Pero dahil nag papanic na talaga ako, after ng nangyari sa akin sa ilalim ng tubig ay kinapitan ko na si Val ng mahigpit dala ng takot. Agad nya akong binitawan dahil sabi nya malulunod kaming dalawa pag hindi ko sya binitawan. Nagpapasag ako sa tubig sa pag-aakalang makakarating ako sa mabatong part sa gilid ng ilog para may makapitan ako. Siyang lapit sa akin ni Marzon and in one swooping motion ay nadala nya ako gilid ng pampang. Hinila kami ng mga kasama namin paakyat sa bato at nagpapanic na nagsisisigaw ang lahat.
"Putang-inang yan! Kamuntik na kayong dalawa ni Vic doon! Grabeng takot namin habang pinapanunod kayo kanina!" sigaw ni Rodel
"Ikaw Princesita! namumutla ka na sa gitna ng ilog nde ka pa nagsasabing nalulunod ka!" hiyaw naman sa akin ni Henry Val.
"Ikaw naman Vic taga Mindoro ka diba! Bakit hindi ka marunong lumangoy!" gigil na banat naman ni EJ ke Vic. "Kinapitan mo pa tong si Princess kaya hindi na makaahon sa ilalim! Paano kung namatay isa sa inyo! Anung sasabihin sa amin ng mga magulang nyo!" naiiyak na outburst ni EJ.
"Sorry na kung nag-alala kayong lahat. Hindi naman sinasadyang magkaganoon. At maraming salamat sa inyo Val at Marzon sa pagsagip sa akin". taos-puso kong sabi sa kanila.
"Salamat din sa inyo, at pasensya na. Pinulikat ako sa tubig kanina kaya nataranta ako at kinapitan ko si Princess. Princess, ay pasensya kana ah at nasipa kita kanina. Nawalan na kasi ako ng kontrol sa sarili ko at nag panic na ako kasi nga hindi ako makalangoy ng ayos.. Maige na laang at marami ang marunong lumangoy sa kasamahan natin, kung hindi ay baka may masama ng nangyari". bakas ang takot sa mukha ni Victorino ng sabihin ang mga salitang iyon. Kinilabutan din naman kaming lahat sa isiping paano nga kung isa sa amin ang nalunod at namatay.... Thanks God at walang napahamak sa amin. Lesson learned, wag magbulakbol at lapitin ng trahedya.
Nagpatuyo muna kami ng kaunti at nag-ayos na kaming umuwi. Mas maaga tuloy kaming umuwi kasi nga tinamaan na kami ng takot sa mga nangyari kanina kaya uuwe na kami. Habang daan ay masayang nagkakabiruan na ulit kami. Nag aasaran na ulit at ang topic ay tungkol sa nangyari kanina.
"Gulp, gulp, gulp" pang-gagaya ni Henry Val sa tunog ng nalulunod na si Vic sa tubig kanina. Sabay tawanan ng mga kasamahan namin kasi pati kung paano ang muwestra ng pagkalunod ni Vic ay ni rere-enact ni Val.
"Ganto naman ag isang babae dyan habang nasa tubig" sabi naman ni EJ na ginagaya ang itsura ko daw kuno sa tubig kanina. "Isipin nyo na lang guys na maputla ang mukha ko ha parang ibinabad sa sukang pagkakaasim at matapang" tuloy pang sabi ni EJ.
"Oy, ganyan ba talaga ang itsura ko kanina? Grabe naman kayo".
"Ah kami pa ang grabe ay ikaw tong grabe kung magpakaba. Pag ganun na me problema hingi ka tulong para nasagip ka agad, kita mo yun kinapitan ka pa tuloy ni Victorino!" patuloy na litanya ni baklang EJ.
"Sabay-sabay na tayo sa dyip mamaya ha" sabi naman ni Marzon.
"Okay" sagot ni Paul at ni Val at EJ. Tumango nalang ako habang nakatingin sa kanya.
Bakit parang galit sya sa akin. Nagpasalamat naman na ako sa pagkakasagip nya sa akin ah. Habang naglalalakad ako ay naiisip ko bakit tahimik si Marzon at hindi ako iniimikan, which I find odd kasi palagi nya ako kinukulit. Saka himala na ako ngaun ang nasa likuran nya at hindi sya ang nasa likuran ko. Anyare gurl?
Nakarating kami sa bahay ni Rodel at kanya-kanyang ayos na kami ng mga gamit namin. Nagpalit na ulit kami ng uniform namin at nag handa ng umuwe sa kani-kaniyang mga bahay. Nag-uusap sina Paul at Marzon at sinabi ni Paul na sa bahay na nila matulog si Marzon para hindi na sya ma-late sa pagpasok sa klase. Masyado pala kasi malayo ang bahay nila, kya lagi syang late sa first subject namin. From sa Santa Clara ay sasakay sya ng tricycle palabas ng kanto ng San Agustin at saka sya mag-aabang ng jeepney na galing San Pablo na papuntang Santo Tomas. Pagbaba ng Santo Tomas ay sasakay naman sya ng jeepney na pa-Lipa at saka sya bababa sa Malvar kung saan nandun ang campus namin. Masyado magastos ang pamasahe at yun nga masyado maaga sya naalis sa kanila at kahit anung aga ay nale-late pa din sya ng dating sa school kasi ngpupuno pa ang jeep ng pasahero bago umalis.
Sakay na kami ng jeep at maaga ang uwi namin kaysa sa dating oras ng uwian namin. Nag-aya si Paul na dahil maaga pa ay tumambay na lang daw muna kami. Kasabay ko sa jeep sina Henry Val, EJ, Paul at Marzon. Taga Tanauan kasi kaming lahat, si Marzon lang ang taga Santo Tomas. Magkatapat kami ni Marzon sa jeep at nde nya ako kinakausap. Naninibago na ako sa kanya, badtrip ata sya sa akin eh. Un ang nararamdaman ko. Kasi kahit tingin hindi nya ako tinatapunan ng tingin eh.
"Hindi ako makakasama sa inyo mag-gala" sagot ni EJ. "Uuwe na ako ng maaga para hindi ako ma-jombag ng tatay kong AWOL na sundalo". sa kasamaang-palad ay battered son si EJ, kasi panganay sya sa kanilang dalawang magkapatid at ang inaasahan ng kanyang ama na isang sundalo ay lalaki ang anak nya at hindi binabae. Kaya palagi napapagbuhatan ng kanyang ama si EJ kasi nga lantaran ang pagiging bakla niya.
"Ako din hindi ako pwede kasi me gagawin kami ni Ate Digna" paalam naman sa amin ni Henry Val.
"Sige, kami na lang tatlo nina Marzon ang tatambay". pinal na sabi ni Paul.
"Hala sya, bat pati ako nadamay dyan". sabi ko ke Paul.
"Aba, sumama ka at gawa mo kaya badtrip si Pareng Marzon oh!"
"Ako? Anong ginawa ko? Nag-sorry naman na ako kanina ah". baling ko sa katabi kong si Paul.
"Nag-alala yan sayo, kaya ayan oh kita mo parang me sapi. Bad trip yan kaya nga hindi ka kinukulit diba, di mo ba napansin?" bulong sa tenga ko ni Paul na parang iniiwasan na marinig sya ni Marzon.
Bumaba na ako sa kanto namin at kasunod kong bumaba si Marzon at Paul. Sa may kubo sa munisipyo ko na lang sila papatambayin. Wala naman kasi natambay masyado doon at isa pa malapit lang sa bahay namin un. Bago kami pumunta sa kubo ay bumili kami ng kutkutin at inumin sa nadaanan namin na tindahan.
I can't stand to fly
I'm not that naive
I'm just out to find
The better part of meI'm more than a bird, I'm more than a plane
I'm more than some pretty face beside a train
And it's not easy to be me
I wish that I could cry
Fall upon my knees
Find a way to lie
'Bout a home I'll never seeIt may sound absurd, but don't be naive
Even heroes have the right to bleed
I may be disturbed, but won't you concede
Even heroes have the right to dream
And it's not easy to be me
Up, up and away, away from me
Well it's all right
You can all sleep sound tonight
I'm not crazy or anything
I can't stand to fly
I'm not that naive
Men weren't meant to ride
With clouds between their knees
I'm only a man in a silly red sheet
Digging for kryptonite on this one way street
Only a man in a funny red sheet
Looking for special things inside of meInside of me, inside of me, yeah
Inside of me, inside of me
I'm only a man in a funny red sheet
I'm only a man looking for a dream
I'm only a man in a funny red sheet
And it's not easy
Oh, it's not easy to be me
Ang awitin ng Five for Fighting na pinamagatang "SUPERMAN" ay tahimik naming pinakinggan na nang-gagaling sa stereo ng kotse na nakapark malapit sa kubong tinatambayan namin. Tinignan ko si Marzon at pumasok sa isip ko na dahil sinagip nya ako kanina ay parang sya si SUPERMAN. Ewan kung saan nang galing un basta bigla na lang pumasok sa isip ko. And out of the blue ay bigla kong naisa-tinig ang nasasa isip ko.....
"Hoy, Superman! bakit ang tahimik mo? May galit ka ba sa akin?" Tumayo ako at tumabi ako sa kinauupuan nya habang sinasabi ang mga salitang yun sa kanya.
"Naks, putek.... Superman talaga!" tam-es hahaha. Pambubuska naman ni Paul na hindi ko matukoy kung ako ang inaalaska or si Marzon. "Dyan nga muna kayong dalawa at bibili ako ng yosi! Mag-usap kayo ha! Para kayong mga tanga eh". ngigniti-ngiting sabi pa ni Paul habang papalabas ng kubo.
"Anung problema mo po ha Superman?" ask ko sa kaharap ko.
Nakatingin lang sa akin si Marzon, blangko ang mga mata nya.
"Oy, kinakausap kita...." hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at niyugyog ko sya ng marahan.
"Bakit wala ka sa mood? Galit ka ba sa akin?" pangungulit ko pa sa kanya.
"Wala, walang problema". me kaplastikang sagot nya sa akin.
"Wala? Eh bat hindi ka makatingin sa akin?" hinuhuli ko ang tingin nya at pilit ko syang pinapatingin sa mga mata ko.
"It's nothing. I don't have anything to say to you, okay!" pagtataray na nya.
"Eh bat ang taray mo dyan? kanina lang ang sigla-sigla mo. Panay ang asar mo sa akin tapos ngaun hindi mo na ako kinakausap at hindi mo po ako tinitignan"? may hinampong sabi ko sa kanya. "Bakit ba kasi?" ... "Sabihin mo sa akin ang ginawa ko kung meron man".
"Hindi mo alam? Hindi mo alam? Really?!, well this kinda sucks!" pagalit na sabi nya.
"Anu nga kasi iyon? Hindi ako manghuhula okay. HIndi ko kayang hulaan ang nasa isip mo. Kaya kung pede paki elaborate ng sinasabi mo para maintindihan ko po". mahinahon kong sabi sa kanya.
Tumingin sya ng marahas sa akin sabay hawak sa magkabilang pisngi ko na may pang gigigil. "Kasi ang TANGA-TANGA mo! Nalulunod ka na kanina hindi ka pa humihingi ng tulong! Nag-alala kaming lahat! Nag-alala ako sayo! f**k!" madiin ang mga salitang lumabas sa bibig nya na halatang pinipigilan ang pag-alpas ng matinding galit.
Nagulat naman ako sa reaksiyon at sa sinabi nya sa akin. Pinilit ko magpaliwanag ng side ko. "Ganito kasi yun" hinawakan ko ang mga kamay nya at tinanggal sa pagkakahawak sa mga pisngi ko na pakiramdam ko ay namumula dahil sa paraan ng pagkakahawak nya sa mukha ko. Halos ihilamos nya ang mga kamay nya sa mukha ko sa inis na nakikita ko sa mga mata nya. Which I find very sweet and it warms my heart in a way that I cannot explain.
"Nung malaman ko na totoo nga palang malalim ang part na iyon ng ilog, pinilit kong wag mag panic. Kasi alam kong walang mabuting maidudulot kung mag-papanic ako. Nakatapak kasi ako sa kaliwang paa ko ng parang kawayan at doon ako naninimbang, binabalanse ko ang bigat ko at ineestimate ko ung distance ng pampang from doon sa pwesto ko kanina. At sa calculation ko kaya kong maabot ang pampang, or kung hindi man sasabihan ko ang isa sa inyo na abangan ako sa me pampang at hilahin ako pataas. Kaso bago ko pa magawa un ay itong dating naman ni Victorino na ang buong akala ko ay napansin nyang nalulunod ako kaya lumapit sa akin. Yun pala ay papatayin ako ng hinayupak!" mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Balak kong humingi ng tulong sa inyo, kayo yun nga naunahan lang ako ni Vic." pag papatuloy kong paliwanag sa kanya.
"Basta sa susunod ha pag me ganyang lakad wag ka ng pupunta sa malalim ok! dun ka na lang sa hanggang tuhod para nde ka malulunod! Ang sarap mong saktan eh! naiinis ako sayo ng sobra!" G n G na sabi ni Marzon.
"Hindi na ako sasama sa susunod para wala ng nagagalit sa akin" may tampong sabi ko.
"Hindi ko sinabing wag kang sumama! Ang sabi ko wag ka na lang pupunta sa malalim kasi hindi ka marunong humingi ng tulong!" ulit nya sa sinasabi nya kanina sa akin.
"Kaya nga hindi n sasama para hindi ka na nababadtrip eh! Ayaw pa mo!" para wala na kayong iisipin at babantayan na baka malunod ulit.
"Nakakatanga kang kausap Princesita!!! Alam mo yun!! Ang sabi ko mag-iingat sa susunod nde wag kang sumama! Ang laki ng pagkakaiba nung dalawang sinasabi mo eh!" mahinang sigaw nya. "Wag ka ng makipagtalo ok at me kasalanan ka pa sa akin!"
"Anong kasalanan ko sayo?" tanung ko.
"Ah basta me kasalanan ka sa akin! If you want to know, then I have to kill you!" sabi pa nya.
"Ay, ganun. Me pagpatay na palang mangyayari. Ay ok na ako wag mo na po sabihin at baka matuluyan na ako nyan. Nakaligtas nga ako kanina ay mukhang hindi naman ako nakaligtas sa galit mo". pagbibiro ko sa sinabi nya sa akin.
"Wag mo akong tawanan! At wag mo ako daanin sa biro!"
"Ay ano ga ang gusto mo ha, SUPERMAN KO? wag ka na magalit please. SORRY NA PO. Bati na tayo please." puppy eyes ako habang nakatingin sa kanya.
Lumambot ang expression nya at nawala ang galit at inis sa mga mata nya. "Sadyang ako ang Superman mo at ikaw ang Kryptonite ko!" may diin na sabi nya sa akin habang halos magkadikit na ang mga mukha namin habang nag-uusap.
I do not know what happen.... Pero simula ng araw na yon.... nagbago na ang lahat sa side ko.....
To be continued.............