Pagkatapos na pumirma ni Yanissa ay hindi na siya lumabas pa ng kwarto. Nagkulong na lamang siya sapagkat ayaw muna niyang makita ang kahit na sino sa mga Adler. Maski nga ang kaniyang ninong ay hindi niya hinarap nang katukin siya nito sa kaniyang kwarto. Literal na nakahiga lamang siya at nakatitig sa kisame. Walang kahit na anong tumatakbo sa kaniyang isipan. Blangko lamang ito na animo’y tinakasan na siya ng katinuan. Ganitong ganito siya noong mamatay ang kaniyang ama. Humihinga ngunit hindi alam kung bakit nabubuhay pa. Tila bumalik na naman siya sa dating siya na hindi alam ang totoong purpose sa buhay. Hinihiling na naman niya na sana ay kasama na lang siya ng mga magulang nang mamatay ang mga ito. Malakas na tumunog ang kaniyang cellphone. Hindi na sana niya ito papansinin pa ng

