As usual tinawagan ako ni Jun kagabi at ipinipilit nyang ligawan ako. Which I declined at sinabing maging friends na lang muna kami. Hindi ko na kinuwento sa kanya ang drama namin kahapon ni Zon dahil ayaw ko lang pag-usapan pa. Isa pang reason is baka kapag nagkita sila ay magkaron ng animosity between them. That is why I choose to keep it and shut my mouth.
.....
First subject namin ngayon at habang nag-aantay ng guro namin I am scanning my notes to prepare for possible surprise quiz. Mahilig mag surprise quiz si Mrs. Villegas eh kaya dapat prepared ka lagi. Mahirap na at baka mawalan ako ng scholarship sayang din un. While busy reading may umupo sa tabi ko at dahil padaskol ang pagkakaupo ay nadanggil nya ako. I looked beside me to see a grumpy face, I choose to ignore him dahil kung galit sya galit din ako.
"I abhor you" bulong nya sa tenga ko. Sa sobrang lapit ay nagtayuan na ata ang lahat ng balahibong tatayo sa akin.
"A-no?" nag-stammer ang boses ko my gosh. Affected ang systema ko sa lapit nya sa akin kanina. Kinikilig ako ng very light!
"I ABHOR YOU...." madiing ulit nya sa sinabi nya kanina. So tama nga ang pagkakarinig ko.... Ang kaso nde ko alam ang meaning ng sinabi nya? Love ba yun abhor??? I LOVE YOU?? parang hindi naman yun ang meaning kasi given the look on his grumpy face ay hindi love ang meaning nung abhor na salitang ginamit nya sa akin. "Look it up in the library if you don't understood what I've just said". sabay tayo nya sa kinauupuan at lumipat sa bakanteng upuan sa likurang bahagi ng classroom.
Ay iba... Iba ang saltik talaga nitong si Superman... Palitan ko na ng SUPERMAD ang tawag ko sa kanya! Bala sya sa buhay nya. Bahala daw sa buhay nya pero takenote.... sinulat ko sa notebook ko ang salitang ABHOR ha! Husay ka sa akin mamaya, hahanapin ko yan sa library bago ako pumasok sa Major subject! Wait ka lang MAGIC WORD. I WILL DEFINITELY LOOK FOR YOU! nalulukang sabi ko sa sarili.
ABHOR - The definition of abhor is to really hate something or someone.....
ABHOR - regard with disgust and hatred......
ABHOR - definition is - to regard with extreme repugnance : to feel hatred or loathing for : loathe.....
Anak ng!!!!........ Seriously! Galit na galit talaga sya sa akin ah. Nice.... Very nice..... Sinulat ko ang lahat ng meaning na nakita ko sa Webster's Dictionary... Plano ko isampiga sa mukha nya ang meaning ng ABHOR na sinasabi nya!! Nakakagigil!! Gusto kong manakit sa inis. Inis dahil sa isiping nagagalit sya sa akin at the same time ay nasasaktan ako kasi galit sya sa akin. This is the first time na ganto kagrabe ung naging away namin ni SUPERMAD... Oh yes, hanggat hindi pa nya ako kinakausap ng matino I will call him by that name.
"Abhor pala ha? Bakit hate mo ako? Dahil lang doon sa kahapon galit na galit? Gusto manakit?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya ng hilahin ko sya sa may hagdan para doon kausapin. Buti na lang at wala pa ang teacher namin sa Physical Education na si Mr. Francisco Aguirre kaya nagawa ko syang komprontahin.
"Oo, naiirita ako to the point na gusto kong magwala kahapon dahil sayo". mahinahon nyang paliwanag sa akin na ipinagtataka ko.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"I don't really know why.... I don't understand myself.... I am sorry for over-reacting yesterday. I know I am out of line and I don't have the right to yell at you like that. I am sorry I got mad at you.. I promise I won't do that again." sabi nya while looking at me intently and I can see his sincerity while saying those words.
"Okay lang yun, wag na tayo mag-away ok. Tara na pumasok Superman." sabay akay ko sa kanya papasok ng classroom namin. Pareho kaming masaya dahil bati na kami.
Mabilis lumipas ang mga araw at nag fiesta sa lugar ng Major subject teacher nina Marzon at inimbitahan sila ni Mr. Vallesteros sa bahay ng mga para mamiesta at the same time ay maginuman na rin. Ung mga boys lang ang nagpunta sa fiestahan syempre at hindi kasama ang mga girls. The next day Superman is acting weird ng magkita kami.
"Hey. Kanina pa kita inaantay ang tagal mo dumating." banat nya agad sa akin.
"Himala ang aga mo pumasok ngayon ah. Imagine nauna ka pa sa akin dumating. Way to go Superman!" biro ko pa sa kanya sabay taas ng kamao ko para sa isang fist bump na mabilis naman nyang tinugunan.
"Ahm ... Cess, baka kasi may sabihin sayo sina Ferdinand... Wag ka na lang maniwala sa sasabihin nila ok.. Nalasing kasi ako kahapon eh at kung anu-ano ang nasabi kong kagaguhan. Basta wag kang maniniwala sa kanila okay? Niloloko ka lang ng mga yun at pinasasakay." may pagmamadali nyang paliwanag sa akin.
"Oh, Okay. No problem. Tungkol naman saan ang sasabihin nila sa akin? May idea ka ba? Medyo magulo kasi yung kwento mo. " tanong ko sa kanya para in a way ay maintindihan ko yung sinasabi nya sa akin.
"Ah basta, kung ano man ung sasabihin nila wag kang maniniwala. Hindi ko sinabi yun ok. Kaya sa akin ka maniwala". giit nya.
Lumabas ako ng classroom dahil ipinatatawag daw ako ng aming gurong si Mam Abril. Pababa na ako ng Science building ng biglang makasalubong ko ang mga tropa nina Ferdinand kasama sina Vic at Jake at Jayson.
"Princess, Princess sandali lang may sasabihin kami sa iyo na importante. Kailangan mo itong marinig nako Princess!" hyper na sabi ng mayabang kong kaklase na si Ferdinand.
"Ahm, pagbalik ko Ferds ha usap tayo, pinatatawag lang ako ni Mam Abril. Wait lang okay." tuloy tuloy akong bumaba sa hagdan para iwasan sana sila.
"Sandali lang ito Cess, sasabihin ko na. Princess gusto ka ni Marzon! Nalasing siya kahapon dun sa bahay nina Sir at panay ang tawag sa pangalan mo. Inamin nya mismo sa amin na gusto ka nya at naiinis sya sa ka phonepal mo! Nagulat nga kami at umiiyak pa sya habang sinasabi yun! Sobrang lasing sya kahapon at inihatid namin sya kina Paul para dun na lang matulog. Tapos muntik pa yan mahulog sa jeep kasi nakita ka nya naglalakad at gusto nyang bumaba habang natakbo ung jeep! Ay ka grabe ang tama nyang si pareng Marzon sa iyo Cess!" sabi ni Ferdinand at sinegundahan pa ni Jake ang revelations nya.
"Maya na lang ulit ha nagmamadali ako at inaantay na ako ni Mam!" nagmamadali na akong umalis at iniwan sila.
Imposible!!!! sabi ng utak ko ay hindi ako dapat maniwala sa sinasabi nila Ferds at ng kagrupo nya. Sinabihan naman ako ni Zon heads up pa lang na wag ako maniwala sa trip nina Ferds kaya nde ako dapat maniwala..... Patuloy na Kumbinsi ko pa sa sarili ko.
Nakarating ako sa Teacher's Room at sinabi ni Mam na ipamigay ko sa klase ung result ng exams namin. Hindi makakapagturo si Mam Abril dahil di maganda ang pakiramdam nya.
Pabalik na ako sa classroom namin at nakita kong nasa baba ng hagdan si Marzon at parang may hinihintay.
"Cess, andyan na sina Ferdie ha. Basta wag kang maniniwala sa mga maririnig mong sasabihin nila. Dahil nantitrip lang ang mga iyon." sabi nya habang umaakyat kami sa hagdan patungong second floor.
"Okay" tipid na sagot ko sa kanya.....
.
.
.
To be continued.....
.
.
.
Thanks po sa mga bagong follwers ko;
Si Edwin "Variz" Manaig na kapatid ng bestfriend kong si Maricel
Kay Dhessa Castillo na pinsan ni BFF Maricel
Sa mga pamangkin kong sina Maria Felice Perez, Simon Geronimo at Erica Geronimo at sa pinsan nilang si Zygfryd.
.
Sa mga Qatar circle of friends ko na sina;
Jesson Decembrada
Ronnel Palcutilo
Mark Cotoner
Christian Rivera
At kay Ate Abby Gheyl Tolentino - Love you ate Abs!
.
Keep on hitting the follow button guys and comment if you felt like it.