/// POV's//
//Final week nanaman, and bilis ng panahon at natapos ko na ang dalawang taon sa University. Ang daming nagdaan na pagsubok at kahit paano ay nalagpasan ko. Maliban sa isang bagay na hanggang sa ngayon ay tila pagsubok pa din. Simula nang malaman ko ang nangyari kay Matthew, naisip ko talagang malaki ang kasalanan ko at tila parusa na rin sa akin ang mag-antay na magbalik sya. Ang nangyari sa daddy ko ay halos hindi ko dinamdam ng matagal, dahil nafocus ako sa aral at trabaho. At marahil kampante akong inaalagaan sya ni mommy. Ngunit ang nangyari kay Matthew ay tila dala ko ang bigat araw araw sa aking dibdib. Simula nga ng malaman ko at tuwing linggo ay nagsisimba ako at nakikiusap sa Panginoon na ibalik si Matthew samin. And for almost 2 years in coma si Matthew, hindi ako nawawalan ng pag-asa na isang araw ang magigising sya at babalik sa normalng buhay.//
Hi Ms. Beautiful! Ang tagal ko ng dumidiskarte sayo, hindi mo pa ba ako pagbibigyan? sabay nagtawanan ang mga barkada ni Jessie. At si Jessie naman ay bagamat sinaway ang alipores nya ay naging bargas pa din ang pakikipagusap kay Scarlet.
Alam mo Jessie, bakit di mo subukang unahing seryosohin ang buhay mo? Try mo magfocus sa pag-aaral, bago ka dumiskarte sa babae. At isa pa Mr. Cruz! Hindi ako interesado sayo!
Bakit? Seryoso naman ako sayo at iyon ang mahalaga! At kahit di ako makagraduate sa eskwelahan na ito, kayang kaya ko pagaangin ang buhay mo. Pag-yayabang ni Jessie, dahil nga isa naman talaga sya anak ng mayamang pamilya.
I'm sorry but Im not into person who doesn't have a sense of responsibility! Siguro humanak ka nalang ng babae na kikiligin sa mga banat mo, at yung kasing yaman mo sana, para di nya maramdaman ang pangmamaliit mo sa mga katulad naming hindi mayayaman. okay?
Ayos ka din ah! Feeling mo ba nagkakandarapa ako sayo! Para sa kaalaman mo, gusto lang kita ibilang sa mga babaeng natikman ko lang at iniwanan! Halos pasigaw itong sinabi ni Jessie sa harap ni Scarlet at ng mga estudyanteng nasa paligid nila.
Huh!! Bastos ka talaga! Sana kahit minsan bigyan mo ng kahihiyan ang magulang mo! Hindi ka nila pinag-aaral para lang ipagkalat na mayaman ka at para mangolekta ng babae! At isa pa, mahiya ka din dahil sure ako na ang yaman na ipinagmamalaki mo ay magulang mo ang nagpakahirap. Dugo at pawis nila yun! Kaya kilabutan ka naman! matapang na sagot ni Scarlet. Noon pa man ay hindi basta basta nagpapatalo si Scarlet, lalo na at pakiramdam nya at binabastos at minamaliit ang pagkatao nya.
ambang sasampalin sya ni Jessie ng biglang may pumigil sa braso ni Jessie. Pare sana ilugar mo yang yabang mo mo, babae na ang sasaktan mo. At mahiya ka naman sa grupong pinangungunahan mo. Babae lang ang kaya mong saktan!
Geralad! Anong ginagawa mo dito?!? nakaramdam ako ng matinding kaba ng makita si ko Gerald. At bigla akong napadasal ng Lord please wag naman sanang may masamang balitang dala si Gerald. Hindi ko po kakayanin.
Scarlet, sumama ka sakin. Ipinasundo ka sakin ni Ms. Dianne. Nagising na si Matthew! At si Ms. Dianne ay naghahanda para sa paglipad papunta kay Matthew. Pinakinggan ang mga dasal natin Scarlet!
Hindi ko maipaliwanag ang kaba at sayang nararamdaman ko. Oh my God! Thank you Lord sa pagbabalik mo samin kay Matthew! Tara na Gerald, gusto kong makita si Matthew kahit na sa videocall lang. At sure ako kailangan din ako makausap ni Ma'am Dianne bago sya umalis. At nagmadali na silang pumunta sa apartment. Dahil nandun si Ms. Dianne at naglilikom na ng kanyang gamit.
---------------
//Through Videocall
Matthew!! Oh Thank God!! Matthew Thank you for coming back! I am really sorry!! I'm sorry for what happened to you. I'm very sorry Matt!! at wala na ako nagawa kundi ang umiyak..
Hirap pa man sa pag-sasalita si Matthew. Scarlet sweetheart! Don't cry please! You're breaking my heart. I want to see your face, please look at me. I missed you so much Scarlet! Don't say sorry sweetheart, I survived because of you.
Thank you Matt! Thank you for waking up! I am so happy to see you awake. Gusto kitang puntahan, pero imposible, kaya sana magpalakas kang mabuti at bumalik ka na dito. I missed you too Matt. I've been waiting for you!
Really? What if I didn't wake up? Do you still wait for me? Biro ni Matthew.
Oh please Matt huwag ka magbibiro ng ganyan. ang tagal ko nagintay na magising ka. Kung biro yang sinasabi mo wag mo ng uulitin. Hindi na kita aantayin! Asar na sagot ni Scarlet.
I'm sorry sweetheart! Antayin mo pa din ako, malapit na akong bumalik dyan.
Sweetheart ka ng sweetheart! tumigil ka nga, nakakahiya nadidinig ka ni ma'am Dianne at Gerald. Baka kung anong isipin nila. Nahihiyang sita ni Scarlet kay Matthew.
natawa lang si Matthew at nagpaalam na, dahil nga unang araw nya sa pagkakagising mula sa dalawang taong pagkaka-Coma. At nakakaramdam pa din sya ng pagod. Magpapahinga muna ako sweetheart at pabalik na din ang mga doctor ko para sa result ng new tests na ginawa kanina.
okay sige Matt. Magpalakas ka at masaya akong makausap ka ulit. Bilisan mong bumalik. at halos pabulong na sabihin ni Scarlet ang MISS NA KITA MATT.
Bro!! Thank you for waking up! We'll see you soon here bro! singit ni Gerald bago pa matapos ang paguusap nila.
I still heard it sweetheart! Thank you for waiting. And see you soon.
-----------
Paano Scarlet? Dating gawi sa trabaho, basta magtawagan lang tayo. At sa palagay ko may energy na tayo ngayon harapin lahat. tapos na ang pag-iintay natin kay Matthew at makakasama na natin sya muli. Nakakuha ako ng flight for tonight, kaya aalis na ako. Ikaw na muna ulit ang bahala sa lahat. Tiwalang ipinagbilin ni Ms. Dianne ang store at ibang responsibilidad kay Scarlet.
Huwag po kayo mag-alala Ma'am. Alam ko na po ang bahala. Mag-iingat po kayo at aantayin ko ang pag-babalik nyo. At sana po makasama nyo na si Matthew sa pag-uwi dito. Masayang masaya po talaga ako na nagbalik na si Matthew. Hindi maiwasan ni Scarlet ang maluha, pero sa pagkakataong ito at dala ng saya na nararamdaman nya.
Girl!!! nabalitaa kong nagising na si Matthew!! Ano naaalala ka pa ba nya? o baka may amnesia girl? Babalik na ba sya? kailan daw? Sunud sunod na tanong ni Jona. Ano pa bang aasahan natin sa kanya? hahahha..
Sobrang saya ko talaga, parang nabunot ang malaking tinik na araw araw kong dinadala sa dibdib ko. Mabait pa din ang Panginoon sakin girl at pinakinggan nya ang dasal ko. And yes naaalala nya naman ako, definitely no amnesia! And babalik sya kapag malakas na sya at kaya na nya magbyahe. Kaya kailangan ko pa ng taimtim na dasal para mas mapabilis ang recovery ni Matt at makabalik na sya dito. Ang sagot ni Scarlet na may di matawarang saya na kitang kita sa kanyang mukha at tono ng kanyang pagsasalita.
Okay! Dahil super masaya tayo today, icelebrate natin yan girl! Shot tayo sa apartment later. At makakatulong din yun sayo, para makatulog ka. Dahil sure ako sa buong magdamag kang magiging dilat sa sobrang excitement at sayang nararamdaman mo ngayon. Kaya iinom natin ng konti para marelax ang utak natin tonight!! aya i Jona kay Scarelt na mabilis naman na sinangayunan.
Sure Girl! Mukang kailangan ko din talaga para makatulog din ako mamaya. Maginga maayos na sanang lahat! Wala na akong mahihiling pa! Okay na ulit ang daddy ko kahit na hindi na sya magwork abroad. But his planning to start his own business, dito sa Pilipinas para palagi na kame magkakasama. At ngayon si Matthew nagising na! Maayos akong nakakapag-aral at nakakapag-trabaho, at ang mga kapatid ko nakakapag-aral ng maayos. At ikaw friend palagi ko pa din nakakasama na naging sandalan ko lalo na sa mabibigat na pagkakataon o oras sa buhay ko. Kaya sobrang saya ko talaga girl. I am so blessed! And I really Thank God Almighty for all of these!
Hay naku girl feel na feel ko ang positibong enerhiya mo today! Ibang klase ka ngayon, hakot blessing ka girl! At sobrang saya ko din naman, makita ang malawak mong ngiti na muntik ng nabura! Dahil araw araw tipid na ngiti lang ang natatanaw ko sayo. Pero ngayon! Welcome back Scarlet!! Congrats you're back din girl. Hindi lang ang Matthew mo ang nagbalik, kundi pati ikaw. Nararamdaman ko na at naaamoy ang halimuyak ng bango ng nalalapit na pagdating ng #Boyfriend! Aaayyyiiieeee.. Ayan girl maitutuloy mo na ang naudlot mong kilig. And mukang seryosohan na agad ang magiging unang relasyon mo!! masaya at makulit na panukso ni Jona kay Scarlet.
Hahahaha.. Ikaw talaga girl, kapag nagstart ka na magsalita, hindi ka na kayang awatin! Let see kung anong nagaantay samin ni Matthew. Kung noon ay nagpakipot pa ako, at muntik ko ng pagsisihan. Ngayon kung talagang magtatapat sya ay di ko na palalagpasin. Handa na din ako ipakilala si Matthew kila mommy at daddy kung maging boyfriend ko sya. Scarlet is talking with sweet smile.
////////////