Episode 19

1694 Words
/// POV's /// Ring Ring Ring!! Ms. Dianne, gusto kong pumunta ka sa dinner mamaya sa mansion. Alam mo naman ikaw nalang ang kapamilya namin ni Marco. Besides marami tayong kailangan pag-usapan. At pwede natin pag-usapan at iplano ang pagbabalik ko sa company over dinner.  Yes Mr. Andrada! Thank you for the invitation. Sinabihan ko na din si Marco na sa Mansion sya uuwi today after his class. But I didn't mention na bumalik ka na. Oh good! He'll be surprise to see me. Thank you Ms. Dianne. I will see you later! ------ Surprised!!! Kamusta na ang cute kong kapatid? Did you miss me? Konti nalang at halos kasing tangkad na kita. How was your schooling? mahigit 3 taon ko di nakasama ang kapatid ko, nakakausap ko man s'ya kung minsan ay hindi naging sapat ang oras na iyon. Masasabi kong napabayaan ko talaga s'a, lalo na ngayong nakita ko kung gaano na sya kalaki. halos binatang binata na din ang katapid kong si Marco. Kuya Matt!! Sabi ko na nga ba at may magandang nag-aantay sakin dito sa mansion! Binata na ako kuya at hindi ako cute dahil sobrang gwapo ko! Asan ang pasalubong mo sa akin kuya? I hope na hindi ako madisappoint?! Of course! You will have your latest play station! At nasa room mo na, pero bago mo buksan ang mga pasalubong ko sayo, mag-dinner muna tayo. And also this is Stephanie! Girlfriend mo kuya? Hi Ate Stephanie! (I smiled) Nope! She is my personal Nurse and secretry na din. She took care of me when I was in the hospital. And also my business and therapy schedules. At iyon pa din ang magiging trabaho n'ya ngayon. So pwede ko s'ya ligawan? Hi Ms. Steph I'm Marco your future boyfriend! Whoaa! Hindi ka nagmana sakin for sure. Masyado ka mabilis dumiskarte! Manligaw ka kapag tapos ka na mag-aral at responsable ka na buhay! Okay? And since Tita Dianne is here already, let's have our dinner! ------- After Dinner! Ms. Stephanie you may go to your room and get rest. Tomorrow will be a long day, dahil babalik na ako sa company at magtatrabaho. At malaki din ang haharapin mong trabaho. So be ready! Yes Sir! Thank you and have a good night! Please excuse me Sir and Ms. Dianne! Ms. Dianne, I hope na hindi pa nainform ang company about sa pagbabalik ko? Ayoko na magkaroon sila ng preparation para i-welcome ako. Gusto ko lang magbalik trabaho ng tahimik. But I will greet the employees for briefly for sure. And please prepare all the important documents that I need to review and sign. And also the list of old and new employees. Please?? List of employees?? For what? I don't think you also need to review the profile of our employees at your first day! But anyways, I think I am not in the position to ask. And I will surely prepare everything tomorrow! Alam ko naman kung ano talaga o sino talaga ang dahilan ni Matthew at pinaaga nya ang pagbalik sa company. At kung sino din ang gusto nya makita. Hindi nalang nya sabihin ng derecho sakin at willing naman ako sagutin ang lahat ng gusto nya malaman. Pero pagbibigyan ko na sya.  Thank you Ms. Dianne! I hope that everything is fine! Ang totoo excited at kinakabahan ako sa pagbabalik ko sa kumpanya. Hindi dahil sa mga naiwan kong trabaho, kundi dahil kay Scarlet. Gusto ko na sya makita, ngunit hindi pa talaga ako handang harapin s'ya. --------- //I entered the building and walked straight to the elevator with Ms. Dianne, Ms. Stephanie and the Director and managers of the company. I really caught the attention of other employees. But I hope na hindi pa ako nakita ni Scarlet, dahil hindi ko nagawang lumingon sa paligid ko kahit na halos lahat ng nasalubong namin ay nagbigay galang sa amin.// Ms. Dianne please give me 30 mins before we start the meeting. I will just go to my office first, to give some instruction for Stephanie.  Copy Sir! Please excuse me! Nagtungo na ako kaagad sa conference room para siguraduhing handa na ang lahat para sa unang meeting ni Matthew with the board members. Kinakabahan din ako but I hope that the meeting will end in good terms. After 30 minutes. I entered the conference room. Good morning! Everyone please welcome Chairman Matthew Andrada! Everyone stood up and give their warm welcome to me. Good morning and the thank you for the warm welcome. And of course special thanks to Ms. Dianne for introducing me. And I am really grateful to have a very devoted and loyal people around me. Anyways, All of you please sit down and let start the meeting. Matapos ang mahigit dalawang oras na meeting with board members ay naging maayos naman ang lahat. At dahil unang araw ko sa pagbabalik ko sa kumpanya ay nirequest nila na ikutin ko at pasyalan ang ilang department na nasasakupan ng dalawang palapag ng building sa ibabang palapag malapit sa  opisina ko. At mula sa pag-labas sa conference room ay sumalubong na din si Stephanie at sumama sa aming paglilibot. -------- Girl! girl! nabalitaan mo na ba, dumating daw ang Chairman ng company at nandito ngayon sa building natin?!? Usapan sa baba kanina, at super gwapo at bata pa daw. Kaso mukang taken na girl, may kasama daw na jowa! Sayang at hindi ko manlang mararanasan magpacute sa kanya. hahahaha... Okay ka lang?! Palagay mo ba ang mabababang empleyadong katulad natin ay mapapansin ng mga taga alta sociedad? mag-trabaho ka na girl at maghahabol nanaman tayo nito kapag puro ka daldal dyan! naka-focus ako sa computer habang kausap si Jona at nagtaka ako na hindi na s'ya sumagot sa akin. napangiti pa ako ng nagulat ako na bigla nagtayuan ang nsa paligid ko at isa isang bumati ng goodmorning Sir! Sir? napatayo ako ng maisip na baka ang Chairman ng company ang pumasok sa opisina namin. At natulala nalang ako sa nakita ko.. Good morning! Kamusta kayong lahat dito? I think everyone are all hard workimg persons and you all look busy. Sorry if I disturbed you. You may back to work and thank you for your time. Pag pasok ko palang ay napansin ko na si Scarlet at ang kaibigan nya na si Jona. Tulad pa din s'ya ng dati na focus lang sa kung anong trabaho n'ya. At kitang kita ko ang pagkabigla niya ng makita ako. At dahil hindi ko din alam paano ko s'ya babatiin, kaya nag-patay malisya lang ako na parang hindi ko s'ya napansin. Girl! Okay ka lang ba? Nakalabas na sila, hindi ka na nakagalawa dyan. Maupo ka nga muna at ikukuha kita ng tubig.  Hindi namin inaasahan at nagulat talaga ako na si Sir Matthew pala ang Chairman na pinag-uusapan ng mga empleyado kanina. At sigurado akong sobrang nabigla ang bestfriend ko. Pero di ko maiwasan mainis sa Matthew na yun. Bakit parang hindi n'ya kilala si Scarlet at halos tumagos lang ang mata n'ya ng lingunin n'ya ang bestfriend ko!!?! Salamat sa tubig Jona, magtrabaho na tayo. Huwag mo ako alalahanin ayos lang ako. Marami tayong tatapusin na trabaho kaya bumalik ka na sa table mo. Pinilit kong magsalita ng normal kay Jona at umarte na parang wala lang ang lahat. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng makita ko si Matthew. Pakiramdm ko din ay para lang akong hangin na halos di n'ya napansin. Hindi n'ya ba ako nakilala o tuluyan n'ya na talaga ako nakalimutan? akala ko kung makikita ko sya ulit ay wala ng epekto sakin. Pero bakit parang pinipiga ang dibdib ko? nagulat lang ba ako o nanumbalik lang ang bigat at sama ng loob ko sa kanya ng bigla bigla nalang n'ya pinutol ang pagkakaibigan namin? Scarlet please relax ka lang!  Okay ka lang ba talaga girl? Alam mo ang putla mo kaya, kinakabahan naman ako sayo girl! Gusto mo ba samahan kita sa clinic? magpahinga ka lang muna. Ako na bahala tumapos ng trabaho natin. Sige na Scarlet kaysa mapansin ka ng ibang empleyado dito. Pabulong kong kinakausap si Scarlet, para hindi mapansin ng mga kasamahan namin sa opisina. Alam kong sobrang pagkabigla ang nangyari kay Scarlet, at talagang natatakot ako dahil sobrang putla nya at halos di na s'ya sumasagot sakin, di katulad ng una nya reaksyon. Pakiramdam ko ay may nagtatalo sa sarili nyang isip at hindi nya nadidinig ang mga sinasabi ko. //Alam kong nagsasalita si Jona, pero hindi ko sya nauunawaan. Pakiramdam ko ay naiwan ako sa isang kwarto na nagiisa at mga boses lang ang nadidinig ko. Natotorete ako at unti unting lumabo ang aking paningin!// Blaagg!! Scarlet!!! Tulungan n'yo ako! Scarlet gumising ka please!! Dalhin natin s'ya sa clinic, tulungan n'yo ako!! ----- Jona! Anong nangyari kay Scarlet? mabilis ko tinakbo ang clinic malapit sa department nila Scarlet matapos ako tawagan ni Jona at ibalita ang nangyari. Ma'am dapat po ata sa ospital natin dalahin si Scarlet! Nabigla s'ya ng makita si Sir Matthew. Noong una ay inakala ko na maayos lang s'ya. Pero bigla na s'ya namutla at hindi na sumasagot sa mga sinasabi ko. Tapos po ay bigla nalang s'ya bumagsak. Nag-aalala ako ma'am, baka kasi nasaktan s'ya sa pagkakabagsak. Pero higit ako nag-aalala kasi sigurado ako na mas matindi ang sakit na nararamdaman ng puso n'ya. nakakaawa naman po ang bestfriend ko ma'am.  Palagay ko mas kailangan s'ya macheck sa hospital, huwag ka mag-alala Jona. Bumalik ka na sa trabaho mo at ikaw na din muna bahala sa trabaho ni Scarlet at ako na bahala magdala sa kanya sa ospital. Tatawagan agad kita,para pag out mo sa opisina ay makasunod ka. Maraming salamat po ma'am! Balitaan n'yo po ako kaagad sa kundisyon ni Scarlet. Salamat po ma'am! Sobra talaga ang pag-aalala ko sa bestfriend ko. Hindi ko inaasahan na sa tapang at tatag ng kaibigan ko ay isang Matthew ang magiging dahilan ng pagbagsak nya. Hindi ko s'ya nakita na napanghinaan simula pa noon kahit na marami s'ya pinagdadaanan na problema. Lagi s'yang may positibong paliwanag sa bawat sitwasyon. Kaya hindi ko maiwasan matakot ng makita kong mawalan s'ya ng malay. //////   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD