Mabilis na napaupo si Yanissa dahil sa muntikan na siyang mabundol ng malaking truck. Kaunting kaunti na lang at masasagi na siya nito. Mabuti na lamang na nakapagpreno pa ang driver kung kaya’t hindi siya tuluyang nabangga. Sa pag-upo niya ay doon niya ibinuhos ang lahat ng nararamdaman niya. “Miss, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng driver ng truck na agad bumaba nang mapahinto nito ang minamaneho. Hindi makasagot si Yanissa dahil humahagulhol na siya ng iyak. Isinubsob na lamang niya ang kaniyang mukha sa kaniyang tuhod habang nanginginig ang kaniyang buong katawan. “Yanissa! Are you okay?” humahagod na tanong sa kaniya ni Leandro. “Pasensya na po, Sir. Nawalan po ako ng kontrol sa manibela,” hinging paumanhin naman ng driver kay Leandro. Mabilis na lumapit si Leandro kay Yan

