5

1678 Words
Dahil sa kalasingan at sa mga nangyari kagabi ay tulog pa rin hanggang ngayon si Xander. Wala na siyang pakialam pa kung hindi siya makapasok sa trabaho niya. Pina-cancel na rin naman niya ang mga appointment niya ngayong araw kaya walang mang-iistorbo sa kaniya ngayon. Ang balak niya ngayong araw ay magkulong lang sa kwarto. Ngunit hindi nangyari ang gusto niya. Nagising siya sa malakas na sampal na ibinigay sa kaniya ng ina na hindi niya namalayang nakapasok na pala sa kaniyang kwarto. "Wow! Good morning, Ma," sarcastic niyang sambit sa ina. "Get up. Ipapakilala na namin sa 'yo ang mapapangasawa mo," maawtoridad na sambit naman ng kaniyang ama na nasa kwarto rin pala niya. Tila nagising naman maski ang kaluluwa ni Xander dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa mga magulang na kapwa seryosong nakatingin sa kaniya. "Seriously?" mapait niyang tanong pa. "Yes, Xander. So, you better fix yourself,” mabilis na sagot sa kaniya ng ina. “Ipapakasal niyo ako na hindi niyo man lang ako tinatanong?” hindi makapaniwalang tanong pa niya. “Do you even have a choice, Xander?” seryosong sambit ng ama ni Xander. “Pinagbigyan kita sa pagpo-propose mo kay Allesia. Ngunit anong nangyari? Napahiya lang ang pamilya natin dahil bukod sa ni-reject ka ng babaeng iyon, niloko ka pa niya. Kaya kailangan ko na namang kumilos para ituwid ang landas mo.” Pagak na napatawa naman si Xander. “Matino pa ako, Dad,” malakas na sabi pa niya sa ama. “Matino? Alam mo bang bumaba ng 10% ang sales ng kumpanya natin? At ang Black Panther, paano mo mapapatakbo ang organisasyon kung ganyan ka?” dismayadong sambit naman sa kaniya ng ama. “Let him be, Richard. Kung iyan ang gusto niyang mangyari sa buhay niya ay hayaan mo siya. It’s time to find the perfectly fit heir for our organization, as well as for our family company. Let’s go,” seryosong sabi naman ng ina ni Xander na mas lalong ikinakunot ng noo ng binata. “Wow, as easy as that?” pabulong na sambit pa ni Xander ngunit narinig naman ito ng kaniyang mga magulang. “Yes, son. I can’t afford to lose what the Adlers have just because my son is so irresponsible enough because of a girl who cheated on him. Hindi kami papayag ng Daddy mo na mapasama sa pagbagsak mo, never.” Lumabas ng kwarto ang ina ni Xander habang si Mr. Adler ay lumapit sa kaniya at tinapik sa balikat ang anak. “She’s Yanissa Ilithaya Bragantia, the only niece of Mr. Eleo Bragantia, in case you want to know.” With that ay umalis na rin ng kwarto ang ama ni Xander kaya naiwan na siyang mag-isa doon. Pabagsak naman siyang umupo sa kama at mabilis na kinuha ang litrato sa ilalim ng kaniyang unan. Muli niyang pinagmasdan kung gaano kasaya si Allesia sa lalaki nito. Dahil sa galit na nararamdaman niya ay ginusot niya ang litrato at mabilis na tinungo ang bathroom upang maligo. Makalipas ang halos kalahating oras ay bihis na si Xander. Nakasuot siya ng isang simpleng polo na kulay asul na tinernuhan ng maong na pantalon. Isinuot din niya ang pinakapaborito niyang Hublot watch, at nagpabango ng pinakapaborito niyang perfume na Acqua Di Gio. Sinuklay niya ng kamay ang buhok niya at makalipas ang ilang saglit ay nakuntento na siya sa itsura niya. Tutol siya sa magaganap na kasal ngunit hindi niya maintindihan kung bakit kinakailangan pa niyang maghanda ng ganito para sa unang pagkikita nila ng mapapangasawa niya. “I am ready,” walang ganang sambit niya sa mga magulang na kapwa nakaupo sa may salas at may kanya kanyang hawak na cellphone. “I am glad you made the right choice,” nakangiting sambit sa kaniya ng ina. “Let’s just get this done,” ang tanging nasambit na lamang niya. Pagkarating sa mansion ng mga Bragantia ay magiliw na sinalubong ni Eleo ang pamilya Adler. Hindi na nagtaka pa si Xander doon sapagkat alam niyang napag-usapan na ng magkabilang panig ang kasunduang kasal. Ang nais niyang malaman ay kung alam ba ng Yanissa na iyon ag tungkol sa kasal. “Tatawagin ko lamang muna ang aking inaanak,” malumanay na sambit ni Eleo na mabilis na sinang-ayunan ng mga magulang ni Xander. Napangisi na lamang si Xander. Mukhang magiging problema pa kung sakaling hindi pumayag si Yanissa na magpakasal sa kaniya. Hindi niya rin alam kung anong magiging reaksyon niya sa oras na makilala ang dalaga. Ang nasa isip niya lang kasi ngayon ay ang pamunuan na ang Black Panther at makaganti sa panloloko sa kaniya ni Allesia. Ipaparamdam niya sa dating kasintahan ang sakit na ipinadama nito sa kaniya. Ilang minuto pa ang lumipas bago bumaba ng hagdan si Eleo. Mabilis na napatayo si Xander nang makita niya ang dalagang nais ipakasal sa kaniya ng magulang. Pakiramdam niya ay nakita na niya ang babae at hindi niya lang maalala kung saan. Nakatitig lamang siya sa babaeng bumababa ng hagdan at nang makalapit ito sa kanila ay doon niya mas lalong napagmasdan ang dalaga. “Are you alone?” Kusang naglaro sa isipan ni Xander ang babaeng nakita niya sa bar kagabi, ang babaeng iniwan niya sa kalsada matapos niyang malaman na v*rgin ito at siya ang nakauna. Nakatungo naman ang dalaga ngunit kahit ganoon ay sigurado siyang ito na nga ang babaeng iyon. “Richard, Sophia, and Xander, please meet my niece, Yanissa Ilithaya Bragantia,” pagpapakilala ni Eleo. “It’s so nice meeting you, Hija,” magiliw na sambit ni Sophia Adler na bineso pa si Yanissa. Alanganin namang napangiti si Yanissa at tinanggap ang pakikipagbeso ng ginang. Nakipagkamay naman sa kaniya si Richard kaya tipid siyang ngumiti dito. Hindi niya kayang salubungin ang tingin ni Xander sa kaniya sapagkat natatakot siyang makilala ng binata. “Nice meeting you, Yanissa,” narinig pa niyang sambit ni Xander. Agad namang niyang tinanggap ang pakikipagkamay ni Xander sa kaniya at lakas na loob na tiningnan ang binata. Nakangiti sa kaniya ang binata kaya medyo gumaan ang pakiramdam niya. Tingin niya ay hindi siya nakilala ng binata na hindi niya alam kung ikakatuwa o ikakainsulto ba niya. “Ahm Ninong, maghahanda lang po ako ng makakain,” ang tanging nasabi na lamang ni Yanissa. “Sige, Hija,” pagpayag naman ng kaniyang ninong. “Excuse me po.” Mabilis na nagtungo si Yanissa sa kusina. Napasandal pa siya sa pader ng kusina upang kumuha ng suporta doon sapagkat nanlalambot ang kaniyang mga tuhod. Napakabilis din ng t***k ng puso niya at parang gusto na lamang niyang magtago sa kaniyang kwarto. YANISSA’S FLASHBACK “Ang mga Adler po? Bakit po?” kinakabahang tanong ni Yanissa sa kaniyang ninong nang sabihin nitong nais ng pamilya na makilala siya. Natatakot siyang baka nakilala siya ni Xander kagabi kaya nandito ito ngayon. Kagabi ay sigurado na siya na paiibigin niya ang binata ngunit dahil sa mga nangyari at kung paano siya trinato ng binata ay nagdalawang isip na siya. Ayaw muna niyang magtagpo ulit ang landas nila ni Xander kung hindi naman magiging final ang kasunduan. “Hija, sinabi ko naman sa ‘yo na seryoso akong ipakasal ka na,” panimulang sambit sa kaniya ni Eleo. “Bakit po? Pumayag na ba ang pamilyang iyon?” hindi niya napigilang itanong. Mabilis na tumango ang kaniyang ninong. “Alam kong mahirap para sa ‘yo ito sapagkat hindi mo pa nakikilala si Xander at sa side naman ni Xander, brokenhearted pa siya sa kaniyang ex-girlfriend. Pero Hija, naniniwala ako na kayo ang para sa isa’t isa. Hindi ko mamadaliin na pumayag ka sa kasal, just give them a chance.” END OF FLASHBACK Hindi akalain ni Yanissa na matapos siyang iwan ni Xander sa kalsada kagabi ay ganoon na lamang ito papayag sa kasunduang kasal. Paano pala kung ibang babae ang nakita ni Xander? Kawawa naman ang babaeng iyon na nawalan ng v*rginity at pinaramdam pa ng binata na wala lang iyon para dito. Hindi niya tuloy alam kung swerte ba siya na mapapangasawa niya ang kumuha ng pagkabirhen niya, o malas siya dahil isang Xander Rowan Adler ang papakasalan niya. “Anong buhay ba ang mayroon ka, Yani,” bulong pa niya sa sarili habang marahang inuuntog ang ulo sa pader. “Stop that. I don’t want to marry a soon-to-be crazy girl.” Natigil sa kaniyang ginagawa si Yanissa nang makita si Xander na nasa kusina na rin at nakangiti sa kaniya. “X-xander,” nauutal niyang sambit. Humakbang palapit sa kaniya ang binata at napalunok na lamang siya nang ilagay pa nito ang kanang kamay nito sa pader na kinasasandalan niya. “Where’s the girl I met last night?” nakangising tanong pa nito sa kaniya. Muling napalunok si Yanissa. He knew. Nakilala siya ng binata at hindi niya alam kung anong isasagot sa binata. Pakiramdam niya ay nalunok na niya ang dila dahil hindi niya magawang makapagsalita. Parang gusto na lamang niyang lumubog sa kinatatayuan niya. “Is it a destiny? Nagkita lang tayo kagabi, then heto na, pinag-uusapan na nila ang kasal natin,” dugtong na sabi pa ng binata. “Stop it. Baka nakakalimutan mong iniwan mo na lang ako basta pagkatapos mong..” Hindi na nagawang ituloy pa ni Yanissa ang kaniyang sasabihin sapagkat ayaw na niyang maalala ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Ang totoo ay nai-intimidate siya sa lalaki at hindi niya alam kung paano i-counterattack ang dating ng binata. Napakagwapo nito sa suot na simpleng polo at dahil masyado silang magkalapit ay naaamoy pa niya ang pabango nito. Tila nalalasing siya sa tuwing naaamoy ang binata. Muling napatawa naman si Xander sa kaniya. Napabaling sa kaniyang kanan si Yanissa nang mas lalong ilapit ng binata ang mukha nito sa kaniya. Naramdaman pa niya ang paghinga nito sa kaniyang tainga na siyang ikinatayo ng balahibo niya. “We will get married, Yanissa. But I can’t assure you that you will get a happy married life. Because for me, you will always be that wh*re from the bar.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD