Nagpatuloy ang mga araw at midterms na namin sa BSU. Gabi-gabi pa rin kaming magkausap sa phone ni Jun. Di ko na lang ikinukuwento sa mga tropa na nag-uusap pa rin kami ni Jun at panay na ang pahaging nya sa akin na gusto nya ako. Isang araw pagkatapos ng klase namin ay sinabihan ako ni Leila na nasa labas si Jun at hinihintay ako. Nagmamadali akong lumabas at hindi ko na hinintay ang tatlong musketero sa pag-uwi. Agad kong nakita si Jun sa labas at in fairness ang pogi nya ngayon ha. Halatang pinaghandaan ang pagsundo sa akin.
"Tara na sakay na tayo ng jeep" may pagmamadaling aya ko sa kanya at tumawid na kami sa highway. Tamang-tama na mayroon ng jeep na nakatigil at nag-aantay ng mga estudyanteng maisasakay. Agad itong umalis pagkasakay namin dahil tatlo na lang naman ang kulang at dalawa kami ni Jun. Magkatapat kami sa upuan at saka ko sya tinanung kung bakit sya nandun sa school namin.
"Gusto lang sana kitang makita at ayain kumain sa labas." sagot nya sa akin sabay abot ng isang paper bag na dahil sa pagmamadali ko kanina na makasakay agad kami ay hindi ko napansin na may dala pala syang Blue magic na paper bag.
"Salamat dito." sabay taas ng bahagya sa paper bag na sa hula ko ay stuff toy ang laman dahil sa paper bag nito.
"Sana magustuhan mo yan." kakamot-kamot sa tenga nyang sabi pa ni Jun.
Nginitian ko na lang sya ng bahagya at biglang may sumigaw ng "Para na sa tabi Manong!" sabay baba ng katabi ni Jun. Nag-iwan pa ito ng komento na "Miss sagutin mo na yan, bagay kayo." sabay ngisi.
Si kuya parang timang lang. Nangengeelam ang peg. Dahil sa ginawa nya ay nagkailangan na kami ni Jun sa jeep dahil maraming mga pasahero ang nakarinig sa sinabi nya.
"Pwede bang kumain muna tayo sandali bago kita ihatid sa inyo?" tanung ni Jun ng nasa kanto na kami ng 216.
"Pwede naman, para naman makabawi ako sa ginawa ng mga kaibigan ko last time sayo. Sorry talaga sa inasal nila sayo nun ha. Dun na lang tayo kumain sa malapit sa bahay para walking distance lang sa amin at madali lang ako makakauwi. Nabanggit ko naman sayo na mahigpit ang daddy ko diba".
"Wala yun kalimutan mo na ang nangyaring tapakan noon. Isang malaking biro lang un para sa akin. Saka tamang sa malapit na lang sa inyo tayo kumain, kung saan mo gusto dun tayo pumunta". pagbibigay ni Jun sa akin.
Bumaba kami sa may Mercado at sa Burger Machine kami kumain habang nagkukuwentuhan ng nangyari sa amin ngaung araw. At bago kami matapos kumain ay maagap na binayaran ni Jun ang kinain namin dahil baka daw unahan ko sya sa pagbabayad.
"Princess, ayos lang ba kung magpaalam ako sa iyong mga magulang na aakyat ako ng ligaw sa iyo?" si Jun.
"Huh?" nagulat ako sa narinig ko mula sa kanya. Naisip ko agad ang sinabi ni Marzon sa akin na magsasabi nga na manliligaw sa akin si Jun sooner or later.
"Naku Jun, wag mo sanang mamasamain ano pero kilala ko ang Daddy ko. Magagalit yun at baka pati pakikipag usap ko sayo sa gabi ay pagbawalan ako kapag itinuloy mo ang balak mong yan." nahihintakutan kong sagot sa tanong nya sa akin.
"Malinis naman ang intensyon ko sa iyo at gusto kong malaman ng ama mo ang bagay na iyon. Kaya ko naman syang kausapin para ipag-paalam ang panliligaw ko sayo." patuloy na pag-iinsist ni Jun sa isang bagay na alam ko naman na tututulan ng Daddy ko. Unang-una maagang nagsipag-asawa ang dalawang kapatid kong babae na mas matanda sa akin. At sinabihan na ako ng Daddy ko na pag-aaral muna ang atupagin bago ang lovelife. At dahil mahal ko ang Daddy ko sa kabila ng pagiging strict nito ay ayaw ko syang suwayin sa bagay na iyon. Kaya ngayon pa lang ay ako na mismo ang pipigil sa gusto ni Jun na pagpapaalam sa Daddy ko sa gusto nyang pag-akyat ng ligaw.
"Hindi talaga pwede Jun, sana ay maintindihan mo ang point ko. Hindi mo pa kilala ang Dad ko, and besides ayaw ko mapagalitan nya ako dahil lang dito sa gusto mo. Kaya kong makipagkaibigan sa iyo at kung gusto mo talaga ako ligawan, sana ay kaya mo maghintay kapag pwede na. Sa ngayon sana ay maging magkaibigan lang muna tayo." dagdag na sabi ko sa kanya.
"Kailangan ko na din umuwi kasi malapit na ang curfew ko Jun. Tawagan mo na lang ako mamaya sa landline okay. Usap na lang tayo ulit, pasensya ka na kung hindi na ako magpapahatid sayo. Baka kasi may makakita pa sayo na pinsan or kapatid ko at maisumbong pa ako sa Daddy ko." paghingi ko ng pasensya sa kanya. "Alam mo naman ang sakayan ng San Pablo tama? Pano mauna na ako sayo ha. Salamat dito sa bigay mo. Mag-iingat ka sa pag-uwi". paalam ko at nagmamadali na ako naglakad palayo.
"Bye". kaway nya sa akin bago sya lumakad sa direksyon ng sakayan.
Nagulat ako ng sa huling kanto papaliko sa bahay namin ay nandun si Marzon at si Paul.
"Anong ginagawa nyo dyan?" parang tangang tanong ko sa kanila.
"HIndi ba obvious inaantay ka namin? Kala namin nagtanan ka na eh! Sasabihin sana namin kina Tita Pacing at Tito Romy na kasama mo ang BF mo!" gigil na sabi ni Marzon habang nakatingin sa Blue Magic na paper bag.
"Iniwanan mo pa talaga kami ha at hindi ka man lang nagpaalam na me sundo ka! Kung hindi pa nakita ni pareng Lester na me kasama kang lalaki ay mag-aantay kami sa wala doon sa waiting shed!" patuloy na pag-aalburoto ni Marzon.
"Kalma pre". natatawang banat ni Paul.
"FYI, hindi ko sya BF at sorry kung hindi ako nagpaalam na mauuna na ako. Hindi ko rin alam na pupuntahan nya ako ngaun! Anung big deal doon? Hindi ba ako pwedeng mauna umuwe sa inyo?" asik ko ke Marzon na nakatitig sa akin ng masama.
"Sana nagpapaalam ka diba. Hindi ung parang tanga kami na nag-aantay sayo! Ahhhh!" inis na inis na sabi nya sa akin habang nakakuyom ang mga kamay at tila gustong manaket.
"Nahihiya kasi ako na baka tapakan nyo na naman ang paa nung tao!" pagalit na sagot ko pa.
"Wow, ganun talaga kababaw ung inisip mo na reason kaya hindi ka nag paalam? Ang shallow naman nun men! Sobrang babaw nung dahilan mo, naturingang matalino ka pero ang dahilan mo pang obob!".
"Anong sinabi mo????" galit na sabi ko sa kanya.
"Nde ko ugaling nag-uulit ng sinasabi ko at alam mo ayaw ko ng bobong kausap!" banat ulit ni Marzon.
"Paul, umuwi na kayo at ayaw ko ng kausap yang kasama mo! Adios!" galit na sabi ko sabay talikod.
"Tayo ng umuwe pre, tama na yan. Bukas na lang kayo mag-usap ulit. Tara na." inakbayan na ni Paul si Marzon para nde na makapalag. Mas matangkad sa kanya si Paul kaya nagpatianod na lang si Marzon sa sa pag giya sa kanya ni Paul palayo sa lugar namin.
Inis na inis ako sa inaakto niya at masakit sa kalooban ko na may hindi kami pagkakaunawaan ni Marzon. Pero ang hindi ko maintindihan bakit parang ang laki ng kasalanan ko at hindi nya kayang palampasin ang konting pagkakamali ko. Iniwasan ko lang naman kasi ung awkwardness na pedeng mangyari sa amin ni Jun pag meron kaming ibang kasama. Di rin ako kumportable na ung crush ko ay kasama ko tapos meron akong ineentertain na ibang lalaki kaya umuna na ako umuwi sa kanila.
Pero sobrang eksaherado naman ung reaksyon at yung galit nya sa akin. Bakit naman si Paul hindi ganoon ang reaksyon tingin ko nainis man sya pero nandun ung naintindihan naman nya yung rason bakit ko ginawa un. Pero itong isa grabe pa sa grabe eh! Parang boyfriend kung makaareact na nahuli nag-cheat ang girlfriend nya sa kanya ang drama! At bigla ako natigilan..... san naman galing ang ideyang yun na nag seselos sya kaya ganun ang reaksyon nya? Baka naman concerned lang talaga sya sa akin kaya ganun ang asta nya.
Selos???? Nah!!!!! Wag kang hangal dyan Princesita! Yaan ang epekto ng kakabasa mo ng pocketbooks eh! Pati ata ako naghahallucinate na....
To be continued....
Thank you sa new follower ko na si Maricel Manaig Rivera - my highschool bestfriend.
Please follow my story and leave a comment. Thank you guys.