Episode 11

2061 Words
/// Jessie's POV/// Jessie:     Guys kailangan ko malaman kung sino ang nasa likod ng pagpapabugbog sakin! hindi ako papayag na hindi ako makaganti. Isa lang naiisip kong paraan. Kung ang pakay nila ay patigilin ako sa paglapit kay Scarlet, ibig sabihin si Scarlet ang kailangan natin manmanan. Kung sino ang umaaligid sa kanya. Kung ayaw n'yang maging sakin si Scarlet, lalong hindi ako papayag na mapunta sa kanya si Scarlet. Gusto kong imonitor n'yo si Scarlet. Wala pang nakatangging babae sakin. kaya hindi ako papayag na hindi mahulog sakin si Ms. Beautiful!! //Si Jessie Cruz, leader ng isang grupo ng mga pasaway na kalalakihang estudyante sa university. Nagmula din sya ng isang mayamang pamilya at kilala na isa ang magulang nya sa nagbibigay ng sponsorship sa university. At higit sa lahat Kilala sya na kapag may natipuhan ay di sya tumitigil hanggat hindi nya nakukuha. Kilala sya dahil hindi sya lumalakad sa loob ng campus ng mag-isa. Kundi palagi n'ya kabuntot ang kanyang mga alipores. Kilala din sya ng mga kababaehan ng campus, dahil hindi naman makakaila na may kagwapuhan din s'ya. ngunit may pagkapasaway. Hindi naman sya bully sa Campus kundi may kahambugan lang dahil nga marami din namang kinikilig kapag pumoporma sya. Playboy? Yes! iyon ang tamang description para kay Jessie. // Boss! Nakita naming may sumusundo kay Ms. Scarlet tuwing hapon. at nalaman din namin na nagtatrabaho si Ms. Scarlet sa convenient store malapit dito sa campus. Jessie:     What?!? Sino ang sumusundo kay Scarlet? Bakit sya nagtatrabaho? At bakit sya sinusundo? Boyfriend ba ni Scarlet? anong itsura? Boss, iyon palang ang nalaman namin sa kanya. Wag ka mag-alala at aalamin namin ang lahat ng gusto mo malaman. Jessie:     Wala kayong mga silbi. Nakita nyo na hindi nyo pa sinundan at inalam kung sino ang kumag na yun! Sa palagay nain boss, posibleng may kinalaman ang lalaking yun sa pagkakabugbog sayo. kasi mukang bigtime at gwapo din boss. parang ikaw din! Jessie:     Manahimik ka nga! Ang kailangan ko malaman ay kung sino sya at kung dito din sya nagaaral. At kung sya nga ang may kinalaman sa nangyari sakin. Di ko sya palalagpasin, ipapakita ko sa kanya na ako ang bagay kay Scarlet! ------- Hi Ms. Beautiful! Hindi ko inaasahan na nagtatrabaho ka pala dito. kung nalaman ko lang ng mas maaga edi sana araw araw kitang ihahatid papasok sa trabaho mo. Actually, pwede kang hindi magtrabaho dahil kaya kong ibigay ang mga kailangan mo. Scarlet:    (kahit nakakainis ang lalaking ito)  Welcome po Sir! Sabihin mo lang sakin kung ayaw mo ng magtrabaho dito Ms. Beautiful at ako ng bahalang sumuporta sa iyo. Scarlet:     Ah Sir, kung wala po kayong bibilihin ay pwede na po kayong lumabas. Para hindi po kayo makaabala sa ibang costumer. Medyo marami po kasi kayong nakatambay sa loob ng store at may mga costumer pong hindi makapamili ng bibilihin nila ng komportable! Medyo mataray din pala ang aking Ms. Beautiful! Magkano ba ang laman ng store na ito at babayaran ko? Matthew:     Scarlet!! Scarlet:     Matthew! (napalabas ako sa counter for cashier at mabilis kong nahila sa braso si matthew) Ah Matthew hayaan mo na sila, aalis na din naman ang mga yan! Naghahanap lang sila ng mapagtitripan! Ah Ms. Beautiful, hindi ako naghahanap ng mapagtitripan, ikaw talaga ang pakay ko dito. Dahil girlfriend ang hanap ko! //Blag!! Hindi na nakapagpigil si matthew at inundayan ng suntok si Jessie na ikinatumba nya. Ngunit sabay sabay naman umalalay ang mga alipores ni Jessie sa kanya, at nagpumiglas ito sa sobrang inis. Dahil mabilis na nakatakbo si Scarlet sa harapan ni Matthew at inawat ng akmang susuntukin nya ulit si Jessie.// Scarlet:     Pwede bang umalis na kayo at kung gulo lang ang idinayo nyo dito ay wag na kayong babalik! Please lang! And Matthew please calm down, hindi mo sila kailangang patulan at kaya ko din naman protektahan ang sarili ko.  //Mabigat ang loob ni Jessie na umalis sa store kasama ng grupo nya. Hindi nya kasi nagawang gumanti kay Matthew dahil sa mabilis na pagharang ni Scarlet sa harapan ni Matthew matapos syang suntukin.// Jessie:     May araw sakin ang lalaking iyom. Ngayon ay killa ko na ang itsura ng kalaban ko. Malas lang nya kapag nagsalubong ang landas namin. Hinding hindi na sya makakatakas pa sakin! Oo boss, hindi maaring hindi tayo makakaganti sa mayabang na yun. Hindi kame papayag boss na masaktan ka ulit. Jessie:     Bwiset kayo!! wala manlang kayong nagawa! mga wala kayong silbi. Puro kayo bunganga at kayabangan! Sorry boss baka kasi magulo ang store kung magrambol tayo dun! Inalala lang namin si Ms. Scarlet baka mapahamak sya. Jessie:     Mga tanga! Wala akong pakialam kung masira o masag lahat ng nasa loob ng tindahan na yun. kaya kong bayaran yun. kung sana manlang ay nasaktan nyo ang lalaking mayabang na yun! ------ Matthew:     Sorry Scarlet, hindi ko lang napigilan dahil niyayabangan ka ng lalaking yun! Paano pala kung hindi pa ako dumating, baka kung ano pang pambabastos ang nadinig mo sa kanya. Scarlet:    Hayyyy... Matthew salamat kasi alam kong ginawa mo yun dahil sakin. Pero paano kung napagtulunga ka ng barkada ni Jessie? at nasa loob pa naman kayo ng store. Paano kung nasaktan ka? palagay mo ba maaawat ko lahat yun? Isa pa paano kung nakasira kayo dito sa store dahil sakin? Siguradong magagalit na sakin si Ma'am Diaane at hindi ko alam gagawin ko kapag nawalan ako ng trabaho. Bukod dun baka palayasin na din ako ni Ma'am sa unit nya.  Matthew:     Huwag ka mag-alala at hindi mangyayari yun. Ang mahalaga sakin ay walang kahit na sinung lalaki ang maaring lumapit sayo, lalo na kung babastusin ka lang. Isa pa kung palayasin ka ni Ms. Dianne, welcome ka sa unit ko! Scarlet:     What? Okay ka lang ba? Palagay mo titira ako kasama mo? At kung palayasin ako sa trabaho ko, anong magagawa mo at parang sigurado ka na hindi ako masisisante? Matthew:     Ha? ah eh wala namang nasira kaya hindi ka siguro papaalisin ng boss mo. at kung nakasira naman ako dito, pwede naman ako magbayad dahil kame naman ang dahilan. Kaya huwag ka na mag-alala.. at sabay na ulit tayo umuwi dahil ba ka abangan ka pa ng hambog na lalaking yun! Scarlet:     (naiinis) Malalakas ang loob nyo kasi siguro mayayaman ang magulang nyo at kaya itolerate mga kalokohan nyo. Kung ituring nyo ang pera parang bale wala lang sa inyo. Swerte kayo kaya wag nyo abusuhin ang meron kayo. Hindi lahat ng tao katulad nyo. Mauna ka na Matthew, uuwi nalang ako magisa. At kung pwede lang wag mo na ako puntahan palagi, mapapahamak ka lang ng dahil sa akin. Matthew:     No way! Aantayin kita at sabay tayong uuwi. Sorry if na-offend kita, hindi ko intensyon yun. Gusto ko lang sabihin sayo na wala kang ginawang mali at di mo kailangan akuin ang kasalanan ng ibang tao. I'm sorry Scarlet. Huwag ka na magalit, hindi ako makakatulog kapag nagalit ka sakin. At hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama. Scarlet:     Ikaw ang bahala! (bumalik ako sa counter) (in my mind) Mabuti nalang at wala si Ma'am Dianne ngayon, pero sigurado ako malalaman nya din ang nangyari. Mas okay siguro kung ako na mismo magsabi sa kanya mamaya sa bahay. Sana naman di nya ako sisantehin. //At sabay nga na umuwi sa ng apartment si Matthew at Scarlet. Hindi na din sinubukang ayain ni Matthew si Scarlet na magdinner dahil alam nya na hindi maganda ang mood nito at sure sya na tatanggi ito sa kanya. Kaya minabuti na din nyang dumaretso ng uwi pagkatapos ng trabaho ni Scarlet sa store. Ngunit bago pa man sila umuwi ay nagpadeliver ng mga pagkain si Matthew sa  unit ni Ms. Dianne at tinawagan nya ito para sabihin ang nangyari sa store at sinabi nya din na may mga pagkain syang ipinadeliver sa unit, upang ireceive ni Ms. Dianne.// Matthew:     Pumasok ka na sa loob at kumain ka bago ka magpahinga. Scarlet:     Thank you Matthew. Pasensya ka na sa nangyari at nadamay ka pa tuloy. Matthew:     Wala yun at kung tungkol sayo handa naman ako madamay ( I smiled ) Scarlet: Nakakangiti ka pa talaga, samatalang hanggang ngayon kinakabahan pa din ako. Iniisip ko palang na mapagtutulungan ka ng mga pasaway na lalaking yun, di ko na alam ang gagawin ko. Matthew:     Ibig sabihin nag-aalala ka pala sakin? You mean you like me too? Scarlet:     Hello.. Like agad? Di ba pwedeng nag-aalala lang ako kasi baka masaktan ang kaibigan ko? alam mo namang ikaw lang ang nakakausap ko dito na komportable ako. Tapos ngayon karamay pa kita sa gulo ng buhay ko. Matthew:      Okay fine! Just friend! Don't worry I will make you like me or even love me back. Promise.. Scarlet:     okay good night na, puro ka kalokohan. Salamat ulit. Matthew:     Good night sweetheart! Scarlet:      Hahaha.. ang corny mo! ( Sabay takbo papasok ng unit) ------ Scarlet:     Good evening Ma'am Dianne! Busy po ba kayo? May gusto mo sana akong sabihin sa inyo. Manager:     Sure! Pero bago tayo mag-usap kumain ka muna, dahil may nagpadeliver ng pagkain mo dito. Galing daw lahat iyan kay Mr. Matthew Andrada!! Anong meron sa inyo dear? Scarlet:     Ha? magkaibigan lang po kame ma'am. Pasensya na po kayo at naabala pa po tuloy kayo. (In my mind) ano ba naman tong si Matthew at seryoso atang pakiligin ako. kaso sya kaya may pagkain na. ano kayang kakainin nya? ang dami ng pagkain nito, mukang plano nya ako patabain. Manager:     Dear, kumain na tayo at sasaluhan kita, sa dami ng pagkain na yan baka sumabog ka! hahaha... Scarlet:     Yes ma'am saluhan nyo po ako at hindi ko po ito kayang ubusin at sure po ako na para po talaga sa atin ito. dahil nabanggit ko po kay Matthew na unit nyo po ito at nakikitira lang ako. Manager: I know! Hindi mo ba sya gustong imbitahan kumain kasabay natin? Nasa kabilang unit lang naman sya. Baka gusto mo sya imbitahin? Scarlet:     Ah Ma'am nakakahiya po sa inyo, hindi ko po magagawa magpapasok ng ibang tao sa unit nyo po. Kaya wag nalang po. (in my mind) pero sana may pagkain din sya. Manager:     Pero nakikita ko sayo na nag-aalala ka. Sige na at nandito naman ako. katukin mo na sya sa kabilang unit at imbitahang kumain kasalo natin. Isa pa sa kanya nanggaling lahat ng ito, at hindi din natin ito kakayaning ubusin,  Scarlet:     Kung okay lang po sa inyo ma'am. tatawagin ko po si Matt. Salamat po. knock knock knock Matthew:     Oh ikaw pala Scarlet! May problema ba? Anong nangyari? Scarlet:      Ahhhmmm wala namang problema. Gusto ko lang magpasalamat sayo, dahil nagawa mo pa talagang padalahan ako ng pagkain kahit na medyo nainis ako sayo kanina. At saka bka gutom ka din. Pinayagan ako ni Ma'am Dianne na imbitahan ka kumain sa unit nya. Tutal sayo naman nanggaling lahat ng food at sobra pa iyon kung pagsasaluhan natin. Pero kung busy ka okay lang aman. (sabay talikod) Matthew:     (hinawakan ko agad sa braso si Scarlet) Oh bakit ka tatalikod? Hindi ako busy at salamat sa pagimbita. Sige sasama ako at para makausap ko na din si Ms. Dianne at makapagpasalamat sa kanya. //Matapos nila kumain at nag alok si ma'am Dianne na uminom ng tea. Upang makapagkwentuhan na din. At ikinuwento na ni Scarlet at Matthew kay Ms. Dianne ang nangyari sa store. At nakinig at nagkomento naman si Ms. Dianne na para bang hindi pa talaga nya alam ang nagyari, kahit na nasabi na ito ni Matthew bago pa man sila umuwi mula sa store.// Manager:     Okay, unang pagkakataon palang naman ito na mangyari sa store and hopefully hindi na maulit. At huwag ka mag-alala Scarlet dear at palalagpasin ko ang pangyayaring ito. Just keep your Job and since student pa kayong dalawa, gusto ko na manatili lang muna kayong magkaibigan at parehong mag focus sa pag-aaral nyo. And Matthew right? Okay lang na ihatid sundo mo si Scarlet, no more no less and only friendship for now habang hindi kayo nakakatapos sa pag-aaral. Dahil bilang ako ang nakakatada at kasama ni Scarlet sa bahay, ay resposibilidad ko din ano man ang mangyari sa kanya. Kaya mag-ingat kayo pareho at please umiwas kayo sa kahit anong klase ng issue or away. Clear ba tayo? (Sabay namang sumagot si Matthew at Scarlet) Clear po ma'am. Thank you so much! (nagkatinginan at sabay sabay silang nag-tawanan) /////
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD