Kabanata 16

3608 Words
Kabanata 16 Lip Bite Hindi ko na mabilang kung nakaka ilang baso na ako ng hard liquor na naka serve sa aming mesa. Basta ko na lang iyon iniinom at hindi na tinitingnan kung pare-parehas ba na inumin ang nadadampot. Abala silang anim sa pag uusap. Ang isa ay tulog at nakahilig sa balikat ng isa. At gaya ng dati, hindi na naman ako makasabay. Kagagaling lang ulit namin nina Sun Hee at Il Woo sa dance floor. Kahit na ayaw ko nang sumama doon dahil sa kawalan ng gana ay napilitan pa ako para lang huwag maiwan kasama ng iba. Masakit sa mata ang natatanaw ko sa aking harapan. At ito na naman ang kalbaryo ko ngayon. "Geonbae!" Il Woo shouted. Pinagtagpo naming walo ang baso sa harapan namin. Our glasses clanked in chorus. It's been almost five hours when we got here and party. I can now feel the alcohol that is running on my system. Umiikot na ang paningin ko kaya pumikit na lang ako at tahimik na sumandal sa sofa ng bar. Sobra na rin akong inaantok pero ayaw ko pang umuwi. Ramdam ko ang ihip ng hangin sa aking tiyan. Tila nalilis ang suot kong sleeveless top pero hindi ko na binalak na ayusin pa iyon. Naririnig ko ang tawanan ng mga kasama ko. As if this thing is so normal to them. Na mukhang madalas talaga sila sa mga ganitong lugar. Kung sa bagay ay tumutugtog nga pala sila Moon. Sa mga bar nga siguro iyon kadalasan ginaganap. I felt the urge to go to the comfort room. Sa dami ba naman ng nainom ko at sa haba ng oras namin dito ay ngayon lang ako nakaramdam. Kanina ay hinahayaan lang ako ng mga kasama ko na uminom especially sina Sun Hee at In Woo. Because they know that I have a problem even if I can't share it with them. But the father-like Hyun Jae is against it. Baka hindi raw ako sanay sa mga ganito. Oh well, hindi talaga pero mas nadagdagan ang eagerness ko na uminom tonight... Dumilat ako at naging direkta iyon kay Mavi. His blurry image is also looking at me. Pilit kong dinidilat ang mga mata ko para mas maging malinaw siya sa paningin ko. Ngumisi ako sa kaniya at tumayo. Muntikan pa akong matumba dahil sa biglaang paggalaw. Mabuti na lang at naalalayan ni In Woo ang braso at likuran ko dahil nasa tabi ko siya. I saw that many of them are so shocked because of my sudden move. Halos lahat ay handa akong saluhin noong pabagsak ako. Natawa tuloy ako dahil doon. Ang naka sandal sa balikat ni Mavi na si Min Ah ay halos mahulog ang ulo at magising sa pagkakatulog. Muli iyong sinandal ni Mavi nang makitang naalalayan na ako ni In Woo. Hinaplos pa niya ang pisngi nito para lang huwag magising. Nawala ang ngisi ko. What a scene. "Yah! Can't imagine that you are like this when you're being drown by the alcohol!" tawa ni Sun Hee. Bumaling ako kay Mavi gamit ang mapupungay na mata. "Correction, drown by pain." Natahimik silang lahat. Hindi ko alam kung hindi ba nila narinig ang sinabi ko dahil hindi sila nag react at tumitig lang sa akin. "Powder room lang ako..." basag ko sa katahimikan. Hindi sila umimik kaya mabilis na lang akong humakbang paalis doon. And I even talk in Tagalog. "I-I'll go w-with you..." si Sun Hee. Nakatalikod akong umiling sa kaniya. Hindi ko siya nilingon. Madaanan ko ang gawi nila Min Ah. Pa letter U kasi ang sofa at ang pwesto ko ay sa isang dulo at sa kabilang dulo naman ay sila ni Mavi kaya magka harap din kami at napagigitnaan lang ng glass table. I unconsciously stopped mid-way and take a seconds to look at Mavi then to Min Ah. I looked at the spot where Mavi's hands touched her. They look like a couple. Or... they really are. Dumapo ang tingin sa akin ni Mavi. Seryoso ito at sinusundan ang mga mata ko. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya. I can't take his stare. Not now. Matapos ang ilang segundo ay nagpatuloy ako sa paghakbang. Hindi ko na maramdaman ang mga tuhod ko na tila nanlalambot pero tinuloy ko pa rin ang paglalakad para lang makaalis na doon. It felt suffocating. I can't breath and I really need to. Galing na kami ni Sun Hee sa powder room kanina kaya alam ko ang daan. Humawak ako sa pader ng hallway patungo doon. Pakiramdam ko kasi ay wala na akong lakas para magpatuloy pa. Ilang beses akong muntikan nang madapa dahil sa panghihina at hindi maayos na paningin. I felt a hand that sneaked on my waist and held my arm. My breath hitched and I froze from where I am standing. 'Cause I smelled the familiar scent from a familiar guy. Napapikit ako at kinalma ang sarili nang maramdaman ang pagbilis ng t***k sa dibdib ko. I still wonder why and how he affects me like this. Magaan lang ang pagkakahawak niya sa aking tiyan na para bang dinapuan lang ako ng balahibo doon. Damang-dama ko ang mainit niyang palad dahil sa maliit na puwang sa suot na sleeveless top at skirt. "W-What are you doing?" tanong ko. Tumingin ako sa kaniya nang walang nakuhang sagot. He bit his lips and make it into a thin grim line. Forehead creased and his aura is shouting seriousness. I sighed when I still didn't get an answer from him. And I also sighed to take a breath. Humakbang ako ng isang beses at agad na umikot ang paningin ko. Humigpit ang hawak sa akin ni Mavi at nadagdagan pa ng haplos. Mas lalo lang akong nahihilo dahil sa ginagawa niya. Dinilat ko ang pumipikit na mga mata. Pinilit ko na maglakad para makarating na sa powder room. Ilang hakbang na lang naman ay nasa pintuan na ako. Mavi didn't talk 'til we got in front of the powder room's door. Ang bibig niya ay nanatiling naka tikom. Pumasok na ko nang itulak niya ang pintuan para buksan ito. "I'll wait here." sambit niya. Natigilan ako saglit pero nagpatuloy rin. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakaupo sa naka takip na toilet bowl. After I did my thing ay naupo ako dito at naging tulala sa kawalan. Paniguradong hindi na ako nahintay ni Mavi dahil sa sobrang tagal ko. I will not believe that he will wait for me. Wala siyang obligasyon sa akin kaya bakit naman niya iyon gagawin? At isa pa, there's Min Ah. Palagi itong naka aligid sa kaniya. I clearly remember when Sun Hee told me that Min Ah kept on hanging around him since their junior years. Nasa gym kami ng school noon. Noong mga panahon na hindi pa ako nakikitang banta ni Min Ah sa kanila ni Mavi. And I didn't know why and how it changed. Basta na lang siyang lumapit, naging bayolente at nagbanta sa akin. Iisa ang naging sagot ko sa kaniya. Na hindi ako kailanman magiging sagabal sa kanilang dalawa. Pero bakit pakiramdam ko ay hindi na iyon pwede sa ngayon? It seems like I have a different perspective towards it now. Do I like Mavi? Is it even possible? Bukod sa wala akong alam sa mga ganitong bagay ay wala rin akong maibibigay na tiwala sa isang tao, sa kaniya. If. If I really do like him now, I need to trust him, of course, but I know that I can't. I decided to go outside the powder room after I washed my face. Ginawa ko iyon para tuluyang mawala ang antok. Nakakahiya naman kina Sun Hee kung tutulugan ko lang sila. Bahagya pa akong nagulat nang madatnan ang nakasandal sa pader na si Mavi. His arms are across to his massive chest. Nakapikit ito at bahagyang naka nguso. Pinagtitinginan siya ng mga papunta at paalis sa comfort room. Hindi ko tuloy alam kung lalapitan ko ba siya o ano. He is really quite famous here. Not just because of the band and his voice but also because of his looks. Huminto ako sa tapat niya at tinitigan ito saglit. I sighed and decided to walk pass into him when his eyes suddenly opened. Napatalon ako sa gulat. "Tara na." Matapos magsalita ay nauna na siyang maglakad sa akin patungong muli sa maingay na bar. Hindi agad ako naka galaw. Pinanood ko ang pagtalikod niya sa akin. Papalayo sa kinaroroonan ko... Bigla kong naalala ang tagpo namin noong naglakad siya palayo sa akin. That time when I told him to stop his nonsense moves. Na ayoko ng ganoon. Na tigilan niya na ko. Parang nauulit lang ngayon. My heart sank. Agad kong binilisan ang hakbang para habulin siya. It seems like I cannot control myself and I just felt the wanting of saying something to him and stopping him. Hinawakan ko ang braso niya para pahintuin ito. He looks at my hand that is on his wrist. Confusion is written all over his face. "'Wag mo nga akong talikuran." I said. Mas lumalim ang gitla sa noo niya dulot ng pagtataka. "'Wag mo kong talikuran. Ayoko nang talikuran mo ko ulit." Kahit ako ay hindi na maintindihan ang sinasabi. I just want to say what are my thoughts. And what are inside my cloudy mind. "What?" "Bakit ka ganiyan? Ako naman ang nagtaboy sayo pero bakit pakiramdam ko ay ako 'yung naiwan sa ere? Why do you keep on making me feel this way?" seryoso kong sambit. I saw his eyes widened a bit. Pinagpatuloy ko lang ang litanya ko. "I am confused, Mavi. At first, you are being kind and helpful and suddenly you are getting angry at me. You are making moves that I don't understand and the other day I will see you with someone else," I felt my hot tears fell on my both eyes. I saw the side of his lips twitched. Kahit nagtataka sa ngisi niya ay tinapos ko pa rin ang pagsasalita. "Just let me understand why did you do those things to me. Clear my mind and my heart, please..." bulong ko sa huli. Mas lalong lumaki ang ngisi ni Mavi. Pinunasan niya ang basa kong pisngi gamit ang malayang kamay. His thumb slowly wipes my cheek. It's like a switch that stops my tears from falling. "Maybe I really did things fast. Sorry for getting you confused," he said. Nag angat ako ng tingin sa kaniya at sinalubong naman niya iyon. He bit his lower lip to prevent from grinning more. Hindi ko alam kung anong tinatawa niya. "I'll continue, Jari and make things clear this time. I promise." I sniffed. "I dind't say that you need to continue whatever it is. I just want to know, Mavi. An explanation will do and we are done. That's it!" bawi ko. Pakiramdam ko kasi ay binibigyan ko siya ng chance ngayon. Pakiramdam ko ay napapahiya ako sa harap niya ngayon dahil tinatawanan niya lang ako. Hinawi ko ang kamay niya na nasa pisngi ko. Tila hindi siya natinag doon. Lalo lang akong nainis nang marinig siyang tumawa. Napansin ko na pinagtitinginan kami ng mga dumadaan dito sa hallway papunta sa comfort room. At ngayon ko lang talaga ito napansin! I even cried and did a scene here! My cheeks heated. Ang mga mata ni Mavi ay hindi na sa akin naka tingin. He is eyeing on my hand that is still holding his wrist. Agad ko iyong binitawan pero nahabol niya at pinatong sa kamay ko ang isa pa niyang kamay. Lalo lang tuloy kaming nakaka agaw ng atensyon ng ibang tao. And I even saw someone took a photo of us! "Magpapatuloy ako, Jari. I never stop on chasing you, I just stopped on showing it because you told me to." Naagaw ni Mavi ang atensiyon ko. Pero dahil ang isipan ko ay nasa mga nakakakitang tao sa amin ay basta na lang akong sumagot sa sinabi niya. "Bahala ka." I said. "Good thing that you didn't refuse." he bit his lower lip again. Hindi ko na inintindi pa ang huling sinabi ni Mavi at hinila na lang siya palayo doon sa babaeng kumuha ng litrato sa amin. Hindi naman iyon mukhang paparazzi, chismosa lang talaga. Sinigurado kong walang bakas ng luha ang pisngi ko bago makarating sa sofa. Nadatnan namin si Hyun Jae at ang magkapatid na Jung na naghihintay sa amin ni Mavi. Isinabay na daw kasi ni Sun Hee at Moon si Min Ah pauwi. Hindi na nakapag paalam dahil sa tagal namin bumalik. At isa pa ay may pasok pa kaming lahat bukas kaya nag decide na sila na umalis. And I almost forgot about it. "Let's go home. I'm so sleepy." si Il Woo. Nakayakap na ito kay Hyun Jae sa sobrang kalasingan. Gusto pa nga yatang magpa buhat palabas. "Yah! What a man." saway ni Jae. "Uh... sorry for kept you waiting. Let's... go?" hinging paumanhin ko. Dinampot ko ang cellphone sa glass table at nauna nang maglakad sa kanila. Sa likod ko ay ang makulit na si Il Woo na naka pasan kay Hyun Jae. "Are you sick? Your cheeks are so red when you two came." In Woo said beside me. Nakalabas na kami sa 6 o'clock bar. Sumabay siya sa akin sa paglalakad. Lumingon muna ako sa likod bago sagutin ang tanong niya. Mavi's eyes are directed into mine. Nag taas pa ito ng kilay. Lakas loob ko ding tinaas ang mga kilay ko. "No," Umiling ako kay In Woo sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. Bahagya akong nagulat nang biglang pumagitna sa aming dalawa si Mavi. Inakbayan nito si In Woo at nagpatiuna sa paglalakad. "Let's call a cab." sambit ni Mavi. I let my body rest on my bed as soon as I got home. Our house's lights are already off. Hindi na ako nag abala pa na buksan iyon. Dumiretso agad ako sa kwarto at nag palit na ng pantulog. Paggising pa lang ay ramdam ko na ang parang martilyo na pumupukpok sa ulo ko. Alam kong matino ang pagiisip ko kagabi. I know what I did. Hindi lang talaga maalis ang katotohanan na marami akong nainom. Tunay nga na mataas ang alcohol tolerance ko. Yes, my vision will get blurry and I get dizzy but my mind will always be stable. Ganoon ako palagi. Ang hangover naman ngayon ang pinoproblema ko. Maaga pa naman para sa pagpasok sa school kaya sana ay masolusyonan ko na ito bago pa ako makarating sa GIT. Naglakad ako patungo sa kusina habang hinihilot ang sintido. I sniff the smell-like delicious food from there. Nagmadali pa ako at nakita ang nakatalikod na imahe ni Mommy. She was facing the stove and cooking something on it. Bago pa niya ako mapansin ay nakapasok na ako sa banyo. Naghilamos ako doon at agad ding lumabas. Natanaw ko na nakahain na ang mga pagkain. The three bowls are perfectly arranged on the table. Sinulyapan ko muna si Mommy bago naupo sa aking pwesto. "Hangover soup." maikli niyang tugon. Naupo na rin ito at inabutan ako ng isa pang medyo malaking bowl kumpara sa para sa kanin. It has the soup and some vegetables on it that she was talking about. I scoop a spoon of rice and put it on the bowl of soup. Nakaka isang subo pa lang ako nang mapansin na pinanonood lang ako ni Mommy. She's not eating. Tumikhim ito at nag iwas ng tingin nang lingunan ko siya. Ipagpapatuloy ko na sana ang pag kain ko nang matanaw ang paparating na si Park Jong In. Wearing his branded shorts and shirt. Mukha naman palang mayaman ang lalaking 'to. I heard that he is a security in a preschool academy near Bucheon. Kita sa paraan ng pamumuhay niya na hindi naman siya hikahos sa buhay. Ang itsura lang ay laging mukhang stress at problemado- like Mom. Hindi talaga namimili ng dadapuang tao ang problema. Tahimik itong naupo sa tapat ko, sa kaliwa ni Mommy. Walang imik na kumuha ng mga nakahain sa hapag kaya naman nag umpisa na rin si Mommy sa pag kain. Ang nakabibinging katahimikan ay napalitan din nang mag umpisa na silang mag usap. Wala akong naintindihan ni isang salita. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang pinaguusapan nila. They knew that I can't understand Hangul! Agad akong nagpaalam as soon as I finished eating. Naligo ako at nagbihis para sa pagpasok. Matapos maihanda ang lahat ay hindi na ako nagsabi kay Mommy na aalis na. We are not in good terms, obviously. Mabuti na rin siguro ang ganito. Ayokong isipin ang mga sinabi niya sa akin noong nakaraan. Tapos na 'yon. Ang desisyon ko ay huwag paniwalaan alinman sa mga nabanggit niya. Dahil wala nang bakanteng upuan ay napilitan akong tumayo sa bus. Madalas talaga na ganito ang public transportation papunta sa Gyeonggi International Trade HS dahil rush hour. Pag andar pa lang ay pumikit na ako. Nakasalpak ang earphone sa magkabilang tainga. Sabay hawak sa likod ng upuan ng bus bilang alalay. Nabawasan na ang sakit ng ulo ko dahil sa soup na binigay ni Mommy pero mayroon pa rin. Parusa ang kinalabasan matapos ang kasiyahan kagabi. Hindi ko nga sigurado kung naging masaya ba talaga. Nang bigla na lang tapakan ng driver ang preno at mapahinto ang bus. Napadilat ako sa sobrang gulat. I lost my balance and nearly fall because of the sudden halt. Until someone grabbed me by my waist and my hand flew on that someone's shoulder. Nakaliyad ako at nakalagay ang lahat ng bigat sa braso ng sumalo sa akin. I saw on my peripheral that someone get out from the bus. Ito siguro ang dahilan kung bakit huminto ang sinasakyan namin. Hindi ko pa man din nakikita kung sino iyon ay naunahan na ito ng pag andar muli ng bus. Mas lalo lang akong nawala sa balanse at napatili. Pakiramdam ko kasi ay mahuhulog na talaga ako sa pagkakataong ito. Pero bago pa mangyari ang inaasahan ay napasalampak na ako sa isang bakanteng upuan na nasa likuran ko lang. Itinulak kasi ako ng kung sinumang hinayupak na sumalo sa akin kanina. Nagpapasalamat na lang ako dahil malambot ang upuan kung hindi ay sumakit na ang pwetan ko. I gave that someone an intense glare. Pero agad ding nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Mavi iyon. He is stopping himself from laughing while looking at me but I can see his lips twitching from time to time. Narinig ko ang pagbubulungan ng mga estudyante sa bus at iilang matatanda. Some are laughing and some are looking at me with annoyance. I rolled my eyes on Mavi and just look outside the bus. Hindi ko maatim na makita siyang natatawa dahil sa muntikan kong pagbagsak at pagtili gamit pa ang matinis na boses. Napahiya ako sa lahat! He was wearing his usual black outfit. Ang kaibahan lang ay naka puti na siyang shirt pero may kulay itim pa rin naman na print. That color won't leave his fashion, eh? Padarag kong sinalpak muli ang natanggal na earphone. I crossed my arm to show that I am not happy for what he did. Sino ba naman ang matutuwa kung itulak ka na lang bigla? At pinagtatawanan niya pa 'ko! Am I that kind of a lady to him? Hah! Hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi niya sa akin noong isang araw 'no! Sumulyap ako kay Mavi na nasa bandang gilid ko nang maramdaman na itinukod niya ang isang kamay sa sandalan ng aking inuupuan. It seems like he was covering me from something. Wala akong natatanaw sa harapan ko kundi ang katawan niya. I creased my forehead when in fact, I really wanted to smile for no reason. Kagat na nito ang labi habang nakatingin sa akin. Dinala ang hintuturo sa pang ibabang labi at hinaplos iyon. Mas lalong pinipigilan ang pag ngiti. "Tigilan mo ko, ah." banta ko. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin para mas maging epektibo. "Sungit." he whispered while grinning. Hindi na ako sumagot at binalik na lang ang tingin sa labas ng bintana. Habang pinipigilan ang labi sa pag ngiti. "Abnoy." bulong ko na lang. Not sure of whom I am referring to. Ilang minuto ang lumipas at nanatili kami ni Mavi sa ganoong ayos. I saw the bus terminal that is near the school gate. Mavi won't get off in front of me. Hindi tuloy ako makatayo dahil sa maliit na espasyo na ibinibigay niya. "D-Dito na ko..." I said. Dahan-dahan siyang umayos ng tayo mula sa pagkakayukod. I took that chance to stood up from my seat. I saw him nodded. "Hmm... Annyeong." he said that while bitting his lower lip. May inabot itong maliit na plastic bag sa akin. Tiningnan ko lang iyon kaya siya na mismo ang naglagay sa kamay ko. Hindi na ako nagtanong pa at bumaba na sa bus bitbit ang plastic bag kahit hindi ko alam kung ano ba ang laman nito. Tinanaw ko siya mula sa labas ng bus. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. What's with his lips? He's always bitting it since last night. Kung ipakagat na lang kaya niya sa salagubang nang hindi siya mukhang nang aakit. Bakit? Naaakit ka na ba, Jari? Nangyayari na ba ang iniiwasan mo, huh? I shook my head to erase that thought of mine. Because I realize that I avoided it to happen for more than a month and here I am now, feeling weak just because of his lip bite.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD