/// Matthew's POV///
Ms. Dianne, kamusta ang treatment ng daddy ni Scarlet? Siguraduhin mong hindi nila malalaman kung sino ang nagsponsor sa kanila. Gusto ko lang masigurado na gumaling ang daddy nya at maging komportable sa pag-aaral si Scarlet. Kung ano man ang kakailanganin nya lalo sa pag-aaral nya, gawan mo ng paraan para matulungan natin sya ng hindi nya nalalamn.
Manager: Mr. Andrada! alam mo nahihirapan na ako magdahilan kay Scarlet, kaya sana wag nya alamin kung sino nagsponsor sa treatment ng Father nya. Sa ngayon walang syang problema. Kaya siguro Matthew anak, hayaan muna natin si Scarlet sa ibang bagay, dahil baka makahalat na sya. at Please kung hindi ka pa handa, iwasan mong magkasalubong kayo. dahil hindi ko alam kung paao magpapaliwanag sa kanya kapag nalaman nya na lahat ng ginagawa ko paguutos mo. At kung buhay ang mommy at daddy mo malamng wala na akong trabaho ngayon. At hindi ko talaga gagawin lahat ng pabor na pinagagawa mo sakin. And remind lang kita ha, may mga responsibilidad ka sa mga kumpanyang iniwanan ng parents mo. magfocus ka muna dahil simula na sin ng klase mo kailangan mo yang tapusin para opisyal na maisalin sayo ang position ng daddy mo bilang Chairman ng Andrada's group of Company. Alam mo namang maraming gustong sumipa sayo sa kumpanya para mapanghawakn ito. at ang tanging nagsasalba sayo ay ang malaking share na ipinangalan sayo ni Chairman. Kaya please huwag mo hayaang makitaan ka nila ng dahilan para alisin sa Posistion mo. Bilang pangako ko sa magulang mo na gagabayan kita.
Okay po Mam!! kaya nga ang sabi ko sayo sikreto natin. ikaw at ako lang ang nakakaalam ng lahat ng yan. Huwag ka na mastress sakin at mabilis ka tatanda (smile). Isa pa, alam ko na ang routine ni Scarlet according to your report Mam Dianne, kaya maraming salamat sa mga reports mo. And kaya ko lang naman sya pinapasyalan sa store ay para makasigurado din ako na walang umaaligid kay Scarlet ko.
Manager: Wala na talagang aaligid at kahit magbiro wala na din. Si Jerome nga halos ayaw na kausapin si Scarlet, simula ng sinabihan ko na ayaw ni Boss na masyado silang close ni Scarlet. at dahil ayaw nya mawalan ng trabaho kaya no choice sya kundi dumistansya sa co-worker nya. hindi lang kay Scarlet kundi pati kay Leah. dahil un ang sinabi ko. Okay na ba tayo dun Mr. Andrada? madili na talaga ako tatanda sayong bata ka, at mukang hindi na talaga ako makakapag asawa!!
Huwag mo sabihing magaasawa ka Ms. Dianne, baka iwanan mo kame ni Marco, hindi namin kakayanin kung wala ang tulong mo.
Manager: napaka selfish mong bata ka, talaga palang wala ka plano na pag asawahin ako. Huwag ka mag-alala dahil wala na magkakainterest sa matandang katulad ko! Lalo ako natanda sayo!
(I smiled) Mam Diane thank yo so much. at ikaw na talaga ang tumayong magulang namin ni Marco. Kaya sorry kung nawalan ka na ng panahon sa lovelife mo. Pero tatanawin ko itong malaking utang na loob sayo. Lalo na ang pag gabay mo kay Marco. Alam mo nman malaking epekto ang biglaang pagkawala ng parents namin. At kung wala ka hindi ko alam paano ko imanage si Marco. Thank you talaga Ms. Dianne at nadagdagan pa ang mga dapat ko ipagpasalamat sayo. Dahil ikaw na din ang gumagabay kay Scarlet.
Manager: Walang anuman, sa totoo lang ay kulang pa ang mga ginagawa ko kumapara sa lahat ng naitulong sakin ng Parents. Naging komportable ang buhay ng pamilya ko sa probinsya, nakapag -aral ang mga kapatid ko at nakapagpamilya sila ng maayos ng dahil sa mga tulong samin ng magulang mo. Isa pa ang librang partment ko na ipinangalan sakin ni Chairman. Habang buhay ko tatanawin ang lahat ng yan sa parents mo. at tanging magagawa ko ay gabayan kayong magkapatid hanggang sa akoy nabubuhay. Oo nga pala, ung ibinabayad ni Scarlet na renta para sa kwarto nya ay itiatabi ko lang. Dahil wala ako maisip na dahilan para hindi tanggapin ang bayad nya, dahil baka hindi na nya din tanggapin ang offer ko na tumira sya sa unit ko. Kung sakaling kailanganin nya ay ibabalik ko iyon sa kanya.
Okay Ms. Dianne, ikaw na ang bahala dyan. Ang mahalaga ay magstay sya sa Unit mo at hindi sya tumira sa ibang lugar. Maraming Salamat!
--------
Good morning Ms. Scarlet!!
Scarlet: Ay kabayo! Sorry po Sir. nagulat lang ako. ah eh dito din po pala kayo nakatira. Magandang araw po!
magugulatin ka pala Ms. Scarlet. Pasensya ka na, hindi ko alam na ang magandang katulad mo ay magugulatin. At sa tono mo, parang ngayon mo lang nalaman na dito ako nakatira sa same building na tinitirahan mo. Huwag mo sabihing hindi mo din alam na magkatabi lang ang unit atin??
Scarlet: Ahm pasensya na Sir, mauna na po ako kasi unang araw ng klase at ayoko po malate. Dyan na po kayo! (nagmadaling umalis)
(I smiled) She's so cute.
See you later Ms. Scarlet!!
Scarlet: Ano bang nangyayari sa lalaking yun at sumisigaw pa?! See me later??? okay lang ba sya? unang araw ng klase ko, umagang umaga sya talaga ang nakita ko. Wag naman sanang maging panget ang unang araw ko sa university. Good luck Self!!! Fighting!!
------
/// Scarlet's POV///
@Campus
First day of school! Bagong level ng daily life ko. Sobrang lawak pala talaga ng university na to at sobrang dami ng estudyante. Sana naman wala akong pasaway at bully na classmates. Kinakabahan ako sa unang araw na ito. Nasaan na kaya si Jona? sabi nya sabay kame maghahanap ng room, mukang hanngang kolehiyo palagi pa din syang late. Di bale itetext ko nalang sya at ayoko malate, simulan ko na hanapin ang room ko sa first subject scheduled ko today.
=BSBA Bldg A.=
=Room 103=
Mukang eto na ang room ko, ang dami na ding estudyante. San kaya ako mauupo? ah sa unahan nalang may bakante, dun nalang ako para malapit ako sa board at mas malinaw kapag nagklase na.
Jessie: Hi Miss, I am Jessie and you are? (nakikipagkamay)
Ah hello, ako si Scarlet. ( Sabay tungo at di nakipagkamay)
Jessie: Napakamahiyain mo naman Ms. Scarlet, kasing ganda mo pa naman ang pangalan mo. nakikipagkilala lang naman ako.
Professor: Good morning! I guess you are all freshmen here. By the way I am your professor in this subject. And I hope we get along in this whole semester. And I am sure that you are all good students! Right?
All: Yes Ma'am!!!!!
Jessie: Ma'am, first lang naman po natin, baka pwedeng magpakilala muna tayong lahat sa isat isa? para naman makilala namin ang magaganda naming kaklase.
All: Oo nga po ma'am..
Professor: Oh akala ko ay Freshmen lahat ang klase ko dito. Well mukang hindi dahil may 3 Old students akong nakikita ngayon. Anyways, gusto ko din kayo makilala lahat. Maybe we start to introduce ourselves to each other. And I will start! I am Mrs. Ofelia Madrigal and I am your Economics and I will be your advisor for the whole semester. And I hope you are not disappointed Mr. Jessie Cruz?
Jessie: Of course ma'am, lalo na po at may maganda akong classmate dito. baka po pwedeng si Ms. Scarlet ang next na magpakilala?
Professor: Mukang may bago kang target Mr. Cruz?! and I am warning you! Huwag ka maging sagabal sa pag-aaral ng mga classmates mo at please ipasa mo na ang subject na ito. ikatlong take mo na ito and nagsasawa na din ko makita ka every semester. Okay sino si Ms. Scarlet? gusto kong makilala para naman alam ko kung sino ang kailangan ko tutukan para hindi maimpluwensyahan ni Mr. Cr
(tumayo) Good morning po! I am Scarlet Ocampo, laking probinsya. Nice meeting you all classmtes! Thank you!
Jessie: Ang igsi namn ng pagpapakilal mo Ms. Scarlet!
Professor: Maupo ka na Mr. Cruz, at palagay ko hindi mo na kailangan magpakilala, dahil sa attitude mo mukang wala namang may interesado. Okay please sunod sunod na kayo magpakilala.
Hay nakakapagod ang first day. simula first class hanggang huli nagpapakilala. At buti nalang kahit may pasaway na estudyante, mababait naman ang professors.
3:10PM na pala, kailangan ko na pumunta sa store at magtrabaho. dedertso na ako para di ako malate. at makapagpahinga pa konti bago magsimula magtrabaho.
(Naglalakad papuntang store)
Naku ano ba yan, mukang si Mr. Arogante ang natatanaw ko. Dito din ba ito nagaaral?? (nakatungong naglalakad)
Aray ko!!
Matthew: Ms. Scarlet, kung maglalakad ka, sa daan ka tumingin, paano kug sino sino mabunggo mo? mabuti nalang at ako ang nakabungguan mo.
Ha? hindi ba parang sinadya mo? kasi kanina nasa malayo ka naman at wala sa direksyon ng nilalakaran ko. Di bale na nga, nagmamadali kasi ako at papasok pa ako sa trabaho ko.
Matthew: Nakatingin ka na pala sakin kanina pa, hindi ko inaasahan madinig yan. Sabayan na kita hanggang store.
Ah wag na kaya ko na mag isa.
Matthew: Ms. Scarlet sasabayan lang kita kasi doon din ang punta ko, nagkataon lang. And I am not saying naihahatid kita dun. Got it?!
Sorry ha, mukang na misuderstood kita!? ok do what you want!! (Sabay lakad ng mabilis)
(In my mind) ano ba naman tong araw na ito. di pa ba kakalma ang sitwasyon ko? simula umaga hanggang ngayon, napaliligiran ako ng pasaway na tao. Ano ba tong lalaking to, hinahabol nya ba ako?!? bakit sinasabayan nya ang paglakad ko ng mabilis? nakakainis!!
@Store
Manager: (mukang nagulat) Oh Scarlet!! ah.. kamusta ang first day of school? (nagtatanong habang sinesenyasan si matthew)
Okay naman po, medyo nakakapagod lang po, dahil maghapo po kame nagpakilala. and nakakainis kasi po may classmates akong makulit na paulit ulit akong kunakausap at nagpapakilala. Tapos po may wirdong lalaki na papunta din daw po dito sa store na nakisabay lang sakin. Pero halos hingalin napo ako sa mabilis na lakad ko, pero sinabayan din po ako ng mabilis na lakad nya! Please excuse me Ma'am Dianne magaayos lang po ako ng sarili ko at magpapalit ng uniform bago po ako magsimula ng trabaho.
Manager: Oh yah sure! Go ahead dear take your time!
(Pag-pasok ni Scarlet sa Office)
Anong ginagawa mo Matthew? bakit mo kasama si Scarlet?
Matthew: I just checked her! and nadinig mo naman that someone's bothering her first day of school. Please Ms. Dianne alamin mo kung sino yun at ayokong may ibang lalaking lumalapit kay Scarlet!
Manager: Are you okay? Just let her be. huwag ka mag interfere sa daily life nya kung ayaw mong mabuko tayo!
Matthew: I don't care! Basta kung may ibang sagabal kay Scarlet, hindi ako papayag. Buburahin ko talaga sya!
Manager: Okay okay kumalma ka na at baka madinig pa tayo ni Scarlet. Aalamin ko kung sino yun and please huwag mong puntahan si Scarlet sa school nya. at mag focus ka din sa ag-aaral mo. okay?! I will send you my report later.
Ma'am Dianne, okay ka lang po ba? bakit para pong may kaaway kayo kanina? maupo po kayo, ikukuha ko po kayo ng inumin, hindi po maganda ang itsura nyo. May problema po ba?
Manager: Ah wala naman, may konti lang problema sa isang branch. But naayos na! Huwag mo ako alalahanin, ayos lang naman ako.
Ah Ma'am kilala mo ba ung lalaking kasabay ko pumasok ng store kanina? Dun sya sa kabilang unit ng apartment nakatira. And ilang beses ko na din po sya nakakausap. Este nakakaaway?! ano nga bang tawag sa conversation namin?! Anyways, kilala mo po ba sya?
Manager: Ah sya ba? Nakikita ko nga sya palagi dito sa store at recently lang din sya nag move in sa apartment, halos kasabay mo nung nag move in ka sa unit ko. Oo kilala ko na sya sa muka, pero hindi ko alam ang pangalan nya. Promise!
Hahahaha.. nakakatuwa ka naman ma'am, okay lang po. relax ka lang po at mukang stressed ka today. Natanong ko lang po kasi lagi nya ako kinakausap kapag nakakasalubong ko sya. nacurious lang po ako baka sakali kilala nyo. Ayoko nmn po magtanong ng pangalan nya at baka kung anong isipin nya. Palagi nya po kasi tiatawag ang pangalan ko, simula pa nung una kame nagkaharap dito sa store.
Manager: Ganun ba? gusto mo bang alamin ko pangalan nya? oh mas okay siguro kung huwag nalang, db? Focus ka nalang muna sa pag-aaral mo at sa trabaho.
Yes po ma'am wag po kayo mag-alala. Hindi din po ako interesado na malaman ang pangalan nya. Magtatrabaho na po ako Ma'am.
////////