Dahan dahan na iminulat ni Yanissa ang kaniyang mga mata. At ang bumungad agad sa kaniya ay ang mahimbing na natutulog na si Xander. Dahil doon ay malaya niyang napagmasdan ang kabuuan ng mukha nito. Hindi niya maitatanggi na may angking kagwapuhan nga talaga ang binata. Hindi na talaga siya nagtataka kung maraming babae ang umaaligid dito na maski ang secretary nito ay halos mabaliw kay Xander. Unti unting bumaba ang tingin ni Yanissa sa mapulang labi ng binata. Napalunok siya sapagkat tila may magnet ang mga labi nito na hinihila siya palapit. Hindi na siya nakipagtalo pa sa kaniyang isipan at unti unting nilandas ang pagitan nila ng binata. Nang iisang pulgada na lamang ang agwat ng kaniyang labi sa labi ni Xander ay agad siyang natigilan. Sh*t! What happened? Sa isip ng dalaga. Ang

