Isang nakakabinging tawag mula sa cellphone ang nakapagpagising kay Yanissa kaya naman kahit na antok na antok pa siya ay kinapa niya ang bagay na iyon sa may sidetable niya. Hindi na siya nag-abala pang tingnan kung sino ang umiistorbo sa kaniyang pagtulog. Sinagot na lamang niya ang tawag upang matahimik na sa pagtunog ang kaniyang cellphone.
“Hello,” tamad na tamad niyang sambit habang nakapikit.
“Wow Yani, ganyan na lang talaga? Matapos mo akong pag-alalahanin kagabi, parang tinatamad ka pang sagutin ang tawag ko,” iritableng sagot ng nasa kabilang linya.
Hindi na talaga kailangan pa ni Yanissa na tingnan ang pangalan ng tumatawag sa kaniya dahil boses pa lang ay alam na alam na niya kung sino ito.
“Bessy, pwede bang mamaya na lang? Ang sakit sakit ng ulo ko,” pagrereklamo naman niya.
“Huwag na huwag mo akong pagbababaan ng tawag dahil sinisiguro ko sa ‘yong FO na tayo,” pagbabanta pa sa kaniya ni Shaniya.
Napangiti na lamang siya dahil alam na alam na talaga ng kaibigan niya ang balak niyang gawin. Papatayin na sana kasi niya ang tawag kung hindi lang agad nagsalita ang dalaga sa kabilang linya.
“Ano ba kasi iyon?” tanong pa niya habang nakatitig siya sa kisame ng kwarto niya.
“Hindi ka man lang nag-update sa akin kung ano nang nangyari sa ‘yo. Napilitan pa akong tumawag sa katulong niyo para itanong kung nakauwi ka na ba. So ano na? Magkwento ka, bilisan mo,” masungit na sambit pa sa kaniya ni Shaniya.
Kusang naglaro sa isipan ni Yanissa ang mga nangyari kagabi.
*****
“What the h*ll?” gulat na gulat na tanong ni Xander kay Yanissa nang mapagtantong birhen pa ang dalaga at ito ang naka-una. Tila nanigas ito sa posisyon nila at nanatiling nakapasok lamang ang sandata nito sa dalaga.
Napangiti naman si Yanissa at pilit na itinago sa likod ng mga ngiti ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi niya akalain na sa ganoong sitwasyon mawawala ang v*rginity niya. At mas lalong hindi niya akalain na maibibigay niya iyon sa lalaking ngayon niya lamang nakilala.
“I told you, it’s for you to find out,” ang tanging nasabi na lamang niya sa binata.
Mabilis na umalis sa kaniyang ibabaw ang binata at bahagya pa siyang napa-aray dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kaniyang ibaba. Tila nawala ang lahat ng init na nararamdaman nila sa isa’t isa at napalitan iyon ng pag-aalinlangan at kaba.
“Get out of my car,” malamig na sambit sa kaniya ni Xander na labis niyang ikinagulat.
“What?” hindi makapaniwalang tanong pa niya.
“I said get out of my car. NOW.”
Napabuga naman ng hangin si Yanissa habang kinokolekta niya isa-isa ang mga damit niya. Wala na siyang pakialam kung magbihis man siya sa harap ng binata. Nang makapagbihis siya ay matapang niyang hinarap ang binata na nakatingin lamang sa manibela ng sasakyan nito.
“Seriously? Papababain mo ako ng sasakyan mo at iiwan mo lang ako out of nowhere? Can you just have a little decency to bring me home?” hindi niya napigilang sabihin pa sa binata.
Hindi nagsalita si Xander bagkus ay bumaba ito ng kotse. Bahagya pang nagulat si Yanissa nang biglang bumukas ang pinto sa gilid niya at bumungad sa kaniya ang binata na wala man lang ka-emo-emosyon ang mukha. Hinawakan pa ni Xander ang kaniyang kamay at sapilitan siyang hinila pababa ng sasakyan. Walang nagawa si Yanissa kundi ang sumunod na lamang sapagkat mukhang walang puso ang binata at buo na ang desisyon na iwan siya sa gitna ng kalsada.
“This is not a deserted area. May dumadaang mga taxi dito,” seryosong sabi pa ni Xander habang may kinukuha ito sa wallet niya. “Here,” dugtong na sabi pa nito habang inaabot kay Yanissa ang ilang piraso ng blue bill.
Hindi makapaniwalang tumingin si Yanissa sa binata. Sa galit na nararamdaman niya ay hindi niya napigilang sampalin ng malakas ang binata. Kinuha niya ang perang iniaabot nito sa kaniya at malakas na inihagis sa mukha ng binata.
“How dare you! I don’t need your money!” galit niyang sambit.
Pagak na napatawa naman ang binata sa kaniya. “It was nice meeting you, wh*re.”
With that ay muling sumakay si Xander at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Yanissa was left dumbfounded. Hindi niya akalain na magagawa talaga siyang iwan ng binata. Ni hindi man lang nito tinanong ang kaniyang pangalan, at hindi na siya magugulat pa kung hindi rin nito matatandaan ang kaniyang itsura.
“That nerve!” she shouted at the top of her lungs.
*****
“What?!” sigaw ni Shaniya kaya mabilis na inilayo ni Yanissa ang cellphone sa kaniyang tainga.
Nai-imagine na niya ang itsura ng kaniyang bestfriend. Paniguradong namumula na ang buong mukha nito sa galit na nararamdaman. Maski naman siya ay nagagalit sa tuwing naaalala ang ginawa sa kaniya ng isang Xander Rowan Adler. Mabuti na nga lamang at may dumaan agad na taxi kaya nakauwi rin siya agad ng bahay.
“Bruha ka talaga! Kaya ayaw na ayaw kitang nawawala sa paningin ko e kasi kung ano ano nang nangyayari sa ‘yo,” pagalit na sambit pa sa kaniya ni Shaniya.
“I’m fine, Bessy. Nakauwi naman ako ng ligtas,” pagpapalubag loob naman niyang sabi sa kaibigan. Mabuti na lamang talaga at sa cellphone lang niya kausap ang kaibigan, dahil kung magkaharap sila ngayon ay paniguradong makakarami siya ng hampas mula kay Shaniya.
“Yeah, you are safe for now. But the thing is you lost your v*rginity to that guy. And if you are not lucky enough, you might marry him. Anong buhay na lang ang magkakaroon ka? Hoy babae, hindi tayo nagpakapagod na makatapos ng pag-aaral para lamang mapunta sa mga walang kwentang lalaki.”
Muling napapikit ng mata niya si Yanissa. May punto ang kaibigan niya. Kung matutuloy man ang sapilitang kasalan sa pagitan nila ni Xander ay hindi na niya ma-imagine kung anong magiging lagay niya. Wala man lang pakialam sa kaniya ang lalaki at nagawa pa siyang iwan sa madilim na lugar na iyon. Para siyang inilagay sa impyerno kung sakali mang maging asawa niya ang Xander na iyon. Ngunit bigla rin siyang napaisip nang maalala na may longtime girlfriend ang “walang kwentang” lalaki na iyon.
“But come to think of it. Matagal na sila nung girlfriend niya, hindi ba? Kung ganoon kasama ang ugali niya, bakit tatagal sa kaniya ang babaeng iyon? Baka talagang brokenhearted lang siya?” alanganing sabi pa niya.
Ayaw niyang isipin ni Shaniya na ipinagtatanggol pa niya si Xander, ngunit sa mga sinabi niya ay parang ganoon na nga. Gusto na lamang niyang kurutin ang sarili dahil nagawa pa niyang isipin ang nararamdaman ng lalaking iyon.
“Yeah, come to think of it, Yani. Tinanggihan siya ni Allesia sa wedding proposal sa hindi malamang dahilan. Then what? He tried to have s*x with you because he is brokenhearted? Baka nga kaya hindi siya magawang pakasalan ni Allesia dahil masama ang ugali ng Xander na iyon.
And wait, let me correct myself. He actually has s*x with you kahit isang pasok lang iyon.”
“Shaniya!” pagpapatigil niya sa kaibigan dahil pakiramdam niya ay siya naman ang namumula ngayon. Pinilit niyang kalimutan ang part na may nangyari na sa kanila ni Xander ngunit ang kaibigan niya ay walang kahirap-hirap na ipinaalala sa kaniya iyon.
“What? Don’t act like you’re a v*rgin because you’re not anymore, Yani. That is the consequence of your rush decisions.”
Hindi na nakapagsalita pa si Yanissa dahil sa mga katok mula sa pinto ng kaniyang kwarto. Bumuntong hininga naman siya at muling binalingan ang kaibigan.
“Mag-usap na lang ulit tayo mamaya, Shaniya. Bye.”
Ibinaba ni Yanissa ang kaniyang cellphone at mabilis na nagtungo sa may pinto. Isa lang naman kasi ang kumakatok ng ganoon sa kaniyang pinto, and that’s her ninong.
“Ninong.”
“Yanissa, get ready. The Adlers want to meet you.”