///Scarlet's POV///
Jona, sorry pero hindi ko talaga kaya na makita araw araw si Matthew sa kumpanya. At alam ko wala din ako sa posisyon para umiwas sa kanya kung makakasalubog ko s'ya. Kaya sana maunawaan mo kung bakit ako magreresign. Pero huwag mo sayangin ang trabaho mo dahil lang gusto mo ako damayan. Ang buhay mo ay para sa iyo, ang buhay at desisyon ko ay responsibilidad ko. And don't worry, I am sure na makakahanap rin ako ng bagong trabaho. Maraming salamat sa lahat ng tulong, pag suporta at pag papasaya sa akin palagi. Magkikita pa rin naman tayo, kaya di mo kailangan malungkot. Okay? Palabas na ako ng ospital at si Jona ang sumundo sakin. Para may makasama din ako sa apartment para mag-ayos ng mga gamit ko. Malaki ang pasasalamat ko sa kaibigan ko at lalo na kay Ms. Dianne na mula sa simula ay umalalay at tumulong sa lahat ng kailangan ko, kahit pa hindi ko hinihingi. Naging parang magulang ko s'ya noong panahong nag-aaral ako at nagtatrabaho sa store. At maging sa naging trabaho ko nga ngayon ay s'ya pa rin tumulong sakin at maging sa kaibigan ko na si Jona.
Scarlet, alam mo naman para na tayong magkapatid. mula nag-aaral tayo hanggang ngayon, parati tayo magkasama. At di ko maiwasan ang maiyak at malungkot. And girl alam ko na mabigat ang pinagdadaanan mo ngayon kumpara noon. Kaya masakit sakin na hindi kita madadamayan sa araw araw mo, para lagpasan yan. Basta girl kung kailangan mo ako, tawag ka lang at kung kailangan kita liparin, lilipad talaga ako for you!
Hay naku ikaw talaga, hindi papalya sa akin ang mga banat mo. Salamat talaga kasi lagi mo akong binibigyan ng dahilan para sumaya.
Paano pala yung mga gamit mo sa opisina? ikaw ba ang kukuha o ako nalang ang mag-uuwi? Naku girl, mukang tatumbling talaga ako bukas pag-pasok ko para sa mga hahabulin kong documents for submission. Di ko talaga alam kung masaya ba ako o naiinis ako sa pag-reresign mo!
Girl, huwag ka mag-alala. Halos natapos ko na din naman ang trabaho ko. At bukas ung files sa computer ko isend mo sa email ko, para kahit nasa bahay ako ay matatapos ko pa din. at sa iyo ko nalang isubmit, para ikaw na ang bahala sa huli. Happy ka na?
Napaka swerte ko talaga sayo beshie!! Love you girl!! Naku naku at babalik pa ako sa office ngayong tanghali, mabuti at laging nandyan si Ma'am Dianne. Siya talaga nag-utos na tulungan kita at ihatid sa terminal ng bus. Yung ibang gamit mo ako na mag-uuwi at baka mabigla ang mommy at daddy mo pag-uwi mo. Magmuka kang napalayas dito sa apartment. Okay na yang damit mo nalang dalahin mo mga importante mong gamit. Uuwi ako sa weekend kaya magbitbit din ako ng ibang naiwan mo. Sobra kita talagang mamimiss girl. Sobra akong naiiyak, pero pilit ko pinipigilan at sinisubukan ko pa din mapatawa ang bestfriend ko, ngumingiti man ay bakas pa din ang pagkabroken hearted ni girl.
---------
Mommy! Daddy!!
Anak!! Bakit di ka nagsabi na uuwi ka ngayon? wala ka bang trabaho? bakasyon ka ba? namiss ka namin anak, bakit di ka manlang tumawag bago umuwi? edi sana nakapaghanda ako ng mga paborito mong pag-kain.
Okay lang mommy, kahit ano naman ang iluto mo ay masarap pa din at sure akong maeenjoy ko! Kamusta kayo ni daddy? nasaan po siya? Ang tagal ko hindi nakauwi, kundi tawag at text lang ang nagagawa ko para kamustahin sila. At ngayon eto ako para maramdaman ang pagmamahal nila, na ako mismo hindi ko nagawa ipakita ng mahabang panahon. Pero masaya ako na kasama ko sila ngayon, at palagay ko mas mabilis ko malalagpasan ang kalungkutan ko kasama ng pamilya ko.
Nasa garden ang daddy mo iniwan ko lang saglit, maghahanda kasi ako ng miryenda namin. Mabuti at dumating ka anak kaya puntahan mo na siya at sabay sabay na tayo magmiryenda. Siguradong matutuwa siya na makita ka. Naku anak nagtatampo na talaga ang daddy mo sayo kasi matagal ka ng hindi umuuwi. Kaya lambingi mo s'ya ngayon. Miss na miss ka namin anak! Ang mga kapatid mo sa weekend pa ang uwi.
//Dahan-dahan ako lumapit sa daddy ko at halos hindi niya ako namalayan. At niyapos ko ang dad ko na nag-papahinga sa garden habang nagdidilig ng kanyang mga halaman. Naging hobby nya ang pag-aalaga ng halaman. Naka-recover na siya mula sa aksidente, pero di na siya nag-abroad. Nagsimula siya ng construction business, sa tulong na din ng nag-sponsor sa kanya na hanggang sa ngayon ay hindi na namin nakilala. Maganda ang naging takbo ng negosyo at nakabangon muli ang dad ko mula sa pagkawala ng trabaho bilang ofw at ngayon ay negosyante na.//
Scarlet anak! Kamusta ka na? Anong masarap ba ang nakain mo at sinurpresa mo kame ni mommy mo?
Namiss ko na kasi kayo dad! Tagal ko na kayo hindi nakakasama. And Daddy kung sakali ba na magreresign ako sa trabaho ko, tatanggapin mo ba ako kahit gawin mo akong secretary mo? Imagine may maganda at sexy ka na secretary, bukod dun mababa lang singil ko sayo, promise!! Parang pabiro ko lang sinabi sa dad ko, pero ang totoo nagdadasal ako na sana sumangayon sya. Dahil gusto ko magtrabaho pero sa panahon ngayon gusto ko din makasama sila araw araw.
Aba oo naman anak! Ikaw pa ba?! Pero alam kong hindi mo ipagpapalit ang magandang kumpanyang pinagtatrabahuhan mo para sa maliit na negosyo ko. Minsan ka nalang umuwi, gusto mo pa ako lokohin. Pero masaya ako sa kung anong meron ka ngayon at proud na proud kame ng mommy mo. At masayang masaya ako na nandito ka ngayon! Nagbakasyon ka ba anak?
Teka tama na muna ang tuksuhan n'yong mag-ama. Magmiryenda na muna tayo! At kwentuhan mo naman kame anak sa nangyayari sayo? Masaya ka ba sa trabaho mo? Si Jona pala kamusta? kasabay mo ba s'ya umuwi?
//Sunud-sunod ang tanong ni mommy at halos natulala nalang ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, at sana di nila mahalata na kaya ako nandito ay dahil may pinagdadaanan ako. Alam ko naman na hindi nila problema ito at unfair na matapos ko sila mabaliwala ng mga nagdaang panahon na halos bihira pa sa patak ng ulan kung dumalaw ako sa kanila. Eto ngayon sila ang kailangan ko para lang maipagpatuloy ko ang aking buhay at makabangon s pagiging broken hearted ko.//
Anak, okay ka lang ba? May problema ka ba?
Oo nga anak, anong problema? Kaya ka ba umuwi kasi may problema ka? Okay lang yan anak, sabihin mo samin ng daddy mo at handa kame makinig.
//Hindi ko na napigil ang aking mga luha ng kusa na itong lumabas sa aking mata. Wala ako maipaliwanag kundi ang yumapos sa mommy ko, habang ang daddy ko naman ay lumapit at naramdaman kong hinihimas ang aking likod upag ako ay kalmahin.//
Wala naman po akong problema, sobra ko lang po kayong namiss at naisip ko na simula nag-aral ako sa Manila, at habang si daddy ay may pinagdadaanan. Hindi ko kayo nagawang tulungan sa pag-aalaga, at nafocus ako sa aral at trabaho. At halos hindi ko kayo nadadalaw, maging mga kapatid ko ay hindi ko na namalayang lumaki. natapos na mag-aral si Janna at ngayon makakatapos na din si James. Kaya pakiramdam ko naging malayo ako sa inyo ng matagal. Kaya dad ang totoo nag-resign napo ako sa trabaho, plano ko po na mag-apply sa ibang kumpanya o kaya po ay mag-aral ulit. Pero this time po gusto ko uuwi ako araw araw para makakasama ko po kayo araw araw.
Sayang naman ang trabaho mo anak, dahil napaka gandang kumpanya ng napasukan mo. Hindi ka ba manghihinayang? Pero kung ano man ang desisyon mo ngayon ay susuportahan ka namin ng mommy mo. Gagawin namin ngayon ang hindi namin nagawa noon anak.
Thank you po Dad! Napaka blessed ko po, dahil meron akong mababait na mommy at daddy. Bonus pa ang mga kapatid kong makukulit. hehehe.. Miss na miss ko po kayong lahat. Ngayon masasabi ko na tama ang desisyon ko, at mas magiging masaya ako kasama ang pamilya ko. Kailangan ko lang gawin ay magmove on at kalimutan si Matthew. Palagay ko ay makakapagimula akong muli basta kasama ko sila.
-------
Honey, palagay ko ay may mas mabigat na dahilan ang anak natin kaya biglaan ang pag-reresign nya. Sa palagay mo ano kaya ang naging problema nya? Si Jona yung kaibigan nya na kasama nya din sa trabaho baka may alam sya? Sa tingin mo ba kung tawagan ko sya ay sasabihin nya?
Huwag mo ng alamin, nararamdaman ko din na may mabigat pang dahilan. Pero hayaan muna natin ang anak natin. At kung ano maging desisyon nya ay suportahan nalang natin. Para hindi man nya sabihin ang dahilan ay maramdaman nya na nandito lang tayo palagi kasama nya.
Nag-aalala kasi ako kay Scarlet, alam kong masaya siya na makasama tayo. Pero nakikita kong may mali at kulang sa kanya ngayon. Nawala ang sigla ng anak natin. At bilang nanay ay di ko ata kayang tiisin na panuorin lang siya ng hindi ko nalalaman kung anong pinag-dadaanan nya. Dapat yata ay kausapin ko siya ng kame lang dalawa. Ano sa palagay mo honey?
Ikaw ang bahala, pero bigyan mo muna ng oras ang anak mo makapag-pahinga ng ilang araw at ng magkaroon din sya ng lakas ng loob na sabihin sa iyo ang totoo nyang pinagdadaanan. At ipauubaya ko yan sa inyong mag-ina, sa ngayon ay ienjoy natin ang oras na bakasyon sya at walang trabaho. ipagluto mo sya araw araw ng masarap at paborito nyang pagkain.
Oo nga, sige honey yan ang gagawin ko. Tara at matulog na di tayo. Good night honey!
//////