Tila nawala ang lahat ng tama kay Yanissa dahil sa narinig mula sa binata. This girl is mine. Paulit ulit na naglalaro sa isipan niya iyon. “How about Allesia?” seryosong tanong ni Leandro kay Xander na siyang nakaagaw ng atensyon ni Yanissa. Sa pagkabigla kasi niya kanina ay hindi na niya napansin na hindi pa pala tapos mag-usap ang magkaibigan. “Sa club na lang tayo mag-usap. Yanissa let’s go.” Tila na hipnotismo naman si Yanissa dahil sa sinabing iyon sa kaniya ni Xander. Walang karekla-reklamong sumakay siya sa sasakyan ng binata. Nakita pa niyang may sinabi pa si Xander kay Leandro bago ito sumakay din ng sasakyan. Nagulat pa siya nang pabagsak nang isara ni Xander ang pinto ng sasakyan. Doon ay para siyang natauhan at lalabas na sana siya ng kotsengunit mabilis na nai-lock ng bin

