Papasok na kami sa Esplanade, it’s a concert hall by the bay. Maraming tao ang nakikipagsiksikan para makapasok. Nakapagitna ako kina Remi at Ross, nakaakbay si Ross sa akin.Nakahiwalay si Sebastian at Paris, nasa VVIP section sila at may backstage ticket. Two aisle apart lang naman kami na nasa VIP seats.
“I’m so excited. Matagal pa ba bago magstart?” Sabay sa tanong ni Trisha ang pagpasok ng local band para sa opening ng concert. Hindi magkamayaw ang mga tao. Sa ingay ng mga manunuod kahit sarili kong pag-iisip hindi ko magawang marinig.
Nasa kalagitnaan na ng concert nang may tumabing babae kay Sebastian. Nang tumagilid siya para bumeso kay Paris ay sumikip ang dibdib ko. It’s Anika. She’s exceptionally stunning, nakasimpleng jeans and sweater lang siya pero kapag tinabi kami magmumukha akong katulong n’ya. Coldplay is singing my favorite song, A Sky full of Stars. It’s describing what I feel towards Sebastian, it brings so much emotion para akong maiiyak pero pinipigil ko lang.
“Thank you so much to all of you that are here tonight. To those who fly from other countries to Singapore, we appreciate you so much.” Nagsimulang magwala ang buong collusium nang magsalita ang lead vocalist na si Chris Martin, ang iba nag-iiyakan na.
“We would like to call one lucky fan up stage to join us as we sing our last song for tonight.” Namamaos na ang mga tao sa kakasigaw, si Remi at Trisha ay kapit-kamay na tumatalon.
“You, missy with the Aztec sweater.” Look at that, kahit pagdating sa favorite band ko ay si Anika parin ang pinili. Tumayo siya at naglakad na parang nasa runway, mas lalong umingay ang buong arena. She is a model maybe narecognize na rin siya ng ibang audience. I am really a no one compare to her.
“Hello. What’s your name and where you from?” tinapat ni Jonny Buckland ang microphone sa labi ni Anika. Nagseselos nanaman ako, si Jonny pa naman ang paborito kong member.
“Anika Florez, from Quezon City, Philippines.” Kahit ang boses ni Anika ay maganda, ano ba ang hindi maganda sa kanya? Wala akong makitang mali. I feel so insecure. Nagsink-in na sa akin ang lahat, wife material si Anika samantalang ako pangkama lang, nagpapainit ng katawan ni Sebastian. She is perfect, mula sa ngiti hanggang sa tayo niya sa taas ng intablado.
Pero paano siya nagawang lokohin ni Sebastian? Masama ba ang ugali niya?
“Who’s with you?”
“My boyfriend and his cousin.” Natutok ang spotlight sa kinauupoan ni Sebastian, he raises his hands para saluhin ang flying kiss na ginawad ni Anika. Sa simpleng gesture na ginawa niya naramdaman ko ang pag-init ng mata ko.
“What a lucky man. Come up on stage brother.” Hindi gumalaw si Sebastian pero pilit siyang pinagtutulak ng mga tao sa paligid niya. I want to shout na tigilan na nila ang pamimilit sa kanya. But who am I? Sino ba talaga ako sa buhay niya? Kanina lang pinaramdam niya sa 'kin na may something na tapos ngayon iba nanaman. I don't get him. Ang labo niya.
“What’s your name?”
“Sebastian,” seryoso ang mukha na sagot niya. If only I know better ay iisipin kong hindi niya gusto kung nasaan siya ngayon. Kumapit si Anika sa bewang niya, siya naman ay umakbay tsaka inamoy ang buhok nito. He's also did the same gesture towards me. Ako naman itong si tanga naniwala na baka iba na itong mayroon sa amin.
“How much do you love each other?” Nagkatinginan silang dalawa at nagpalitan ng ngiti. Tila sila nalang ang natitirang tao sa mundo. Come on, Seb! Look at me.
“So much,” Anika answered. Tumingin si Sebastian sa gawi namin, nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. He is looking at me straight to my soul. Nanalangin ako na sabihin niyang hindi niya mahal si Anika, pero niloloko ko lang ang sarili ko. Napakapathetic ko kahit na isipin lang ‘yon.
“With all my life.” Iniwas niya ang tingin niya sa akin tsaka muling binaling ang tingin kay Anika. Masakit, yes. I can’t do anything, ganoon talaga. Gusto niya ako pero si Anika ang mahal niya. Magkaiba 'yon, sobrang magkaiba.
Look at the stars
Look how they shine for you
And everything you do
Yeah, they were all yellow
Nag-umpisa na sa pagkanta ang coldplay, nanatili ang mga mata nila sa isa't isa. What are you thinking Sebastian? Bakit kailangan mong sabihin sa akin ang mga bagay na ‘yon kagabi? Why? May ginawa ba akong kasalanan sa 'yo para ganitohin mo ako?
I came along
I wrote a song for you
And all the things you do
And it was called Yellow
Why do you have to give me hope tapos ibabagsak ako? I curse him. I hated him for a moment pero mas nangibabaw ang katotohanan na hulog na hulog na ako, nalubog na ako sa lusak ng aking nararamdaman. I digged my own grave. Ako mismo ang nagtulak sa sarili ko na tumalon sa malalim na mga halik ni Sebastian.
So, then I took my turn
What a thing to’ve done
And it was all Yellow
Naramdaman ko ang pagyakap ni Ross sa akin. I look at him. I’m sorry Ross, again I’m so sorry. Madami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa.
Your skin
Oh yeah, your skin and bones
Turn into something beautiful
I can’t take it anymore. Masakit na niloko ako ni Sebastian, pero hindi, ako ang nagloko ng sarili ko. Pinaniwalaan ko ang isang bagay na sobrang layo sa pwedeng mangyari. Ross, my Ross, he is my bestfriend. Mabuting tao si Ross, paano ko nagawa sa kanya ang bagay na ito?
Do you know
You know I love you so
You know I love you so
Kinalas ko ang kamay ni Ross na nakakapit sa akin. I can see worry all over his face. Nangingilid na rin ang luha sa mga mata niya, do you feel it Ross? Ramdam mo na ba na may mali sa akin? Ramdam mo na ba na hindi na ikaw? Gusto kong ibaling ang sisi sa kanya, he has a part kung bakit ginawa ko ang lahat ng ito. He took me for granted, kung kinita niya ako nang gabi na ‘yon edi sana hindi ko nakilala si Sebastian. Edi wala kami sa sitwasyon namin ngayon.
I swam across
I jumped across for you
What a thing to do
‘Cause you were all yellow
But nothing is true, ako ang pumili ng lahat ng ito. I allowed Sebastian to touch me, I allowed him to own me, to enter my heart, to hurt me. Hindi ko na kinaya ang sakit at konsensya. I glanced at Anika and Sebastian they are kissing, walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. It breaks me into a million pieces.
I drew a line
I drew a line for you
What a thing to do
And it was all yellow
Naglakad ako, deretso ang lakad ko. I don’t have the time to think about Ross, Remi or Trisha. Naging makasarili ako. You can’t blame me, hindi niyo nararamdaman kung ano ba ang sakit na nasa loob ko. Naramdaman niyo na ba ‘yong ginamit kayo at tinapon nalang bigla? Kung hindi pa, then don’t judge me.
Sumakay ako kaagad sa unang taxi na pumarada sa harap ko. Sinabi ko ang address ng hotel, tinignan lang ako sandali ng driver tsaka nagmaneho ng tahimik. Mabuti at hindi manlang siya nagtanong, iniyak ko ang lahat sa loob ng taxi. Minura ko ng minura si Sebastian, I confess my love for him. Tinanggap ko na sa sarili ko na mahal ko nga talaga siya. Mukha na akong ewan pero who cares? Hindi naman ako kilala ng taxi driver at mas lalong hindi niya alam ang pinanggagalingan ko.
Dumeretso ako sa hotel room, hindi parin matigil-tigil ang pag-agos ng luha ko. Kinuha ko ang maleta tsaka pinasok ang mga gamit ko. I want to leave tonight. Wala halos limang minuto ay pumasok si Ross na mukhang nagugulohan na rin sa nangyayari.
“Hey, hey. Hon, what’s going on? Teka lang naman, uuwi ka na ba? Ano ba ang problema?” Nakasunod siya sa likoran ko na pabalik balik; hindi na alam kung ano pa ang pwedeng damputin. I am desparate.
Pinahid ko ang luha bago tumingin sa kanya. Pero dinaya lang ako, tila gripo lang iyon na patuloy na nakabukas. Lumalabo na ang mga mata ko. “Gusto ko ng umuwi.”
“Ano ba kasing problema? Sabihin mo muna sa akin ‘wag naman ganito.” Inabot n’ya ang balikat ko, sinubukan niya akong halikan at doon na ako sumabog.
“I told you, wala akong problema. Gusto ko lang namang umuwi. Ano ba ang hirap intindihin Ross?!” Nagulat siya sa pagsigaw ko. I am not the kind of woman na tumataas ang boses kapag galit, I always keep my cool. Nagugulohan siya, sino ba naman ang hindi? Kanina ay masaya pa kami tapos ngayon nandito ako, hysterical.
“Do you want to get laid?! Okay, fine. Have what you want pero pwede ba tigilan mo ‘yang prententions na mayroon ka? You don’t care about me.” I know, hindi naman talaga ako galit kay Ross. Galit ako sa sarili ko. I unbutton my shirt at tinapon ‘yon, he can see my brassiere. I unzip my skirt at hinayaang malaglag iyon sa lapag. Tinignan niya lang ako, nandilim ang mukha niya. He didn’t like what I’m doing.
“Kung ano ang problema mo, you can tell me. I’m willing to help you on sorting things out. ‘Wag mo naman akong saktan sa pamamagitan ng pagiging ganyan. Hindi kita pinilit Irene, I never once asked you again kung pwede ba na may mangyari sa atin. This is never an issue between us. I respect you, respetuhin mo rin sana ang sarili mo. Kung gusto mong umuwi, uuwi tayo na magkasama. I will not leave your side, hindi ko hahayaan na pagdaanan mo ang lahat ng ‘yan na mag-isa. Get a grip of yourself, aayosin ko lang ang gamit ko.” Ross is sometimes unreasonable, binibigyan n’ya ako ng mga dahilan na ikakagalit ko lang din. Ngayong gabi he made me feel na napakawalang kwenta kong babae para lokohin siya. Yes, he is not perfect pero hindi niya ako ginagamit para sa pangangailangan ng katawan n’ya. He loves me, I know he does.
I’m still on my underwear, nakayakap ako sa mga tuhod ko habang humihikbi. Paano ko nagawa ito sa sarili ko? I wasted my life. Inabotan ako ni Remi at Trisha sa ganoong sitwasyon, patakbo silang lumapit sa akin.
“Sis, anong problema?” inaalo ako ni Trisha, samantalang si Remi ay namumula ang mukha.
“Si Ross ba ito? Pinilit ka ba n’ya na may mangyari? I swear to God mapapatay ko ang lalaking ‘yon.” Kumuha ako ng lakas sa pagtayo para pigilin si Remi na sugorin si Ross. Wala siyang ginawang masama sa akin, infact ako pa nga itong may ginawa na hindi tama.
“No, no Rems. Gusto ko nalang umuwi, please.” Nagtinginan silang dalawa. They’re not buying it. Hindi ako ganito and they perfectly know it.
“Okay, uuwi tayo.” Umalis sila sa tabi ko para mag-ayos. Hindi ko pwedeng hayaan na sirain nila ang buong vacation dahil lang sa akin.
“Magstay kayo rito. Mag-enjoy kayo bukas para sa akin. You both want to shop sa shopping district, do it.”
“Hindi ka namin hahayaang umuwi ng mag-isa sa ganyang sitwasyon.”
Umiling ako. Ayaw ko silang pag-alalahanin lalo. “Sasamahan ako ni Ross.” With that napapayag ko na rin silang dalawa. They didn’t ask me a question sa kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Bago umalis papuntang airport I assure them na maayos lang ang lahat, nagbigay nalang ako ng reason na namimis ko lang ang mga kuya pati si Iros. That it suddenly struck me na baka hindi nila kaya na wala ako, kumakain ba sila ng maayos, nalilinis ba nila ang bahay.
Mukhang napaniwala naman sila considering na alam nila kung gaano ako kalapit sa mga kuya ko. Wala naman akong salita na narinig mula kay Ross hanggang sa lumapag ang eroplano sa Pilipinas. Maliwanag na nang makarating kami sa bahay, nasa labas na si Kuya Art habang umiinom ng kape. Nang makita niya ako nagulat din siya, hindi niya inasahang uuwi kaagad ako. Lalo siyang nag-alala nang tumakbo ako papalapit sa kanya tsaka yumakap na parang batang paslit habang umiiyak.