Wala nang ginawa si Kate kundi ang umiyak araw at gabi. Walang tigil ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. Nakatanaw ang mga mata niya sa malayo pero wala siyang nakikitang kahit na ano kundi kadiliman. Araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagigising siya sa kadiliman. Na kahit pa imulat niya ang kanyang mga mata ay wala siyang ni katiting na liwanag na nakikita. Tanging ang apat na sulok ng kanyang kuwarto ang naging saksi sa kanyang pagdurusa. Halos isang buwan na matapos ang aksidenteng iyon ngunit sariwa pa rin sa kanya ang sakit. Hindi mawala sa kanyang isip na wala na siyang paningin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang katotohanang iyon. Naalis man ang bubog na sumira sa kanyang mga mata ngunit ang mga peklat sa kanyang mukha ay nababakas pa rin. Hindi pa rin nai

