Game 3 - Command & Conquer

1822 Words
Jared Tanaw mula sa balkonahe ng condo ko ang makukulay na ilaw ng mga kalapit na gusali na siyang nagbibigay liwanag sa gabi. Kasama kong umiinom ng beer si Luke. Napakamot siya ng ulo. "'Yong sinasabi mong babaeng bumasted sa 'yo no'ng high school? Tapos you made her your game tester?" Ipinatong ko ang dalawang paa ko sa railing ng balkonahe at sumandal ng prente sa upuan. "Yep." "What were you thinking, dude?" "I wasn't thinking at all," sagot ko sabay tungga sa bote ng beer. "When I saw her name, I just thought I'd do it." "So, ano, gagantihan mo?" Hindi ako sumagot. Tinignan ko lang ang pagsayaw ng likido sa loob ng bote. "Namukhaan ka ba nya?" "Mukhang hindi because of the surgery." "That poor girl." Iling niya sabay tungga sa hawak na bote. "You told me it was a long time ago. Pabayaan mo na 'yong girl." "Bakit? Wala naman akong ginagawa, a.” Dumampot siya ng tsitsirya sa mangkok at ibinato sa ulo ko. "Loko ka, dude. Kapag nasaktan mo 'yong tao." Dumampot din ako at ibinato sa kaniya na mabilis naman niyang nasalag ng braso. Umayos siya ng upo at pinaningkitan ako ng tingin. "O, bakit?" pagtataka ko. "Hindi kaya gusto mo pa rin siya?" Napakunot ako ng noo. "What? Hindi, 'no. I'm way over her." "Sinong niloko mo," ngisi niya bago tumungga sa hawak na beer. "Wait, sinabi mo na ba kay Maricar?" Hindi ako sumagot. Tumayo ako at pumasok sa loob. "Oy!" Binato niya ako ulit ng tsitsirya. *** Alyson Late na ako. Paparating na ang tren pa-south bound. Sobrang sikip. Nagkakatulakan na. Ginigitgit ako ni ateng matangkad na nakaborloloy. Grabe, hanggang dibdib lang nya ako. Dati ba syang poste? Huminto ang tren. Bumukas ang pinto at para syang tutukhangin sa bilis ng karipas papasok sa loob ng tren. No! Nagkagitgitan na. Ang sikip. Sumara ang pinto at naiwan ako ng tren. *** Busy sa office dahil sa papalapit na release ng isa sa mga games. Inagahan ko talaga ang gising. Ewan ko na lang kung ma-late pa ako. Pagdating ko ng terminal, sira yung tren. Pakshet. Nakita ko si Ateng na nakaburloloy, nakasakay ng bus, nakabelat sa akin. Kaasar. Feeling giraffe. *** Paparating na ang tren. Nakipagtitigan muna ako kay ateng matangkad na naka borloloy. Naningkit ang mga mata nya, pero hindi ako nagpatalo. Halos mapikit na ako sa singkit ng tinginan namin. Kung naisahan nya ako kahapon, hindi na ako papayag ngayon, ako naman ang mauuna sa pagpasok sa masikip na tren. *** Isiniksik ko ang sarili ko sa mga nakaharang na pasahero para lang makababa ng MRT. O, my God. I'm so late. Inilabas ko ang card mula sa bulsa ng bag ko at ipinasok sa electronic machine bago ako dali-daling lumabas ng station. Halos tumakbo na ako sa pagmamadali nang maramdaman ko na nagvi-vibrate ang phone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. Dinukot ko iyon at agad na inilapat sa tainga ko. "Hello, Sir J?" "Where are you?" "Malapit na po ako d'yan, sir. Isang block lang." "I need you to do an errand for me." "Po?" "Hindi raw papasok si Nancy. I want you to buy us coffee, nandito yung mga collaborators natin at ilang clients." "Teka, sir. 'Di ba may coffee vendo tayo?" "Sira. Bumili ka na lang, okay?" Tinignan ko sandali ang oras sa phone ko bago ko ibinalik sa tainga ko. I’m running late. “Teka, sir. San po ba may coffee shop dito?" "You figure it out. Twelve cups of coffee. Mine's black, no sugar." Napahinto ako sa paglalakad. "T-Twelve cups of coffee!?" Nalaglag ang panga ko. "Sir naman. Pa'no ko naman po 'yon mabibitbit?" "Kaya mo 'yan. Pretend you're an octopus." Ibinaba niya bigla ang tawag. "W-wait, sir? Sir!" Sinakal ko ang phone ko sa inis. "8 lang kamay ng octopus!" Lumapit sa akin ang isang batang nakasalamin, may hawak na lollipop. “They don’t have kamay. Octopi have tentacles.” Pinaningkitan ko lang sya ng tingin. *** Jared "What's our projection after the next patch?" seryosong tanong ni Mr. Ichiro. "8% percent boost in sales before the school season." "That's too low compared last year–" Napahinto siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Alyson, dala ang isang malaking black plastic bag. Napatingin kaming lahat sa kaniya. Wait, is that a trash bag? "I'm sorry, I'm late." Napasapo sya ng dibdib at naghabol sandali ng hininga. Naglakad siya palapit sa table, inilabas ang maliliit na plastic na may lamang malapot na ewan. Inikutan nya kami at isa-isang sinalinan ang mga basong nasa mesa. Lumapit siya sa akin, kinagat ang plastic para butasan bago isinalin sa baso ko. Pasimple ko syang binulungan. "Ano 'to? Sabi ko kape, hindi goto." "Hindi 'yan goto, Sir. Taho 'yan. Healthy 'yan," bulong niya. "This is an important meeting, Alyson. Papakainin mo kami ng taho?" "E, sir. Ang haba ng pila sa coffee shop. Male-late ako. Tsaka mainit rin naman to at masustansya." "Are you kidding me?" Sumimangot siya. Nakita ko si Mr. Yamamoto na nilalantakan ang taho. Napangiti si Alyson. Tumango-tango ang lahat. Everyone on the table looks satisfied. Nginitian ako ni Alyson. "Kainin mo na 'yang sa 'yo, Sir. Hindi ko pinalagyan ng arnibal 'yan." Napahilot na lang ako ng sentido. *** Nakaupo si Alyson sa harap ko and I can't help but to stare. Hindi ako makapaniwala na hindi ko siya agad nakilala last week. Tinungga niya ang taho sa baso at nasamid. Napangiwi ako. I think I saw some taho came out from her nose. Jeez. I can't even believe na nagkagusto ako sa kanya no'ng high school. Hindi ako makapaniwala na ang babaeng ito ang bumasted sa akin noon. Ibang-iba na ang aura niya. Jesus. What happened to her? I keep getting distracted the entire meeting. "J, please continue the presentation," Mr. Yamamoto said. Tumayo ako at pinindot ang remote ng projector. “This is the revised high-leveled armor–” Lumabas sa screen ang isang female armor—kulay pink—mala bakal na bathing suit. Napasapo ng bibig si Alyson at nagpigil ng tawa. I think may lumabas na namang taho sa ilong nya. This is getting really annoying. Huminto ako sa pagsasalita at nag-cross arm. "Something funny, Ms. Dimaano?" "Po? W-wala po, natawa lang po ako..." "Please, enlighten us," I said, sarcastically. "W-wala po. Pang-swimming po yan, paano naman po yan magiging armor?" "Ms. Dimaano," inis kong tingin sa kanya. "This design is based on what sells." Sumimangot siya. "You see, Ms. Dimaano–" pagtutuloy ko, "Our competitors are way ahead of us this quarter. This is what the world wants, so instead of making fun of what we're doing here, I suggest you take this matter seriously." Hindi siya nagsalita at nagbaba lang ng tingin. *** Alyson Inipit ang boses ko. "So instead of making fun of what we're doing here, I suggest you take this matter seriously. Nyeh. Nyeh," litanya ko sa tabi ng water dispenser. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon. Akala mo kung sino. "O, bakit sambakol 'yang mukha mo?" biglang usap sa akin ng babaeng nakatayo sa harap ng katabing vendo. "Napagalitan ka na naman ni Sir J, 'no?" Nagulat ako nang makita siya. "N-Nancy? A-akala ko hindi ka pumasok?" "Ha? Hindi, a," sabi niya bago naghulog ng barya sa vendo. "Sir J told me na late na akong pumasok today." Naningkit ang mga mata ko. "Sinabi niyang magpa-late ka?" "Yup. Ang weird nga, e. Usually, nagagalit yon 'pag late ako.” Pumipindot sya ng mga buton ng vendo. Nagpilantik siya ng dila at yumuko. "Sino bang nag-unplug nito?" Dinampot nya ang cord sa sahig at isinaksak sa outlet. Umandar ang coffee vendo. Huminga ako ng malalim at nagpigil ng inis. "Akala ko ba sira 'to?" That jerk, sinasadya ba nya akong pahirapan? Nakakahalata na ako, a. "Kumusta naman ba ang first week mo?" tanong ni Nancy na nagpabalik sa lumilipad kong diwa. "Ha? Ah, ayon, namakyaw ako ng taho kanina. Pero seryoso, medyo nagegets ko na yung trabaho ko. Nanonood ako sa YouTube ng videos about games." "Good for you. Alam mo masaya rito sa Game Zone.” “Masaya nga,” pilit ko ngiti sabay bulong. “May kumag lang.” “E, kamusta naman kayo ni Sir Jared?" Di ako makasagot ng diretso. "Medyo okay naman.” "Alam mo, okay naman yan si Sir. Basta seryoso ka sa trabaho, wala kang mistake at you always follow the rules." "So, okay sya, 'pag perfect yung employee?" Natawa si Nancy. "Sa una lang yan. Alam mo, girl, maswerte ka nga, e. Bihira lang ang mga babaeng nakakapasok bilang part ng dev team. 'Yong iba nga, kahit lalaki, kailangan pang dumaan sa butas ng karayom para lang makuha ang posisyon mo rito. Ikaw, hindi na." "Pakiramdam ko kasi pinag-iinitan niya ako." "Mainit lang ang ulo non kasi nitong mga nakaraang buwan, mababa ang sales." "Ganon ba?" "Pagpasensyahan mo na lang. Alam mo na, guwapo kaya may karapatan magsuplado." "Gwapo nga, lagi namang mainit ulo.” "Sinong maliit ang ulo, Ms. Dimaano?" Naibuga ko sa harap ng vendo. Nasa likod na pala si Sir J. Pinunasan ko ng palad yung vendo bago humarap sa kaniya. "S-S-Sir, andyan pala kayo!" "Hi, sir." Ngiti ni Nancy sabay pasimpleng naglakad palayo. Sinitsitan ko siya. "Huy! Nancy! 'Yong kape mo!" sabi ko bago humarap kay Sir J at ngumiti ng peke. "Magkakape ka, Sir?" Hindi siya sumagot. Nagpamulsa lang siya bago tumalikod at naglakad palayo. Salamat naman. "Ms. Dimaano." "Sir!" "Next time, gamitin mo yung lababo, wag ka sa vendo dudura. That's gross." Inirapan ko sya ng patago. *** Jared We had a busy day sa office. The animators just finished uploading the new moveset para sa bawat classes and Alyson has been testing the game. To be honest, Alyson is a very hard-working employee. Mabilis matuto. I wonder why wala syang nahahanap na trabaho before, e ang sipag at magaling sya mag-adjust sa work environment. Inaantay ko si Alyson sa hallway. Nagbanyo sya. I looked at my wrist watch nang lumabas sya ng CR habang kinakalikot ang bag nya. She went past me. Di nya ako napansin. "Ms. Dimaano." "Ay, halimaw!" Balikwas nya sa gulat. Sumambulat ang laman ng bag nya sa sahig. Agad nyang dinampot isa-isa yon. Tumulong rin ako. Inabot ko sa kanya ang isang lipstick, maliit na pills bottle at pakete ng napkin. Mabilis nya yun kinuha at itinago sa bag. Namula ang mukha nya. "Bigla-bigla na lang kayo sir sumusulpot." "I was waiting for you na matapos magpupu." "Hindi ako nagpupu! Nagpalit lang ako ng–" Nagpigil sya ng inis. "May kailangan ka ba, sir?" "I just want to congratulate you sa report kahapon," tapik ko pa sa balikat nya. "Galing." "Thank you, sir, inantay nyo pa talaga ako sa CR para sabihin yan." "Uh, no, Ms. Dimaano. I waited for you kasi magpapasama sana ako." "Ho?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD