/// POV's ///
ring ring ring!
Hello! hello? hello po? napatingin ako sa screen ng phone ko, nakita ko na unregistered number ang nareceive ko na call. nakailang ulit din ako ng hello at paulit na chinech kung may kausap pa ako sa kabilang linya. Ngunit wala naman sumasagot sa akin. Inisip ko nalang na wrong call lang siguro. I decided to hang up my phone, when I heard someone talking.
Scarlet! This is Matthew and please don't hang up. Can we talk? Please Scarlet, I will not give any excuses but please let me explain? Okay I will promise to tell you everything you want to know. I just want to talk to you.
Sorry you got a wrong number! nabigla ako ng malaman na si Matthew ang tumawag sa akin. Hindi ko din alam kung anong isasagot ko kaya matapos kong sabihin na wrong number siya at ibinaba ko na ang phone ko. At wala din naman ako gustong marinig na paliwanag mula kay Matthew. Mas tinaggap ko ng tapos na ang lahat, masakit man sa akin, pero yun ang gusto niya at sya mismo ang nag-desisyon na tapusin ang friendship namin.
knock knock knock! Scarlet anak? May bisita ka anak, at dinner time na din kaya bumaba ka na din para sabay sabay na tayo kumain.
Sige mommy susunod na po ako! Si Jona siguro ang bisita ko at idinaan ang ibang gamit ko na naiwan sa apartment. Hindi manlang tumawag o nagtext ang babaeng yun.
Good evening Scarlet! hindi ako kinausap ni Scarlet ng tawagan ko sya, kaya naman nakiusap ako sa kaibigan niya na tulungn ako para makausap ko si Scarlet. At sinabi niya na uuwi siya ng weekend at dadaan sa bahay ni Scarlet para ihatid ang ibang gamit nito. Kaya naman ngprisita na akong tulungan siya na maguwi ng gamit ni Scarlet.
Hi girl! ahm nag-insist si Sir Matthew na tulungan ako ihatid ang mga gamit mo. Kaya ko sila kasama dito. Sorry..... hindi ko naman kasi matatanggihan ang boss ko, at buong byahe nga ay halos wala din akong ibo, kahit na pilit akong kinakausap ni Gerald. Yes! kasama si Gerald! Well mas gwapo na siya ngayon at medyo behave na. Kaya kahit nag-aalala ako sa magiging reaction ng beshie ko, di ko maiwasan kiligin tuwing kinakausap ako ni Gerald sa kotse.
Kung ganun pala ay maraming salamat sa pag-hatid ng mga gamit ng anak ko. nag-byahe na rin lang kayo ng malayo ay sabayan niyo na kame mag-dinner. Tamang tama at nagluto ako, dahil umuwi din ang mga kapatid ni Scarlet galing sa dorm nila. Sumunod na kayo sa akin at nakahain na din ako. tatawagin ko lang ang mga anak ko. Feel at home at huwag kayo mahihiya.
Hindi na mommy aalis na din sila, hinatid lang naman nila ang gamit ko. Di ba Jona?
Ay Opo Tita aalis na din po pala kame. Baka po kasi maabala din sila Sir Matthew at Gerald. Gagabihin din po sila sa byahe pabalik ng Manila.
No Ma'am, ayos lang po na mag-stay kame for dinner. And hindi naman po kame nag-mamadali and nakakahiya naman po tanggihan ang invitation niyo. Nahihiya ako pero wala akong choice kundi mag-stay to get my chance to talk Scarlet.
Okay, mabuti naman at hindi niyo ako tinanggihan, kundi ay magtatampo talaga ako. Isa pa masamang tinatanggihan ang grasya, kaya maupo na kayo at kumain na tayo.
Thank you po Ma'am and Sir. Scarlet, maupo na tayo please.. Maskinakabahan ako habang nakikita ko ang reaksyon ni Scarlet. Pero kailangan ko ito harapin. kung hindi ngayon baka tuluyan na ako mawalan ng pagkakataon na ayusin ang relasyon namin.
//Tahimik lang ako habang kumakain kame, at si Matthew naman parang ang laki talaga ng pinagbago niya. Pakiramdam ko I'm not belong, dahil buong oras namin habang kumakain ay kausap niya si mommy, daddy at maging mga kapatid ko. Pero si Jona pilit na umiiwas sa mga tingin ko. At si Gerald naman ay nakikisingit sa kwentuhan paminsan minsan. Matapos namin mag-dinner ay hinila ko si Jona para isama sa kwarto ko at kausapin.//
Jona, nasa kwarto ko nga pala yung kukunin mo. Halika samahan mo ako para maibigay ko na. Iwan na muna namin kayo. Janna, James kayo na ang magligpit ng kinainan ha, para makapag-pahinga na din sila mommy at daddy. Excuse ko lang na may kukunin si Jona sakin, wala kasi ako maisip na paraan para makausap siya ng mag-isa.
Girl!!! Sorry na please, huwag ka naman magalit sakin. Isa pa paao ko naman tatanggihan ang boss ko, kahit na naiinis din ako sa ginawa niya! Syempre bestfriend kita kaya ramdam ko din ang pinagdadaanan mo, pero girl unawain mo ako. Palagay mo ba matatanggihan ko sila, tapos kita mo naman napaka weak kong nilalang, ikaw ba naman pakiuasapan ng mga gwapong lalaki na yan. Sorry na!!
Okay! Pero sana girl sinabihan mo ako, para ako nalang sana ang umalis ng bahay at nagdahilan kila mommy para makalabas ng bahay. Kita mo naman nangyari ako ang natatameme sa sitwasyon. Pwede ba pag-baba natin ay yayain mo na silang umalis. At bukas nalang tayo ulit mag-usap, pupuntahan kita sa inyo or lumabas tayo bukas. okay?!?
Sige subukan ko kung sasama ba sila sakin na umalis.. Bumaba na tayo at bigyan mo ako kahit libro o ano dyan na gamit mo na kunwari ay hiniram ko. Maloloka ako sa love story niyo girl. Bakit kaya hindi mo nalang bigyan ng time para kausapin si Matthew?
Wala naman ako sasabihin sa kanya, kaya bakit kailangan namin mag-usap? Bumaba na tayo at kaladkarin mo na silang umalis, please...
Anak, sumunod kayo ni Jona sa garden at nandun ang bisita mo kausap ng daddy mo. Mukang nagkasarapan ng kwentuhan tungkol sa negosyo. Isa pa nagsabi siya sa Daddy mo na lalabas daw kayo tonight para mag-bonding dahil noong college pa daw kayo huling nagkakwentuhan. At mukang pumayag naman si daddy mo kaya payag na din ako. Basta ihahatid ka lang ng buo pauwi ha! hahahaha..
What? Mommy anong pumayag kayo? tinanong ba niya ako? Saka mommy gabi na, mas okay kung uuwi na lang sila.. di bale papaalisin ko na po sila mommy. At mabilis ko kinaladkad si Jona sa garden para pauwiin na si Matthew at Gerald.
Sir, mag-papaalam na po kame. Nandito na po pala sila Scarlet. Promise po na ihahatid ko din po sila late pag-uwi. Mag-bonding lang po kame saglit. Nang matanaw ko palapit sila Scarlet ay mabilis ako nag-paalam sa Daddy niya na aalis na kame, at wala na nga nasabi si Scarlet ng hawakan ko sya sa braso at sabay isinama ko na siya palabas ng bahay nila.
Mr. Matthew Andrada! Ano ba itong mga pakulo mo? I'm sorry pero hindi ako sasama sa inyo! makakaalis na kayo at tapos na ang pag-arte mo harap ng parents ko! Please end this drama here!
gusto mo bang isipin nila na may problema tayo? Please Scarlet kahit saglit na oras lang. Pag-bigyan mo ako na makausap ka. Isa pa kasama naman natin si Jona at Gerald, and we can talk somewhere na may mga tao. You have nothing to worry, wala ako plano na dalhin ka sa malayo. o kahit sa kotse lang mag-usap tayo please?! Mahigpit na pkiusap ko kay Scarlet, dahil pkiramdam ko talaga i is now or never na maayos ang lahat samin kung palalagpasin ko pa ito.
Okay! Sa kotse mo lang tayo mag-usap, at sa park nalang at ayoko ng pumunta sa ibang lugar. Actually wala naman tayo dapat pag-usapan. Hindi ko alam kung para maiwasan lang sasabihin ng parents ko kung hindi ako sasama o gusto ko din marinig ang sasabihin ni Matthew, kaya ako pumayag na sumama. At pagdating namin sa Park ay bumaba ng kotse si Jona at Gerald para bigyan kame ng pag-kakataon makapagusap na kame dalawa lang.
Scarlet, I'm sorry! I am very sorry! I have no excuses to say. I know it's all my fault! And actually I don't know what to say to at this moment. The only thing I know is I still love you. I can not continue my life without you! You're the only reason why I survived.
I am your reason to Survived?! You love me?!? (scoffs) Kaya ba bigla mo tinapos ang friendship natin? Nauunawaan ko naman na wala akong karapatan na mag-demand ng oras at atesyon mo. Pero alam mo din ikaw lang ang naging kaibigan ko noong panahong down na down ako at wala naman ako karapatan angkinin ang lahat ng oras mo. Pero sana sinabi mo na hindi mo na ako gustong maging kaibigan. Matatanggap ko naman! kung sana sinisi mo nalang din ako sa nangyari sayo! o kaya naman sana nagpanggap ka nalang na may amnesia ka at nakalimutan mo na ako ng magising ka. Ang tawag doon ay konsiderasyon! kunsiderasyon para sa kaibigan na ayaw mo nang maging kaibigan all of a sudden!!! Hindi ko napigilan at tila biglang sumabog ang dibdib ko sa mga sinabi ni Matthew. At kasabay ng mga sumbat ko ay tila ilog na di ko mapigil ang pag-agos ng mga luha ko. Habang si Matthew ay pinilit akong akapin kahit na nagpipilit akong kumawala. At tila dinurog din ang puso ko ng maramdaman ko ang mga luha ni Matthew na pumapatak sa aking balikat, mula sa pagkakayapos niya sa akin.
I'm sorry sweetheart! I'm so sorry! I love you Scarlet! Please calm down, please sweetheart calm down. I know it's all my fault! I'm sorry Scarlet! Wala ako ibang masabi kay Scarlet kundi sorry at di ko mapigilan na sabihing mahal ko siya kahit na ayaw niya akong paniwalaan. At naramdaman ko ang bigat ng kalooban niya na siya din nagpa-realize sakin kung gaano kalaki ang kasalanan ko sa kanya at kung gaano ko siya nasaktan na tiniis niya at sinarili sa loob ng 4 na taon.
//Tila tinakasan ako ng lakas matapos ko sumbatan si Matthew at di ko na magawang kumawala sa pagkakayapos niya, kahit pa halos kumalma na ang kaninang mabigat na sitwasyon namin. At ilang minuto din ang lumipas ng matahimik kameng dalawa habang si matthew ay nanatiling nakayapos sa akin. //