Kabanata 4

2576 Words
Kabanata 4 Tears "J-Jari? What are you doing here?" tanong niya. "I was..." tinuro ko ang loob ng internet shop. Hindi makabuo ng salita dahil sa gulat. Siya yung babae na kayakap ni Mavi? Napansin siguro niya na nakatitig ako sa maga niyang mata kaya umiwas ito ng tingin. Natakpan ng kulot niyang buhok ang mukha. Hinawakan ko ang balikat ni Min Ah bilang pag aalala sa pag iyak niya. Tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha at umiling iling sa akin. I don't know how to comfort someone I just met earlier. Humikbi ito. I don't know what to do now. "Jarien?" tawag ni Mavi. "What are you doing to her?" I looked into him when suddenly, he harshly put down my hand from Min Ah's shoulder. Sa hindi inaasahan na pag hawi sa kamay ko ay bigla akong napa upo. Tumilapon ang mga bond paper na hawak sa kung saan. Ramdam ko rin ang hapdi sa aking braso. I can feel the bruise in my right arm. Kaming tatlo ay gulat sa nangyari. Si Min Ah ay tumigil sa pag hikbi samantalang si Mavi ay naka titig lang sa akin. Dahan dahan akong tumayo at pinulot isa isa ang nagkalat na bond paper. "J-Jari. I didn't mean to..." agad na lumapit si Mavi at inalalayan akong tumayo. Hindi ko siya pinansin. The last bond paper was infront of him. Pinulot niya ito at inabot sa akin. Kukuhanin ko na sana iyon nang bigla niya itong iniwas. He grabbed my wrist to checked my bruise. "I'll treat your arm," he said, ready to dragged me inside the internet shop. "No. Give me that." mariin kong sabi. Natigilan siya ngunit nagpatuloy pa rin nang makabawi. I tried to get out from his grip. I felt the pain in my elbow. "Don't be so stubborn." patuloy pa rin siya sa pag hila sa akin. Buong pwersa kong hinila ang kamay ko sa hawak niya kaya nagawa kong makawala. Pilit kong inaabot ang bond paper na hawak niya. Iniiwas pa rin niya iyon kaya lalo akong nainis. "I won't give you this unless your wound is treated." nagsusukatan kami ng tingin. Madilim ang titig niya sa akin ngayon. Ako ang unang bumitiw at pilit na inaabot ang bond paper. "Give that to me!" mariin kong sabi pero mas lalo niya lang itong tinataas. "Akin na sabi." this time I was frustratingly getting it from him. Bakit kasi napaka kulit niya. I don't know what's his reason to do that to me. Ang huli kong narinig bago niya hinawi ang kamay ko ay ang pagtatanong kung anong ginagawa ko kay Min Ah. I wasn't able to speak. He didn't give me the chance to explain my side too. Wala naman akong ginagawa. Akala ba niya pina iyak ko si Min Ah. Pero nakita ko na siya umiiyak kanina pa lang. Inaalu mo nga siya diba?! So why the blame is on me now? "A-Akin na nga eh. Akin n-na 'yan." ulit ko sa mahinang tinig. Natanaw ko na lang gamit ang nanlalabong mata ang unti-unti niyang pagbaba sa kaniyang kamay. Padarag niyang ipinatong sa hawak kong bond paper ang nagiisa pa nitong kasamahan na nasa kamay niya. Bakit parang galit pa siya! Kumukuyom ang kanyang panga at tumataas baba ang Adam's apple . I looked up and blinked my eye. Preventing my tears from falling. I don't want to wipe it in front of them. Handa na akong talikuran sila nang hinablot ni Mavi ang braso na may gasgas. Mabilis niya itong tinalian ng puting panyo. Hindi ko nakita kung saan niya iyon kinuha. Is this his? "Ano bang ginagawa mo?!" I shouted. Agad kong binawi ang braso at tumakbo sa kabilang bahagi ng kalsada. Mabuti at naka hinto ang mga sasakyan, kung hindi ay baka nabangga na ako dulot ng nanlalabong mata. I don't know why I'm crying. Marahas ko itong pinunasan at pumasok na sa loob ng elevator. I was ashamed that I cried infront of them, to the strangers I met a few days ago. I don't know the reason of my tears, frustration maybe. Hindi ko alam gaya ng dahilan ni Mavi sa pag hawi sa akin. Hindi ko alam. Kinabukasan ay maga ang mga mata ko. Mom didn't bother to ask why and I'm thankful for that. Hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanya. Mabilis na lumipas ang araw. It's friday afternoon now. Hindi na muling nag abot ang landas namin ni Mavi. Wala siya palagi sa internet shop tuwing pumupunta ako at ipinagpapasalamat ko naman 'yon. Iyong mabait na lalaki na nagbabantay doon ang nadadatnan ko. Kung noong nakaraan ay nagawa ko pang magtanong sa kanya tungkol kay Mavi, ngayon ay hindi na. The internet shop guy named Bang Hyun Jae or simply Jae is so kind. Natatawa nga ako dahil alam niya na kailangan niyang palitan ang language ng computer makita pa lang niya ako sa hamba ng glass door. Gusto kong umiwas sa dalawa, I admit it. Pero mukhang kami naman ni Min Ah ang laging pinagtatagpo. She's always watching me with hawk eye every time we crossed path. I will just always ignored her stares. Kinuha ko ang mga librong gagamitin para ngayong hapon sa aking locker. Nasa likod lang ito ng classroom kaya madali ko iyong nakuha. The class president suddenly appeared infront of the class. He was catching his breath before he speak when I look at him. May sinabi siya na ikinatuwa ng aking mga kaklase. Hindi ko iyon naintindihan. "E-Early dismissal. The teachers are having an urgent meeting." biglang nag salita ang katabi ko. He's Jung In Woo, my seatmate. "Oh. Thanks," I smiled. Agad kong binalik ang mga libro sa locker. Sumunod ako sa mga kaklase ko na lumalabas na rin ng classroom. Walang ibang naiwan kundi ang mga cleaners. Dumaan muna ako sa comfort room at doon balak itext si Mom. Nasa isa akong cubicle nang buksan ang cellphone. May text na siya agad doon. Mommy: Mauna ka na umuwi or just wander around the campus kung ayaw mo pa. We'll have an urgent meeting kaya hindi ako makaka sabay sa'yo. Take care! Hindi na ako nag abala pang mag reply at lumabas na ng cubicle. Naglagay ako ng kaunting powder sa mukha at lumabas na pagkatapos. Sa school grounds ay nagkalat ang mga estudyante. Karamihan kasi ay hindi pa umuuwi at nanatili sa bawat sulok ng campus. Kahit ako ay ayoko pang umuwi. Wala rin naman akong mapapagka abalahan sa apartment. Nilabas ko ang cellphone mula sa bulsa. Hindi naman siguro ako madadala sa dean's office dahil dito. Ang iba't ibang uri at kulay ng bulaklak ay kinuhanan ko ng litrato nang mapadpad sa school garden. Some are familiar but there are few that's new to my sight. Sayang at hindi ko dala ang aking DSLR. Hapon na noong nagdesisyon akong umuwi. Nalibang ako sa pagtingin at pagkuha ng litrato sa mga puno't halaman sa loob ng campus. Halos nalibot ko na nga ang bawat sulok nito. Maraming tao ang nasa subway station. It's rush our and Friday. Talamak ang nagpupunta sa mga club and having their night out. Gusto ko sanang mag bus na lang pero hindi ko naman alam ang station nito. Tumingin ako sa paligid. May mga schoolmates akong nakita na naghihintay para sa susunod na byahe ng tren. Sa mga ganitong araw ay kadalasan na nasa loob lang ako ng aking kwarto sa bahay nila Tita Annabeth. While Felisse is busy fangirling to her bias group. Minsan naman ay pumupunta ako sa kanilang pool side. As usual, I'm taking photos of whatever interests me and posting it on my social media account. That's what my life goes. You can define it by the word 'boring'. Hindi ako sumusubok ng ibang hobby and activities. I'm always on my comfort zone. Sinaksak ko ang headset sa aking tainga pag upo pa lang. Maswerteng nakahanap pa ako ng bakante gayong maraming tao ang naguunahang sumakay. I covered my thigh with a cloth. While listening to the beat, I opened my social media account and posted the photos that I took earlier. Minuto pa lang ay marami nang nagkumento. I exited from it and decided to just read it later at home. That's ** but I do not upload any photo about my face. I usually uploading about the beauty of nature. Trees, flowers, sky and stars are some of it. And the latter is really my favourite. 'Cause when I was looking above, I feel like I was seeing my father. Ang nagiisang iniidolo ko. I'm thankful that I has the talent. I was able to tell the people that's commenting in my blog that we should take care about our nature. Si Papa ang may turo noon sa akin. Hilig niya din ang photography kaya sumusunod ako sa kanyang yapak bilang pagalala sa kanya. I really miss those moments when he's teaching me about taking photograph. Kung sana ay nandito pa siya. Pag alis sa subway station ay naglakad pa ako ng ilang minuto para makarating sa apartment building. The street lights are on. Ang ilaw mula sa malayo at matayog na mga gusali ay magandang tingnan mula sa kinatatayuan ko. I stopped for a while and captured a shot. Hindi na rin masama na napunta ako sa lugar na ito. I was given an opportunity to see this beauty. I was given an opportunity to get out from my shell. Halos mapunit na ang bibig ko sa sobrang pag ngiti. I am falling in love with the sceneries of this country. I typed the number password on our apartment door. Natigilan ako sa pagbukas ng pintuan. I heard laughs from the living room. I continued to open the door only to see my mother being kissed by Park Jong In. It was just a pecked, alright. But I felt a quick sharp of pain. I am hurting for my father. Paano nagagawa ni Mommy ang ganito? Umiwas ako ng tingin at bahagyang nilagyan ng pwersa ang pagsarado sa pintuan. Just enough for them to hear it. Just enough for them to know that I am here. Hindi pa yata sapat na awtomatikong bumukas ang ilaw malapit sa pintuan pagdating ko. Hindi manlang nila iyon napansin. "Oh, anak. N-Nandyan ka na pala..." Mom said. Napatayo pa ito sa gulat. Ang lalaki ay ngumiti sa akin. Wow! Parang wala lang sa kaniya 'to! Tumango lang ako at naghubad ng sapatos. Diretso ang lakad ko patungo sa aking kwarto at hindi na nag abalang bumati pa sa kanila. I changed my clothes into a denim shorts and a shirt. I also grab my black hoodie then get out from my room again. What I saw earlier made me hate staying here for awhile. Kung ano ang nadatnan kong ayos nila kanina ay ganoon pa rin. Ang kamay ni Park Jong In ay nasa likod ng couch na inuupuan nila ni Mommy. They're watching a show on the television. They sometimes laugh because of it. Umiwas ako ng tingin. I have seen this scenario before but something rather someone is different. It's the same woman but not the same man. Hindi na iyon si Papa. Hindi na ang Papa ko ang mahal niya. "Mommy, labas lang ako saglit." paalam ko. Tumingin ito sa akin. Tumayo at balak pa yatang lumapit. Binilisan ko ang paglalakad para makalabas na. "Saan ka pupunta? Madilim na sa labas, ah?" Hindi ko ito pinansin. Nilunok ko ang bikig na nakaharang sa aking lalamunan. Ang bigat ng pakiramdam ko. I feel like crying anytime soon. "Jari? Ano? Kumain ka manlang ba?" pangungulit nito. Ramdam ko ang presensya niya sa aking likuran. Hindi ko siya kayang tingnan. Hindi ko siya kayang harapin. "T-Tapos na." I said, just looking on my feet. I wore my slippers. Mabagal ang bawat hakbang ko. Kahit nakalayo na sa apartment building ay mabigat pa rin sa pakiramdam. I don't want to be near them. Si Mommy, wala siyang pakialam kay Papa. I sighed. Lilipas din ito, kailangan ko lang munang tiisin. Dinama ko ang pang gabing hangin. Nilagay ang hood sa aking ulo at tiningala ang langit. I saw the shining stars. Papa, alam kong nakikita mo ako ngayon. I will bear the hurting for you. Nasasaktan ako para sa'yo e. Huminto ako sa kinatatayuan, itinaas ang isang kamay na animo'y inaabot ang mga bituin sa langit. They are shining very bright tonight. Sa isang tulay ako napadpad. Ang ilog ay lalong kumikinang dahil sa sinag ng buwan at mga bituin. "Papa, I'm sorry." sambit ko sa kawalan. My tears fell. I can't define what I am feeling right now. I am hurting as a daughter but I am more hurting for my father. "Papa..." I sniffed. Hindi ko na marinig ang ilang nagdadaang mga tao at maiingay na sasakyan. Kahit sobrang lapit lang sa sidewalk ay para akong nabingi. I am now talking to my father using the stars. I know he can hear me right now. "Tulungan mo naman ako, oh... Tanggalin mo naman yung sakit dito sa puso ko." Pinunasan ko ang mainit na luha na dumaloy sa aking pisngi. I want to let it out now. Para kapag nakita ko na naman sila sa ganoong senaryo pag uwi ko, wala ng sakit. Wala na akong masyadong mararamdaman. Sana ay mamanhid na lang ako. I put down my hand and put it on my hoodie's pocket. My tears are falling continuously. Parang isang gripo na sira ang pihitan. Hindi mapigilan sa pag agos. Sinisinok na ako sa sobrang pag iyak. Kapag talaga hindi mo na kaya ang isang sitwasyon ay ang pagluha na lang ang makakaya mong gawin. Kung saan ay natatangay ng luha ang bawat sakit na nararamdaman ko. After awhile, I came back to my senses and saw some people that are curiously looking at my face. Agad kong pinunasan ang pisngi. Nagmadali akong maglakad. I don't know where my destination is. Kung saan na lang siguro ako dalhin ng mga paa ko. I almost lost my balance when someone grabbed me by my arm. Sumubsob ako sa dibdib ng taong iyon. Tinulak ko siya dahil sa gulat at konting kaba pero masyado akong nanghihina para magawang ihiwalay siya sa akin. That someone didn't even flinch an inch. Nang makita ko ang mukha nito ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na itulak pa ito lalo. But he's so strong. Sinalampak niya ang aking ulo sa kanyang dibdib. His iron clad chest gave me warm. Ang isang kamay ay nakayakap sa akin. "Mavi Yoo..." bulong ko. Pagod sa pagpupumiglas at sa lahat ng nangyayari. Nawawala na yata ako sa sarili. I am lost. I am unable to be found again. Again, dahil ang una ay noong nasaktan ako dahil nawala si Papa sa amin. Ngayon naman ay nasasaktan ako dahil hindi ko magawang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Mommy. I am so damn weak. "Don't hide what you feel. If it can lessen the pain, just cry." sambit niya. When his words sink in, it became the trigger to my tears. Nalukot ko na yata ang kanyang T-shirt dahil sa pagpigil ng luha. I felt both of his arms snaked tightly on my back. He leaned my head more to him when he heard my sobs. I badly want to shut it off. But then, these wicked tears fell again, nonstop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD