IRENE Ano ba ang dapat ko na maramdaman? Ang unang nakita ko pagbukas sa cellphone ay ang mensahe ni Sebastian na may lamang hubad niyang litrato. Napakagat ako sa labi ko, ilang minuto na akong nakatitig sa picture pero hindi ko maalis-alis ang mata ko. Dapat ba padalhan ko rin siya ng kagaya nito? Ganito ba talaga kapag nasa long distance relationship? Nakakalito. Humarap ako sa salamin; nag-iisip ng mabuti kung ano ang dapat kong gawin. Okay naman ang katawan ko; wala naman mali sa akin. Bahala na. Pumunta ako sa camera app ng phone ko tsaka kumuha ng maraming pictures. Nanginginig ang kamay ko ng ipadala ang dalawang hubad na litrato; ang isa ay kasama ang mukha ko at ang pangalawa naman ay tanging p********e ko lang. Napapikit ako ng pinatay ko na ang cellphone. Tapos na,

