“Are you sure na okay na pakiramdam mo?” nagdududang tanong ni Sebastian. Makailang beses na niya akong kinukulit kung talagang maayos na ako. Medyo masakit ang puson ko pero hindi na maginhawa na ang pakiramdam ko. “Oo. Bawal ba akong sumama sa office mo?” Napatigil siya sa pag-aayos ng tie niya at napaharap sa ‘kin, tinatantya niya kung nagbibiro ba ako. Ready na siyang umalis para sa trabaho, ako naman hihilata na lang yata buong magdamag dito sa unit niya. “Gusto mo bang sumama?” kunot-noong tanong niya pabalik. I shyly nodded. Ayaw ko kasing mag-isa kung ano-ano pumapasok sa isip ko. “Okay, pero kailangan mo magstay sa office. I have to visit a site, mapapagod ka kapag sinama kita.” “Yay!” Napatalon ako sa braso niya na parang bata na binigyan ng tsokolate. Nilingkis ko ang

