IRENE
Parang isang iglap lang na dumaan ang mga sumunod na araw. Today we decided na magpahinga muna sa gala. Kailangan namin na ihanda ang energy para sa concert bukas.
“Sa tingin niyo bakit kaya sila umuwi?” si Trisha. Kahit ako ay curious din kung bakit naunang umuwi si Dani. Umuwi siya ng hindi nagsasabi, nagising nalang kami na wala na ang mga kagamitan niya. Buti at tinubuan ng maturity sa katawan si Benj na mabilis din sumunod sa kanya nang pinaalam ni Ross ang nangyari.
“Kahit naman ako mas gugustohin ko nalang na umuwi kesa makasama pa kahit isang segundo si Benjie noh,” naasiwa na komento ni Remi na may pasuka suka pa. Dati akala ko irritable lang siya kay Benj kasi damay sa pag-ayaw niya kay Ross pero ngayon talagang wala nga talagang amor si Remi sa mga kagaya ni Benj.
“Kawawa naman si Dani. Siya na nga bumili ng tickets nilang dalawa tapos nasayang lang. Sana nakipagbreak nalang siya, marami namang foreigner dito. Take one, get one pa kung gusto niya.” Tinapunan ni Remi ng unan ang gawi ni Trisha. Kagabi pa kasi nagyayabang na may nabingwit na Egyptian.
“Hindi naman ganoon ka dali na magmove-one Trish.” Sometimes may naiisip nalang tayo bigla, and that’s what happened. Naisip ko lang bigla sabihin, not that I can relate to it.
“Madali lang ‘yan. Meron nga iba diyan hindi pa sila break nakamove-on na.” Para akong natamaan ng ligaw na bala sa litanya ni Trisha. Is it what happened? Nagmove-on ba ako sa relationship namin ni Ross kaya napakapit ako kay Sebastian? No. Isa lang talagang kabobohan ang nagawa ko.
“Kung magsalita ka naman parang base on experience, wala ka naman naging boyfriend diba?” nagdududang tanong ni Remi kay Trisha na ngumiti lang ng makahulogan, dahilan para batohin nanaman siya ni Remi ng unan. Trisha is the master of dating pero wala talagang nakakapasa sa second stage, either mapili lang siya o baka takot siya sa pwedeng mangyari. Whatever the reason is, hindi namin alam.
“Eh bakit ikaw? You’re a man-hater, pinaasa ka ba? Hindi naman dba? Naku!” Pinigilan ko ang sarili na mapahalakhak sa ganting biro ni Trisha kay Remi, that’s really true. Palagi nalang inis si Remi sa mga lalaki, parang galit sa mundo.
Sa halip na sumagot tumingin lang si Remi ng masama kay Trisha tsaka nahiga sa kama at tinago ang mukha sa hawak na unan. I wonder. Pinaasa ba siya ni Kuya Justin? Did Trisha hit a sensitive nerve? Pero how can that happened, eh patay na patay si Kuya sa kanya.
“Hindi ako pinaasa tsaka hindi naman ako galit sa lalaki. I’m like this kasi may kaonting reservations na ako.” Sabay kaming napatalon ni Trisha sa gilid ni Remi. Remi is not that open about her feelings, minsan lang siya magkaroon ng breaking point. Now, sobrang lalim ng iniisip niya, nakatulala lang siya sa kisame samatalang kami ni Trish ay nag-aabang sa susunod niyang sasabihin.
“Sige na, magkwento na ako pero please lang after this ‘wag niyo ng e-open pa ang topic. Lalo na ikaw Trish.” Umupo si Remi, bumuga siya ng hangin. Si Trisha naman ay nag zip-sign sa bibig niya.
Tumingi si Remi sa akin, napakagat pa siya sa kanyang labi, humuhugot ng lakas ng loob. “Remember mo everytime na pumupunta kami ni Trish sa bahay niyo pagkatapos andoon din si Justin?” Tumango lang ako, I know exactly what she is trying to say. Palagi siyang kinukulit ni Kuya and they became very close.
“Kasi I saw some signals akala ko nagpapakita siya ng motibo. Don’t get me wrong ha, oo umasa ako ng kaonti tapos bigla nalang hindi niya ako pinansin or kung pansinin man ako very cold and timid. Alam mo ‘yon? Kaya ayaw ko na maging attached kahit kanino, natatakot lang ako na baka mag-assume nanaman ako tapos wala lang pala.” Namilog ang mata ni Trisha, she is not aware of what’s happening between Kuya Justin and Remi kaya naman pinoprocess niya pa lang ang lahat. I had an idea of what's going on, Kuya Justin is trying to empress Remi nakikita ko ‘yon sa bawat galaw niya kapag andiyan si Remi at Trisha.
“Gusto mo bang kausapin ko siya, bakit bigla nalang siya nagkaganoon?” alok ko sa kanya. I want both of them to be happy. Si Kuya Justin ngayon parang nabubuhay nalang para sa trabaho niya, kapag sa bahay halos hindi na gumagalaw. I know kapag naging sila ni Remi he will have the best version of himself. Remi is very supportive, sa amin ni Trisha kaya for sure with Kuya Justin she will be extra supportive.
“Huwag na sis. Ayaw ko naman na isipin niya na naging very assuming ako. Baka mapahiya pa ako.” Sa aming tatlo, Remi is the strongest person. Palaban siya most of the time. Hindi siya takot na manakit by her words and hindi rin naman siya takot na masaktan sa sasabihin ng iba. It seems like now she is very helpless. Wala naman akong magawa kung ayaw niya, I don’t want to ruin our friendship dahil lang sa pinangunahan ko siya. I just hugged her at nakisali na rin si Trisha.
“Okay lang ‘yan sis. Hanap nalang tayo ng foreigner para sayo sa concert bukas.” Nagtawanan kaming tatlo sa pinagsasabi ni Trisha, our drama breaker.
Napabaling kami sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Ross na may impit na ngiti. “Pwede ko ba kayong maistorbo?” Humiwalay ako sa yakap tsaka lumapit kay Ross. Napayakap ako sa bewang niya, binigyan naman niya ako ng halik sa pisngi.
“Nagkita kami sa baba ni Paris. Manunuod din daw siya ng concert.” Isang University lang sina Paris at Ross, pareho silang nasa popular group kaya magkakilala na sila. Kahit saan nalang yata ngayon nakakalat nalang si Paris.
“Ano namang meron sa kanya?” si Remi. Mainit nanaman ang ulo ni Remi.
“Inaaya niya tayong pumunta sa east coast, overnight beach. Treat niya. Sabi ko sa kanya, I’ll ask you first kasi baka ayaw niyo naman.” Talagang wala ng paglagyan si Paris ng pera ng stepdad niya. Kung hindi party kung ano ano naman ang ginagawa.
“Okay, tara. Maipakita naman ang beach body natin dito sa Singapore,” may excitement na sabi ni Trisha. Tumango nalang din si Remi.
“How about you? Baka you’ll be out of place kasi wala naman na si Benj.” With worried face I look at Ross. Ngumiti lang siya tsaka hinigpitan ang yakap sa akin bago ako halikan sa noo.
“Kasama naman kita. Mas okay na ‘yon kesa magmukmuk ako ng mag-isa rito sa hotel. Sulitin natin ‘yong oras dito.” Ang liwanag ng mukha ni Ross, napaka-aliwalas. I can’t see the old him before maging kami, the one who drinks and smokes a lot. Now, he is just one happy person.
Nag-ayos na kaming tatlo ng dadalhin. Tila napredict ni Trisha na pupunta kaming beach, may dala siyang ten pairs ng swimsuit. Mabilis kong kinuha ang black one piece na may low-cut sa likoran. Ito lang yata ang pinakaless revealing sa lahat ng dala niya.
Sabay kaming apat na bumaba, bitbit ni Ross sa kabilang kamay ang bag ko sa kabila naman ay magkahawak kami. Suot niya ay simpleng mustard v-neck shirt at grey summer shorts na complement naman sa sunflower knee level dress na suot ko. Pareho namang nakasuot ng maong shorts at tube top sina Remi at Trisha. Pagbukas pa lang ng elevator sa reception area nakita kaagad namin si Paris na nakaupo sa waiting lounge, stand-out siya sa suot niyang powder pink puff-sleeves na nakasayad sa sahig. Malapad ang ngiti niyang sinalubong kami tsaka niyakap isa-isa.
“Can’t remember the last time I saw you, Rems. You look great,” sarkastikong anas ni Paris. Mainit ang dugo nila sa isa’t isa, naiinggit si Paris sa closeness na mayroon si Iros at Remi kaya sinasadya niyang lapitan si Kuya Justin na alam niyang may gusto si Remi.
“Hindi naman kasi tayo friends.” Sumeryoso ang mukha ni Paris. Nagkatinginan sila ng masama, bigla tuloy uminit ang paligid. May negative energy na pumalibot sa amin.
“Alis na nga tayo. Excited na akong lumangoy sa malinis na dagat ng Singapore.” I mentally thanked Trisha sa pagsingit sa usapan bago pa magsabunotan sa harap namin sina Paris at Remi.
“Sandali lang. Wait muna natin ang kuya ko.” Nanlamig ang katawan ko sa sinabi ni Paris, nataranta ang isip ko pati namamawis ang kamay ko na mabilis kong binawi sa pagkakahawak kay Ross. Marami naman sigurong kuya si Paris, sana mali ang iniisip ko.
“Oh there he is. Hey, Kuya! Over here!” sigaw ni Paris sabay kaway sa lalaki na papalapit. Hindi ako makahinga, tila sinasakal ako sa unti unting paglapit ni Sebastian. Walang emosyon ang mukha niya, magkasalubong ang mga kilay. Tumigil ang mundo hindi ako makawala sa umaapoy na tingin niya. Galit ba siya? Hindi ko alam.
“Let’s go?” Siya ang humiwalay sa tingin naming dalawa. Wala siyang pinansin kahit isa maliban kay Paris. Napakalayo ng tingin niya. Para naman kaming hindi magkakilala sa asal niya, ganoon ba kadali sa kanya ang makalimot? Napakabilis naman yata.
Naunang maglakad palabas si Ross na dala ang gamit ko, sa unahan namin nina Remi at Trisha sina Sebastian at Paris na nag-uusap ng mahina.
“Infairness sa kuya ni Paris ang hot lang. Sana naman lumangoy siya mamaya para makita natin anong meron sa loob ng t-shirt niya.” Uminit ang mukha ko sa sinabi ni Trisha, alam na alam ko kung anong meron sa loob ng damit at pantalon niya. Nanayo tuloy ang batok ko sa pagpasok ng imahe ng hubad na katawan ni Sebastian.
Nakaabang na sa amin ang six seater honda vezel na sasakyan sa labas ng hotel. Inaantok pa si Ross at gustong magpahinga kaya umupo siya sa tabi ng driver para hindi maistorbo sa kwentohan namin. Sa second aisle naman ay naunang umakyat si Paris, Trisha at Remi wala akong choice kundi maupo sa likod katabi si Sebastian.
Pinilig ni Sebastian ang ulo niya sa bintana, tila nilalayo niya ang sarili mula sa akin. Pasimple kong inamoy ang damit ko, hindi naman ako mabaho para pandirihan niya.
“What are you doing here?” mahinang tanong ko sa kanya na tama lang na kaming dalawa ang makakarinig.
“Don’t overwhelm yourself. Hindi ako pumunta para sa ‘yo. Nakapikit ang mga mata niya nang sabihin iyon, napahawak ako sa puso ko. I feel a strong bang inside my heart. Wala talaga siyang pakialam sa akin. Good, wala rin akong pakialam sa kanya.
Pagdating namin sa resort mas pinili kong lumayo kay Sebastian, napapaso ako sa presensya niya. Tahimik lang ako sa isang gilid habang inaantay na matapos si Paris sa check-in process.
“Isang room lang ang kinuha ko ha. Not that I’m kuripot, para lang masaya. It’s a family room, there’s enough space for all of us.” Inform ni Paris nang makalapit na siyang muli sa amin.
Napatingin ako kay Sebastian ng malakas siyang tumawa ng mapanuya. “Why don’t you book the lovers a separate room? I don’t like to wake up in the middle of night at makasaksi ng hindi maganda.” So he really likes to rub it on my face how disgusting he thinks I am. Napakuyom ang kamay ko, nasasaktan ako, naiirita. Ginamit niya ako, nasiyahan siya sa pinanggagawa namin tapos ngayon para siyang kung sino kung ituring ako?
“Okay lang ‘yon. Wala naman kaming balak gawin ni Irene. Wala pa kami sa ganoong stage ng relasyon namin.” Inakbayan ako ni Ross tsaka ngumiti nanaman. He is really clueless on what’s going on. I am much aware na may gustong ipahiwatig si Sebastian pero takot din akong punahin iyon. I can't afford to give Ross a hint na may namamagitan sa amin ni Sebastian.
“That’s a shame,” mapanuyang anas ni Sebastian na tinignan pa ako na parang pag-aari niya.
“Respeto ang tawag doon,” pagtanggol naman ni Ross sa set-up naming dalawa. Sebastian is stepping on his pride pero he manages to control his temper.
“You must be a Saint,” bulalas ni Sebastian bago padabog na umalis paakyat sa kwarto namin. Nagkatinginan lang kami nina Remi at Trisha na parang nagtatanong kung ano ba ang problema ni Sebastian. Kahit ako hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari. He clearly said na hindi naman ako ang pinunta niya, ano naman ang pinanghihimutok niya ngayon?
SEBASTIAN
The audacity of that woman. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa ko rito? Nagising nalang ba ako bigla at naisipang pumunta sa ibang bansa na nagkataon kung saan siya? Am I that crazy? She is smart, very sensitive pero bakit hindi niya makuha ang dahilan kung bakit ako nandito? I look at where she is, she is really pretty, ang ganda ng ngiti niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya when she looks back at me.
She’s really trying to make me jealous. Talagang pinapakita niya sa akin kung paano sila maglandian sa harap ko. That guy, ang pangit ng katawan at mukha. He is just a dirt on my hands, wala ako ‘non kaya naman walang wala siya compare sa akin. I can’t blame Irene kung tumingin siya sa katulad ko, hinahanap niya lang ang wala sa boyfriend niya. The ego, the pride and the thing. He is weak and lame.
“Kuya, let’s swim.” Hinahatak ako ni Paris mula sa kinauupoan ko. I don’t want to swim, gusto ko lang magpahinga. Nakakapagod maghabol sa babae na hindi makaintindi kung bakit nasa harapan niya ako ngayon. Bumaling ako sa gawi nila, they are very close to each other. They are munching each others faces. Tumayo ako, hinubad ang suot na t-shirt tsaka lumapit sa dagat. I will distract her.
Lumangoy ako malapit sa kanila. They are hugging under water for f**k sake. Napansin niya ang mga tingin ko sa kanya, inaya niya ang lalaki to have rest, such a brat. Napahampas ako sa tubig, tinamaan ang likoran nila kaya napaharap sila. I badly want to start a fight but they don’t give a damn care.
Sumunod ako sa pag-ahon nila. I’m not on the mood, I have the need to punch somebody. I feel uncomfortable nang bumalandra sa mata ko ang hubad na likoran ni Irene, that smooth skin is telling me to touch her. Ang pang-upo niya, I can remember how it begs my hand to get the spanking. Fck Sebastian! Stop what you are thinking. Sinusuway ko ang sarili ko, but the maniac inside me is trying to come out. Ilang beses ko man na pagsabihan ang sarili tila may sariling utak ang pang-ibaba kong ulo. It’s bulging inside my swimming trunks.
I had to run to save myself from shame. Nagmadali akong maglakad pabalik kahit ilang beses akong tinawag ni Paris. Malaki ang bawat hakbang ko paakyat, kulang nalang ay tumakbo ako. I locked the door and jerk the brain off my body. I forgot my shirt and phone. Fcking Irene, ano ba ang ginawa mo sa akin?!
*******
Do I even exist? Kahit isang tingin hindi niya ako mabigyan. Masaya siya sa ginagawa niyang pagpapahirap sa kalooban ko. Hindi pa siya nakontento sa ginawa niya kanina, dinantay naman niya ngayon ang makinis niyang legs sa binti ng boyfriend niya. Saan ba niya binili ang sobrang iksi na shorts niya? I will burn the building down.
I can’t take this. Kumuha ako ng isang baso at sinalinan ng iniinom kong brandy tsaka lumapit sa kanila.
“Drink?” alok ko sa lalaki na kaagad naman niyang kinuha. Nakaupo silang dalawa sa kama, nakahiga ang ulo niya sa balikat ng lalaki niya. I sit beside her. Our body is inches away from each other, nag-init ang katawan ko. We on the same bed, that makes me gone crazy.
“Sana si Rose nalang ang namatay. Nakakainis, ang landi niya kaya namatay si Jack,” pagbasag ng kaibigan ni Irene sa katahimikan. They are watching the Titanic, ngayon lang ba nila napanuod to? I watched it, with Anika.
“Hindi ‘yon landi sis. Love lang talaga nila ang isa’t isa,” sagot naman ng isa pa. The post credit is flashing on the monitor, nilingon ko si Irene, she’s crying.
“Cheating tawag doon, may fiancée na nakipag-anuhan pa kay Jack.” They are discussing the movie. Kahit si Paris nakikipagbangayan na rin kung sino ba talaga ang may kasalanan. Or is it worth it to die for someone you love.
“Rose cheated kasi mahal niya si Jack.” God! Her voice feels like heaven. Pinahid niya ang kumawalang luha at sinubsob ang mukha sa dibdib ng kanyang lalaki. Is she for real? Wala ba ako rito para gawin niya ang ginagawa niya? Hindi ba mahalaga kung ano ang iisipin ko?
“Rose cheated because Jack is hotter than her fiancée. Jack satisfies her need, end of discussion.” Tumingin silang lahat sa akin, I don’t give a fck. Nagsasabi lang ako ng totoo, if they can’t swallow the truth it is there problem. Ininom ko ng deretso ang alak na hawak ko tsaka tumayo. I need some air kaya bumalik ako sa balcony bago pa ako mawala ng tuloyan sa isip ko.
“Kuya, stop being a weirdo. Don’t embarrass me, my goodness! Are you and Anika are having trouble? Kanina pa kita napapansin.” Tinignan ko lang si Paris na umupo sa harap ko. She’s really not gonna let everything pass through, napapansin niya ang lahat. She could pass as a press.
“Is this about Irene? I warned you na diba? She is not the type of girl you can play with.” Tumingin si Paris sa gawi nila as she speaks. Ilang beses na niyang sinabi sa akin, Irene is different, she is not the type of girl. Maraming warnings si Paris sa akin, but I let myself get burn by Irenes’ fire. Nakuha ko siya pero parang ako naman yata ang natupok.
“Pa, I’m sorry. Pagod lang talaga ako.” I don’t want to give Paris things to think. She is nosy, she can’t control her mouth most of the time.
“Okay, kasi you look obsess. Just rest we’re done watching na rin naman, besides maaga pa tayo tomorrow.” She gives me a goodnight kisses before going back inside.
IRENE
Naalimpungatan ako nang madaling araw, kinuha ko ang cellphone sa ilalim ng unan. It’s still early, two in the morning. Tulog padin silang lahat, magkatabi kami ni Paris sa kama, si Remi naman at si Trisha naman sa kabila. Ross takes the sofa. Tinignan ko ang isang kama, bakante ‘yon. Saan naman kaya pumunta si Sebastian? Naghanap nanaman ba ng mabibiktima?
Tumayo ako, magpapahangin sana ako sa balcony nang mapansin ko siyang umiinom pa din. Hindi ba natutulog ang lalaking 'to? Gusto ko siyang puntahan pero pinipigilan ko ang sarili ko. He doesn’t deserve na I will put down my pride. Nahiga ako muli, pinilit ko ang sarili na matulog ulit.
Ilang minuto na ang nakalipas hindi pa rin maalis sa isip ko si Sebastian, I want to get rid of him inside my mind. Kailangan ko siyang kausapin para matahimik na ako.
Nang maupo ako sa harap niya ay hindi man lang siya natinag. Nasa perfect moment na sana kaming dalawa. We are sitting on the balcony under the moonlight. Tinignan niya ako sandali tsaka inisang lagok ang baso ng alak na hawak niya.
“What do you want?” his voice is groggy. Lasing na talaga siya, his voice is cracked and deep. Sa sobrang lalim ng tingin niya sa akin ay parang malalaglag ako at hindi na muling makakaahon.
“What do you think I want?” Iinom na naman sana siya nang mabilis kong inagaw ang baso tsaka ininom ang laman niyon. Napangiwi ako, I’m the worst drinker. Umiwas siya ng tingin, I also did the same thing. We’re drinking in silence, salitan kami sa baso. Hindi kami nag-uusap, walang gustong magsalita.
“Do I have to beg you para sabihin kung ano ‘yang laman ng isip mo?” He is staring at me. Kumikislap ang mata niya sa gitna ng dilim. Inaaral niya ang mukha ko, I feel conscious about how I look all of the sudden.
"Wala akong iniisip." Ano naman kasi ang iisipin ko? I don't have any idea kung bakit nilagay ko ang sarili ko sa sitwasyon ngayon. I worsen the situation, kumagat na naman ako sa pa-in na nilahad niya.
"Eh ikaw Irene, do you want to know what am I thinking?" Tumayo siya at lumapit sa gawi ko. He leans on me, sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. I can smell alcohol on his breathing.
"I miss you so badly, Irene." Hinaplos niya ang braso ko, napigil ko ang aking paghinga sa init ng palad niya. "Baliw na nga siguro ako para mamiss ka ng ganito." Ang sakit ng puso ko. We're like Romeo and Juliet, minus the part that he loves me too. We're longing for each others touch and kisses, we desire each other.
"I should have killed myself kesa pumunta rito. Ang makita ka na walang kakayahang mahawakan ka ay sobrang mahirap. Parang biniyak sa dalawa ang puso ko bago apak-apakan." Nakinig lang ako, I want to hear his thoughts. Umupo siya sa lapag bago umunan sa binti ko. Hinayaan ko lang siya sandali, I even caress his back.
"Mamamatay na ako kapag hindi pa ulit kita mahawakan." Tumingala siya, nagsalubong ang tingin naming dalawa. Maniniwala na ba ako? Maybe it's the alcohol talking.
"How about Anika?" I can't help but ask him again. I can't be the other woman forever.
"I am willing to give everything just to have you back."
Sa ilalim ng buwan, hinayaan ko na namang gawin ang parehong kamalian. I let Sebastian pleasure me with his desires. Naglapat ang aming labi, tanging bituin at buwan sa langit ang naging saksi.