“Inaantok ka na ba?” sabay sa pagpasok namin sa loob ng resthouse ay ang pagtanong niya. Wala pa ang iba niyang kaibigan either hindi pa nakakabalik o wala ng balak bumalik. Kahit ano ang dahilan ‘wag muna sana magsalubong ang landas namin. Napatingala ako sa kanya. “Nope, bakit?” Hanggang dibdib ako ni Sebastian kung kaya sa tuwing nakayakap ako sa kanya ay naririnig ko ang bawat pagtibok ng puso niya. “Inom tayo?” aya niya. Napangiwi ako. Ang marinig ko ang salitang alak ay nalalasahan ko na kaagad ang mapait na lasa nito sa dulo ng dila ko. “Ah k-kasi, sige.” Magdadahilan pa sana ako pero wala akong maisip na magandang rason para humindi. Tinignan niya ako na parang may sinabi akong masama. “Pwede ba na maging honest ka naman sa nararamdaman mo kapag ako ang kasama mo?” Lumalim

