“Bakit ba ipinagtatanggol mo ang babaeng iyon, Robb?” galit na tanong sa kanya ni Rose Anne matapos ang kanilang klase.
Pauwi na sila at nagpumilit itong sumabay sa kanya pauwi. Sumakay ito sa kanilang kotse. Hindi naman siya nakatanggi sapagkat kinakapatid niya ito. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga magulang mula pa man noong bata pa sila.
“Just leave her alone,” mariing sambit niya.
Nakahalukipkip siya at nakasimangot na nakatingin sa dalaga. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nitong pang-aaway kay Kate.
“Don’t tell me, may gusto ka talaga sa babaeng iyon?” tanong nito na humalukipkip rin at nagtaas pa ng kilay.
Umiwas naman siya ng tingin at hindi sinagot ang tanong nito.
“Answer me, Robb. May gusto ka ba sa hampas-lupang babaeng iyon?” Tumaas ang boses nito sa inis.
“Don’t say that to her! Hindi siya hampas-lupa,” inis na sabi niya.
“What do you call to a poor woman? Hindi ba’t hampas-lupa?” mapang-insultong sabi nito.
“Stop saying that word!” may pagbabantang sabi niya. Pinanlakihan niya ito ng mata upang masindak ito pero inirapan lang siya nito.
“You are unbelievable! Nagkakagusto ka sa isang mahirap na babae. Hindi mo siya ka-level.”
“At sino ang ka-level ko? Ang isang katulad mong matapobre?”
“What? Ako, matapobre?”
“What do you call to your action? You underestimate someone even if you don’t know them very well,” sabi pa niya.
“How about you? Gaano mo na ba kakilala ang babaeng ipinagtatanggol mo?” balik na tanong nito sa kanya.
“These conversation is nonsense.” Napabuga siya ng malalim na buntong hininga. Pakiramdam niya ay napapagod siyang makipagtalo sa dalaga. Palagi na lang itong ganoon at naririndi na siya.
“Nonsense pero mahalaga para sa’yo ang babaeng iyon. Hindi mo naman kasi siya ipagtatanggol kung wala lang siyang halaga sa’yo.” Nakataas pa ang kilay nito na waring sinusuri ang magiging reaksiyon niya.
Hindi naman siya sumagot sa halip ay umiwas na lamang siya ng tingin. Gusto na niyang matapos ang pakikipag-usap sa babaeng ito. Umiinit ang ulo kanyang ulo at baka hindi na siya makapagtimpi at pababain na niya ito sa kotse.
“Silence means yes. Hay naku, ang cheap ng taste mo. Hindi ako makapaniwala.” Umikot pa ang eyeball nito saka nanahimik.
Hindi na siya kinulit nito hanggang sa makarating sila sa kaniyang bahay. Nakabuntot pa rin si Rose Anne sa kanya hanggang sa mapasok siya sa loob.
“Bakit sumama ka pa papunta dito? Bakit hindi ka bumaba sa bahay ninyo?” iritableng tanong niya rito. Naka-abrisyete pa ito sa kanya kaya lalo siyang nairita. Sumasabay pa ito sa paglakad niya at nakalingkis sa kanya na parang sawa.
Mas malapit ang bahay nito sa kanila. Nasa unahan lang kasi iyon ng village nila samantalang ang bahay nila ay nasa halos kalagitnaan na.
“Sinabi ko na kay Tita Joana na dito kami magla-lunch ng family ko,” sabi nito na ngiting-ngiti.
Iginiya pa siya nito sa may sofa. Nadatnan nga niya roon na naghihintay na ang kanyang mga magulang at ang mga magulang ni Rose Anne. Naroon din ang kanyang nakakatandang kapatid na si Jovert. Nakangiti ang mga ito na sumalubong sa kanila.
“Oh, nariyan na pala kayong dalawa,” bati ng kanyang inang si Joana. Tumayo ito sa kinauupuan at iginiya silang maupo sa isang mahabang sofa. Katabi pa rin niya si Rose Anne.
“Kumusta ang pag-aaral ninyo?” tanong ng kanyang amang si Roberto.
“Ayos naman po. Actually, may nagugustuhan na si Robb na isang hampas-lupa,” sambit ni Rose Anne. Pinandilatan niya ito ng mata. Pati ba naman sa kanyang mga magulang ay sasabihin nito ang bagay na iyon.
“Hampas-lupa?” Sabay na kumunot ang noo ng mag-asawang Joana at Roberto.
“Yes, tito and tita. Robert admire a poor girl in our campus. Actually, matagal na. Lagi niyang pinaparinggan ang babae at sinasabihan ng I love you. Ang babae naman, kilig na kilig. Palibhasa may isang mayaman na nagkakagusto sa kanya.”
Sabay namang tumingin ang mga ito sa kanya. Nakuyom naman niya ang kamao dahil sa inis sa pagiging mahadera ni Rose Anne.
“Totoo ba ang sinasabi ni Rose Anne, hijo?” tanong ng kanyang ina.
Matagal bago siya nakatugon. “Ofcourse not! She’s just making stories. Mauuna na ako sa inyo. Magbibihis pa ako.”
Puwersado niyang inalis ang kamay ni Rose Anne sa pagkakahawak sa kanyang braso at mabilis na tinalikuran ang mga ito. Narinig pa niya ang huling sinabi ni Rose Anne habang naglalakad siya paakyat sa kanyang kuwarto at napailing na lamang siya.
“He is lying, Tito. I am not making stories. That girl was a poor girl living in a squatter’s area.”
“Really?” hindi makapaniwalang sambit ng kanyang ina.
“Tsk,” palatak niya bago buksan ang pinto ng kanyang kuwarto.
“Masyado nilang minamaliit si Kate. They don’t see the beauty of a person when she has no wealth,” naisaloob niya at dismayado siya dahil doon.
Nagbihis na siya ng pambahay na damit at nahiga sa kanyang kama. Nawalan na siya ng gana na kumain at makipag-usap pa sa mga bisita na nasa baba. Bumuntong hininga siya ng malalim at nakita niya mula sa kanyang gunita ang simpleng mukha ni Katherine Marie. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
He doesn’t really know how this girl caught her attention the first time he saw her.
Malalakas na katok ang sumira sa maganda niyang gunita. Inis na binalingan niya ng tingin ang pinto kung saan naririnig ang katok.
“Robb, come outside. The dinner is ready!” tawag ni Rose Anne mula sa labas ng pinto.
“I don’t want to eat,” walang gana at iritableng tugon niya.
“Hindi puwedeng hindi ka kakain. Magkakasakit ka niyan baka hindi ka makapasok bukas. Sige ka, hindi mo na makikita si Ms. Poor Girl,” pang-aasar pa nito.
Inis naman siyang bumangon at pinagbuksan ito ng pinto.
“Puwede ba? Stop calling her like that.”
“Kapag naging mayaman na siya, hindi ko na siya tatawaging Ms. Poor Girl. Iyon ay kung magiging mayaman siya.” Ngumiti ito na nakakainsulto.
Napahilamos na lamang siya sa kanyang mukha sa sobrang pagkairita.
“Let’s go?” tanong pa nito sa kanya saka umabrisyete sa kanyang braso.
“Don’t touch me,” inis na sabi niya at pilit inaalis ang pagkakakapit nito sa kanyang braso pero sadyang matindi ang kapit nito. Hindi niya iyon maalis.
“Ang arte mo,” reklamo nito sa kanya. “Dapat makita nina Tito at Tita na sweet tayo sa isa’t isa.”
“For what?”
“You will know during dinner,” sabi nito na nagpakawala nang makahulugang ngiti.
“Oh, sit down, my son,” malambing na sambit ng kanyang ina nang makarating sila sa hapag kainin. Nakaupo na roon ang kanyang ama at ina. Maging ang kanyang Kuya Jovert at ang mga magulang ni Rose Anne.
Tahimik naman siyang naupo at kumuha ng kanin sa bandehado. Tinabihan naman siya ni Rose Anne at pinagsilbihan. Inabot nito sa kanya ang pinaglalagyan ng ulam at pinagsandok siya nito. Kulang na lang ay subuan siya nito.
“Bagay na bagay talaga kayong dalawa,” sabi ng kanyang ama na muntik na niyang ikabulunan. Tila sumabit ang kanin sa kanyang lalamunan at naubo siya. Bahagya pa ngang tumalsik ang konting kanin sa kanyang bibig.
“Disgusting!” nandidiring sabi ni Rose Anne na bahagyang lumayo sa kanya.
Pinunasan naman niya ang kanyang labi ng table napkin.
“I’m sorry,” tanging nasambit niya saka ipinagpatuloy ang pagkain.
“Well, I think this is the time to discuss our plans,” sabi ng kanyang ama.
“What plan?” tanong naman ni Jovert na tumigil pa sa pagsubo ng pagkain at tumingin sa ama.
“Your Tito Fredo and Tita Greta were planning to merge their company to ours. That means, it will have more opportunities and benefits for both companies. We will combine it to grow together.”
Nagngitian pa ang mga ito matapos sabihin ang magandang balitang iyon. Parehas na clothing company ang business ng mga ito. Dalawang malaking pabrika na pagawaan ng mga damit dito sa Pilipinas. Parehas na exported at imported ang mga damit na ginagawa ng mga kompanya at sikat na ang mga damit na iyon sa ibang bansa at dito sa Pilipinas.
“That’s a good news,” sambit naman ni Jovert.
Wala naman siyang imik at nakikinig lang habang kumakain.
“We also talk about the arranged marriage for Rose Anne and Robb,” sabi pa ng kanyang ama.
Muntik na naman niyang mailuwa ang kinakain. Hindi niya alam kung nagkamali ba siya ng pagkakarinig o talagang binanggit nito ang kanyang pangalan. Buti na lamang at mabilis niyang natakipan ng kamay niya ang kanyang bibig. Mabilis niyang nginuya ang pagkain at nilunok bago nagsalita.
“What? Bakit ako?” reklamo niya. “Mas matanda si Kuya Jovert sa akin kaya dapat siya ang i-arrange marriage ninyo.”
“I already have a girlfriend and you know that,” sabi naman ni Jovert. Mas matanda ito sa kanya ng apat na taon. Nasa kolehiyo na ito samantalang siya ay nasa first year highschool pa lang.
“Kahit na, bata pa rin ako para sa arrange marriage na iyan,” reklamo ulit niya.
“Ofcourse, we know that. Hindi naman namin kayo agad ipapakasal. We will wait for the right time. But ofcourse, you need to have a limit and a barrier in your heart. Bawal kang ma-inlove sa kahit na sino maliban sa babaeng papakasalan mo balang araw,” sabi pa ng kanyang ama na nakatingin sa ngiting-ngiting si Rose Anne.
“That’s right. Kaya ngayon palang, tigilan mo na ang hampas-lupang babaeng sinasabi ni Rose Anne na nagugustuhan mo,” segunda naman ng kanyang ina.
Bumuntong hininga naman siya at ikinuyom nang mahigpit ang kamao sa hawak na kutsara at tinidor. Nagngangalit ang kanyang ngipin. He felt controlled and he doesn’t like it.
“Do I have any choice? Kayo naman nagdedesisyon sa buhay ko kahit hindi pa ako sumang-ayon sa gusto ninyo.”
Tuluyan na siyang nawalan ng gana. Tumayo siya at padabog na inilapag ang hawak na kubyertos.
“Excuse me! Tapos na akong kumain.” Tinalikuran niya ang mga ito.
“Robb, come back here!” maawtoridad na utos ng kanyang ina pero hindi niya nilingon ito. Nagmartsa siya pabalik sa kanyang kuwarto. Hindi siya makapaniwala na para sa pera magagawang isakripisyo ng mga magulang niya ang kanyang kaligayahan. Hindi rin siya makapaniwala na hindi man lang inisip ng mga ito ang mararamdaman niya. Basta na lamang nagdesiyon ang mga ito nang hindi man lang kinokunsulta na ang kanyang opinyon. At hindi rin niya matanggap ang pang-iinsulto ng mga ito sa babaeng nagugustuhan niya. Ano nga bang aasahan niya sa mga magulang niyang lumaki sa gintong kutsara at hindi man lang marunong rumespeto ng maliliit na kapwa.