///Matthew's POV///
Ms. Dianne, what is the commotion about? May nag-away ba sa opisina? Ayokong tinotolerate ang mga ganyang empleyado! I called Ms. Dianne after I heard that something happened sa ibabang palapag ng opisina ko. Medyo disappointed ako dahil I visited that floor awhile ago and they are seems all nice. And I did not expect na may mag-aaway right after I visit them.
Wala naman na-away Sir, may empleyado kasi na nawalan ng malay at isinugod sa clinic kaya medyo nagkagulo ang mga empleyado. At dinala ko na din s'ya sa ospital for further check ups dahil wala pa s'yang malay, gusto ko lang makasigurado na hindi s'ya nasaktan sa pagkakabagsak n'ya.
Oh mabuti kung wala naman nag-away. Kamusta naman ang empleyado? Bakit s'ya nawalan ng malay? Anyways, thank you Ms. Dianne at maging ang mga ganyang bagay ay personal mo din palang hinaharap. If He or She needs other assistance, ikaw na ang bahala Ms. Dianne.
Yes Sir! Pinigilan ko talaga ang sarili ko na sabihin na si Scarlet ang empleyado na nawalan ng malay matapos s'yang makita. I don't think he deserves to know. And kung sakali man na malaman n'ya ayoko din na pumunta s'ya dito sa ospital at mabigla nanaman si Scarlet. Gusto ko muna masigurado ang kalagayan ni Scarlet at kung may magagawa ba ako para hindi na maulit ito sa kanya.
-------
Ma'am Dianne? Nasaan po tayo? Ano pong nangyari? Kulay puti ang paligid at kung di ako nagkakamali ay nasa ospital ako. Pero bakit? Medyo mabigat ang pkiramdam ng ulo ko, pero nakakapagtaka na sa loob ng ospital ako gumising. Nananaginip ba ako? ipinikit at iminulat komg muli ang aking mata ng paulit ulit.
Kamusta ang pkiramdam mo Scarlet? Okay ka lang ba? Nasa ospital tayo, dahil bigla ka nalang nawalan ng malay at bumagsak sa opisina. Kaya huwag mo muna pilitin bumangon, at magpahinga ka pa habang nag-aantay tayo ng result ng mga test na ginawa sayo.
Ospital? Akala ko ay nananaginip lang ako ma'am. Ano pong nangyari? Bakit po ako??? Natigilan ako sa pagtatanong ng maalala ang nangyari kanina. Tila alam ko na kung bakit ako napunta sa kwarto na ito. At di ko naiwasan ng bigla ng tumulo ang aking mga luha na syang pinilit kong pigilan kanina. kaya siguro ako nawalan ng malay.
Scarlet, I'm sorry! Sorry kung hindi kita sinabihan na umuwi na si Matthew. Sorry din na hindi ko pinaalam sayo na isa sa mga negosyo nila ang kumpanya na pinagtatrabahuhan mo. Sorry kung wala ako maipaliwanag na dahilan sayo mula noong bigla ng naputol ang communication n'yo ni Matthew hanggang sa mga nagaganap ngayon. Patawarin mo ako dear dahil wala din ako sa posisyon para magsalita.
Wala naman po kayong ginawang mali ma'am. Alam ko po na sumusunod lang kayo sa mga pinaguutos ni Sir. Matthew. At kahit ayaw n'yo ay wala naman po kayo pagpipilian. Malaki po ang pasasalamat ko sa inyo ma'am, sa dami po ng tulong na ibinigay n'yo sa akin at sa malawak n'yong pang-unawa. Pero ma'am hindi ko po kaya makita si Sir. Matthew sa trabaho araw araw. Akala ko po ay kaya ko ibalewala ang lahat kung makikita ko s'ya muli. Akala ko din po na tanggap ko ng hindi ako karapat dapat na maging kaibigan n'ya kaya ayos lang ang bigla n'yang pagtalikod sakin. Pero ngayon po na nakaharap ko na s'ya muli ay masakit po pala. Tanggap ko naman po na magkaiba kame ng level ng pamumuhay, pero tao lang ako ma'am. Sana po ay maunawaan n'yo ako, kung magreresign po ako sa trabaho.
Dear! Hindi mo kailangan gawin yan. Pwede kita ilipat ng pwesto, department o ng branch para hindi kayo parati magkita ni Matthew. Sayang ang trabaho mo kung magreresign ka. Halos dalawang taon palang at kailangan mo pa ng mas malawak na experience kung nagpaplano ka humanap ng ibang trabaho.
Nauunawaan ko po kayo ma'am at nahihiya din naman po ako sa gagawin ko. Alam ko po na nag-effort kayo na matulungan ako at si Jona para mailagay sa posisyon namin ngayon. Pero hindi ko na po matatanggap ang offer n'yo. Mas mabuti po na magpahinga nalang muna ako kasama po ang pamilya ko. Matagal ko na din po sila hindi nadadalaw, kaya ito na din po siguro ang dahilan para mabigyan ko sila ng oras. Gusto ko lang po makapagpahinga kahit konti at pagkatapos ay maghahanap din po ako kaagad ng bagong trabaho.
Ayaw ko sana na umalis ka sa company, pero kung iyan ang ikapapanatag ng kalooban mo, ay hindi kita pipigilan. Basta kung makapag-isip isip ka at gusto mo ulit magtrabaho sa kumpanya, magsabi ka lang sakin at huwag ka mahihiya. And welcome ka pa din sa apartment natin, kahit magtrabaho ka sa ibang kumpanya. Maaari ka padin tumira kasama ko at ni Jona.
Naku ma'am, hindi na po siguro. Mamaya po ay ipapaalam ko na din kay Jona na magreresign na ako at aalis na din po ako sa apartment ma'am. Pasensya na po kayo. Ang tagal ko pong naging pabigat sa inyo, ang totoo ay umaasa ako na magiging okay pa po kame ni Matthew, kaya po pinili ko na hindi umalis sa apartment dahil umasa ako na baka isang araw ay umuwi sya, at iyon lang ang lugar na naisip ko na posible nyang unang pupuntahan. Pero narealized ko po ngayon na hindi pala, dumating sya at hindi ko totally nalaman. Kaya alam ko po na wala na ang lahat ng pinasamahan namin. Aaminin ko po na gusto ko na si Matthew bago pa man sya naaksidente, kaya po sobra ko sinisi ang sarili ko sa nangyari sa kanya. Pero ngayon, hindi ko na po pala kaya na makaharap pa sya, dahil tama lang po na kalimutan nya ako at panahon na din po para kalimutan ko na sya.
Scarlet, you deserve to be happy. Kung ano sa palagay mo ang makakapagpalaya at makakapagpasaya sayo. Basta lagi mo tatandaan na palagi lang ako nandito kung kailangan mo ng tulong. And you have a special place in my heart dear. Huwag ka mahihiyang lumapit sa akin. okay?!? And I want to see your smile again.
Marami pong salamat ma'am Dianne. Napakabuti n'yo pong tao at sobra sobra na po ang naitulong n'yo sa akin.
-------
knock knock!
Yes come in!
Good morning Sir! I just need to remind you that we have a meeting with our new investor's. And it's a lunch meeting Sir! Kapag malalaking project ay ako pa din ang humahawak ng schedule ni Matthew. Dahil ang trabaho talaga ni Stephanie ay bantayan ang kalusugan ni Matthew. Siya lang ang bahala sa personal na schedule ni Matthew related sa kalusugan nya.
Thank you Ms. Dianne! Oh by the way, kamusta na ang empleyadong dinala mo sa ospital kahapon? Okay na ba s'ya? Bakit pala siya nawalan ng malay?
Maayos naman siya at today siya madischarge. Okay naman ang results ng tests niya, mukang medyo stress at pagod lang siguro kaya siya nawalan ng malay. But She already resigned!
Resigned?! But why? Is she really okay?!??? Sino ang empleyadong sinasabi mo?!? Bigla ko naisip si Scarlet at hindi ko sumagi sa isip kahapon na baka siya ang empleyadong nawalan ng malay. napatayo ako sa pagkakaupo ko sa opisina ko at hinarap ko si Ms. Dianne. Nagulat ako sa reaksyon ng kanyang muka. Si Scarlet ba ang pinaguusapan natin?!? Ms. Dianne!!
Yes Sir! She is Scarlet and She already resigned. Mamaya ay aalis na din siya sa apartment unit ko at uuwi sa pamilya niya! Ang please Matthew hayaan mo muna siya makapag-isip at makapag-pahinga. 4 na taon ang lumipas na dinala niya ang lahat ng tanong at bigat kung bakit bigla kang nag-laho ng walang kahit anong paliwanag? At ngayon lang niya naisip na panahon na para mag-move on siya. Kaya please give her a break at hayaan mong bawiin niya ang nawala niyang oras para isipin ang sarili nya! Di ko na napigilan na magsalita kay Matthew, dahil ramdam ko din ang sakit na dinadanas ni Scarlet ngayon. Matagal ko na din siya nakasama at masasabi kong kilala ko na si Scarlet. At nasaksihan ko kung paano siya naging matatag sa kahit na anong klase ng pagsubok na dumating sa buhay nya.
Tita alam mo naman kung bakit ko ginawa yun! At kaya ako bumalik ay para ayusin namin ang lahat. Kailangan ko siya puntahan at kausapin. Nagtiis din naman ako, para maharap ko siya na normal ako, dahil siya din ang iniisip ko. Alam ko na maguilty siya kung nakita nya ako sa sitwasyon ko!! Please tita tell me nasaang ospital siya? o Anong oras siya lalabas, aabangan ko nalang siya sa apartment mo!
Matthew, please give her some time to get up! Hindi mo siya masisisi sa desisyon niya. Unang una hindi mo siya binigyan ng pagkakataon na unawain ka! kung sana ipinaalam mo sa kanya ang tunay mong sitwasyon, baka siya pa ang nag-alaga sayo and it may also help her to lessen her guilt to what happened to you. Pero pinabayaan mong dalahin niya magisa ang lahat ng bigat sa loob ng 4 na taon. At iyon ay bagay na hindi deserve ni Scarlet. And you know that better than anyone!
//Wala na akong nasabi kay Ms. Dianne, marahil ay tama siya. At hindi ko naisip na si Scarlet ang nagbitbit ng lahat ng bigat. Ang naging goal ko lang ay ang sarili ko. Akala ko ginawa ko ito para sa kanya. Pero napakaselfish ko pala, mas pinahirapan ko pa pala siya. At ngayon ay muntik na siyang napahamak dahil sakin. I think Ms. Dianne is right but I just give Scarlet a little time to get up, but I will not let her to move on. Ayokong kalimutan niya ako! ayokong tuluyan na kameng hindi magkasama! Hindi ako papayag na hindi niya ako mahalin.//
//////