Mabilis na natapos ang unang araw ni Yanissa sa kaniyang bagong trabaho. Hindi naman ganoon siya napagod sa workload niya. Ang nakapagpa-stress lamang sa kaniya ay ang secretary ng mapapangasawa niya. Lahat ng kilos ni Yanissa ay nakatutok dito si Lalaine. Kaunting pagkakamali lamang niya ay napapagalitan siya agad nito. At sa buong maghapon ay nagawa naman niyang tiisin ang masamang pakikitungo sa kaniya ng babae. Pinilit niyang huwag na makalikha ng kahit na anong gulo sa opisina dahil ayaw din naman niyang makarating ito sa mga magulang ni Xander. Kaya kahit na anong mga sinabi at ginawa ng secretary ay hindi niya pinatulan. Pinanindigan niya ang pagiging isang normal na empleyado na halos maging sunud sunuran na sa sinasabi ni Lalaine sa kaniya. Kahit nga hindi na niya sakop ang ibang

