Chapter IV - Part 2

3195 Words
“s**t. I’m sorry,” paghingi niya ng paumanhin nang sa paglabas niya ay tinanggal na niya ang tali sa kamay ko na nag-iwan naman ng red marks. Inabot ko isa isa ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Sinuot ko ang mga iyon, he just looks at me. I don’t have the energy to think kung ano ang nasa isip niya. Humiga ako sa tabi niya, masakit ang pang-upo ko. Pinarusahan nga talaga niya ako. “What’s this?” tanong ko sa papel na kinuha niya mula sa drawer. “Fill that up.” Tinignan ko lang ang hawak niya. I read what is written on the paper, it’s a job contract. I give him a questioning look. “I don’t remember applying for a job.” “Palagi ka nalang nasa bahay kaya ka dinadalaw ng lalaking ‘yon. Gusto lang kitang bantayan.” That’s it. He is being an asshole; he is not recognizing my relationship with Ross. Ano ba kami? We are f**k buddies, end of story. “Ang lalaking ‘yon ay may pangalan and he is my boyfriend. It’s not up to you kung magkita kami tsaka I am a psychology graduate not to mention I graduated c*m Laude sa prestigious na University. Bakit ako mag settle bilang secretary mo lang?” I want to knock some senses to him. Hindi ako isang bagay nap ag-aari niya. At the end of the day, may kanya kanya kaming buhay. I with Ross at siya kasama ang girlfriend niya. Hinawakan niya ang siko ko, bumilis ang paghinga ko. His hold is so firm na parang gusto akong balian ng buto. “Ginagalit mo ba talaga ako?” “Ano ba Sebastian, nasasaktan na ako!” Mabilis siyang napabitaw ng sumigaw na ako. Pumikit siya at huminga ng malalim. “I’m sorry, Irene. Ganito lang talaga ako, I can be jealous sometimes. I don’t want to share you.” Mahinahon na ang pagkakasabi niya. Nakatingin siya sa mukha ko at inaabangan kung ano ang aking sasabihin. Puno ng emosyon ang mata niya, it is as if he is begging me to leave Ross. Kahit gustohin ko I will not risk it, saan naman ako pupulotin kung magsawa na siya sa paggamit ng katawan ko? “Tanggap ko na may girlfriend ka, you have to understand na may borfriend din ako.” “Paano kung hingin ko sa ‘yo na iwan mo siya?” Kung magpapabulag lang ako sa pinapakita niya ngayon baka nga gawin ko ang gusto niya. But I know better, malabong maging kami hanggang sa huli. “Can you leave Anika for me?” Napaiwas s’ya ng tingin, hindi makasagot. I risk a lot on asking it, akala ko masasaktan ako but I only fill a drop of disappointment. Hindi ko alam kung ano ba ang inasahan kong sagot pero I feel so down for a moment. “See? You f**k me, you love her. Wala tayong relationship, you have to deal with it.” Tumayo ako at naglakad palabas. “Atleast consider the job.” Napatigil ako sa pagbukas ng pinto. Hinarap ko siya. Talagang ipipilit niya ang gusto niya? Para saan? Naglakad ako pabalik at kinuha ang papel na nakapatong na sa higaan. Pinunit ko iyon at tinapon sa mukha niya. Nandilim ang mukha niya. He is mad, but hell I care. “Hindi mo kailangan gawin ‘yon.” “Well, sorry. Nagawa ko na kasi,” sarkastikong usal ko tsaka tuloyan ng umalis sa condo niya. I refused to be controlled by him; I refused to be his toy. Ilang days na kaming hindi nag-uusap ni Sebastian, if he doesn’t want to talk to me I am not bothered. Sa totoo lang naman I don’t have time para isipin pa siya. Nasa tabi ko ngayon si Ross, bumabawi sa akin. “Ate ang pasalubong ko huwag mong kalimutan,” paalala ni Iros sa akin. Kasama ang mga kuya ko hinatid nila kami ni Ross sa airport. Ngayong araw na ang flight namin papuntang Singapore. Five days’ vacation, I am hoping na sana sa pagbalik ko totally erased na si Sebastian sa system ko. “Mag-ingat ka roon. Don’t do anything na pagsisihan mo,” paalala ni Kuya Nathan. He booked me a different hotel room para namang kaya niyang pigilin kung gusto namin parehas ni Ross na may mangyari. “Noted, Kuya.” I kissed him sa magkabilang pisngi pati na rin sina Kuya Art at Kuya Justin. I hugged Iros, hindi ko pa nasabi sa kanya na hiwalay na ang parents namin, hindi ko pa kaya. I love him with all my life, kami lang ang magkapatid, magkaramay sa lahat ng oras. I am a mom to him kahit na isang taon lang naman ang tanda ko sa kanya. He is annoying pero napapasaya niya ako kapag may pinagdadaanan ako. “Iuwi mo ng buo si Irene kung hindi babalian kita ng buto,” pabirong banta ni Kuya Justin bago binigyan ng mahinang suntok sa tagiliran si Ross. “Okay po, Kuya.” One thing I like about Ross is how he respects my family. Pikit mata niyang sinusunod ang bilin ng mga kuya ko kahit minsan nakakalalaki na. I never heard na he bad mouthed my kuyas’. “Sige na, pasok na kayo. Malate na kayo sa flight.” Tinulak ni Ross ang bagahe namin papasok ng tuloyan sa loob ng airport. This is the first time na magtravel kami ni Ross na kaming dalawa lang. I don’t know what to expect, pero magandang simula ito para sa amin. It is really best na hindi na kami nagkakausap ni Sebastian. Four in the afternoon nang lumapag ang eroplanong sinasakyan namin sa Changi Airport, Singapore. Deretso na kaagad kami sa Mandarin Orchard Hotel kung saan kami tutuloy ng ilang araw. Magkaharap lang naman ang kwarto namin ni Ross. “Pasok ka na.” Ross is being weird. Kanina ko pa napapansin na hindi naaalis ang mga kamay niya sa cellphone niya, if only I don’t know him iisipin ko na may babae siya. Hindi ko nalang pinansin ang nakakaduda niyang mukha, I swiped the key card tsaka pinaandar ang ilaw. “SURPRISE!!!!” Nabagsak ko ang bagahe sa gulat ng sumigaw ang dalawang babaeng sobrang pamilyar sa akin. Malapad ang mga ngiti nila, bakas sa mga mukha nila na they are so much happy. ‘W-why are you here?” “Syempre gusto rin namin mapanuod ng live ang coldplay, sis.” Nakayakap sa bewang ko si Trisha samantalang si Remi ay nasa gilid lang at nakakakapit sa braso ko. Ngumiti lang ang isa pang babae na nakaupo sa pinakamalayong higaan. I know her, girlfriend siya ng kaibigan ni Ross na si Benj; si Dani. Kaya naman pala pinayagan na ako ng mga kuya ko, marami naman pala akong kasama. “So you know, hindi bukal sa loob ko ang mga ganap na ‘to. I’m just here for you kung sakaling iwan ka sa ere ni Ross,” sabi ni Remi. She really doesn’t like Ross. Kung siguro alam niya ang ginagawa ko sa likod ni Ross ay baka maawa pa siya. ‘Rems, thank you.” I hugged her, silang dalawa ni Trisha. I have friend in highschool pero iba ang samahan naming tatlo. We are destined to be friends, if only I have the guts to tell them my deep dark secret. Hapon na kami nagising kami at nag-ayos para umalis. Pagod kami sa byahe kahapon kaya bumawi muna kami ng tulog. Bumaba kami at naglakad papunta sa Orchard Road. We wanted to try the ancient Chinese Barbaque house. Naglalakad sa unahan si Remi at Trisha, kasabay naman namin ni Ross sina Dani and Benj. Pagpasok namin sa Barbeque house mabuti at wala halos tao, we are starving. Umupo kami sa labas na part ng restaurant, fresh ang hangin sa Singapore we are not worried na baka malagyan ng alikabok ang pagkain namin. “Trish, magdahan dahan ka nga,” sita ni Remi sabay pahid sa buhok ni Trisha na natalsikan ng sauce. Nagtawanan lang kami sa mukha niya, kung ngumuya siya akala mo mauubosan ng pagkain. “May nakita akong old tea house kanina, maganda ‘yon after we ate a lot,” I look at Dani as she suggested that, ngayon ko lang siya narinig magsalita. Her voice is relaxing. Magkaiba talaga sila ni Benj. She is classy while Benj ewan ko, basta he has this attitude na sasabihin lang lahat ng maisip walang concern kung sino ba masaktan niya. Napaka insensitive and inconsiderate. I don’t understand nga how him and Ross became friends. “Ayaw ko roon. Bar nalang tayo.” Ang there you go, Benj. Ano baa ng pagbigyan muna ang request ng girlfriend? “Let’s have some tea first then balik tayo ng hotel, mag-ayos and we will go to the hotel pagkatapos.” I smiled and give Ross a kiss on his face. He is really getting very considerate. He’s not controlling. Pagpasok namin sa loob ng Bar ay napanganga kami kaagad, this is not the kind of bar we expected. May mga sumasayaw sa dance floor pero hindi ganoon ka ingay ang music, there’s a live singer habang nakatugtog ng piano. Everyone is also talking really low. “Hon, ano ang gusto mo, pineapple or strawberry?” tanong ni Ross habang nakatingin sa akin. Naghihintay ang bartender sa harap namin, he has welcoming energy around him. “Grasshopper.” I saw shocked on Ross face pero he didn’t ask me anything. He continued on ordering what I want. He must be thinking kung kalian ako natutong uminom ng may alcohol content. I’m not ignorant pagdating sa pagbar, after exams or kung may mag-aaya pumupunta rin ako pero hindi nga lang nawawalan ng chaperone. Sa birthday ni Paris it was my first time to go out na walang kahit sinong nakabuntot sa akin. Aside sa designated driver ako lang ang hindi umiinom ng alak, that’s always given. “Himala, big girl ka nap ala Irene? Are you up on doing bad stuff na rin ba? Pinayagan ka na ng mga kuya mo?” Hindi talaga nakakaligtas ang kahit maliit na bagay kay Benj. We don’t like each other pero I don’t go on his level na pansinin nalang ang lahat pero look at him now nananadya pa talaga. “Shut up, Benj,” sabi ko sabay talikod sa kanya. Wala akong balak na sirain ang rest ng gabi dahil lang sa kanya. “Oh come on! Sinasabi ko lang naman ang nakikita ko.” He’s really annoying, wala siyang balak na e let go ang gusto niyang mangyari. “Benj pwede ba? Hindi na nakakatuwa ang mga biro mo, you better stop it.” I told him. It’s not a joke kung hindi naman nakakatawa. “Ang init ng ulo mo, you just need some good sex.” Casual na salita niya tsaka uminom nanaman. I got really annoyed, how the heck he can casually talk about my sexlife? Sasagot na sana ako nang malakas na ilapag ni Ross ang iniinom niyang whisky sa ibabaw ng mesa. “Benj, can you respect my girlfriend? That talk is off the table.” I know Benj step on Ross’ pride, hindi naman sekreto sa barkada niya na we haven’t done it yet. It’s not a big deal pero si Benj he keeps on insisting that it wasn’t normal cause we are already commited for two years. “Hindi pinag-uusapan ang mga ganyan, Benj.” Kahit si Dani ay sinita na rin siya, I look at her and gave her a thank you simle. I can tell she’s really a softy. “Mas okay ka kung hindi bumubukas ang bunganga mo para magsalita,” ganti ni Benj kay Dani. I saw hurt on her eyes, sino ba naman ang hindi masasaktan sa pinagsasabi ni Benj? “Benj tama na sabi, hindi mo dapat sinasabi ‘yan sa girlfriend mo.” Hinawakan ko sa damit si Ross, he is about to lose his s**t. Napaayos ng upo si Ross, ganoon din ang ginawa ni Benj. Siniko ako ni Remi tsaka umirap, naiinis din to kay Benj for sure. Buti pa si Trisha, she is not aware sa fight na pwedeng mangyari sa table namin, she is busy flirting with foreigners sa kabilang mesa. Tumawa si Benj tsaka muling nilagok ang laman ng baso niya. “Ang seryoso niyo lahat.” He doesn’t care at all. I can still see disappointment sa mata ni Dani, kahit ako I will feel worst pa nga siguro. Ang toxic ni Benj bilang boyfriend, if I were Dani I can’t hold up and stay. Everything went easy and chill the next hours. Me and Ross dance all night, si Trisha naman pilit sinasali si Remi sa flirting errands niya samantalang sina Dani at Benj ay nauna ng bumalik sa hotel. Either they want to be left alone to fix things up or baka nag-away na sila ng tuloyan. Pauwi na kami sa hotel nang makaramdam ako ng pagkahilo, I can’t think nor walk straight. “I love you, Ross.” Napakapit ako sa braso ni Ross nang sabihin iyon. It is a reminder for me na siya ang mahal ko. Tinutulongan niya akong makatayo ng tuwid, hinahatak ng lupa ang katawan ko. Nasa labas lang kami ng hotel room namin, nauna na si Remi at Trisha na pumasok. “And I love you too hon.” I didn’t think, I kissed him. And there I know something is not right. Wala na akong maramdaman, maybe lasing lang ako, nalilito. This can’t happen. “Let’s have s*x tonight.” It’s only sparks, kaya pang ibalik ‘yon. I want to do this, gusto ko ng pagbigyan ang matagal na niyang gustong makuha. I am not being unfair, he likes it, I know he does. “Matulog ka muna.” Why? Bakit niya ako tinanggihan, alam na ba niya? Alam ba niya na nakuha na ng iba ang para sa kanya? “Bakit? Hindi ba ako attractive?” I pouted and try to balance my s**t para ipakita sa kanya ang kabuohan ko but muntik na akong matumba. “Bukas mo sabihin sa akin ‘yan, ayaw ko na ibigay mo sa akin dahil sa sinabi ni Benj. Bukas hon, kung gusto mo parin at hindi ka na lasing, then let’s do it.” Inabot ko ang mukha niya, I badly want him. Gusto kong patunayan sa sarili ko na hinahanap ko lang si Sebastian ngayon dahil sa tawag ng katawan. It’s only lust. I love Ross, I love him wholeheartedly. Naramdaman ko nalang ang pag-angat ng mga paa ko mula sa sahig, binubuhat ako ni Ross papasok sa silid at nilapat ng dahan dahan sa tabi ni Remi o ni Trishia, hindi ko na alam. Kinumotan niya ako at hinalikan sa noo. “I love you, Irene.” I heard him say before siya umalis. Umiyak ako. I cried myself to sleep. I am sorry Ross, I mess up. I’m sorry. THIRD PERSON Maraming ginagawa si Sebastian sa opisina ngunit hindi siya makapagconcentrate. Ilanga raw na niyang tiniis ang nararamdaman. Nagtatampo siya kay Irene pero hindi ito tumitigil sa pag-ikot sa utak niya. Tinanggihan ni Irene ang offer niya na magkasama sila sa araw araw kaya naman parang inapakan na rin ang kanyang pride. Hindi na niya kinaya pa, he dialed Irenes’ number pero pagkatapos ng ilang beses na sinubok niya hindi niya ganoon padin na hindi niya macontact ang babae. It’s either nakapatay lang ang cellphone nito o baka blocked na talaga siya. Sebastian will be crazy kung magpapatuloy pa ang tagu-taguan nilang dalawa. Pinalagpas na niya ang ilang araw pero sobra na itong hanggang ngayon ay out of reached padin si Irene. He tried to contact her through social media pero ilang araw na rin itong hindi nagbubukas ng account. Binagsak niya ang papeles na hawak, tumayo siya. He needs to see her, pronto. “Kuya, saan ka pupunta?” Sa pagbaba niya ay nakasalubong niya si Paris. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya? “Anong kailangan mo rito?” Instead of answering her ay nagtanong din siya. Hindi siya pinupuntahan ni Paris sa opisina maliban kung may kailangan ito sa kanya. “Anika called me, nasa Singapore pala siya for a photoshoot. She invites me to go there para manuod ng ColdPlay concert. May two tickets pa siyang available so sabi niya ask daw kita to come.” Paris explained. “I can’t. Madami akong trabaho. Pumunta ka para may kasama siya.” Mas mahalaga para sa sanity niya ang makita si Irene kaysa makasama ang sariling nobya. He needs the one who give flavor sa buhay niya hindi ang babaeng matagal na niyang karelasyon. “Sayang naman pala. But it’s fine, I’ll contact Irene nalang. Nasa Singapore na siya eh. She’s gonna watch the concert din eh with her friends tsaka boyfriend.” Nagpanting ang tenga ni Sebastian. So iyon pala ang dahilan kung bakit tila kinalimutan na siya nito kasi magkasama pala sila ng boyfriend nito. Tumalikod siya at naglakad pabalik sa office room niya, hindi siya lumilingon kahit tinatawag siya ni Paris. Tumigil siya sa harap ng kanyang secretary. Mas naging desperado siyang puntahan si Irene, kahit anong butas ay papasokin niya makita lang ito muli. “Andrew, book two tickets bound to Singapore. The earlier, the better,” utos niya sa driver at secretary na rin. “Returning flight, boss?” “I’ll call you kung uuwi na ako.” Nagtaka si Andrew dahil sa hindi naman ganito si Sebastian. Simula nang magtrabaho ito ay siya na ang secretary, he knows how he think. Kapag aalis ito palaging sure ang returning flights, ayaw mag-iwan ng trabaho pero ngayon para lang itong sumusunod sa agos. “Hotel?” Tumingala si Andrew sapagkat matagal siyang nag-isip. Nagsasalubong ang kilay niya palatandaan na mainit ang kanyang ulo. “Paris, ibigay mo kay Andrew ang hotel ng kaibigan mo. We’ll stay there.” Nagulat man ay mabilis kinuha ni Paris ang kanyang cellphone at tinignan ang social media post ni Remi kung saan may naka-indicate na hotel name. Kaagad niya itong binigay kay Andrew na nagtataka parin sa kilos ng amo. “Book us on the same floor if possible,” huling instructions ni Sebastian bago muling pumasok sa office niya. He can’t wait, nangangati na ang mga paa niya. Sumibol ang kagustohan sa puso niya na maagaw si Irene mula sa nobyo nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD