Episode 5. Help! Help!

1176 Words
Dumating kami sa bahay ni Rodel na nakasimangot na ang mga nadatnan namin. Inip na sila sa tagal namin dumating or super duper excited lang talaga silang magpunta sa ilog kaya ganun. Pagdating namin ay dali-dali kaming nagpalit ng damit at iniwan namin ang mga gamit naming pang school saka naglakad na kami papunta sa aming destinasyon. Habang daan ay nagkukulitan ang mga kaklase ko na nauuna sa aming baybayin ang makipot at madamong daan patungong ilog ni Rodel (sabi ni Rodel sa kanya daw ang ilog na ito mula ngayon, at pag alis namin ay itutupi nya ang ilog at itatago para wala ng makapunta roon kundi kami lang. As if naman totoo, syempre biro lang ng dakilang joker ng klase yun). At nakarating kami sa ilog after ng mga trenta minutong paglalakad. As usual nasa likuran ko na naman si Marzon at magka-usong sila ni Paul sa bitbit na mga drinks at alak na binili namin kanina. Ang ganda ng ilog, malinaw ang tubig at kakaunti ang mga naliligo ng araw na iyon. Naghanap kami ng magandang mapupuwestuhan para ilagak ang mga dala naming mga gamit at mag simula ng apoy para mag ihaw ng dala naming mga hotdog on stick. Feel na feel namin ang vibes ng nature. Malamig at malilim ang pwestong pinili ng mga boys. Patag ang lugar para madali  sa aming boodle fight mamaya. Nagpaalam si Victoriano na maghahanap ng dahon ng saging para may magamit kami mamaya sa boodle fight.  Ang ibang mga boys naman ay naghanap ng pang gatong na kahoy sa paligid ng ilog. Ang mga girls namay ay pinagsama sama ang mga baon na dala namin at inaantay ang dahon ng saging na dala ni Victorino para maihanda na ang boodle fight namin.  Well, aaminin ko nakakarelaks ang ilog get away na ito at nag eenjoy ako. Ang dami namin at ang saya-saya, looking forward nga ako agad sa susunod na takas namin sa school! Parang timang lang, sobrang advance ng isip ko agad. Nakita ko palapit na si Victorino at me dalang tatlong  malalaking dahon ng saging. "Guys, andyan na ang dahon ng saging" sabay nguso ko sa parating na si Victorino. "Vic, dito mo sa akin dalhin at ilalaaab ko ung dahon para malinis at matibay" sabi naman ni Rosalie. Tinulungan ni EJ si Rosalie sa pagpapadaan ng dahon sa apoy na gagamitin mamaya sa pag iihaw ng hotdog at pagluluto daw ng noodles pag katapos mag inuman. "Oh yan na ang dahon, makakapag hain na kayo ng kakainin natin. Maghahanap din muna ako ng kahoy at tatawagin ko na ung iba para makakain na tayo at makalusong na sa tubig". sabi niya habang nakatingin sa akin. Tumango lang ako sa kanya at kinuha ang mga plastic na baso at kutsara sa basket na dala ko. Maya-maya lang ay kumain na kami kasi nag datingan na ang mga nanguha ng kahoy. "Guys mamaya pagkakain lipat tayo dun sa me banda roon" sabay turo sa kabilang side ng ilog. "Mas madaing puno roon at walang tao, solong-solo natin ang lugar na yun". sabi ni Henry Val sa amin, na sinang-ayunan naman ni Paul, Rodel at Marzon. Pagkakain, niligpit namin ang mga gamit at lumipat ng pwesto. Dinala nila ang kahoy na me siga at inilagay sa nakitang kapirasong yero para mabitbit lahat ng kahoy na me siga. "Wow, ang ganda nga dito!" halos sabay-sabay na bulalas naming mga babae. "Tara ligo na tayong lahat!" excited na sigaw ni Henry Val na nakatingin ng makahulugan sa mga boys. Sa aming klase sina Henry Val at EJ ay kabilang sa LGBT pati na rin si Lea.  Nagsimula ng lumusong paisa-isa ang mga kasama namin. "Tara na Cess" aya sa akin ni Lea. Si  Lea ay kaklase ko since highschool kami kaya sya ang itinuturing kong BESTFRIEND. Para ko na syang kapatid, mas  matanda sya sa akin ng dalawang taon. Nagkasakit sya noon kaya nag stop sa school, pero ng makarecover sya sa kanyang sakit sa bato bumalik sya sa eskwelahan. Originally ay ka-batch sya ng Kuya Rod ko, pero dahil nya nagkasakit sya naging kaklase ko na sya. Lumusong na kami sa  hanggang tuhod na tubig. Dun lang ako sa mababaw kasi nakakahiya man aminin ay hindi ako marunong lumangoy. Sa mababaw na parte lang kami ng mga girls, kasama namin doon sina Paul at Marzon nung umpisa. Pero nung may makita sila Ferdinand at Henry Val na spot na pede silang tumalon sa tubig ay dun na sila nag stay. Naiwan kami sa mababaw na parte at nagtatampisaw. "Grabe ang lalim dito! Wala akong matapakan na buhangin eh! sigaw ni Henry Val, pero halatang tuwang-tuwa sya na nandun sila sa parteng un ng ilog.  Sa pag-aakalang nagyayabang lang si Henry Val na mababaw lang ang tubig ay pumunta ako doon sa pwesto nila. Sumisid ako na parang isda, kunyari ay maaolam lumangoy pero ang totoo ay malakas ang agos ng tubig papunta sa pwesto nila kaya nag patangay lang ako sa agos. Nang marating ko ang pwesto nila ay sinubukan lumutang, ang problema ay nahirapan ako kasi wla akong makapang buhangin! Nag-start ako mag panic pero kinokontrol ko ang takot ko. Meron nakapa ang kaliwang paa ko na parang kawayan at doon ko binabalanse ang aking timbang, Pinipilit kong paganahin ang isip ko para makaalis sa sitwasyong meron ako ngaun. Ng biglang lumapit sa akin si Victorino na ang buong akala ko ay napansin nyang malapit n ako malunod at kinapitan ako! Pilit nya akong inilulubog sa tubig para makaahon sya. At sa kakapiglas naming dalawa nakuha ang atensyon ng mga kasamahan namin.  "Nalulunod si Vic" sigaw ni Henry Val. "Tulungan nyo!' tili ng mga girls. "Si Princess nalulunod din ata!' sigaw naman ni EJ. "Diyos ko tulungan nyo sila bilis!" sabi pa ni Lilibeth. Nagkakagulo sa tubig. Ang lakas ng pagkampay ni Vic at ung tunog ng taong nalulunod na sumasagap ng hangin ay maririnig mo sa kanya. Patuloy sya sa pagpalag habang magkakapit kami at sa kasamaang palad ay natadyakan nya ako ng malakas sa may balakang. Napailalim akong muli sa tubig at naibuga ko sa ilalim ang huling naipon kong hangin sa baga ko. Nagsimula na akong makainom ng tubig at hindi ako makaahon kasi patuloy ang tadyak sa akin ni Victorino! Sa isip ko ay mamatay na ata ako dito sa punyemas na ilog na ito! Ang alam ng mga magulang ko ay nag aaral ako pero ang totoo ay nasa galaan ako ngaun. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko habang kinakapos na ako ng hininga, nkakita na ako ng puting liwanag kasi ang sakit na ng dibdib ko sa kawalan ng hangin. Sa dami na rin ng nainom kong tubig ang nasa isip ko ay katapusan ko na talaga. Sabi ko THIS IS IT! FINISH NA! LANGIT NA ATA ITONG PUTING LIWANAG! Nang biglang may humilang kamay sa akin, nakita ko si Henry Val na hinila ako mula sa ilalim ng tubig. Kinakausap nya ako at sinasabing wag akong malikot kasi pareho kaming malulunod pag nagkataon! To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD