Episode 13. Denial

1240 Words
Pagpasok ko sa pintuan ng classroom namin ang maingay at magulong grupo nina Ferdinand ang nabungaran namin. Pagpasok ko ay sinimulan kong iabot sa mga kaklase ko ang dala dala kong activity sheet na galing kay Mam Abril para masimulan na nila ang assigned activity namin for today.  "Princess, sinasabi namin sa iyo na gusto ka ni Marzon!" ani Ferdinand ng ibigay ko sa kanya ang papel na para sa kanya. "Ayan gawin mo yan at kelangan ibalik mo yan sa akin after one hour okay." patay malisyang wika ko sa kanya na parang hindi ko naririnig ang sinasabi nya. "Uy, nakikinig ka ba sa akin Cess. Gusto ka ni Marzon!" ikatlong beses na sabi nya sa akin at hinawakan pa ang siko ko para siguruhin na mapatingin ako sa kanya at makuha ang atensyon ko. "Nasabi na sa akin ni Marzon nagbibiro lang daw sya ng sabihin nya iyon sa inyo. Kaya drop it Ferdz okay. Kindly focus na lang sa activity natin for today. I need it back after an hour. Thank you." pabalewalang sabi ko sa kanya. "Sige Cess mamaya me papakausap kami sa iyo para sya ang magsabi na totoo ang sinasabi namin at nde un biro-biro lang!" patuloy na giit ni Ferdz sa akin na sinuklian ko na lang ng di interesadong tingin at kibit ng balikat. After ng class namin, inilagay ko sa mesa ni Mam Abril ang activity namin at nagpunta na ako sa sunod naming klase. I honestly thought na tapos na ung issue pero hindi pa pala. Dahil nandito at nakahambalang sa dadaanan ko ang grupo ni Ferdinand and I will assume that they are waiting for me. "Cess sya si Hazel ung sinasabi ko sayo na magsasabi na totoo ang sinasabi namin." banat agad sa akin ni Ferdz. "Hazel pakisabi mo nga sa kanya ang sinasabi ni Marzon kahapon sa inuman." untag ni Ferdz sa ipinakilala nyang si Hazel. "Hi" atubiling sabi ng ipinakilalang si Hazel sa akin. "Nasa bahay kami ng kaklase namin at andun din sina Marzon at silang lahat" sabay turo sa grupo ni Ferdz na nasa gilid lang nya. "Nag-iinuman sila at nalasing si Marzon at sinasabi nya na gusto ka nyang makita. Na aalis na daw sya dun sa inuman para maabutan ka nya sa school para makita ka dahil nag cutting classes sila dahil namiyesta sila kina Sir." tukoy nito sa Major teacher nina Ferdz at Marzon na si Mr. Vallesteros.  "Thanks sa pagsasabi Hazel pero nasabihan naman na ako ni Marzon bago pa ako kausapin nina Ferdinand na nagbibiro lang sya ng sabihin nya ang bagay na iyon. Ewan ko ba dito kina Ferdz at ayaw ako tantanan. Pati ikaw tuloy ay naabala pa. Pasensya ka na ha." hingi ko ng paumanhin kay Hazel at naglakad na ko palayo. "Iisa ang lugar namin ni Marzon at tingin ko naman hindi sya nagbibiro kasi lasing na lasing sya at wala na syang kontrol sa ginagawa at sinasabi nya kahapon. Pero nasa iyo naman yun kung papaniwalaan mo ang sinasabi namin or hindi." tipid na ngumiti si Hazel at umalis na. Papunta na sya sa Education building dahil BS Education ang kanyang kurso sa BSU. "Ferdz at sa inyo" tinignan ko isa-isa ang mga tropa ni Ferdinand. "Pasuyo na lang, wag na natin palakihin ito. Okay naman na kami ni Marzon napag-usapan naman na namin yan at sinabi nya nga na wala lang un sinabi nya kahapon. Kaya tara na at late na tayo sa next class." nagmamadali ako papasok sa aming classroom.  "Bakit kasama mo sila Ferdz?" mahinang bulong sa akin ni Marzon. "Pinakilala nila sa akin si Hazel. Sinabihan ko na sila na tumigil na sa pangungulit sa akin kasi nde naman ako dapat maniwala sa sinasabi nila diba? balik tanung ko pa sa kanya. "Iniharap pa talaga nila sa iyo si Hazel ha." patuloy ni Marzon. "Yes, at same ang sinasabi nilang dalawa. Pero as you've said, I shouldn't believe what they were saying. Malakas ka sa akin kaya sa iyo ako maniniwala." sabay talikod at focus ko sa harap ng pisara. Deep inside of me, I was hurt....  But I wouldn't show it, not to him and not to anybody. I wouldn't show my disappointment.. I know that in a way there is truth in what Ferdinand and Hazel were saying. But how can I believe that kung umpisa pa lang ay idi-deny na agad ni Marzon ang mga salitang binitawan nya bago ko pa makausap sina Ferdinand? Na directly ipinaramdam na agad nya sa akin na ayaw naman nyang sabihin ang mga bagay na iyon. It just so happen na dahil madami syang nainom ay nasabi nya yun at kinabukasan ng mahimasmasan ay biglang pinag-sisisihan. Ganun kasi ang dating sa akin ng denial nya sa nangyari. Na parang hindi nya matanggap na naggaling sa sariling bibig nya yung mga rebelasyon na iyon. Kya better lang na kalimutan na lang ang topic na iyon at wag ng bigyan ng importansya. Dahil para sa kanya ay walang kwenta naman iyon. Kaya bakit kailangan kong gawing big deal diba???? . . . Sa lahat ng natitirang klase namin ay ipinakita kong balewala lang sa akin ang mga narinig ko kanina. Ni ang buksan ang topic na iyon ay hindi ko na pinag-interesan pa at ganun din naman si Marzon. Parang walang nangyari na patuloy lang ang araw namin. Kulitan tawanan at makinig sa aming mga magagaling na guro habang nasa klase kami. Bago mag-uwian kinausap ako ni Marzon at out of nowhere ay nagbitaw ng mga salitang.... "Alam mo how I wish nanatili na lang akong bata. I don't want complicated things. Kasi kapag bata ka wala kang problema at hindi kumplikado ang mga bagay-bagay. Kakain ka lang at tutulog at bibigyan ka pa ng pera ng magulang mo pambili ng candy o mga maliliit na bagay na makakapagpaligaya sa isang bata." sabi nya sa akin na may halong pagkaweirdo. "Sa patanda naman tayo lahat. Hindi pwedeng manatiling bata lang." tinatawanan ko ang sinasabi nya.  "Ayan na sina Paul, tara ng umuwi at manunuod pa ako ng cartoons. Try ko habulin ang BT'X namimiss ko na si Tipi eh." banggit ko sa isa sa karakter ng cartoons na sinusubaybayan ko. Sumapit ang gabi at nandito ako ngaun sa aking kwarto ko at nagmumuni-muni. Iniisip ko ang dahilan bakit kailangan i-deny nya ang bagay na iyon.... Hindi siguro ako ang tipo nyang babae.. Kasi napapansin ko ang gusto nya ay si Arlene or si Melody. Ung magaganda kong mga kaklase siguro ang gusto nya kaya ganun ang reaksyon nya na kulang na lang ay awayin nya si Ferdinand sa pagdadaldal nito ng nangyari nung inuman. Tingin ko ayaw lang nya nga talaga sa akin kaya todo deny sya. Kaya I will sleep on it and I will forget what s**t happened today. Sabi nga sa kanya ng Rivermaya..... Hindi kita mapipilit kung ayaw mo 'Wag mo akong isipin Bahala na Hindi kita mapipigil kung balak mong Ako'y iwanang nag-iisa . . . To be continued............. . . . Salamat po sa mga bagong followers ko:  My bestfriend since my Elementary days na si Marygrace Espiritu.  Sa friend at client namin sa Qatar na si Mr. Felmar Rillon Nieves. Sa mga pamangkin ko na si Rizza Joy Geronimo at Paul Jasper Lindo. Kay Madam Emmy Ramos at Madam Arlene Fos. Please follow my profile and pwede rin po mag iwan ng comments. Thank you po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD