Iminulat ni Yanissa ang kaniyang mga mata at ang puting kisame ang sumalubong sa kaniya. Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari hanggang sa unti-unting naging malinaw sa kaniya ang lahat. "You're awake." Napalingon si Yanissa sa nagsalita. Si Xander ito na tila wala pang tulog dahil sa bahagyang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito. Ngunit hindi na siya nagtanong pa sapagkat mas nangibabaw sa kaniya ang galit na nararamdaman para sa binata. Nanariwa sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Xander sa kaniya. "Sabi ng doctor ay maaari ka nang lumabas dahil nawala naman na ang lagnat mo. Hinintay lang talaga kitang magising. May gusto ka bang kainin?" mahabang sabi sa kaniya ng binata. Hindi siya sumagot. Ipinaling niya ang kaniyang ulo sa kabilang side ng kwarto kung saan hindi niya ma

