Scarlet, wala ako masabi sayo kundi sorry. But can I ask you to give me a second chance? I can not promise you anything, but I will do my best to regain your trust. And also can I please ask you to come back to the company? There is no reason for you to resign, if you want I will ask Ms. Dianne to just give you a leave of absence for you to rest for a moment. But please don't take too long. Matapos ko maramdaman na tila kalmado na si Scarlet ay dahan dahan ko siya isinadal at pinilit kausapin siya ng normal at tila walang tensyon na nangyari. Ngunit kinakabahan pa rin ako sa maaari niyang isagot sa akin.
I don't know! Gusto ko ng umuwi Matthew, pwede bang ihatid mo na ako? Isa pa alam na nila mommy na nag-resign na ako sa kumpanya n'yo. At sa ngayon gusto ko muna tulungan si daddy na patakbuhin ang negosyo n'ya. And please gusto na umuwi, wala naman din ako masabi sayo. Ang totoo ay parang nalusaw ang lahat ng bigat at sama ng loob ko kay Matthew. Pero hindi ko din alam paano ko siya kakausapin, kaya pinipilit ko nalang na gusto ko na umuwi. Sa isang parte ng puso ko ay magnararamdaman akong saya, ngunit iniiwasan ko itong ipakita kaya mas mabuti na umuwi na ako bago pa ako tuluyang maamo ng gwapong lalaki na ito sa harapan ko.
Okay, tatawagin ko lang si Jona at Gerald. But please answer my call later, please sweetheart?!
Matthew, pwede ba tigilan mo na yang kaka sweetheart mo? Baka may makarinig sayo at kung anong isipin nila. Isa pa naaasiwasa ako kapag naririnig ko yang tawag na yan. At narinig ko na kasama mong umuwi ang fiance mo, kaya ayoko din magkaproblema sa mapapangasawa mo. At baka malaman niya at mamis interpret ang pagtawag mo sakin ng ganyan. Ang totoo ay kinikilig pa din naman ako kapag tinatawag niya akong sweetheart kahit noon. Pero naalala ko ko ang usap usapan ng mga empleyado sa opisina noong unang araw niya bumalik sa kumpanya, na kasama niya ang fiance niya. Kaya naman tila bigla nanaman uminit ang ulo ko.
(Smirked) Are you jealous sweetheart? I teased her..
Are you okay?! Ikaw lang ang inaalala ko noh! Gusto mo bang pag-awayan niyo ng fiance mo ang walang kwentang bagay? Well. It's not my fault and not my business! Iritang sagot ko!
Okay sorry na sweetheart! First of all, I liked it when I call you sweetheart and I will not change it. And Secondly I don't have girlfriend ever since, I am proud to say that I am a NGSB, yan ang tawag sakin ni Gerald remember? Kaya imposible na magkaroon ako ng fiance! Kung saan mo man yan narinig, well I can announce to everyone that I only have you!
Tigilan mo nga ako Matthew! Basta huwag mo akong tawaging ganyan, kasi hindi naman dapat!
Alin yung sweetheart? Bakit? Dahil hindi pa kita girlfriend?! Eh ano naman, gusto kong tawagin kang sweetheart! or baka naman mas okay sayo ang baby? honey? Love?
Mr. Matthew Andrada!!!! tigilan mo na yan! Kinikilabutan ako sayo! Please enough!
Or kinikigilig ka? what's real? Tell me if may ibang endearment ka na gustong gamitin ko? Okay okay sige titigil muna ako. But only for now, I can not promise sa mga susunod na araw. ( I smiled) I saw her smiling while I'm teasing her. And I feel so happy today. But she suddenly change her reaction that makes me feel worried.
Matthew! Are you going back to Manila at this hour? Natatakot ako Matt! Paano kung... Bigla akong kinabahan ng maalala, 4 years ago naaksidente sila ni Gerald matapos nila kame ihatid ni Jona pauwi. Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko ng makaramdam ako ng pagkabalisa. Bigla ko nahawakan ang kamay ni Matthew at kusang tumulo ang luha ko ng naalala ko ang pag-iyak ko halos gabi gabi noong panahong comatose si Matthew at araw araw ko din sinisisi ang sarili ko.
Scarlet are you okay? What happen? Bakit ka umiiyak? please calm down! Anong nangyayari? Binuksan ko ang bintana at tinawag si Jona at Gerald, para humingi ng tulong. Dahil hindi ko alam bakit bigla nalang umiyak si Scarlet na parang takot na takot.
Girl, relax lang okay? Hinga ka lang, breathe-in, breathe-out, breathe-in, breathe-out. Okay relax na girl, nandito kame look Matthew is here, si Gerald at ako. Wala ka dapat alalahanin Scarlet. Nandito kame oh, tingnan mo kame. Okay very good Scarlet, you are fine. We're fine okay? Ganito si Scarlet sa loob ng 4 na taon mula ng nalaman niya naaksidente si Matthew at na-comatose. Panic attack sabi ng Psychologist. at pinilit namin itong itago maging kay Ms. Dianne. Dahil malimit ito mangyari kapag hating gabi na magkatabi kame natutulog sa apartment.
Jona, anong nangyari kay Scarlet? Anong problema? Is she okay now?
Umuwi na tayo Jona please. Gusto ko na magpahinga. Matthew, mag-ingat kayo sa biyahe pabalik ng Manila and please call me If you're already home. Please let me know.
Okay, I will call you for sure. But please tell me what happened just now? Are you okay? Sobrang pag-aalala ko sa nakita ko, at hindi ko alam ang gagawin ko kung wala si Jona.
Sir Matthew, mas okay siguro na umuwi na muna kayo. Saka ko nalang po ipapaliwanag and kila Scarlet na din muna ako matutulog tonight. Para hindi na din kayo masyadong mag-alala.
Okay, ihahatid na namin kayo. Uuwi na din kame after at tatawagan kita Scarlet. You are okay right? And thank you and please Jona take care of her. Pag-kahatid namin ni Gerald kay Scarlet at Jona ay umuwi na din kame. Si Gerald na din ang nag-drive dahil halos di mawala sa isip ko ang nangyari kay Scarlet. Bakit siya nagkaroon ng panic attack? Kilala ko siya bilang matapang, matatag humarap sa problema at ngayon ay nagulat ako na halos mawalan siya ng malay sa harapan ko. Natatakot akong malaman na ako ang dahilan kung bakit nagkasakit si Scarlet. Hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko.
Brod, Kumalma ka na din dyan, mas maganda siguro kung tawagan mo na si Scarlet at ipaalam mo kung nasaan na tayo, para hindi ka nag-aalala dyan. Malapit na din naman tayo sa apartment mo. We decided na sa apartment ni Matthew dumarecho at para uminom na din ng konting beer, dahil nakita ko na sobra ang pag-aalala ni Matthew kay Scarlet. Ang totoo kanina habang nag=kukwentuhan kame ni Jona sa park habang nag-aantay sa dalawa na nag-uusap sa kotse. Ay di naman siguro sinasadya ni Jona na masabi ang tungkol sa naging sakit ni Scarlet. Wala naman ako planong sabihin kay Matthew but I think I also need to comfort my friend.
--------
Hello? Scarlet? Are you okay now? We're almost home. Sa apartment kame dumarecho ni Gerald, and he will stay also sa apartment for tonight.
Hello Matt, okay thank you for letting me know. I can sleep now. And please tell Gerald na Salamat. Hindi talaga ako makakatulog kung hindi tatawag si Matthew na nakauwi na sila. Natatakot ako at di ko maiwasan na isipin ang mga nangyari noon.
Okay good night sweetheart! Matulog na kayo at mag-pahinga. I will see you again. Gusto ko pa sana makausap si Scarlet, pero ramdam ko na pagod na siya at kailangan na niya mag-pahinga. Kaya matapos ko lang din sabihin na nakauwi na kame ay nagpaalam na din kame sa isa't isa.
Okay goodnight Matthew! Naging masaya ako sa naging pag-uusap namin ni Matthew, pero pakiramdam ko pagod na pagod ako sa nangyari sakin. At ngayon nag-aalala ako na sa loob ng 4 na taon naisikreto namin ni Jona ang tungkol sa naging sakit ko. Ngayon ay sa mismong harapan pa ni Matthew ako inatake. Sana ay hindi na ito usisain pa ni Matthew, dahil ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol sa naging sakit ko. Medyo matagal na din ng huli itong nangyari sakin, kaya ang akala ko ay na-overcome ko na ito. Pero hindi ko pa din napag-labanan, lalo na't naisip kong baka mapahamak nanaman sila Matthew matapos nila manggaling sa amin.
Girl, matulog na tayo! Nakakapagod ang araw na ito talaga. Pero alam mo girl nakakatuwa si Gerald, mukang hindi na siya babaero. Alam mo gusto ko na nga sana mag-apply na girlfriend niya, pero nahiya naman ako girl, kahit paano naman ay isa pa din akong dalagang Filipina. di ba? Pero di ko maalis ang ngiti ko habang kausap siya kanina girl. Gusto ko na nga tanungin kung totoong tao ba ang nasa harapan ko eh!
Hay naku Jona, kahit kailan ka talaga puro ka kalokohan. Huwag ka basta basta nagpapadala sa titig ng gwapo. Mahirap na kung mabola ka din tapos sa huli wala ding kayo! hahahaha.. Joke lang girl ha, gusto ko lang na minsan mapatawa din kita. Pero mukang hindi effective sayo.
Alam mo ikaw Scarlet minsan ka nalang din mag-jojoke yung hindi pa nakakatuwa. Ano ba namang suportahan mo nalang ako sa kalandian at kalokohan ko! Nangangarap na nga lang ako, binasag mo pa talaga! kung hindi lang kita bestfriend naku baka nasaktan na kita!
Okay sorry na, hindi ko na susubukan mag-paka comedian at hindi talaga bagay sakin. Mukang ikaw lang talaga ang may kakayahang magpasaya ng ibang tao. At kaya naman mahal na mahal kita beshie, kasi palagi ka nasa tabi ko. Naiisp ko nga minsan baka tayo ang nakatadhana girl!
Loka! Ano ka Lesbian? Naku yang ganda mong yan, hindi bagay sayo girl. Maraming nagkakandarapa sayo nho! ikaw lang talaga itong sarado ang puso at isip. At lalong Sarado ang mata para sa iba. Mula noon hanggang ngayon si Matthew lang ang nakikita mo. At alam mo ba girl, masaya ako na nag-usap kayo ni Matthew mo. May natatanaw akong ngiti sa iyong mga labi. Nakss!!! Hala kinkilig ka girl!!!
Tumahimik ka na nga at matulog na tayo! Pinag-sasasabi mo dyan! Goodnight! Tinalikuran ko na si Jona, dahil totoong hindi ko mapigil ang aking pag-ngiti. Alam ko din naman na masaya ako. Pero ayoko umasa sa kung anong pwedeng maging bagong storya namin ni Matthew. Pero kung pagbibigyan talaga ng kapalaran na maging maayos kame, magiging masaya na ako kahit maging magkaibigan lang kame.
-------