kong may nag-uusap sa loob. "Jared, you can't just fire people in the middle of a development." "I didn't fire them, Mr. Yamamoto. They quit." "It's the same thing. Now, where are you going to find good testers? Ayaw na nilang mag-apply sa Game Zone. Alam mo naman ang media, matalas ang pang amoy. It's affecting the company's credentials." Idinikit ko pa ng kaunti ang tainga ko sa pinto. Hindi ko sinasadyang maitulak. Nasubsob ako papasok at napahalik sa sahig. Napalingon silang dalawa sakin. Tumayo ako agad at napaayos ng sarili. "Hello po, good afternoon!" Familiar yung isa sa kanila. Sya yung lalaki kanina sa Makati. Nag-cross arm sya. "Are you really this clumsy?" Napaayos ako ng buhok. "S-Sorry po." Napatingin ang kausap nyang hapon sa paa ko. "What happened to your shoe?" "She threw it away," sagot ng pamilyar na lalaki. "Threw? Like Jose Rizal?" "No, Mr. Yamamoto. Like an idiot." Grabe sya. *** Nakasunod lang ako sa pamilyar na lalaki sa mahabang pasilyo. Nakapamulsa siya habang prenteng naglalakad. Sya yata ang boss dito. "I know you're curious why you're here," bigla niyang sabi. Tumango ako. "Yes, sir." "Just call me J. I found your resume." "Talaga po? S-saan po?" "Not important." Nakasalubong namin ang dalawang babae at agad na binati sya. "Hi, sir!" "Hello po, sir." Parang kinikilig pa silang nagbulungan. Pero hindi niya sila pinansin. Huminto kami sa harap ng coffee vendo. Naghulog siya ng barya at hinintay na magsalin sa paper cup. Nakatayo lang ako sa likod niya. Iniikot ko ang tingin ko sa paligid. "Ikaw ba ang may ari nito?" Tanong ko. Kinuha niya ang kape at humarap sa akin. "No, Ms. Dimaano. Hinihiram lang ng team ang coffee vendo na 'to. It's a vendo-for-a-cause. We had an espresso machine pero this one is special, this sends orphans to school, yung mga batang itinaboy na kahit ng pamilya nila... Plus it dispenses coffee for a cheaper price." Anu raw? "Coffee?" alok niya. "B-Bawal po ako sa kape." "What a shame. We have good coffee here." Naglakad siya ulit at sumunod naman ako. Pumasok kami sa office niya. Ang bango sa office nya. Lumapit siya sa mesa at prenteng naupo sa swivel chair. "Sit down," lahad niya sa palad niya bago humigop ng kape. Naupo rin ako. "Thank you po." Iniikot ko ang paningin ko sa paligid. May mga video game CDs na maayos na nakasalansan sa isang shelf. Malaking flat-screen TV at mga controllers sa mesa. Napansin ko agad ang photo frame ng isang matandang lalaki na nakasabit sa dingding. "Sino po siya, sir?" "Take a guess." "Uh, may ari po ng company?" "No, he was my grandfather." Huminga siya ng malalim. "So, Ms. Dimaano, do you play games?" Napangiwi ako. "Candy Crush po pero mga ilang years na rin yon." Nagkibit-balikat siya. "What did you do nong lockdown?" "Sa bahay lang po." "Malamang, lockdown, e no?" sarkastik nyang sabi. Lumapit sya sa akin at naupo sa table, sa harap ko. Medyo naiilang ako kasi magkalapit kami masyado. Inisa-isa nyang tignan ang mga papeles ko bago inilapag sa mesa. “Kanina sabi mo you’re looking for a job.” “Opo.” “I want you to work as my game tester." "Um, open pa rin po ba yung position kahit wala pa pong experience?” "The other guys can teach you the basics." Hindi ako agad nakasagot. "What's wrong? Hindi mo kaya?" Kinuyom ko ang mga tuhod ko. "I really need this job. Kaya ko po." "Good. You can start your orientation in..." Tumingin sya sa wrist watch nya. "15 minutes." "Mamaya na po agad?" Napatingin ako sa mga paa ko at napakagat ng labi. Umikot siya sa mesa bago kinuha sa ilalim ang isang pares ng tsinelas at iniabot sa akin. "Oh, magpalit ka." Yumuko ako para tanggalin ang nag-iisa kong sapatos. Hindi ko matanggal dahil masikip yung strap. "Sir, about po sa other requirements...” “It’s fine. I-follow up mo na lang whenever you want. Walang HR, kasama sa mga na-layoff, so...” Medyo masikip talaga. “Kailangan mo ng lagare?” “Wait lang po, sir.” Napasapo na siya ng mukha sa tagal. "Oh, my god. Let me!" Sabay luhod sa harap ko. Medyo naasiwa ako kasi naka-mini skirt ako. "N-No, Sir, kaya ko na po ito," sabi ko bago tumayo at tumalikod sa kaniya. Ipinatong ko ang paa kong may sapatos sa silya. Hindi ko naisip na nakatuwad pala ako sa harap niya. Nakatapat sa mukha niya ang puwet ko. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng may dalang red folder. Nagkatinginan kaming tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD