///Scarlet's POV///
Good morning Sir Jerome!!
Jerome: Good morning Ms. Scarlet
May sakit ka ba Sir? parang wala ka atang energy today? o siguro pagod ka na dahil magdamag ka nanamng nagtatrabaho. Dadaan lang ako sa office ni Mam Dianne at ako na ang magtake over. magpahinga ka muna bago umuwi.
Jerome: Maraming Salamat Ms. Scarlet
hhhhmmm???
Good morning po Ma. Dianne!
Manager: Good morning dear! nakapagpahinga ka ba?
Yes po mam. May sakit po ba si Sir Jerome? parang iba po s'ya today?
Manager: (smile) huwag mo na intindihin at baka pagod lang.
Sige po mam. palitan ko na po s'ya sa store at baka nga po pagod lang sya. Punta na po ako sa store mam.
Manager: Scarlet! Oo nga pala, kapag nasa store ka alam ko naman na kailangan lagi ka nakangiti. Pero lalo't may lalaking costumer, lagi ka maglagay ng distansya mo. enoung siguro yung paggreet sa costumer ng welcome. And Jerome is included. Okay ba sayo yun?
Ah sige po mam. pero mam may nagawa po ba akong mali? May costumer po ba na nagcomplain sa akin?
Manager: Naku wala kang nagawang mali dear, for safety purposes lang at hindi ka ma misunderstood ng costumer. Like last time na may nag accused sayo na your flirting with Jerome. Alam kong inosente ka at naniniwala akong pakikisama ang pinapakita mo. But ayokong mabastos ka ulit ng costumer. I hope you don't mind?
Naunawaan ko po mam. Maraming Salamat po sa palaging pag-aalala nyo po sakin. Sana po hindi kayo magsawang unawain at alalahanin ako. Sobra ko pong na-aappreciate lahat ng ginagawa nyo po sakin.
Manager: Wala yun dear. Punta ka na sa store. Tatapusin ko lang ang report ko kay boss at lalabas din ako sa store to check our supplies.
Sige po Mam. Salamat po!
///////
Lumipas na ang bakasyon, at naging kampante na ako sa pagtatrabaho ko sa Store. Friday today at uuwi ako, para makasama ang pamilya ko kahit dalawang araw bago magsimula ang klase sa monday. bagong adjustment ulit. Sana kayanin ko ito, matapos ang 1 at kahating buwan na pagtatrabaho sa store ngayon lang ako lilipat ng oras ang trabaho ko sa store.. Mula sa 10AM-4PM ay maging 4-10pm na ang trabaho ko, dahil 7AM to 3PM ang klase ko sa buong semester. Mukang magiging magaan pa naman ang adjustment at pwede naman ako mag-aral sa gabi.
Ooppsss mukang papasok dito sa store si Mr. Arogante, ilang weeks din sya hindi dumaan sa store. Sana naman good mood sya at ng hindi din masira ang araw ko.!
Good afternoon po Sir! Welcome po sa store!
Matthew: Good afternoon! (with cold voice)
(In my mind) mukang hindi maganda araw ni Mr. Arogante. Dapat na ba akong kabahan?! Sana naman hindi ako mapagbuhusan ng kung ano mang mood nya today. Kalma Scarlet at kahit magsimula sya ng away wag na wag ka papatol. Alalahanin mo kailangang kailangan mo ang trabahong ito at malapit na ang pasukan.
Naku ayan na s'ya at mukang magbabayad na.
Good afternoon po Sir!
Matthew: Good afternoon Ms. Scarlet! Start na ng klase sa University sa monday. kamusta ka naman? Magtatrabaho ka pa din ba dito sa store?
Ah Sir, kilala nyo po ba ako?
Matthew: Nabasa ko sa name plate mo?!
Ah Oo nga, sorry Sir akala ko kilala mo ako. Opo magtatrabaho pa di ako dito sa store. Paano mo pala nalaman na estudyante ako? Ay sorry po sa tanong ko. 334 po itong babayaran nyo.
Matthew: (Smile) Okay etong bayad.. Mabuti at magtatrabaho ka pa din dito sa store. Madalas pa rin kitang makikita.
Gnun po ba, eto na pong nabili nyo. Maraming Salamat Sir. ....Back...again... po...
Teka anong nangyari? bakit gnun yun makipag usap? Close ba kame? nakakaloka sya. Feeling close!!
------
Jona: Hi girl!! dito ka pala nagwowork. Malapit sa University, hindi ka mahihirapan magpabalik balik sa school at trabaho mo. napakaswerte mo girl. Palagay mo pwede din kaya ako mag work dito?
Hay nku huminga ka nga muna at maupo dyan! Taas lagi ng energy mo. at sa araw na ito nabuhayan ako dahil sayo. Simula kasi ng pumsok ako ng store lahat wala sa mood. at may costumer pang wirdo, noong unang nakita ko sya dito sa store badmood sya at sinabihan pa akong malandi! Tapos kanina naman feeling close kame kung makapagtanong!
Jona: Wiat lang girl may nasense ako sa wirdong costumer na yan! Gwapo ba, Cute o tipong pang-boyfriend material? Pero teka sinabihan kang malandi?!? Naku wag kong makikita yan, kahit gwapo sya ay malilintikan sya sakin!
Well, kung gwapo wala naman ako mapupula, pero arogante pa din sya at mayabang! At ayoko talagang makalasamuha sya palagi, dahil nasisira ang mood ko.
Jona: pero girl may napansin akong ngiti sa muka mo noong sinabi mong gwapo. Baka mamaya na-iinlove na pala kayo sa isa't isa. naku girl baka love at first sight yan!! ayiiiieeee...
Tumigil ka nga dyan! Imposible yan! oh sya teka magpapaalam lang ako kay mam dianne at tatawagin ko na din si Leah, sya ung kapalitan ko ng shift, Kanina pa sya nasa office. Anatyin mo lang ako dyan at paglabas nain ay ipapakilala na din kita. Sabihin ko na din kay mam Dianne na interesado ka magtrabaho dito sa store. alam ko Start na din sila mag hire ng dagdag na employee.
Excited na ako umuwi at nasa bahay na sila daddy. nagimprove na din kundisyon sya. Nagstart na ang therapy nya at nagsisimula na sya lumakad at makapagsalita ulit. Gusto ko makita ng personal kung gaano na nagimprove si Dad!
Jona: Mabuti naman at maganda na kundisyon ni tito. Sure ako na excited na din sila makita ulit ang kanilang mala dyosang anak!
Grabe ka girl! sabagay kung ganda at kaseksihan ay di tayo nagpapahuli dyan girl. hahahaha.. Oh sya dyan ka muna saglit.
-------
Jona: Girl, ang ganda ng apartment na tinutuluyan mo. Tapos ang mura ng share mo. Teka hindi kaya tibo yang manager mo at natitipuhan ka?
Okay ka lang? Mabait lang talaga si mam Dianne at hindi lang naman sa akin, kundi sa lahat ng employee ng store. Nagkataon lang siguro na ako ung mas nangangailangan ng tulong nya. Palagay ko iooffer nya din ang tulong na ibinigay nya sakin, kahit ibang tao pa ang mangailangan. kaya wag mo bigyan ng malisya ang pagtulong nya sakin.
Jona: OMG! pwede bang dito na din ako tumira girl? May nakita akong papable na pumasok dun sa isang unit. Alam mo un kahit malayo ay ramdam ng bung katawan ko ang enerhiya ng gwapong yun!!
( I laughed) Manahimik ka nga dyan at nakakahiya kapag may nakadinig sayo! and for your information, si Mr. Arogante yung nakita mo. yung kinuwento ko sayo. Gwapo nga pero mayabang at bastos!
Jona: Okay na sakin girl na bastusin nya ako araw araw maging akin lang sya! hahahaha.. kaloka girl magkapitbahay kayo?! kung araw araw ko sya masisilayan bago pumasok ng eskwela girl, di ako mauubusan ng energy sa pag-aaral. wag ka na ma badmood sa kanya at kaibiganin mo girl. at ipakilala mo ako. please!!
NO way! pumasok na tayo sa loob at baka madinig ka pa nya. And hindi nya alam na dito ako nakatira. sa store plg kame nagkaharap. And mabuti nalang never ko pa sya nakasalubong dito sa building na to.
Halika na girl, akuha ko na ang gamit ko, umuwi na tayo para di tayo gabihin ng sobra sa byahe.
Jona: Pwede bang iwan mo na ako girl? Uuwi na ako sa kabilang unit kay papang gwapo!
hahahaha.. naloloka ka nanaman Jona! tumahimik ka na at lalabas na tayo. baka madinig ka ng mga kapitbahay at baka mapetisyon ako sa kaingayan mo. wala akong matitirahang iba na katulad ito. hindi ko afford girl kaya naman nagbebehave ako dito.
Jona: Okay okay sorry girl, di ko naisip mga kapitbahay nyo. mukang mayayaman nga. Basta girl kpg close na kayo ng kapitbahay mo, ipakilala mo ako ha.
Huwag ka na umasa, dahil wala akong plaong makipagkaibigan sa kanya. okay? Let's go!
Jona: (pabulong) Good bye papa gwapo kung sinu ka man, sana maging akin ka! hahahaha.. ay sorry behave nako girl.
--------
Mommy! Daddy! Nandito na po ako!
Namiss ko po kayo ng sobra! sorry po kung hindi ako nakakauwi weekly, kailangan ko po kasi paghandaan ang pagsisimula ng klase. kamusta po si Janna at James? hindi po ba nagpapasaway? Hindi po ba kayo naiistress dito sa bahay?
Mommy: Okay kameng lahat anak. huwag mo kame alalahanin at wala naman kameng nagiging problema dito. at ang mga kapatid mo mababait naman iyan at naghahanda din sila para sa pasukan, sa kwarto lang palagi at nagbabasa ng libro nila. at ang daddy mo tuluy tuloy ang therapy, salamat sa nagbigay ng medical assistance sa kanya. Ayaw man nya magpakilala at malaking utang na loob natin sa nagsponsor ng gamot at treatment ng daddy mo. Nakita mo naman ang bilis ng improvement nya. Kaya kumain muna tayo at alam kong pagod at gutom ka sa byahe. Mamaya na kayo magkwentuhan ng daddy mo.
Sige po mommy at tatawagin ko na po yung dalawa para sabay saby na po tayong kumain. namiss ko kayo ng sobrang mommy and daddy. Excited na po ako kumain kasalo nyo.
=sa Hapag kainan=
Mommy: Anak, kamusta ang trabaho mo? hindi ka ba nahihirapan? paao kapag nagsimula na ang klase, kakayanin mo pa ba magtrabaho? hindi ba iyan makakaabala sa pag-aaral mo? pasensya ka na anak, hindi ka manlang namin mabisita ng daddy mo sa manila. Pero kapag okay na ulit si daddy mo papasyalan ka namin.
Mommy, huwag nyo po ako alalahanin. Kayang kaya ko po at maayos po schedule ng pasok ko sa university at sa store. wala po magiging conflict at may oras pa po ako para mag-aral sa gabi.
Mag focus lang po kayo sa pag-papagaling ni daddy. malaking pasasalamat po natin sa nagsponsor ng mga kailangan ni daddy. at kapag nakatapos po ako nagtrabaho na sa maayos na kumpanya, hahanapin po natin sya at pipilitin ko po makabayad sa lahat ng naitulong nya. Sure po ako na isa sya sa mabubuting taong ipinadala ni Lord satin. Katulad po ni Mam Dianne. Kaya po isama lang natin sila sa ating pagdadasal, para po palagi silang pagpalain at marami pa silang matulungan.
Kain na po tayo!
//////