Episode 12

1943 Words
// Isang linggo nalang at tapos na ang 1st semester,  kung minsan ay nangungulit pa din si Jessie kay Scarlet, ngunit hindi naman ito pinapansin ni Scarlet. At naging kalmado din naman ang sitwasyon sa pagitan ni Jessie at Matthew. Marahil ay sa tuwing nakikita ni Scarlet na magtatagpo ang landas ng dalawa ay mabilis nyang niyaya si Matthew na sumakay na sa kotse at umalis na kaagad. Kung kaya't hindi pa nagkaroon ng pagkakataon na magkaharap ang dalawang lalaki. Si Jona naman na bestfriend ni Scarlet ay bihira nyang makita, at kung minsan ay nagkakasabay lang sila sa library, Dahil magkaiba sila ng kurso na kinukuha kaya't bihira din magkrus ang landas nila. At dahil hindi nga ugali ni Scarlet ang kwento ng mga nagyayari sa buhay nya, kahit pa sa kaibigan nya ay hindi pa nagkaroon ng pagkakataon na ikwento ang tungkol kay Matthew.// //Scarlet's POV// Jona!! kamusta ka na girl? namimiss na kita, halos hindi na tayo nagkakasama. Pero malapit na ang break, siguro kahit paano ay magkakaroon na tayo ng chance mag bonding. Oo nga pala this semestral break kailangan namin ng dagdag na part timer sa store at nirecommend kita kay ma'am Dianne. Willing ka pa ba magwork? Jona:     Alam mo girl hulog ka talaga ng langit sakin, kasi nagsisimula na talaga ako maghanap ng part time Job. Dahil kinakapos na kame girl at kung hindi pa ako magwork para suportahan ang sarili ko, malamang papatigilin na ako ng Nanay ko mag-aral. Kaya girl maraming salamat at sobra din talaga kitang namiss. Pasensya ka na kung hindi kita napapasyalan sa store dahil, wala na akong dormitory. umuuwi ako araw araw girl, at sobrang nakakapagod ang byahe kaya di ko maaksaya ang oras ko. Dahil pag-uwi ay mag-aaral pa ako. Mabuti nalang talaga at hindi mo dinadanas ang dinadanas ko.  Saturday ngayon girl at wala ako trabaho sa store. mas okay siguro kung magkita tayo mamaya at sabay tayong umuwi. At may ipapakilala pala ako sayo. magkita tayo ng 3;30 sa entrance ng campus. di ba 3PM din tapos ng klase mo? Jona:     Oo girl, cge magkita tayo ng 3:30 at mahabang lakarin talaga bago makarating sa gate ng eskwelahan na ito. Pero teka sinong ipapakilala mo? May boyfriend ka na girl? Aba aba teka, nakakapagtampo ata at hidi mo manlang nabanggit sakin kahit sa text lang girl. I hate you! Loka! Hindi ko boyfriend yun, magkaibigan lang kame at hindi sya dito nag-aaral. pumupunta lang sya para sabayan ako kapag pumapasok ako sa store galing dito sa school at nagkataon lang din na katabing unit ni ma'am Dianne ang unit ng apartment nya. Kaya madalas ay dinadaanan nya ako sa store para sabay na kame umuwi. Jona:     Ay grabeng kaibigan naman yan! nakakaintriga ha, kailangan ko talaga yan makilala girl. ako ang huhusga kung talagang magkaibigan lang kayo o may mas malalim pa kayong ugnayan! hahahahaha... Ewan ko sayo! oh sige na magkita tayo mamaya at sabay tayong uuwi. Mamaya at makikilala mo din sya. ------- // Malayo pa ay natanaw na ni Scarlet si Matthew at may kasama itong isa pang lalaki.  At sa isip nya ay tila pamilyar ang lalaking ito, sa kanyang likuran naman ay patakbong lumapit si Jona sa kanya at tinatawag sya.// Jona:     Scarlet!!! Ano ka ba girl halos iluwa ko na ang tonsil ko, hindi mo manlang ako nilingon. Asan ba yag tinatanaw mo na yan, at talagang di mo ako tinapunan ng atensyon mo! Hindi naman girl, kinikilala ko lang kasi kung sino yung kasama ni Matthew. Ngayon lang kasi sya nagsama ng kaibigan nya dito. Jona:     Matthew?? Teka pamilyar ang pangalan nya girl.. Sya ba yung Boyfriend mo? Boyfriend ka dyan?! baka may makadinig sayo girl, sabihin assuming ako! Jona:     oh eh ano naman sa kanila? Boyfriend as in Boy na friend! Pinaigsi ko lang naman, issue agad sa kanila! eh ano naman kung magka boyfriend ka? pakialam ba nila? Tumahimik ka na girl dinig ka na ng lahat ng tao sa paligid! Matthew:     Oo nga naman, ano bang masama kung maging boyfriend mo ako?  Hi Jona, kamusta ka na? Jona:     OMG! Matthew as in Matthew na poging nakilala namin noong birthday party ni Cristy? Right? Matthew:     Yah ako nga, and remember Gerald? Mabuti ka pa naalala mo ako kaagad, yung isa dyan umabot pa ng 2months bago ako naalala. Jona:    Don't tell me matagal na kayong nagkikita? Never nakwento ni Scarlet! Girl I hate you na talaga! Kung hindi pa talaga tayo sabay uuwi ngayon, mukang wala ka planong ikwento sakin ang tungkol sa inyo ni Matthew mo! (pabulong) Girl, kumalma ka! anong Matthew ko? mahiya ka naman girl baka kung anong isipin sakin ni Matthew. By the way Hi Gerald, kamusta ka na? Ngayong lang kita nakitang kasama ni Matt. Si Jona, anyways kilala nyo na nga pala sya. ahmmm Matt, dadaan lang ako sa apartment tapos sabay na kame uuwi ni Jona. Matthew:     Okay! Sakay na kayo at samahan namin kayo sa apartment. Sa unahan ka na maupo Scarlet at okay lang yan si Gerald. Timing din at kasama mo uuwi si Jona. may makakausap sya habang nabyahe tayo pauwi sa inyo.     Ha?!?! Anong pauwi samin? Hanggang sa sakayan lang kame ng bus, at magkasabma naman kame ni Jona.  Matthew:     No, ihahatid namin kayo hanggag sa bahay nyo. Kaya ko isinama si Gerald, para may kasama ako pabalik ng Manila. Dahil alam kong hindi ka papayag na ihatid kita kung mag-isa lang ako babalik. Wag ka na kumontra dahil ihahatid lang talaga namin kayo at aalis din kame kaagad. okay? Jona:     Girl, pumayag ka na. Minsan lang ako makakasakay sa magarang kotse at makabyahe pauwi ng libre. Salamat sa Boyfriend mo! este sa boy na friend mo sa super thoughtful. Thank you talaga Matthew. And Gerald. Okay ano pa bang laban ko? oh cge kukunin ko lang ang gamit ko, wag na kayong bumaba. Matt ako nalang magaan lang ang bag ko, damit ko lang ang laman nun walang cabinet. kaya magstay ka na lang kasama nila. mabilis lang ako. //Wala ng nasabi si Matthew at bumaba ng mabilis si Scarlet at hindi din naman nagtagal ay bumalik sya kaagad. At nagpatuloy sila magbyahe habang nagkukwentuhan ng mga nangyari sa kanila buong semester,  at kung kailan at saan nagsimula ang frienship ni Matthew at Scarlet. At di naman nagtagal, dahil parehong comedian ang character ni Gerald at Jona at nagkasundo din ang dalawa. Halo halo man ang naging tema ng kwentuhan nila ay naenjoy nila ang byahe at halos hindi nila namalayan na malapit na sila sa lugar na inuuwian ni Scarlet at Jona.// Matt, maraming salamat sa paghatid sa amin. At sayo din Gerald Salamat kasi may makakasama si Matthew pabalik sa apatrment. Mag-iingat kayo sa byahe ha, at please Matt hinay hinay ang pagmamaneho. Tawagan  mo ako kapag nakabalik na kayo ng manila. Matthew:     I will sweetheart! See pare super concerned sakin si Scarlet. See you on monday and ngayon palang iinvite na kita for dinner. And be ready coz I will tell you something. Goodnight and get some rest after magdinner. Bye! (I smiled) Sige na at gagabihin na kayo. Kung anu ano pa sinasabi mo. mag-ingat kayo ha. Bye! Jona:     Girl, may friend bang sweetheart ang tawag sayo? infairness di ka nagapila?! Ano girl feel na feel lang? napakaswwet naman ng Matthew mo girl, imagine araw araw hatid sundo ka kahit na sa ibang school sya nag-aaral. At hindi lang yun mukang mayaman sya girl. Kanya ba yung building na inuuwian mo?    Ha? Bakit mo naman naisip yun? Jona:     Aba girl alam mo, kung di ka lang nanguguna lagi sa academics. iisspin ko talagang mahina ang utak mo! Matthew Andrada? Andrada Apartment Bldg.? Ano yan nagkataon lang? ( Napaisip ako talaga) Hindi ko napansin ang bagay na yun. Never ko din naisip na si Matthew ang may-ari ng building na inuuwian ko. Hanggang makarating sa bahay ay tila natulala na ako at lumutang na sa kawalan ang isip ko. Jona:     Girl, okay ka lang?  natulala ka na. Nandito na tayo sa bahay nyo at maiwan na kita, dederetso na ako ng uwi at bka nagaantay na din sakin sila Nanay. At kailangan ko ibalita sa kanila na magtatrabaho na din ako. Kaya di ko na kailangan tumigil sa pag-aaral at hahanap nalang ako kahit na bedspace nalang para may mauwian lang ako ng weekdays. Bye girl at huwag mo masyadong isipin yan, wala naman masama kung si Matthew nga may-ari ng building na yun nho! Mommy Daddy, nandito na po ako.(na halos walang energy ang boses ko) Mommy:     Anak, pagod na pagod ka ata at parang wala ka ng energy, masama ba ang pkiramdam mo? kumain ka na at uminom ng gamot bago magpahinga. Opo mommy, magpapalit lang po ako ng damit bago po tayo kumain. okay lang po ako napagod lang po siguro ako sa byahe. Nasaan po pala si Janna at James? Kumain na po ba sila? may pasalubog po ako tsokolate binili ko sa store. Nagpapahinga na po ba si daddy? Mommy:     Kumain na kameng lahat, tatawagin ko mga kapatid mo. magpalit ka na at ipaghahain kita ng pagkain mo. bumaba ka agad ha. //Tuwang tuwa ang mga kapatid ko sa simpleng pasalubong ko. kaya naman hindi ako umuuwi ng walang maiaabot sa dalawang iyon. bihira din kasi ako makauwi dahil kapag nappagod at natatambakan ako ng gawain sa eskwelahan ay sa apartment ako nagpapalipas ng weekends. minsan ay inaabot ng 2weeks o 3 weeks bago ako makauwi kaya naman excited sila parati tuwing may pagkakataon akong makauwi. Matapos ko magdinner ay umakyat na ako sa kwarto ko. Iniisip ko pa din ang sinabi ni Jona. Paano kung sila Matthew nga ang may-ari ng building? Ibig sabihin posibleng parents nya ang boss namin. At posible din na si matagal ng magkakilala si Ms. Dianne at Matthew. Possible kayang si Matthew ang nag accept ng application ko? Sya din kaya ang boss na nagpalagay ng gamit sa room ko sa apartment ni Ms. Dianne? Sya kaya ang dahilan kung bakit naging magaan ang lahat para sa akin simula ng magtrabaho ako sa store?// Scarlet wag ka gumawa ng sarili mong conclusion, posible ding nagkataon lang na kaapelido ni Matthew ang may-ari ng building na boss namin ni Ms. Dianne. Sino ba naman ako para mabigyan ng extra ordinary treatment, di ba? Pwede din naman ako magtanong kay Ms. Dianne o kay Matthew? o huwag nalang, dahil ano naman idadahilan ko para magtanong, di ba? OMG! naguguluhan na ang utak ko. Pero paano kung tama ang naisip ni Jona? Paano ko pasasalamatan si Matthew at paano ako hihingi ng sorry sa mga abala at problemang naibigay ko sa kanya. Nakakahiya!!  Paano ba ako makakatulog nito? Teka anong oras na ba? 1:00AM? Nasaan ba ang cellphone ko? Hindi pa tumawag o nagmessage si Matthew kung nakabalik na ba sila na manila o kug nakauwi na sya sa apartment. Sabagay baka nagkawilihan na din sila ni Gerald kaya nalimutan nya na ako sabihan. Kahit na ito ang unang pagkakataon na di nya ginawa ang bilin ko. Wala naman sigurong dahilan para mag-alala ako. matutulog na nga ako at isang araw lang mailalaan ko para makasama ang pamilya ko. Kaya dapat maaga ako magising mamaya at ipagluto ko sila ulit ng masarap.// (Nagmessage pa din ako kay Matthew) Good night Matt. Let me know if nakauwi ka ng maayos kapag nabasa mo ang message ko. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Writer's Note:  Naniniwala ba kayo sa kasabihang malas ang number 13? Well, depende naman sa atin kung naniniwala tayo o hindi. Maaring may koneksyon at maaring nagkataon lang.. Ang mahalaga kahit anong sitwasyon, kailangan nating harapin.. Enjoy Reading!!   =Gemini=
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD