“Mag-usap nga tayo,” salubong ni Kuya Nathan sa akin. Inisa-isa ko silang tignan, malamang ay may balak silang pagkaisahan ako. “Tungkol naman saan kuya?” tugon ko habang hinawi sila sa gitna. Nilagpasan ko sila at bumaba sa hagdan; ramdam ko ang pagbuntot nila sa ‘kin. “Sino naman itong bago mo, Irene? Bakit wala kaming alam?” si Kuya Justin na halata namang pilit ang pagiging seryoso. Ako pa ang niloko n’ya eh alam naman namin pareho na wala siyang pakialam kung sino ang boyfriend ko as long as alam ko ang ginagawa ko. “Kailangan niyo ba talaga malaman agad? Sasabihin ko naman eh.” “Hindi ba dapat bago mo nasagot ay kilala muna namin? Kung matino siya edi sana sa bahay siya manliligaw,” nanghihimutok na anas ni Kuya Nathan. Ano ba ang pinagkaiba nito kay Ross? Sinagot ko naman siya

