/// POV's ///
I hugged Matthew as soon as I entered his Hospital room. Matthew thank you at nagbalik ka sa amin. Hindi ko talaga alam paano haharapin ang parents mo sa kabilang buhay kung may nangyari sayong mas malala pa sa nangyari ngayon.
Tita Dianne, kamusta na si Marco? Alam ba n'ya na nagising na ako? Ang kapatid ko ang nagiisa kong kapamilya at s'ya ang pinakaimportante sa buhay ko. Pakiramdam ko ay ang tagal ko s'yang napabayaan ng malaman ko sa mga doktor na halos dalawang taon akong malay.
Huwag mo alalahanin si Marco at may Personal na assistant para may gumabay sa kanya sa lahat ng oras. Kinuha ko ang assistant niya simula noong kinailangan kita dalahin dito sa America. Kamusta ka ngayon? Maayos ba ang pakiramdam mo. Komportable ka ba sa personal Nurse mo? I hope na magkakilala na kayo? Si Staphanie ang nurse na nagalaga kay Matthew simula ng dinala ko sa sa America, at hanggang ngayon ay s'ya lang ang napagkakatiwalaan ko kay Matthew.
Yes Tita Dianne I already meet Ms. Stephanie. And I really thank you for taking care of everything. But I have favor to ask. Si Ms. Dianne ay para ko ng Tita, kaya may mga oras talaga na casual lang ang aming paguusap. But when it comes with serious, legal and business matter. We talked to each other formally.
Sure Matthew, tell what it is?
Ms. Dianne, actually I ask my doctors to just let me tell you this personally. I have something to tell you about my condition. At first It is really hard to accept it, but I really want to see Scarlet when everything is back to normal.
Anong problema? Anong kundisyon mo? Tell me and please kinakabahan na kasi ako sayo. Hindi ko maiwasang kabahan matapos makitang may pag-aalala sa mga mata ni Matthew.
I can not walk!! My lower body is paralized! Halos pabulong ko ng nasabi kay Ms. Dianne at di ko na naiwasang itago ang takot ko at tuluyan ng tumulo ang aking mga luha at halos sumabog ang dibdib ko dahil sa aking palakas ng palakas na pag-iyak. Lalo na ng yakapin akong muli ni Tita Dianne at katulad ko ay napaiyak na rin sya.
Dios ko! ang nasa isip ko ay maayos ka na. Im sorry Matthew! I am really sorry! Pero huwag ka mag-alala dahil hindi ako papayag na hindi ka makabalik sa normal. Gagawin ko ang lahat para makahanap tayo ng tamang treatment for you. Huwag ka matakot! okay? Sobra ang pagkabigla ko sa naging kundisyon ni Matthew, at wala ako magawa kundi palakasin ang kalooban nya kahit na ako man ay biglang napanghinaan. At matapos naming ilabas ang takot at pag-aalala namin sa pag iyak!
Ms. Dianne, ang favor talaga na gusto ko hingin sayo ay gumawa ka ng dahilan kay Scarlet kung bakit hindi pa ako makakauwi. At huwag na huwag mong sasabihing ganito ang condition ko. Ayokong madisappoint sya at natatakot ako na baka tuluyan nya na akog layuan. Alam mo naman na kahit wala kameng relasyon ay si Scarlet lang gusto ko makasama. At sa kundisyon ko ngayon natatakot ako sa magiging reaksyon nya.
Ako na ang bahala sa bagay na yan. Pero medyo matagal ko na din nakasama si Scarlet. Kaya masasabi kong pareho kayo ng nararamdaman at kahit malaman nya ang kundisyon mo ay di ka nya tatalikuran. magtiwala ka sa nararamdaman nyo. Panahong hirap na hirap sya sa pag-aaral at pag-tatrabaho nagawa pa din nya gawin ang mga pabor na hiningi ko. at ng malaman nya na ang ginawa nya ay para sayo, dahil sa nangyari sayo. Mabigat man ang kalooban nya at puno nang pag-aalala ay masaya sya na kahit paano ay may naitulong sya sayo. At kung wala ka dito ay nasa Pilipinas ka, sigurado ako na magsasakripisyo pa din sya para maalagaan ka. Alam mo bang linggo linggo syang nasa simbahan para ipagdasal ang ang pag-gising mo. At halos di na sya nakakauwi, para lang hindi nya mapabayaan ang mga responsibilidad mo na sya ang gumagawa habang wala ka. Masaya ko ikinuwento kay Matthew si Scarlet, dahil alam kong makakatulong yun para mapagaan ang kalooban nya.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga sinabi ni Ms. Dianne. Pero hindi ko alam kung bakit biglang?? Ms. Dianne! ayoko muna makausap si Scarlet. Kahit makiusap sya sayo, magdahilan ka na tulog ako, pagod o wala ako! Kapag gusto nya na tumawag at makita ako. Hindi ko kaya humarap sa kanya na ganito ang kundisyon ko. At kung hindi na ako makalakad, gusto kong kalimutan na nya ako ngayon palang! Hindi ko hahayaan na maging pabigat ako sa kanya!
Matthew! Huwag mong sabihin yan! makakalakad ka at makakapagsama kayo ulit ni Scarlet!
No Ms. Dianne, I will leave her alone from now on. Hindi na ako magiging pabigat sa kanya, and take all my works from her. kaya ko magtrabaho dito! Di ko maiwasang makaramdam ng takot, hiya at pag-aalalang bka habang buhay na akong mawalan ng silbi.
Okay Matthew calm down. magiging maayos ang lahat at gagawin ko ang gusto mo. Pero ano man ang maging desisyon ni Scarlet ay kailangan ko din galingin. Let see kung anong magagawa ko para maging posible ang gusto mo mangyari. Kanina ay nag-aalala ako sa kundisyon ni Matthew, ngayon ay naaawa ako sa magiging sitwasyon ni Scarlet. Na hindi napagod mag-antay kay Matthew. At nakita ko kung gaano sya kasaya ng magising si Matthew. Tapos ngayon ay parang mas magiging mahaba pa ang pag-aantay nya, nagising man si Matthew, ngunit ang plano ata ng batang ito ay ikulong ang sarili at mag-pakamiserable. Saan ko kaya ilulugar ang sarili ko ngayon???
-----------
Hello Ma'am Dianne?
Oh yes dear? kamusta kayo dyan sa store?
Maayos po ang lahat dito ma'am. At yun pong report for this month naiforward ko napo sa email nyo po. Pati na din po yung ibang documents. Ma'am, kamusta po kayo dyan? kamusta po si Matthew? Kasama nyo po ba sya ngayon? Ma'am nakakahiya man po, maaari ko po ba makita at makausap si Matthew?
Ahmm Scarlet, wala kasi ako ngayon sa ospital. Kailangan ko kasi asikasuhin ang business kaya ang nurse pa din nya ang kasama niya. Ah huwag ka mag-alala at sasabihin ko sa kanyang kinakamusta mo sya.
Ganun po ba, okay lang po at pasensya na po sa abala. Marami pa namang pagkakataon at malapit na din naman po kayong makauwi. Mag-iingat po kayo ni Matthew palagi. Salamat po ma'am. Ang inaasahan ko ay mas madalas kong makakausap at makikita si Matthew dahil nandun si ma'am Dianne, pero lumipas ang buwan simula nagpunta si ma'am dianne kay Matthew ay hindi ko pa sya nakita at nakausap ulit. kung hindi tulog, at nasa labas daw ipinapasyal ng Nurse nya. At kung minsan at nasa meeting naman oh kaya ay nag-eexercise kasama ng PT nya. HIndi ko maunawaan pero pkiramdam ko ay iniiwasan ako ni Matthew.
Girl!! Tulala ang peg mo today? Anong meron? Kailan uuwi si Matthew? Alam mo excited ako sa magaganap nyong reunion girl, nangangamoy proposal na yan.
Okay ka lang? Proposal ka dyan? Kausapin nga sya napakaimposible. Pakiramdam ko iniiwasan nya ako. laging may dahilan para di sya makausap, at si Ms. Dianne nahihirapan na din gumawa ng dahilan, hindi ko nalang sinasabi na nahahalata ko na sya, dahil ayokong magkaroon sila ni Matthew. At ngayon ay balik na ako sa regular kong trabaho. Naturn over ko na ulit ang lahat kay Ms. Dianne dahil si Matthew na daw ulit nag tatrabaho ng lahat g ginagawa ko.
Ayun naman pala girl, busy lang yun kaya ganun, baka nagkakataon lang talaga na hindi sya available kapag tumatawag ka. Magkikita din kayo sigurado ako at malapit na yun. I'm so excited for you girl!!
Jona, hindi na siguro ako aasa. baka nagising na din sa katotohanan si Matthew na hindi kame magkalevel sa buhay. Mas maganda na din ito, ang importante naman sakin ay nalaman at nakita ko naman na nagising na sya. Masaya na ako dun. Noon pa man ay magkaiba na talaga kame ng status ng buhay. And wala naman kameng malalim na relasyon, naging magkaibigan lang naman talaga kame at siguro hanggang dun nalang din yun at natapos na din dun. Malungkot at masakit sakin isipin na hanggang dun nalang kme ni Matthew, pero tama na din na wala akong dapat i-expect na mas higit pa sa pagiging magkaibigan. Oh masasabi ko na naging magkakilala nalang, dahil ramdam ko na tuluyan na nya akong nilayuan.
Ang pait ng statement mo girl. Palagay mo ba talaga mauuwi nalang sa ganun ang napagsamahan nyo ni Sir Matthew? Ganito nalng, i-shot natin yan later girl. sunday bukas off natin pareho, kaya paguwi natin ay inom tayo konti, pampaantok na din. di ba?!? Sa apartment unit pa din ni Ms. Dianne ako nakikitira, nakikishare nalang din ako ke Scarlet ng renta. At salamat talaga dahil pinayagan kame ni ma'am Dianne na magsama nalang sa isang room. Kaya malaking tulong sa akin, at masaya ako na araw araw kame nagkakasama ni Scarlet.
Okay sige mag-uwi tayo ng tig dalawang can ng beer. okay na yun, wag na nating dagdagan at kailangan ko lang din makatulog. dahil bukas after ko magsimba ay tatapusin ko ang assignments ko. kaya di nanaman ako makakauwi kila mommy.
Yehey!! Pero gawin naman nating 3 beer, please!!!!!! pakiramdam ko din tama ang pakiramdam ni Scarlet, pinipilit ko lang sabihin na mali ang iniisip nya, dahil nasaksihan ko kung paano nagdusa ang kalooban nya sa nangyari kay Matthew. Pero ano nga kayang dahilan ng biglaang pagbabago g pakikitungo ni Matthew kay Scarlet? Pero sana naman ay maging maayos pa din ang lahat.
-------
Kamusta na si Scarlet Ms. Dianne? Tumatawag pa din ba sya para hanapin ako?
Bakit mo naman tintanong? akala ko ba ayaw mo ng marinig ang tungkol kay Scarlet? Well kakatawag lang nya para sabihing naturn over na nya lahat sa email ko yung lahat ng pinatrabaho ko sa kanya sa loob ng mahigit dalawang taon!! balik na sya sa normal nyang trabaho. At hindi ka na nya hinahanap! Happy now?!? Asar na sagot ko kay Matthew. Dahil di talaga ako sangayon sa ginagawa nya kay Scarlet. At alam kong mabait n bata si Scarlet, at sa dami ng napagdaanan nya at hindi nya desrve ang panibagog pasakit sa kalooban nya!
Oh that's good to hear! mabuti naman kung ganun, atleast mabilis naman pala sya makahalata at maka move on! At salamat kung makakabalik trabaho na ulit ako. gusto kong paguwi ko sa hotel ay maset up ng maayos ang magiging opisina ko. At isasama ko nalang si Stephanie dahil pwede ko syang maging personal assistant, sa paghandle ng business habang nandito ako. Thank you Ms. Dianne!
Oh good??!!! okay sabi mo eh.. Anyways babalik na ako ng Pilipinas, nextweek after mo madischarge dito sa ospital. And nandyan naman si Stephanie kaya hindi mo na din ako kakailanganin dito. at kailangan ko harapin ang trabaho sa Pilipinas. And palagay ko mas kailangan ako ni Scarlet kaysa kailangan mo ako. And also di ko pwede pabayaan ng matagal si Marco.
Okay, mas okay na din na sa Pilipinas kana para kay Marco. Kaya ko na dito basta andyan si Steph!
Oh sure! Asar na sagot ko. Alam ko naman na nahihirapan si MAtthew, pero naiisip ko din si Scarlet na nagaantay sa kanya. At naniniwala ako na kung pinayagan lang nya na mabigyan ng oras nya si Scarlet, ay mas magiging maayos sila. at baka mas bumilis ang recovery nya.
//////