Game 4 - Dragon Quest

1365 Words
Alyson Pumasok kami sa loob ng isang video game store, sa loob ng isang mall. Makikita sa paligid ang iba't ibang mga bala ng laro na maayos na nakasalansan sa malalaking estante, mga controllers at iba pang mga gaming gadgets. Tumitingin-tingin lang ako. Lumapit ako sa isang estante at humugot ng isang bala. Final Fantasy XVI P 3,399.00 Napangiwi ako. "s**t. Ang mahal." Ibinalik ko agad 'yon sa lalagyan at umatras. Pagtalikod ko, nasa harap ko na si Sir J. Nabangga ko siya at sandaling nagdikit ang mga katawan namin. Nagulat ako kaya't lumayo ako agad sa kaniya. Pero, bigla niya akong hinawakan sa baywang at hinila palapit sa kaniya. Nagkadikit ang katawan namin habang magkatitigan. Dumaan sa likod ko ang isang lalaking may pasan-pasan na malaking kahon. Pagkalagpas ng lalaki ay agad naman akong pinakawalan ni Sir J mula sa yakap niya. Napaatras ako at napaayos ng buhok. Hindi ko siya matignan ng diretso. "Next time, be aware sa surroundings mo.” Ngumiti lang ako at tumango. Lumapit siya ulit sa akin. Napaatras ako hanggang sa napasandal na ako sa isang estante. Halos mahalikan ko ang leeg nya. May inaabot syang bala sa itaas. Nagpigil ako ng hininga bago dahan-dahang nag-slide palayo. Sandaling nagtama ang mga mata namin. "Bakit namumula ka?" "H-Ho? H-Hindi naman." Iniiwas kong bigla ang tingin ko sa kaniya at pakunyaring dumampot ng kahit anong bala sa estante. Intimate Relationship With My Boss (VR Version) P 1,320.00 "Leche, ano to–" Mabilis ko iyong ibinalik sa lalagyan bago pa makita si sir. Inilahad niya ang dalawang bala sa harap ko. "Aly, anong mas okay?" Call of Duty P 3,520.00 Resident Evil 4: Remake P 3,399.00 "Mahilig po ba sa barilan ang inaanak n'yo?" "Hindi naman. Five years old lang yon, e. Babae." Napakamot ako ng ulo. *** Jared I told Alyson to come with me so she gets the chance to know more about different video game genres–and para inisin ko pa sya lalo. After checking out the video game shop, we went into another store. "What are we doing here, Ms. Dimaano?" Iniharap sa akin ni Aly ang isang manika. Pig Stuffed Toy Description: Nakangiti "What is this?" irita kong tanong. "Stuffed Toy," she smiles. "Alam ko kung ano 'to. I mean, bakit yan?" Dalawang bagay ang ayoko sa mundong ‘to—hospitals and stuffed toys. Nagbuntunghininga siya. "Ano ka ba, sir? Gusto ng mga batang babae ang stuffed toys kasi pwede nilang i-hug sa gabi. Tsaka, sir. Hindi pa dapat naglalaro ng video games ang isang five years old na babae, 'no." Tumango-tango lang ang sales lady na nakasunod sa amin. "Fine," kinuha ko ang baboy sa kamay ni Aly at sinuri ng mabuti. "I don't like its face.” "Ano ka ba? Ang cute kaya niya." "Mabenta po 'yan, Sir," nakangiting sabi ng sales lady. Pinaningkitan ko ng tingin ang nakangiting baboy sa harap ko. "No. I don't like it." Abot ko pabalik kay Aly. "Something's wrong with its nose." Kinuha niya ang baboy sa kamay ko at tinignang maigi. "Wala naman, a?" Natawa ang sales lady. Dumampot si Aly ng isa pang stuffed toy mula sa shelf at inabot sa akin. "Ito na lang, para lagi kang maalala ng inaanak mo." Monkey Stuffed Toy Description: Nakabelat "Niloloko mo ba ako?" Sumimangot siya. "Ang sungit mo naman sir lagi." Dumampot siya ulit sa shelf at itinapat sa akin. "O, ito. I'm sure wala nang something 'yan." Teddy Bear Stuffed Toy Description: Cute, holding a heart I suddenly feel more uncomfortable. Iniiwas ko ang tingin ko sa teddy bear. "Ayoko n'yan.” "Ha? Bakit na naman?" "Basta." "Pero, ang cute nito, a?" "No!" Tabig ko sa stuffed toy at nahulog sa sahig. Napatingin sa amin ang mga tao sa paligid. Nagkatinginan na lang si Aly at ang sales lady. Pinuno ko ng hangin ang baga ko. Dinampot ko ulit 'yong baboy sa shelf. "Ito na lang," sabi ko. *** Alyson Dumiretso agad si Sir J sa cashier dala ang stuffed toy na baboy. Parang diring diri naman syang hawakan yon. Susunod na sana ako nang nginitian ako ng sales lady, "Ang cute nyo maglambingan ng boyfriend nyo, ma'am." "N-nako, h-hindi ko po siya b-boyfriend." "Ay, ganon po ba? Naku, ang gwapo ni sir, bagay kayo." Napangiti ako ng pilit bago agad na sumunod kay sir J sa cashier. Hmm. May itsura naman talaga ang boss ko. Pero wala ang isip ko sa mga bagay na yan. Wala na akong oras sa relasyon. Gusto ko lang ubusin ang oras ko sa trabaho. Pumila kami sa harap ng ginang na may kasamang batang lalaki na naglalaro ng lato-lato. Humarap ang bata sa amin at tinaasan ng isang kilay si Sir Jared bago iwinasiwas ang lato-lato. Hindi sya marunong maglaro. Walang emosyon si Sir Jared na bumulong sakin. "He's not even doing it right." Humarap sya sa bata. "Hey, kid. Lakasan mo," muwestra pa nya. Tumango ang bata at iwinasiwas pa ng mas malakas ang lato-lato. Nabitawan nya ang laruan at sumalpok sa mukha ni Sir Jared. Napasapo sya ng ilong. Nagulat ako. "O-Okay ka lang, sir?" "I'm good," aniya sabay alis ng kamay sa ilong at ngumiti. "See?" May gumuhit na dugo palabas ng ilong nya. Napangiwi ako. "M-May dugo, sir." "Damn it." Bumunot sya ng panyo sa bulsa, sumama ang isang card at nahulog sa sahig. Dali-dali akong yumuko at dinampot 'yon. Hindi ko sinasadyang mabasa ang pangalan sa card. “JARED E. CRUZ” Iniabot ko sa kanya ang card at kinuha naman niya iyon. "'Jared Cruz' pala ang full name mo, sir." Inabot nya ang card sa cashier habang nakadampi ang panyo sa ilong. "Yes... Ring a bell?" "Parang may kilala kasi akong 'Jared Cruz'." Nagtaas siya ng isang kilay. "Really?" "Oo. Pero, matagal na. High school pa." "Interesting. Baka ako 'yon." "Uhm, hindi mo sya kamukha, sir." Kinuha niya ang card at ang stuffed toy mula sa cashier bago humarap ulit sa akin. Tinanggal nya ang panyo sa ilong at ngumiti. "How's my nose?" May tumulo ulit na dugo. *** Jared Nagda-drive ako. Medyo ma-traffic sa C5, katabi ko si Aly sa driver’s seat. She's quiet, looking outside the window. I looked at the paper bag from the rear view mirror–the stuffed toy pig. I'm sure there’s something wrong with its nose. Pinisil-pisil ko ang ilong ko. Now pati ilong ko masakit na rin. "So, paano kayo nagkakilala?" I suddenly asked. "Nino?" "Kayo ni 'Jared from high school'." "Bakit bigla kayong naging interested?" "Kapag sinabi ko sa 'yong may kaklase rin akong Alyson Dimaano no'ng high school, hindi ka ba maku-curious?" "Sabagay... Nakikita ko na siya sa school. Hindi naman kasi gano'n kalaki ang campus namin kaya halos pamilyar na lahat ng estudyante sa bawat isa..." Nahuhuli ko ang sarili ko na nakangiti. I hate it. Hinihimas nya ang mga braso nya. "Sir, pwede po ba hinaan yung aircon?" She's wearing a sleeveless top. Hindi ko sya pinansin. Tumingin lang sya ulit sa labas. She looks tired. After a while. I see Aly leaning her head at the window–tulog na sya. She covered herself using a really small handkerchief, as if naman matatakpan non ang mga braso nya sa liit. Sus. Huminga lang ako ng malalim bago hininaan ang aircon. *** Alyson Dimaano Santa Fe, National High School August 16, 2002 (20 years ago) Tanghaling tapat. Tirik ang araw. Hindi man lang gumagalaw ang mga sanga ng mga puno sa paligid dahil sa kawalan ng hangin. Nasa ROTC class ang buong section namin. Nasa quadrangle ang lahat habang naka push-up position. Init. Pawis. Pagod. Hindi ko na nabilang kung nakakailang push-up na kami. Wala na akong ibang naririnig kundi ang sigaw ng commanding officer. "Up!" Matikas na naglalakad paikot sa amin. "Down!" malakas ang boses at puno ng awtoridad. "Dimaano! I said down!" Nanginginig na ako braso ko. Hindi na halos ako makapagsalita sa sobrang sakit at ngalay. "Dimaano!" Nanlalambot na ang buo kong katawan sa pagod. Mahigpit na lang na nakapikit ang mga mata ko habang pilit na hinahabol ang hininga... Hindi ko na talaga kaya. Naramdaman ko na lang na bumagsak na pala ang buo kong katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD