// POV's//
"Deep breath"
It is so hard to see my Dad in his condition now. We have no choice but to show him that we are strong and we're fighting for him to be more brave and to overcome his own challenges as an individual, as our Father and as a good example sa aming magkakapatid. And gusto ko din na maramdaman nya na dependable ako at kaya ko din sila protektahan at alagaan bilang panganay na anak.
Pinanghihnaan ako, dahil ang dad ko na isang matatag na haligi ng aming pamilya ay walang kibo at tila pinipigilan ang sarili na ipakita sa amin na mahina s'ya. At pakiramdam ko gusto n'ya pa din ipakita na kaya n'yang bumangon at magsimula mulit. Upang hindi namin sya alalahanin.
Eto na ang pinakamabigat na pagsubok sa buong pamilya ko. At ang tangi naming pinanghahawakan ay ang tiwala, tapang at pagmamahal namin sa isa't isa.
Habang bumibyahe kme patungo sa ospital at kinakausap ko ang sarili ko at halos di ko na namalayan na nasa tapat na kame ng ospital. iniisip ko kung paano ko sisimulan ang kamustahan namin sa loob ng kwarto ni dad. nag-aalala ako dahil ayoko maging awkward ng mood at ayoko maramdaman ni dad ang sobra naming pagaalala sa kanya. Sana ay maging magaan lang ang sitwasyon namin.
knock knock knock!
We're here!! Mommy I bought some foods. Dahil bagong dating si daddy, dating gawi lets celebrate!
You know Dad! You have nothing to worry about, what we want is you to focus on your treatment and for you to recover as fast as you can.
That's means bawal ang pasaway! malapit na ang pasukan, magiging busy na kame ni Janna at James sa pagsusunog ulit ng kilay. kaya hindi tayo masyado magkikita sa bahay. Lalo na ako dad kasi nakadormitory nako dito sa manilla malapit sa university. at guest what dad? may trabaho ako, minimum lang ang sweldo pero 6Hours a day ang trabaho from monday to friday. pero kapag nagstart na ang klase, iaadjust ni manager sa schedule ko sa pagpasok. Kaya huwag nyo ako alalahanin ha. kasi kayang kaya ko na ang sarili ko, hindi nako baby daddy.
I saw my dad smiling. mukang tama ang stategy ko.
And dad good luck sayo kasi maghapon si mommy makakasama mo, sigurado maririndi ka sa kakasermon n'yan. kaya wag ka pasaway ha, susunod ka sa mga dapat mo gawin kung ayaw mong marindi kay mommy hahaha...
Mommy: Okay okay promise hindi ko sesermonan si daddy at lalambingin ko lang lagi. Late night na mga anak, magbyahe pa kayo pauwi. Scarlet ikaw na muna bahala sa mga kapatid mo at ang tita mo bukas po uuwi satin.
No problem mommy, monday morning pa po ako babalik sa trabaho. kaya masasamahan ko pasila maghapon bukas at akong bahala sa dalawang makulit na ito. okay Janna, James maggood night kiss na tayo ke mommy at daddy at uuwi na tayo.
James: Okay ka lang ate? pati ako magkiss? ayoko nga binata na ako eh.
Salamat sa makulit kong kapatid at natawa kameng lahat, lalo na ang daddy. I hope everythings will be fine.
Okay sige kung binata ka na, atleast say good night! at nauna na si tito at tita sa sasakyan. nagaantay na sila satin.
Dad, magpahinga muna kayo at galing kayo sa mahabang byahe, and mommy update mo ako sa mga test at treatment ni Dad. I love you both (mwuah)
--------
Tita, Tito thank you po sa paghatid samin!
Walamg anuman! magpahinga na kayo!
Janna mauna ka ng maglinis at magpalit ng damit. at ako naman ay maglilinis muna ng bahay. ikaw din James, sumunod ka na ate Janna mo maglinis ka na din ng katawan mo pagkatappos nya. at magpahinga na din kayo.
Opo ate! ikaw din magpahinga na.
Okay sige! Good night!
lagi nalang akong napapaispi. pero malaki ang tiwala ko na magiging okay din ang lahat.
Ring ring!
Hello Mam Dianne? napatawag po kayo, may problema po ba?
Manager: Ah wala naman, gusto lang kita kamustahin? okay ka lang ba? Kung hindi mo kaya magtrabaho, pwede ka nmn magleave for 1 week at ako na bahala magsabi kay boss. baka kailangan ka ng pamilya mo. at isa pa makapahinga ka bago magsimula ang 1st semester.
Maraming Salamat po Mam. pero mas kailangan ko po ng trabaho ngayon, para hindi na po ako alalahanin ng parents ko. kailangan ko po makaipon bago magsimula ang klase dahil sigurado pong kakailanganin ko bumili ng gamit ko sa pag-aaral. Maayos naman po ang lahat at kasama po ng daddy ko ang mommy ko sa hospital. at isang linggo lang po sila dun, tapos ay sa bahay na po magtherapy si daddy. Isa pa po kailangan ko din malibang para po hindi din ako masyado mag-alala. maraming Salamat talaga mam Dianne sa pagtawag at pagaalala nyo po sa akin.
Manager: Oh ok if that's what you want. Basta kung kailangan mo ng pahinga ay magsabi ka lang sa akin at wag ka mahihiya.
Yes po mam, thank you so much po. Good night po!
--------
Jona: Scarlet !!! namiss kita ng sobra. at nabalitaan namin ang nangyari sa dad mo. kaya pala biglaan din ang desisyon mo sa magbago ng school na papasukan mo at nagtrabaho ka pa. kamusta ka naman girl? hindi mo manlang ako sinabihan, edi sana nadamayan manlang kita oh sinamahan na sana kita maghanap trabaho at pareho na tayo magtrabaho para magkasama tayo araw araw.
Okay lang ako girl at naging magaan naman ang adjustment ko. mabait ang boss ko at ang manager ng store. Actually sa apartment ni Ms. Dianne ako nakatira, dahil may extra syang room sa unit nya, kaya dun nlng ako pinatuloy. at hiningian lang ako ng konting share. kaya sobrang swerte ko pa din dahil nakakilala ako ng mabubuting tao.
Jona: Sana ako din makahanap ng mabait na boss. alam mo naman kailangan ko din mag trabaho habang nagaaral.
Nakalimutan ko pala sabihin sayo na ung store, ang employee ay part timer na estudyante ng university. kung interesado ka magpasa ka ng resume sakin at ibibigay ko sa manager ko, para kapag maghire ng bago, baka sakali matawagan ka din. pero girl sa matitirahan, hindi siguro kita maisasama at nakakahiya kay mam Dianne. pero maraming dormitory sa paligid ng store. kya kung ako sayo simulan mo na maghanap hanap at magpareserve bago ka maubusan.
Jona: sige girl at papasyalan kita nxtweek sa store at maghahanap na din ako ng dorm ko. kung friday kaya para sabay na tayo sa paguwi mo?
Okay yang naisip mo girl! aantayin kita sa friday, agahan mo at tumambay ka sa store kapag nakahanap ka na ng kwarto mo.
Jona: Okay!! teka hindi ba tayo magmiryenda man lang? namimis ko na ang fod trip date natin girl.
Naku pumasok ka dito sa bahay at ginawan ko ng miryenda ang kapatid ko, sabayan na natin. at bukas ng umaga babalik na ko sa manila.
--------
Janna, James, aalis na ako. wag kayong mag-aaway at wag nyo hayaang mastress si Tita sa inyo. kundi wala kayo makakasama sa bahay. message nyo lang ako kung may kailangan kayo o may problema sa bahay. pero sana naman eh di kayo magmessage ng problema. But whatever happens just let me know.
Tita, maraming salamat po sa pagvolunteer magbantay sa mga kapatid ko!
Tita: Sige na iha at matatrapik ka sa byahe. wag ka na mag-alala at hindi ko papabayaan ang mga kapatid mo. basta mag=iingat ka din palagi ha.
Yes Tita! Thank you po ulit!
habang nasa byahe ay nakatulala ako sa bintana ng bus habang nagmamasid sa mga nadadaanan namin. Hidi ko maunawaan ang pakiramdam ko. marahil ay sa mga iniisip ko. Kaya kinausap ko nanaman ang sarili ko.
Scarlet! kaya mo yan, wag ka masyadong magalala at alisin mo sa isip mo ang lahat ng negatibo. magtrabaho ka lang, kumain at magpahinga. Laging may bagong umaga. Wag mo kakalimutan yan! hay naku scarlet umayos ka at baka takasan ka na ng matino mong pagiisip.
Naku malapit na pala akong bumaba, natutulala nanaman ako.
magpapahinga muna ako saglit at saka ako papasok sa trabaho.
Nasa apartment building na ako, at tuwing nababasa ko ang Andrada building palagi kong naiisp na pamilyar. pero wala naman ako maisip na kakilala kong andrada ang apelyido. malamang nabasa ko lang sa libro o bka nadinig sa TV.
malapit na ako sa Unit ni Mam Dianne. may natanaw ako na lalaking pumasok sa kabilang kwarto. ang ngayon lang ako may nakitang kapit bahay sa building na iyon. At kung di ako nagkakamali, kapit bahay ata namin si Mr. Arogante! lalaking chismoso at pakilamero sa store. Hay sana di ko nalang sya nakita, para di nasira ang mood ko. at naiisip ko patuloy na taga kabilang unit lang pala sya! nakakainis talaga s'ya. sabihan ba akong nakikipaglandian!! okay lang sya eh wala na nga ako oras mag-lovelife bago makipaglandian pa kaya. Mag 8:00AM na pala nakapasok na kaya si Ms. Dianne?
sususian ko na sana ang pinto para pumasok ng biglang bumukas at paalis na pala si mam para pumasok sa store.
Good morning po Mam!
Manager: Good morning dear. kamusta ka? ang aga mo naman. wag ka pumasok ng maaga sa store ha, kahit alas 10 impunto ka dumatig ok lang. at huwag ka maglilinis ng bahay. magpahinga ka lang muna. okay?
Yes po mam! Salamat po po. ingat po!
Manager: okay bye!
Nakakatuwa talaga si Mam, kilalang kilala na nya ako. sabagy tama naman. magpapahinga muna ako bago ako papasok. at sa store na lang ako maglunch. Dito na lang ako sa sofa mahihiga.
akalain mo si Mr. Arogante nasa kabilng unit lang pala. wag sana kame magkasalubong at masisira lagi ang mood ko! Aba teka bakit ko ba s'ya iniisip!?! Erase erase erase. magpahinga ka muna scarlet!
//////