"Boss, nakahanda na po ang mga tauhan. Si Amida na lang po ang hinihintay. Nasa loob po s'ya ngayon at pinag-aaralan ang sitwasyon." Rinig ko mula kay Dolfo habang nakatuon ang pansin sa laptop. Mapakunot naman ang aking mga kilay sa tinuran nito at saka ko na lamang naisip na kaya pala wala rin si Amida sa paligid mula pa kanina ay nauna na pala ito sa lugar. "Sinong kasama n'ya?" Wala sa sarili kong tanong habang nakatingin sa labas. Pansin ko naman ang mabilis na paglingon sa akin ni Dolfo mula sa rareview mirror na para bang nagtataka at hindi makapaniwala sa naging tanong ko o ikinikilos ko. Hindi ko na lamang pinansin pa ang naging reaksyon nito. Aminado naman ako na simula nang muling mawala o matakasan ako ng aking asawa, lalo na nang gabing napanagipin ko ito ay tila mas lalo l

