Unang araw ng review. Kaba at excitement ang nadarama ko, pakiramdam ko sobrang tagal na simula ng last day ko sa school. May alam pa kaya ako? Pagdating ko ay kumuha ako ng upuan sa gitnang bahagi ng classroom, nagreserve na rin ako ng mauupuan ni Remi at Trisha. Maliban sa akin ay may mas nauna pang dumating; sobrang puti at chinito. Malaki ang pasasalamat ko kahapon nang makauwi ako na wala akong narinig na tanong mula kay Kuya Art. Tinignan n’ya lang ang bawat sulok ng kotse. At syempre hindi nakaligtas ang bakas ng suka ni Remi, mabuti na lang ay may evidence ako na hindi ko kagagawan ‘yon. Dumating na rin si Kuya Nathan at Ate Mau mula sa Macau. Inaantay ko na lang ang pag-uwi ni Sebastian para makilala nila. “Miss, may extra blue pen ka? Naiwan ko kasi ‘yong akin. Pumapasok la

