IRENE Nagising ako sa sakit na naramdaman. Nasusuka ako na parang iniipit ang tiyan. Sinapo ko ang aking noo ng makaramdam ako ng pagkahilo. Luminga ako sa kwarto. Walang bakas ni Sebastian. Nasaan na kaya ‘yon? Hindi naman niya siguro ako iniwan dito ng mag-isa. May damit, undies at toothbrush na nakalagay sa paanan ng kama. Kahit na mahina ang katawan ko at parang matutumba pinilit ko pa ring pumasok sa banyo at mag-ayos. Pagbukas ko ng shower ay naramdaman ko na masusuka na talaga ako kaya napatakbo ako sa sink at doon sumuka na parang iluluwa maging ang intestines. Napasalampak ako sa sahig ng matapos ko ng iduwal ang lahat. Nang mahimasmasan ay naligo na ako tsaka lumabas para hanapin si Sebastian. “Good morning. Breakfast tayo,” bati sa akin ni Reynald nang maabutan ko siyang

