Kabanata 11

3516 Words
Kabanata 11 Why? "What happened to you?" tanong ni Sun Hee nang makaupo ako sa tabi niya. We are in the benches near the garden. She texted me to go here when she ended the call. Nabasa ko lang noong nakalabas na ako ng building ng library. Hinahabol ko ang hininga. Hindi ko alam kung hindi ba ako makahinga dahil sa malayong tinakbo o dahil sa nakita. Hawak ko ang kaliwang dibdib at kinakalma ang sarili. "Yah!" nagulat ako nang hampasin ni Sun Hee ang braso ko. Medyo malakas 'yon. "W-What?" tumikhim ako ng mabulol. "Why are you blushing?" hinawakan niya ang pisngi ko. Tinabig ko iyon at yumuko sa stone table habang nakapikit. Gusto kong iuntog ang ulo ko para makalimutan iyon. Para kasing napaka imposible ng nakita ko. O hindi ko lang matanggap? Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko. I let my long hair be free and rest on my back. Naramdaman ko ang pagyugyog ni Sun Hee sa balikat ko. She's saying words that I can't understand. Pero paniguradong kinukumbinsi niya ako na sabihin ang nangyari sa akin. But how can I say it to her? Paano kung ayaw talagang ipaalam sa amin ng lalaking 'yon? And Sun Hee said that my face is flushed. Sobra talagang nag init ang pisngi ko dahil sa gulat! I can feel it until now. Argh! I don't know what to do anymore! "Later, Go Sun Hee..." sabi ko nang nakayuko pa rin. Kumakalam na ang sikmura ko dahil hindi pa ako naglu lunch. I don't feel like going to the cafeteria 'cause the Head Teacher might be there. Ang creepy talaga. Goosebumps. "Woah, Jung In Woo..." I heard Sun Hee said. Agad akong napadilat at hindi alam ang gagawin. Mag aangat ba ako ng ulo para makita ang bagong dating? Or am I going to act like I am asleep? Nakarinig ako ang tunog ng plastic. "Yah, In Woo bring us some food." si Sun Hee. Napapikit ulit ako. Anong gagawin ko? Bakit ako kinakabahan? "Yah, Jari!" ulit niya. Hindi ulit ako kumibo. "What happened?" In Woo speaked. "Molla." she replied. I slowly looked at them. Inangat ko ang ulo ko at umayos ng upo. "I'm just... hungry." Dinampot ko ang pagkain na nasa harap ko. I smiled awkwardly. Nagpa salamat ako sa kanya dahil sa pagkain. He just nodded. I should act normal. Act like I didn't see anything earlier. But my eyes! My eyes are not virgin anymore! Pinagpatuloy ko ang pag kain. Sun Hee was doing the same as I am. Hindi na niya ulit ako tinanong tungkol sa pagtakbo ko kanina. She seems to enjoy the food that In Woo brought us. Sumulyap ako ng isang beses kay In Woo. He's reading a book again like what he usually doing. He's so focus on that book. Umiwas ako ng tingin. Kinuha ang bottled water sa harap ko at uminom doon. Habang ginagawa iyon ay muli akong sumulyap sa kanya. His forehead is a bit creased. Nakita kong inayos niya ang eyeglasses na suot. Lumipat ang tingin ko sa mga labi niya. It's more pinkish than before. The scenario I saw earlier flashed on the back of my mind. The way that In Woo's lips moved seems like he's so expert on doing that. He leads their kiss like he was doing his favorite hobby. Paano naging ganoon katindi humalik ang nerd na 'to?! Tell me! "Seems like our Jarien had a crush on someone." Sun Hee sings what she said. Nasamid ako sa tubig na iniinom. Agad nabaling ang atensyon ko sa kanya. Mukhang tapos na rin siyang kumain tulad ko. She laughed on my reaction. Pinanlakihan ko siya ng mata- nagtatanong kung ano ba ang sinasabi niya. Mas lumakas lang ang tawa niya. Nakita ko ang pag nguso niya sa harap namin. Si In Woo lang naman ang tao doon. Wait- what?! Is she referring to him? Maldo andoeneun! "Who?" tanong ni In Woo. Nakatingin na ang dalawa sa akin. Nagpalipat lipat ang titig ko sa kanila. Sinenyasan ko si Sun Hee na 'wag sabihin kung ano man ang sasabihin niya. Alam ko na si In Woo ang tinutukoy niya. And she's wrong. Sobrang mali. "Sec... ret." ang malakas na tawa ay naging bungisngis. Kumunot ang noo ni In Woo. Napabuga naman ako ng hangin. This girl is crazy. Wala naman akong binanggit na crush ko si In Woo. At isa pa, hindi naman 'yun totoo. I think she misunderstood it. Napansin niya siguro na nailang ako kay In Woo nang dumating ito. And my face is red when I got here. Ang utak talaga ng babaeng 'to! And I really don't have a crush on someone. Well... Napatayo ako nang biglang hatakin ni Sun Hee. Hinatak niya ako palayo doon. May sinabi siya kay In Woo at ang tanging naintindihan ko lang ay 'bye'. "Don't worry... I just told him that we will go first in the classroom. I didn't tell him that he's your crush. It's our secret, alright?" Matapos niyang sabihin iyon ay nauna na siyang umakyat sa hagdan. Naiwan akong nakatayo sa ground floor. Thinking how will I explain myself to her. That it is a misunderstanding. 'Cause she's the kind of girl who believes on what she wanted. I saw that she let out her tongue on me when she reached the second floor. "Sun Hee!!" I shouted. Nakita kong tumakbo siya paakyat habang tumatawa. And she even sings about me who had a crush on someone. I crossed my arms and slowly shakes my head. Naglakad ako paakyat imbis na habulin siya. I will just save my energy for my explanation later. Napag usapan ng grupo namin sa reporting na magkita kita na lang kami sa bahay nila Sun Hee. Hindi ko talaga alam kung bakit doon pa nila gusto. Umuwi muna ako sa bahay para mag palit ng damit. Naabutan ko si Mommy na may ginagawa sa living room. Nakabukas ang TV na minsan ay sinusulyapan niya. She's writing something that I think is related to her work. "'Ma? Can we talk?" tanong ko. Natapos na akong magbihis sa kwarto noong lapitan ko siya. I was wearing a white hoodie with my denim shorts and white sneakers. Bitbit ko na rin ang maliit na backpack. Nakatayo lang ako sa gilid ni Mommy habang siya ay pumapapak ng chips at crackers. "About what, Jari?" she said while writing something on her notebook. Hindi niya manlang ako sinulyapan. Huminga ako ng malalim. Narinig niya yata ang frustration sa pag hinga ko kaya napatingin siya sa akin. "Ano ba kasi 'yon?" binitawan niya ng padarag ang hawak na ballpen at sinarado ang notebook. "Park Jong In." maikli kong tugon. "What about him?" she asked. Hindi muna ako nagsalita. Iniisip ko kung ano ba ang dapat kong sabihin. Kung ano ang dapat kong unahin. "Ano, wala? Alam mo, you should go. Mukhang may lakad ka pa at ako, I have something to do here. I'm busy, you see?" tinuro niya ang table na puno ng mga papel at may laptop. Hindi ako gumalaw. Tinitigan ko siya maging ang ginagawa niya. Mas importante pa pala 'to kaysa sa akin. My opinion is not important here. Kapag kay Park Jong In may oras siya. What about me? She's being selfish again! "Ano na? Tatayo ka lang diyan? Kilos na, Jari!" she raised her voice. Pumikit ako at huminga ng malalim. I guess, this is not the right time to discuss it with her. I understand. I need to understand. Tinalikuran ko siya at hindi na nagsalita. There's no use, anyway. Sumakay ako ng bus patungo sa bahay nila Sun Hee. It's just one bus station away from the nearest station in our apartment. I pushed the red button beside the window to let the driver know that I will get off of the bus. Hinagod ko ang mahabang buhok pagkababa. Pumasok ako sa bukana ng village. There are so many big houses with tall gates here. Halatang mga mayayaman ang may ari at nakatira. I heard that Sun Hee's family owns a chains of hotel in different part of the world. Maging ang parents ni Moon ay ganoon din. Ang pagkakaiba lang ay may mga eskwelahan din silang pagma may ari. Those two are really born with silver spoons on their mouths. Pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses. Habang hinihintay ang magbubukas ng gate ay luminga ako sa paligid. Walang tao na naglalakad. May mangilan ngilan na sasakyang dumadaan. Pulos mga mahahalin at bagong modelo. Pinindot kong muli ang doorbell nang walang lumabas na tao. Sinipa ko ang maliit na bato sa maliit na hagdan. Sinundan ko iyon ng tingin. The stone fell down and got on the center of the road. May dumaan na bicycle at muntik na iyon masagasaan. When the bike passed, I run towards it and kicked it again. Baka kasi may ma aksidente pa dahil doon, maging kasalanan ko pa. Napatalon ako sa gulat nang may bumusinang kotse sa harap ko. Hindi ko natanaw ang driver dahil tinted ito. It's a Genesis G80. Agad akong tumakbo sa harap ng gate nila Sun Hee. Nilingon ko muli ang kotse at nakitang pumasok ito sa gate sa tapat. Hindi tanaw ang loob ng bahay dahil sa taas ng gate nito. Pero noong binuksan ito ng guard dahil sa papasok na kotse ay nakita kong malayo pa ang mismong bahay sa gate. It has a big yard. Nawala ang titig ko doon nang may biglang humatak sa braso ko. Naka silip sa nakaawang na gate ang ulo ni Sun Hee. "Why are you looking in that house, huh? There's no handsome living in there." hinila niya na ako para pumasok sa gate. Nadaanan namin ang garden na puno ng iba't ibang klase ng bulaklak. Alaga ng kaniyang Mommy. Doon din naka pwesto ang malaking swimming pool nila. Bukod sa lamesa at upuan ay may nakita pa akong ihawan. Sumalubong sa amin sa malaking double doors ang Mommy ni Sun Hee. Nag beso ito sa akin. Kilala na niya ako dahil ilang beses na akong pumunta dito with In Woo. "Annyeonghaseyo, Sun Hee eomeoni." I bowed in front of her. Talagang napipilitan na akong magsalita ng lenggwahe nila. Kahit hindi kasi sinasadya ay naririnig ko sa kanila ang ilan sa mga greetings at basic Hangul. I am good at memorization. At isa pa, tinuturuan ako ni Sun Hee ng ilan doon. "Oh, Jari... Come in, come in." she said. I smiled and go inside. Natanaw ko si Sun Hee na umakyat sa hagdan. Nanatili ang Mommy niya sa hamba ng pintuan na tila may hinihintay. Kaya naman tumuloy na ako at umupo sa kanilang couch. A phone rang and I saw that Sun Hee's Mom take the call. May kausap ito sa telepono at agad din iyong binaba. She's wearing a purple dress with black details that fits in her small waist. Ang black stilletos ay nakadagdag ng tangkad sa kanyang maliit na size. She's petite. Inalis ko ang titig sa kaniya at sumandal sa couch. Obvious na wala pa dito ang dalawa naming ka grupo. Kasabay ng pagbaba ni Sun Hee sa hagdan ay siyang pagpapaalam ng kaniyang Mommy na aalis ito. Sumakay ito sa pumaradang kotse sa harap ng double doors. Kumaway ito na sinuklian ko naman. May sinigaw dito si Sun Hee na hindi ko naintindihan. "They have a meeting with some investors. I am all alone now." she batted her eyelashes. "Tss. Where's Nam Bit Na and Lee Hyeo Ra? What's taking them so long?" tanong ko. Binuksan niya ang laptop at nakita ko doon ang powerpoint presentation na ginawa namin. "They're on their way." she said. Malapit nang dumilim nang makarating ang dalawa naming ka grupo. Napansin ko na naka light make up si Hyeo Ra at tila pinaghandaan ang pagsusuot ng miniskirt at bangles sa braso. Nagtaka ako noong una pero hindi ko na lang pinansin. Baka ganoon lang talaga siya pumorma kapag nasa labas ng school. Hindi kasi allowed sa GIT ang paglalagay ng make up. Buti na lang din dahil hindi talaga ako naglalagay no'n. We discussed about how we will present our topic in front of the class. May ipamimigay din kaming kopya ng isang article sa aming mga kaklase para makasunod sila sa sinasabi ng nasa harap. Naka plano na ang pagkaka sunod-sunod ng gagawin. Una ay ipamimigay ang mga kopya pagkatapos ay ang magsasalita sa harap. Mauuna ako tapos ay si Bit Na at ako ulit, si Sun Hee pagkatapos ay si Hyeo Ra ang pang huli. Natapos ang pagpa plano namin ng maayos. Madilim na sa labas. It says 6:45 in my wrist watch. Sun Hee invited us to eat dinner with her. I refused at first pero nag drama ito na mag isa lang daw siyang kakain kung aalis na kaming tatlo kaya pumayag na 'ko. May kasama naman siya ditong kasambahay kung sakaling mauuna na ko. Pero mukha rin namang ayaw pang umalis ng dalawa. I don't want to be called killjoy here. I tied my hair into a messy bun and washed my hands in the kitchen sink. Kanina pa nakaupo ang tatlo doon sa mahabang dining table. Nakahain na din ang iba't ibang pagkain. Nagmadali na akong magpunas ng kamay sa nakasabit na towel sa kanilang fridge. Nakarinig ako ng impit na tili. Nakita kong may nagmamadaling kasambahay na papasok sa kitchen. Agad itong kumuha ng ilan pang pinggan sa cabinet. Ang impit na tilian ay nasundan ng hagikgik. Kumunot ang noo ko. I'm sure that it's Bit Na and Hyeo Ra. Ano kayang nangyayari? I walked towards the dining area to see what really happened. I heard different voices from here. Nagulantang ako nang matanaw sina Moon at Mavi na naka pwesto sa dining table. Nilagyan ng kasambahay ng pinggan ang kanilang harapan. I even saw Hyeo Ra giggling in their seats. Malagkit ang titig sa dalawang lalaki sa harap. "Jari! Let's eat." tawag ni Sun Hee. Mavi's eyes flew into mine. May bakas pa ng tawa sa kaniyang mukha dahil sa reaksyon ni Hyeo Ra. Nag iwas ako ng tingin at dumiretso na sa hapag. Tahimik akong umupo sa pagitan nina Sun Hee at Bit Na. "You're here." narinig kong sambit ni Mavi. Tumingin ako sa kanya pero hindi ako sumagot. Pinagpatuloy ko ang pag kain gaya ng iba. Maingay sa hapag dahil sa dalawa naming kaklase ni Sun Hee. Kinakausap nila sina Moon. Hindi ako nakikisali. "We practiced in their house. Yeah, the whole band." I heard Mavi said. Tinuro niya ang katabi. Kausap niya si Hyeo Ra. I stopped from eating. Nakita kong sumulyap sa akin si Mavi. I just ignored it. Tumaas ang kilay niya na ginawa ko rin. "That house you are looking at earlier was Moon's house." bulong ni Sun Hee. "Really?" tanong ko sa mahinang boses. Sobrang yaman pala talaga nila kung ganoon. Naglalakihan ba naman ang business nila around the world. I heard that he also have siblings that are also into their business. Siya lang ang walang interes doon dahil pagba banda ang passion niya. "So... where's Hyun Jae oppa and Il Woo oppa?" tanong ni Hyeo Ra. "Yeah. Where's Il Woo oppa?" sabat ko sa usapan nila. Ginaya ko ang maliit na boses ni Hyeo Ra. Ang mga mata nila ay lumipat sa akin. Uminom ako ng tubig habang naghihintay ng sagot. Nagtataka lang naman ako kung bakit silang dalawa lang ang nakarating dito. I didn't mean to sound like I am mocking someone here. Nagulat na lang ako nang bigla akong sikuhin ni Sun Hee. Her elbow hit my right arm. Ang pinanghahawak ko sa baso na iniinuman ngayon. "I thought your crush is-" Bago pa niya matapos ang sasabihin ay pareho na kaming napatayo dahil sa gulat. Ang malamig na tubig na iniinom ko ay natapon sa aking tiyan. Narinig ko ang pagtili ng dalawa sa tabi ko. "Oh my gosh! I'm sorry, Jari. I'm sorry." si Sun Hee. Pinunasan niya ng table napkin ang jacket na suot ko. Inabot ko iyon at ako na mismo ang nagpunas sa sarili. Napansin kong napatigil silang lahat sa pag kain dahil sa nangyari. "It's fine. I'm fine." sabi ko. "You sure?" tanong ni Moon. Tumango ako at inurong ang upuan para makaalis doon. "I'll just go to the bathroom." Nag offer si Sun Hee na samahan ako sa kanilang bathroom pero tumanggi ako. Kaya ko naman. Malapit lang iyon sa kitchen. And I told them that they should continue eating. Nang makapasok ako sa kitchen ay sinabihan ko ang kasambahay na magdala ng pamunas sa natapon na tubig. Agad itong tumango at nagtungo sa labas. Naiwan akong mag isa sa kitchen. I saw a roll of tissue on the kitchen counter. Inabot ko iyon at pinunas sa nabasang hoodie. Hindi iyon naging sapat kaya kumuha ulit ako. Napatigil ako sa pag abot ng tissue nang mamataan ko ang pares ng mga kamay na nakahawak sa counter. The warmth of the owner of the body enveloped me. Pumihit ako para makita kung sino iyon. Mula sa salubong niyang kilay ay bumaba ang tingin ko sa kanyang mata. "What are you doing here, Mavi?" tanong ko. Tinulak ko siya nang maalala ang posisyon namin. Hindi manlang siya natinag sa pagtulak ko. He's so strong. Then I remembered how much I am angry towards him. "Ano ba?!" angil ko. "Sino iyong crush mo?" tanong niya. I am slightly surprised about the language he used. May hint na ako noon na Pinoy siya pero hindi ako naniwala. Alam ko na galing siya sa Pilipinas dahil katabi ko pa siya noon sa eroplano. "P-Pinoy ka." sambit ko. That's not a question. It's more like a statement that is seeking for an explanation. I saw that his massaged his temple using his left hand. Sinubukan kong makawala at dumaan sa kanan ko kung saan nawala ang kamay niyang nakaharang kanina. Bigla niyang hinawakan ang braso ko at pinigilan ang pagtakas ko. "My Mother is a Filipina. So obviously, I'm half Pinoy. I can speak Tagalog 'cause I lived in the Philippines when I was a child. And that... is the secret I wanted to tell you when we were in the cliff." he explained. Filipina ang ina niya. And Park Jong In is still his Father. Walang nagbago. Ganoon pa rin ang nararamdaman ko sa kaniya. I still hate him! At paano naman iyon naging sikreto. Sinisikreto niya? Halos nakalimutan ko na nga iyon dahil sa mga nangyari. Isa na doon ang mga tagpo namin ni Min Ah. She warned me, alright. Or should I say, she threatened me. "Okay. Nasabi mo na. Can I go now?" Tinulak ko ang kaniyang dibdib. Hinuli niya ang dalawa kong kamay gamit lang ang isang palad. Nagpumiglas ako pero mas lalo pa niyang diniin ang likod ko sa kitchen counter. "And one more thing... Il Woo told me that you heard me called your Mom's boyfriend 'abeoji'. He's not my father if that's what you think-" Agad nagliyab ang galit sa puso ko. Bakit siya nagpapaliwanag? Hindi niya kailangan gawin 'to dahil malinaw naman sa akin ang lahat. He don't need to feed me lies. "Liar!" I shouted. I wiggled my wrist. His grip was so tight and I am sure that my skin is turning red by now. "Listen... We're that closed to the point that I am allowed to called him that. Para ko na siyang Tatay. It's not what you think, Jari..." Hindi ako umimik. When it sink in, I felt a rare feeling na para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Na parang nakahinga ako ng maluwag. Ang matinding galit ay hindi ko na mahagilap ngayon. Why am I feeling this way? "I already cleared myself. So it's my turn to ask you again..." Tumitig siya sa akin ng matiim. Ang isang kamay niya ay nanatiling nakayapos sa dalawa kong kamay. He leaned closer so I slightly bended. Ang malayang palad ay nilagay niya sa pisngi ko. Marahan niya iyong hinaplos. My breath hitched. "Who's your f*****g crush, Jarina Enedril?!" Ang bawat salita ay may diin sa dulo. I felt scared and smiling at the same time. "The guy named Jung In Woo." matapang kong sagot. Mianhae, In Woo. Mas tumalim ang titig niya. Nakita ko rin ang pag galaw ng panga niya. And his Adam's apple when he gulp. Marahan kong inalis ang kamay niya sa akin. He seems weak by the words I just said. Nakawala kasi ako ng tuluyan. Iniwan ko siyang nakatulala sa counter kung saan ako naka sandal kanina. Nang makalabas ako sa kitchen ay huminga ako ng malalim. Doon ko lang na realize na hindi pala ako humihinga noong kaharap ko siya. Narinig ko ang pagmumura niya kasabay ng pagkabasag ng kasangkapan sa kusina. I managed to smile widely while my heart keeps on beating so fast. I wonder why he's asking about who am I crushing on. I wonder why he is acting this way. Can you tell me why, Yoo Nam Bin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD