Kabanata 13

3191 Words
Kabanata 13 Hatred Hindi ko na naabutan si Mommy. I asked the security guard of the building and he told me that she already left. Nagmamadali daw itong umalis habang may kausap sa cellphone. I kept calling her. Ang tanging natatanggap ko lang ay ang walang hanggang pag ring nito at ang pagsasalita sa dulo ng voicemail na mag iwan na lang daw ako ng message para sa number na 'yon. Ginulo ko ang buhok. I felt so frustrated right now! Gusto ko na talagang kausapin si Mommy. I swear that I would talk to her right away when she gets home. Hindi ko na nga alam kung alin sa mga problema namin ang uunahin kong ayusin. Because I think that our relationship won't be like as before even if we'll talk about it. Dahil noon pa man ay hindi na iyon matibay. I am more than close to Papa than her. Argh! I can't think straight! Bakit ako pa ang biniyayaan ng maraming problema. And I can't believe that I called it a blessing! Ilang oras na ang lumipas pero wala pa rin si Mommy. 'Cause I would know when she's here when the passcode on our door makes sound. At sa ilang oras na 'yon, hindi na ako nakaramdam ng gutom. O dahil wala na naman akong gana na kumain. I can't eat with this state of mind! Kung nakakain lang ang problema, tiyak palagi akong busog. Pumihit ako sa kama. Hindi ako makatulog. Tila lasing pa ako sa palitan namin ng mga salita ni Mavi kanina. Kanina pa siya sumisiksik sa isipan ko. Tinatanggal ko lang siya doon at pinipilit na ipalit ang problema namin ni Mommy. Ang akala ko wala na siyang lugar para dumagdag sa mga problema ko. Kaya nga ganoon ang sinabi at ginawa ko e. Pero heto siya at ginugulo pa rin ako. Hindi ko alam kung maawa ba ako sa sarili ko ngayon. Para kasing ako pa yung nawalan kung sinabi ko naman na ayoko. Nakakatawa na siya ang laman ng isipan ko. Nababaliw na yata ako. Naglagay ako ng face mask na bigay sa akin ni Sun Hee. Halos lahat yata ng Koreano ay gumagamit nito. I don't feel like I need this thing but because my thought don't let me sleep, ito ang napagdiskitahan ko. Pagkatapos kong ilagay 'yon ay lumabas ako ng kwarto para doon na hintayin si Mommy. It says 2 o'clock in the morning. Wearing a pajama and a shirt, I sat on our couch. Niyakap ko ang tuhod ko at sumandal. My eyes are slightly sleepy but my soul is still alive. Medyo pagod ako sa pag biyahe at paglalakad sa Seoul kaya siguro bumibigay na ang mga mata ko. Matagal ko na rin kasing hindi nagagawa 'yon. I'm not athletic but I do jog sometimes. Hindi ko na nga lang nagawa simula nang tumira ako dito sa Gyeonggi. I don't want to sleep in this state. I want to stay here and wait until Mommy comes. I want to talk to her right away, remember? Sun rays from the glass window directed on my face. Dumilat ako at umupo galing sa pagkakahiga. Nandito pa rin ako sa couch at ngayon ay umaga na! I touched my face when I felt something sticky on it. It's probably the face mask when I remember about it. Nagtungo ako sa banyo upang tanggalin ito at naghilamos na rin. Walang bakas na umuwi si Mommy. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. At isa pa, Lunes ngayon! May pasok siya at hindi manlang siya umuwi dito para kumuha manlang ng susuotin. And to check on me- or not? Unti-unti ko na naman tinatanggap na wala talaga siyang pakialam sa akin. I sighed. I don't feel like to go on school. Even if there's a possibility that my Mother is in there. Kung doon ko siya kakausapin ay baka maka gawa pa kami ng eksena. I want to talk about our or my problems with her privately. Tungkol sa aming mag ina ito at hindi involve ang iba. At kung wala naman siya sa GIT ay malamang na kasama niya si Park Jong In. Hindi ko matagalan na isipin na magkasama sila buong magdamag. My Mother does not care about me. Higit isang oras akong tulala nang maupo ulit sa couch. Wala pa sana akong balak na tumayo kung hindi lang kumalam ang tiyan ko. Kagabi pa ako hindi kumakain and it's already past ten in the morning. With a sleepy eyes, I decided to buy some foods in the nearest convenience store. Walang laman ang refrigerator na tila ba napabayaan na. Parang ako lang na pinabayaan ni Mommy dito. Pinatungan ko lang ng hoodie ang suot na shirt bago lumabas. I am still wearing my pajama and made my hair in a bun. Wala ako sa sariling humakbang para tumawid sa kabilang kalsada. Napaatras na lang ulit ako nang marinig ang busina ng sasakyan. Hindi pa pala naka red ang traffic light. Inaantok pa talaga ako at wala sa sarili. Kinusot ko ng daliri ang mga mata. Nakarating ako sa Mini Cafe na isang convenience store na ilang blocks lang sa apartment building. Dumampot ako ng isang cup noodles at ilan pang snacks. Pagkatapos ay nagtungo na sa counter. Nang babayaran ko na sana ay hindi ko na mahanap ang wallet ko. Kinapa ko ang bulsa ng hoodie pero wala ito doon. My pajama doesn't have a pocket. Nailagay na sa isang plastic bag ang binili ko. Ang tanging hinihintay na lang ng cashier ay ang bayad. Sa ganitong pangyayari ay dapat na nawala na ang antok ko. Pero tila mas nawala pa ako sa sarili. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa babaeng cashier! Hindi na siguro gagana ang ginawa ko noon sa internet shop nang maiwan ko ang wallet ko. Bakit ba lagi ko na lang naiiwan ang wallet na 'yon?! Pumikit ako para ikalma ang sarili. I need to do something! But suddenly when my eyes closed, I felt like sleeping in here. Nawala ang balanse ko at pakiramdam ko ay matutumba na 'ko. Nang biglang bumukas ang glass door kasabay ng pagtunog ng wind chimes ng Mini Cafe ay naamoy ko ang pamilyar na bango ni Mavi. Hindi ko tiningnan ang pumasok pero alam mo na siya 'yon. I felt nervous by just smelling his perfume with his natural smell. Mavi na Mavi kasi. Agad akong umayos ng tayo at hinarap ang cashier. Pinilit kong ngumiti dito. "I'm sorry, Miss... Can I just come back here later? I forgot my wallet..." mas nilakihan ko pa ang ngisi ko. Doing the same strategy, Jari?! I can see on my peripheral vision that a man in a black tight leather jacket is roaming around the second aisle of the store. Black... It's Mavi! "Ne?" the cashier lady replied. Napansin ko ang isa pang lalaki na naka pila sa likuran ko. Magbabayad din ito at hinihintay lang na matapos ako. Nakaka abala na 'ko dito! "H-Ha? I can't understand you, Miss..." Patuloy pa rin ako sa pag ngisi kahit na wala naman dapat dahilan para gawin ko 'yon. "Ne? S-Sorry, no English." she said awkwardly. Halos magpapadyak na ako sa harap niya. Hindi ko alam kung paano kami magkaka intindihan. Nakita ko ang isang kamay na naglapag ng pera sa counter. Ang lalaki na nasa likuran ko. May sinabi siya sa cashier na hindi ko naintindihan. Tumango ito sa lalaking nasa likuran. Sigurado ako na babayaran ng lalaki ang mga pinamili ko. Bumaling ako sa lalaki. I can't imagine that the people in here is so generous. I bowed in front of him to show my gratitude. "Thank you!" I said. Hinawakan nito ang balikat ko at tinapik. Naramdaman ko ang pisil niya doon. May naramdaman akong kakaiba sa tapik na 'yon. He grin so I am. Kahit pilit lang. He's not being generous. I thought again. "I'll pay for it." I heard Mavi's voice. Nakita ko ang pag abot niya ng pera sa cashier kasabay ng coffee in can. He talks to the cashier lady in Korean at tila aso na sunud-sunuran naman ang babae nang ilapag muli ang pera nang lalaki sa likuran ko at kuhanin ang kay Mavi. Nakatukod ang dalawang siko niya sa counter ng cashier. Kumunot ang noo ko. I felt offended for the guy on my back. Hindi naman yata ito tama. Tiningnan ko ang lalaki sa likuran ko. Hindi naman ito nagreklamo at nagkibit lang ng balikat sa akin na para bang walang nangyari. Mavi opened the can and sipped coolly on it while walking out. I watched his every move but he did'nt even glance at me once. And I see it more offensive! Ano?! I get that he's cool but he looks more arrogant to me right now! Maligayang inabot nang babae ang supot ng pinamili ko- na si Mavi ang nagbayad. Kinuha ko iyon at dali-daling tumakbo papalabas. "Hey! What was that?!" sigaw ko kay Mavi. Nakaka isang hakbang pa lang siya sa kalsada para tumawid. Lumingon siya sa akin pero hindi naman siya huminto. Sinubukan kong humabol sa malalaki niyang hakbang. "Hey!" tawag ko. Patuloy pa rin siya. "Why did you that, huh?! Nagmamagandang loob lang naman 'y-yung tao!" I am bit hesitant for 'nagmamagandang loob' term dahil alam ko naman na hindi. He finally stopped and look at me when we reached the other end of the road. "Is that what you think? Really?" tanong niya nang may diin sa bawat salita. He laughed sarcastically. His eyes is as dangerous and dark like always. "Ano pa nga ba?! Who are you to butt in? Inaasar mo ba ako because of what happened last night?" Tumawa ulit siya ng bahaw. Tila hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ko. Mas lalo lang akong naasar sa inaasta niya ngayon. "Wrong, Jari. Because if I didn't meddle, I am sure that that man already takes advantage-" His voice remain calm but I can see how his body and jaw became intense. "What the hell! Aminin mo na lang kasi!" I cut him off. Dinuro ko siya at tinulak ang dibdib niya gamit ang iisang daliri. Hinuli niya ito gamit ang isang kamay lang. "Why? Did you enjoy his touch in your shoulder? I didn't know that you are that kind of a lady." he said that with disgust. Padarag niyang binitawan ang kamay ko. Wala na akong nasabi dahil sa mga salita niya. How can he make me feel so low. Paanong sa iisang tapik lang sa balikat ko ay ganoon na ang naging pakiramdam ko. How can someone make me feel so dear to him and then suddenly a disgusting human being after a night? He's confusing me! And how did he knew that it is on my shoulder? Ni hindi niya nga ako sinulyapan! Muli akong nagmukmok sa loob ng apartment. Nang dumating ang hapon ay inabangan ko si Mommy sa living room. Hindi na ako nagtaka nang makita na kasama niya si Park Jong In kahit hindi na naman weekend. I expected this, alright! They happily entered the apartment's door. "Ma, saan po ba kayo nagpunta kagabi? I waited for you in here." pauna kong sabi. Tumingin lang ito sa akin at dumiretso na sa kwarto. "We were in the police station. I had a few shot when I drove a motorcycle but I'm not that drunk-" si Park Jong In ang sumagot. "What?! You were caught by the police? Ma?! Bakit hindi mo 'to sinabi sa 'kin?" Pumunta ako sa nakabukas na pintuan ng kwarto ni Mommy. She's done changing into comfortable clothes. "At kung sinabi ko sa'yo may magagawa ka ba, aber?" tanong niya. "I know! But this is something serious!" Nanatili siyang nakaupo sa kama. She looks more stress than before. I can see her wrinkles and the dark circles below her eyes. Ang kapaguran ay nakikita sa bagsak niyang balikat. "You don't have a say on this, Jarien. It's between the two of us." si Mom. Humakbang ako patungo sa loob ng kwarto at sinarado ang pintuan nito. Thankfully, Park Jong In is in the kitchen. I don't want him to interfere on our conversation. Gusto kong sa amin lang ito ni Mommy. "Mommy, anak niyo po ako! Wala na ba akong karapatan malaman ang mga ginagawa mo? I don't have a say on this, really, huh?" I said sarcastically. Their relationship is not the only issue here. Siguro nga pati ako. I can see that she's happy with him. But it is not the only thing that I saw. Nasasaktan ang Mommy ko sa piling niya. I can clearly remember when she cries on the school bench and hugged tight. Alam ko na siya ang dahilan no'n! Dahil wala na akong nakikitang ibang pwedeng rason. Only her lover can make her cry like that. "So, what's your point? That I don't consider you as my daughter? Don't you realize what are my efforts for us to live? Kumayod ako sa bansang 'to tapos sasabihin mo sa'kin 'yan? Akala mo ganoon lang kadali lahat 'yon? Ha, Jari?!" She stood up this time. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Huminga siya ng malalim matapos sabihin lahat ng iyon. "Hah! Don't you dare say that on my face, Mommy! Hindi mapupunan ng libo-libong pera na pinadala mo ang pangungulila ko sa'yo! Anak mo 'ko pero bakit hindi ko naramdaman? Wala ka ngang pakialam sa akin, hindi ba? Sa sarili mong anak!" I shouted. Ang kinikimkim ay buong puso kong sinabi. I shouted all of my pain without a single tear. Like I said, my tears stopped from falling a long time ago when it comes to her. I won't cry anymore. It's not worth it. "Please understand that the love I am seeking is not the kind of love that you can give! May pangangailangan din ako, anak! Noong nawala ang Papa mo at kahit noong buhay pa siya ay iyon na ang hinahangad ko!" I saw her tears fell endlessly. But this Jarina Enedril in front of her has a stone heart already. Hindi na ako matitinag sa mga pa ganito niya. I am deeply hurt than her! "'Di lumabas din 'yung totoo! You decided to work here for another reason. At kung papipiliin ka sa pagitan naming dalawa, alam ko naman na talo na 'ko. 'Cause you never chose me! I am always a second choice- no- I am not on your list of choices, after all!" I watched her right hand that is slowly going up. And I am sure that her palm will surely hit my face anytime soon. Nakita ko ang nagngingitngin niyang mga ngipin. She's so ready to attack me! "Ano, sige! Saktan mo 'ko ulit! Slap me again for the same reason!" hamon ko. Pumikit siya at binaba ang kamay. Tila hirap na hirap siya sa pagharap sa akin ngayon. Pinipigilan ang sarili sa kung anumang gustong gawin sa akin. "Do it!" Hinablot ko ang kamay na dapat gagamitin niya. Idinikit ko ang palad niya sa aking pisngi. Paulit ulit kong sinampal sa mukha ko ang kamay niya habang hawak ko ito. "Why hesitate when you badly want to do it, huh?!" hamon ko ulit. Nagulat ako nang marahas niyang binawi ang kamay sa pagkaka hawak ko. It seems that she already lost the only thread of her patience. Napupuno na siya akin! I know! "Stop it, Jari! Pakiusap lang! Ayokong sa iba pa 'to mapunta! I don't want to hurt you anymore!" Hinilamos niya ang kamay sa basang pisngi. She is frustrated like I am! "Talaga?! And I can't believe that you are aware from hurting me! Sabihin mo nga sa akin, Mommy... Ang paghahanap ba talaga ng bagong pag ibig ang rason kung bakit mo ako iniwan noon?" Ang boses ko ay naging bulong na lang. Nilukot ko ang suot kong damit sa tapat ng kaliwang dibdib. I am hurting so bad. Ang balikan ang sakit ng nakaraan ay mas dumoble. Narinig ko ang katok mula sa pintuan. Park Jong In is calling for our names. Asking if we are fine. We are not! Fvcking idiot! "Jasmin?" ulit niya. "We're fine. We'll go out soon, don't worry." Kahit hindi naman siya makikita ni Park Jong In dahil sa naka saradong pintuan ay natanaw ko pa rin ang ngiti niya habang sinasabi iyon. She's assuring him that we are alright when the truth is we are not! "Okay..." sagot ni Park Jong In sa kabila. I heard his footsteps slowly fading. Baka nagtungo na ito sa kitchen o sa living room. "Let's calm down for now, okay? Lalabas muna ako..." she sniffed. I saw her walk towards the door. "No! Tell me first about what's your reason about leaving me!" Ang bawat paghinga ko ay mahirap at malalim dahil sa naninibughong emosyon at nararamdaman. "Alright! Finding true love is not the real reason why I left you! At ikaw! Ikaw ang totoong rason kung bakit ako umalis! Dahil hindi ko kaya na makita ka! You kept me remember your Father! And I don't want that, Jarina! I am always seeing him through your eyes. The one that I love, the love of my life that is now gone!" Nanlaki ang mga mata ko ng rumehistro sa utak ko ang lahat. Hindi ko alam na ako pala ang rason ng sakit na nagdudulot din sa akin ng sakit. But that's not right. It's not right for me to suffer like that! Pareho kaming nagdusa dahil lang dahilan na iyon. Kasalanan ko ba na kamukha ko si Papa? Kamalian ko ba 'yon? "I'll leave for awhile. Ayaw muna kitang makita sa ngayon. Please, Jari. Hayaan mo muna akong huminga..." she said. I looked intently on her sad eyes. Umiwas siya sa akin ng tingin. I really make her remember of my Father, huh. "Is that really what you want or is it the other way around? You want me to leave. Sabihin mo na lang kasi hindi iyong iba pa ang lumalabas sa bibig mo." I didn't shout this time. Naubos na ang lakas ko sa lahat. Sa lahat lahat. "Yes... I want you to leave this house but will you make it? You're still a student, Jari! I still care for you. Kahit gusto na kitang umalis dito, alam ko naman na hindi mo kakayanin. Kahit ayaw na kitang makita..." Her tears fell again when she said the last sentence. Pero ako ay nanatiling bato ang puso. Hindi ako naglabas ni isang patak ng luha para rito. I won't dare! Kahit nasasaktan ako sa sinasabi niya ay hindi ko pinahalata. My expression still stays the same, angry. Masakit marinig mula sa sarili mong ina na ayaw ka na niyang makita. I felt this before when my Papa died. 'Yung sakit na gusto mo nang wakasan dahil hindi mo na kayang bitbitin. "Yes, I'll stay here. Mananatili ako dito hindi dahil sa hindi ko kayang mamuhay mag isa. Mananatili ako dito para pareho tayong magdusa sa piling ng isa't isa!" I shouted with full of my bitterness and hatred.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD