Araw ng Biyernes, at mayroong activity sa school ng magkayayaan kaming buong klase na magpunta sa ilog. Dahil wala naman kaming klase para sa araw na iyon ay mukhang matutuloy ang plano.
"Bili kami ng snacks natin guys", sabi ni Lilibeth at ng grupo nyang mga make-up girls kung tawagin ko. Kasi lahat sila ay di nawawalan ng pang kolorete sa mukha.
"Sige kami ang bahala sa tubig at softdrinks", sabi naman ni Lea na nakatingin sa akin na parang sinasabi ng tingin nya na sumama ka na at bigyan mo ako ng share mo pambili ng inumin.
"Dala kami ng pupulutanin natin" banat naman ni Ferdinand. "Sina Paul ang bahala sa alak" pagtuturo pa ni Ferds kina Paul.
"Wala pa si Marzon pare, di nya alam ang lakad natin kaya antayin muna natin sandali kasi maaga pa rin naman masyado. At saka para may kahati ako sa pag bili ng alak no" sabi pa ni Paul.
"Pag hindi dumating si Marzon ay babakasan kita sa pag bili ng alak pareng Paul" si Jayson naman ang nagsalita.
"Pano ang tanghalian natin mga bes?" tanung ni Henry Val.
"Gutom na agad si Val oh! Tanghalian na aga ang iniisip eh!" natatawang komento ni Ronald.
"Hoy Ronald!" nakapamewang na sagot ni Henry Val, "Masama ako magutom! Baka iba ang kainin ko, sige ka! Uunahin kita gusto mo?" nang-aasar na sabi ni Val sa namumutlang si Ronald.
"Ito namang si Mareng Val hindi na mabiro, wag mo ako kainin at hindi ako masarap!" natatawang banat na lang ni Ronald ke Val para hindi na ito maasar sa kanya.
"So ano nga ang kakainin natin para sa lunch?" ulit na tanong ni Henry Val.
"Me mga baon naman tayo diba? Pagsama-samahin nalang natin ang baon natin mamaya at ilatag sa dahon ng saging, parang boodle fight ang tema para masaya. Masaya kumain ng sabay-sabay kasi marami tayo. At excited na ako sa pag iilog nating ito guys!" eksaheradang sigaw ni Rosalie.
"So ganto na lang mga tropa, mauuna na ako sa bahay at sumunod na lang kayo doon pag kumpleto na tayo. Bilihin nyo na ang lahat ng dapat bilihin at aayusin ko naman ang mga kaldero na kelangan natin dalhin at mga baso at kutsara. Dun namin kayo aantayin nina Ferdinand at Victorino. Ung ibang girls na gusto sumama na rin sa bahay ngaun sumama na kayo sa amin, dun na lang natin intayin ung iba pa". deklara naman ni Rodel.
"Sige sige, antayin ko lang dumating si Marzon at susunod kami sa bahay nyo Pareng Dhel". ani Paul.
"Okay pare, una na kami ha". at nauna ng umalis sina Rodel at ang iba pa naming mga kaklase.
"Oy Princess ano na? Sasama tayo sa kanila ha", pangungulit sa akin ni Lea.
"Uy bawal ang KJ Princess, sama tayo sa kanila. Minsan lang ito. Kaya tara na ha, antayin lang namin ng mga isang oras pa si Marzon pag hindi dumating sa loob ng isang oras eh bibili na kami ni Jayson ng alak at aalis na tayo ng sabay-sabay. Dun na din kayo bumili ng drinks sa bibilihan namin." mahabang pangungumbinsi ni Paul sa akin with matching pangungulit ng kainaman.
"Basta uuwi ako bago ang oras ng uwian talaga natin sa school ha. Bawal ako magpagabi at mapapagalitan ako ng Daddy ko, baka hindi pa ako bigyan nun ng baon eh pag nalaman na naglalakwatsa ako." Scholar kasi ako kaya medyo wala sa isip ko ang mag bulakbol talaga. Sa klase namin ilan kaming Congressional Scholar ni Congressman Laurel kaya mayroon kaming dapat na i-maintain na grado sa aming klase. Si Marzon ay scholar din at si Lea. Samantalang si Dina naman ay Governor Mandanas scholar naman.
"Oo sige. Sabay-sabay tayong uuwi mamaya nina Marzon at lahat naman tayo ay pa-Tanauan, kaya sabay-sabay tayo uwi mamaya. Promise!" parang batang panunumpa pa ni Paul na nakataas pa ang kamay na parang nanunumpa. Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon at sya namang palakpak ni Lea at Jayson na tuwang-tuwa sa pagsama ko.
Mga bente minutos na lang at matatapos na ang isang oras na palugit namin sa pag aantay kay Marzon. Nakapwesto kami malapit sa entrance ng main gate para pag nakita namin sya ay sasalubungin na namin at sa daan na namin sasabihin sa kanya ang plano ng buong klase. Kami na lang kasi ang wala at inaantay nila. Ewan ba kung bakit laging late ang taong yun pag umaga. Minsan 30 minutes ng nag kaklase saka pa lang sya darating. Lately napapansin ko na palaging ganoon ang oras ng dating nya sa school. Parang nagpapabaya na sya sa pag-aaral, scholar pa naman.
Napatingin ako sa main entrance ng sumigaw si Paul ng "Marzon, dito". sabay kaway kay Marzon.
"Tara na salubungin na lang natin sya", sabi ko sa kanila.
Nagmamadali kaming tumayo at sinalubong namin ang paparating na si Marzon. "Tara na Marzon, kanina ka namin inaantay, syado ka paimportante". natatawang banat ni Paul sa nagugulumihanang itsura ni Marzon.
"Wait, where are we going?", nagtatakang tanong nya habang akay-akay nina Jayson at Paul sa magkabilang braso, may pagmamadali sa paghakbang na parang hinahabol ng pulis.
"Mag iilog tayo". simpleng sagot ni Jayson dito.
"Wait, wait, how about our classes? Aabsent tayo? Saka tayo lang ba ang aalis?" sunod-sunod na tanong nito kay Jayson at Paul.
"Palagi ka kasi late pare kaya late ka lagi sa balita eh! Wala tayong klase kasi may activity sa quadrangle at hindi tayo kailangan doon. Kaya naisipan ng buong klase na ituloy na ang planong pag iilog today, at dahil late ka dumating bibili ka ng alak na dadalhin natin sa pupuntahan natin mamaya!" pambubuska ni Paul ke Marzon habang hila hila pa rin nila ito ni Jayson papunta sa bilihan ng alak.
"Hala wala akong pera oy. Pang allowance ko lang ang meron ako dito." Di naman kayo agad nagsabi para nakahingi ako ng extra money sa Inay ko." protesta pa nya.
"Ah basta bahala ka dyan. Sasama ka sa amin at bibili tayo ng alak. Hati-hati tayong tatlo nina Jayson sa pagbili. Okay?" tumatango-tango pang sabi ni Paul sa entrance na kami ng grocery store na bibilihan namin ng mga toka naming dalhin. Pagkabili namin ay may pagmamadaling sumakay kami ng dyip dahil may mga teachers kami na nakita sa labas at pinapapasok ang mga estudyante dahil may pa raffle daw silang mga mugs sa activity nila sa loob. Si Jayson ang nag prisintang magbayad ng pamasahe namin kasi sya ang nasa unahan at mamaya na lang namin ibibigay sa kanya pagbaba namin kina Rodel ang bayad namin sa pamasahe. Kinakabahan ako na ewan ng araw na iyon. Palihim kong tinitignan si Marzon na nakaupo sa tapat ko katabi si Paul. Nag start ko na kasi sya mapanaginipan, ewan ko ba. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh. Nabanggit ko nga ke Lea na parang nagkakagusto na ako ke Marzon. Kinakantyawan nya nga ako eh ang papanget daw naman ng nagugustuhan ko. Nabanggit ko kasi sa kanya noon na crush ko si Ferdinand, tapos nung isang araw sabi ko crush ko na din si Marzon hahaha. Parang shunga lang diba. Gulo ko. Ah basta!!! Ewan!!!
To be continued....