Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng mga boses. I can recognize Iros’ voice pero masyadong mahina kaya hindi ko alam kung sino ang mga kasama niya. Ano ba ang kailangan ng mga 'to? I want to rest, pagod ang buong pagkatao ko. I don't have any energy para bumangon at magpatuloy.
“Ikaw na nga kasi ang gumising.”
“Bakit ako? Ikaw na.”
“Buhay pa ba ‘yan?”
“Ewan ko, hindi pa ‘yan kumakain simula nang dumating.”
“Ha? Eh three days ago na ‘yon ah. Kaya amoy patay na rito hindi pa siguro nakakaligo ‘yan.”
Napagalaw ako nang biglang may nagtaas ng blinds sa kwarto. Sinakop ng liwanag ang silid ko dahilan para mapabukas ako ng mata.
“Pakisara ng bintana, please.' mahinang anas ko. All my energy is drained, mula sa pag-iyak at hindi pagkain ng matino. Walang tinatanggap ang katawan ko, I feel so depress.
“Bumangon ka na nga. Ilang araw ka na raw hindi kumakain.” Nagtalukbong ako ng kumot nang marinig ko ang boses ni Remi. Nakakahiya na makita nila ako sa ganitong sitwasyon. Umupo siya sa gilid ko tsaka hinila ang kumot ko.
“Hindi kami magtatanong pero ayosin mo naman ang sarili mo.” Pilit kong hinihila pabalik ang kumot ngunit masyado akong nanghihina, wala akong panama kay Remi.
“Sis, bangon ka na.” Tumalikod ako, nandito rin pala si Trisha. Nakakahiya ang pinanggagawa ko. Saan ako magsisimulang ipaliwanag ang lahat? They deserve some explaination.
“Iros, buhatin mo nga itong ate mo tsaka ipasok sa banyo.” Mabilis akong napaupo, hindi marunong magbiro si Remi. Gagawin niya talaga kapag sinabi niya.
“Let me rest, please.” Kahit gusto kong umiyak ay wala na akong maiyak. Naubos na yata ang lahat ng luha ko. Sinabihan ni Remi si Iros na lumabas muna. Naiintindihan niya na kung ano ang sasabihin ko ay ayaw ko na madinig ni Iros.
“Ano ba talaga ang problema? Kinausap na namin si Ross, kahit siya wala ring masabi.” I can tell na nauubosan na ng pasensya si Remi sa akin. Kung hindi ako gagalaw paniguradong masasaktan niya ako.
“Naghiwalay na si Mommy at Daddy.” It’s not a lie, kahit hindi iyon ang dahilan ay iyon ang ginawa kong rason. I'm not ready to accept my stupidity, I'm not ready to tell them na nabaliw ako kay Sebastian kaya ako nagkakaganito.
“Alam na ni Iros?” tanong muli ni Remi. She is concerned with Iros para na rin silang magkapatid. Umiling ako tsaka bumuga ng hangin.
“’Wag niyo munang sabihin sa kanya.” Hindi pa ako handa. Akala ko madali lang ang lahat, hindi pala. Paano ko naman sasabihin kay Iros na ang pamilyang hindi pa niya nararanasan ay agad ng nasira?
“Wala ka namang kasalanan sis. Ayusin mo nalang sarili mo. Kapag nalaman ni Iros na ‘yan pala ‘yong reason bakit ka depressed eh baka lalo pa siyang maging affected.”
“Tayo ka na, may pupuntahan tayo.” Tumayo na ako hindi nila ako titigilan. Tama na siguro ang ilang araw na binigay ko para sa sarili ko, kailangan ko paring harapin ang ginawa kong problema. I need to talk to Ross, malamang ay nag-aalala na rin siya.
I took a shower. Sa paglapat ng tubig sa katawan ko naalala ko nanaman kung paano ako hawakan ni Sebastian. Hindi pwedeng ganito nalang palagi. Kailangan may gawin ako para makalimutan ko siya. Nakita ko na, nasaksihan ko mismo kung gaano niya kamahal si Anika.
“Okay ka na ba? Pinag-alala mo kami.” Si Kuya Nathan. Anong araw ba ngayon? Bakit kompleto nanaman kami?
“I’m sorry Kuya.” Niyakap ko siya para nanaman kasing nagbabadya ang mga luha ko. Nahihirapan na rin sila sa ginagawa ko, they don’t know how to handle a drama. Naiintindihan ko kung bakit sobra ang pag-aalala nila.
“Huwag kang umiyak, maiiyak din ako niyan,” saad ni Kuya Art na kakapasok lang sa bahay. Lumapit din ako sa kanya tsaka siya niyakap ng mahigpit. Hindi ko makalimutan na muntik na niyang patayin si Ross sa pag-aakalang may ginawa itong masama sa akin kaya ako umuwing umiiyak.
Tumikhim si Kuya Justin na nasa tabi ni Remi. “Tama na nga ‘yang drama. Tara na, alis na tayo.” Naging masaya ako kahit papano na kompleto kami ngayong lahat.
“May nangyari ba na hindi ko alam?” bulong ko kay Trisha nang maupo na kami sa loob ng sasakyan ni Kuya Justin. Sa harapan umupo si Remi na napapansin kong hinahawakan ni Kuya Justin ang kamay paminsan minsan.
Nagkibit balikat si Trisha. “Ayaw magkwento ni Remi tsaka nalang daw kapag maayos ka na.” Humagikhik pa siya na parang kinikilig. Sa tingin ko talaga mayroong namamagitan na sa kanilang dalawa, gusto naman nila ang isa’t isa kaya walang saysay kung hindi pa nila aaminin ang feelings nila.
Tumigil sa pagmamaneho si Kuya Justin sa harap ng party gowns boutique. Nauna kaming bumaba ni Trisha kaya nakita ko kung paano hinalikan ni Kuya Justin si Remi bago ito bumaba.
“Nakita ko ‘yon,” tukso ko sa kanya. Ngumiti naman siya, ngayon ko lang nakita na ganito ka aliwalas ang ngiti ni Remi. Dati kapag tinutukso siya palaging may lumalabas na usok sa ilong niya.
“Hindi na ako nakatiis, umamin na ako,” pagyayabang niya sa ginawa. Sana pala may lakas ng loob din ako na kagaya ng sa kanya, sana umamin na rin ako.
“Ano naman ang pumasok sa isip mo?”
Humaba ang nguso niya, pahiwatig na hindi maganda ang naging dahilan ng pag-amin niya. “Kasi si Paris dinaan kami sa bahay niyo, kung makayakap naman kay Justin akala mo talaga girlfriend. Kaya after nilang umalis nilakasan ko nalang ang loob ko, kinapalan ang mukha. Tinanong ko si Justin kung ano ba ang problema niya sa akin bakit bigla nalang hindi niya ako kinausap. Tinanong ko na rin kung si Paris ba ang dahilan kasi kung ganoon iiwasan ko nalang siya na makita para makamove-on na ako ng tuloyan. Eh ending patay na patay din naman pala siya sa akin.” May pahawi pa sa buhok na nalalaman si Remi pagkatapos niyang e kwento ang lahat. Sinasabi ko na nga ba kaya umiwas si Kuya Justin kay Remi kasi nga nafall na siya at takot na ereject lang.
“Saglit, hinatid kayo ni Paris?”
“Oo, kasama ang kuya niya tsaka girlfriend nito.” Si Trisha ang sumagot. Kumabog ang puso ko. Bumalik nanaman ang lahat ng nangyari sa Singapore. Bumalik lang ako sa katinuan ng tawagin kami ni Ate Maureen.
“Hello, ladies. Namiss ko naman kayo, lalo na ikaw Irene.” Hinalikan kami ni ate Mau, isa isa. Malapit na nga pala ang kasal nilang dalawa ni Kuya Nathan, nakalimutan ko sa sobrang pagkalubog sa sariling problema. Nag-iisang anak lang si ate Mau, kagaya ko nag-iisa lang din siyang babae sa kanilang magpipinsan. Magkaklase sila ni Kuya Art simula elementary kaya naging matalik na magkaibigan.
Noong una ayaw pa na kausapin ni Kuya Nathan si Ate Mau sa pag-aakala na may gusto si Kuya Art sa kanya. Naging insecurities rin ni Kuya Nathan ang age gap nilang dalawa, si Kuya thirty-five na samantalang twenty-six lang si Ate Mau. Kaming tatlo nila Remi at Trisha ang bridesmaids sa kasal nilang dalawa.
“I can’t decide kung alin ba rito ‘yong best wedding gown. May trabaho si Althea kaya sabi ko kay Nathan papuntahin kayo.” Si Ate Althea ang nag-iisang kaibigan ni Ate Mau maliban kay Kuya Art. May pagka-introvert kasi siya.
Hawak niya ang dalawang wedding gown. Ang isa ay white gown, spaghetti strap at may low cut na maglalabas talaga ng cleavage niya, walang kahit anong lace design. ‘Yong isa naman ay off shoulder mermaid gown.
“Mas bagay sa ‘yo ang low cut, ate.” Si Remi na hinahaplos ang silk fabric kung saan gawa ang gown.
“Ang ganda ng off shoulder ate, kasi hapit sa katawan mo. Tipong naglalakad ka palang sa aisle nagmamadali na si Kuya Nate para sa honeymoon.” Kahit ang staff na tumutulong sa amin ay natawa sa kalokohan ni Trisha, kung ano lang talaga ang maisipan niya ay ginagawan ng biro.
“Ikaw Irene? Ano sa tingin mo?” Nilapit ni Ate Mau ang gown sa gawi ko, tinignan ko ‘yon ng mabuti. Will I ever have the chance na makasuot ng wedding dress? Bata pa naman ako, pero sino naman ang seseryoso sa 'kin kapag nalaman nila na I cheated with someone na may girlfriend din?
“Ikaw ate, kung ano ang nararamdaman mo. It’s not about the gown naman, kahit ano ang isuot mo matutuloy parin ang wedding kasi mahal ka ni Kuya.” Lahat naman ng isuot ni Ate Mau nababagay sa kanya. Masyado siyang maganda para mabahala sa isusuot.
“You’re so sweet Irene.” Napayakap si Ate Mau sa akin. Pumasok siyang muli sa dressing room para sukatin ang dalawang damit. Kung sana naging tapat lang ako kay Ross balang araw magiging kasing saya rin ako ni Ate Mau.
Pagod ang katawan ko nang dumating sa bahay, tama lang na bumagsak nalang ako bigla sa kama. Nabusog ako sa food and cake tasting. Nawala sa isip ko ang problema, masyado akong occupied. Malaki ang pasasalamat ko sa mga taong tunay na nagmamahal sa akin kung bakit kahit papano ay nakalimut ako.
Dalawang linggo na ang lumipas, wedding day na nina Ate Mau at Kuya Nathan. Intimate church wedding ang nangyari, family at ilang malapit na kaibigan lang ang panauhin. Nakatayo na sa gilid ng altar si Kuya Nathan at sa tabi niya ang bestman sa buhay nila ni Ate Mau na si Kuya Art.
Nakapila na kami sa harap ng simbahan, inaantay nalang ang pagdating ng bride. Sa pagsimula ng entourage, hinawakan ni Ross ang kamay ko at nilagay sa braso niya. Simula nang umuwi kami galing Singapore ay wala akong natanggap na tawag o text mula sa kanya. Hindi siya nagtanong, hindi niya ako kinulit. Hinayaan niya lang ako na kumalma. Ngayon lang ulit kami nagkaharap na dalawa.
“Mau, I promise to love you ten folds of how I love you yesterday. You are now my life, my priority, my family. I promise to honor your family, your beliefs and choices. I will respect you. I’ll be a good husband and father to our future children. I’ll understand you on your bad days and will never speak ill to you even when I am angry. I love you so much, wife.” Mabilis ang seremonya, nagsimula nang magpalitan ng vow ang kinakasal. Si Lola Arminita na nasa tabi ko ay walang tigil ang paghagulhol. Si Kuya Nathan ang unang apo, sila ni Lolo ang nagpalaki sa kanya kaya siguro napakahirap na bitiwan ito.
Kahit ako, ang hirap e process na hindi na uuwi si Kuya Nathan sa bahay. Kahit na magkatabi lang naman ang bagong bahay nila sa amin hindi parin ako sanay. Napaka overprotective ni Kuya, pero gusto ko iyong feeling na alam ko na ligtas ako palagi.
“Nate, I promise to support you. I will help you in every struggle you meet. I promise to be your positive sunshine when everything turns into something gloomy. I’ll be a good wife and mother. From now on, hindi ka na maghihintay sa labas ng office para ihatid ako sa bahay, magkasama na tayong uuwi. I am now your home, you complete me. I love you so much.” Ngayon ko lang nakitang umiyak ng sobra si Kuya Nathan, he really loves ate Mau. They kiss each other and everything became magical.
Papunta na ang lahat sa reception. Napatingin ako kay Ross na hindi umaalis sa kinauupoan niya. Nilapitan ko siya, this is the perfect opportunity na pag-usapan namin ang lahat ng tungkol sa amin at maging tapat na rin ako sa kanya.
Nanatili siyang nakayuko nang maupo ako sa tabi niya. Ang dati na mukha niyang maliwanag ngayon tila sobrang pagod, evidence ang dark circles sa ilalim ng mata niya sa kung gaano siya naging restless. Hindi manlang siya nag-abalang magshave ng mukha, amoy ko rin ang usok ng sigarilyo na kumapit sa damit niya. Matagal na siyang hindi naninigarilyo. He is really stressed out para bumalik sa dating bisyo.
“I’m sorry.” Walang ibang salita ang kayang ilabas ang labi ko. Ako ang gumawa ng kasalanan kaya siya nasasaktan ngayon. Aakuin ko ang lahat kasi 'yon ang nararapat.
“Kailangan na nating maghiwalay.” Two years, tinatapon ko na ang mga taong iyon ngayon. Hindi lang relasyon namin ang puputolin ko, even our friendship. Maraming bagay ang tungkol sa akin na siya lang ang may alam pero hindi ko alam kung saan nagsimula na napagod nalang ako bigla.
“Ayusin muna natin,” parang nabasag na plato ang boses niya. Pagod na rin siguro siya, ramdam ko naman. Bakit hindi nalang siya bumitaw?
“I cheated on you. Walang kapatawaran ‘yon.” Hindi ko hahayaang sisihin nalang niya ang sarili niya. Ganoon siya, kapag may away kami he takes all the blame. I can't allow that right now.
“Sa tingin mo ba hindi ko alam? Hindi naman ako ganoon ka tanga. Napansin ko na ang mga tinginan niyo mula sa restaurant hanggang sa Singapore. Hindi naman ako manhid, hindi ko lang pinansin. Kasi akala ko galit ka lang, na pinagdadaanan naman talaga lahat ng ‘yon kasi kasalanan ko rin naman. Nagkulang ako.” I am taken aback. Para akong sinaksak, all this time alam niya tiniis niya lang ang lahat. Inintindi niya ako sa kabila ng lahat. Alam niya, matagal na pero wala akong kahit isang sumbat na narinig. Ang tanga ko, sinaktan ko ang taong tunay na nagmamahal sa akin.
“Gusto ko na magalit pero hindi ko kaya. Masyado kitang mahal. Hindi naman natin kailangan maghiwalay. Kakalimutan ko ang lahat ng ‘to, kinalimutan ko na nga eh. Napatawad na kita kahit ano pa ang ginawa mo.” Sinubsob niya ang mukha sa mga palad niya, tahimik lang siyang umiiyak. Sinaktan ko siya, dinurog ko.
“Ross, mahal ko na siya. Hindi ko na kayang lokohin ka pa. I can’t look at you habang iniisip siya.” I come clean. Ano pa ba ang saysay na manatili pa ako sa kanya. Minahal ko si Ross, kaya kahit sa pinagsamahan lang namin hindi ko siya kayang gamitin. Pero sa tagal ng pinagsamahan namin, sa lahat ng mabuting ginawa niya hindi kaya ng konsensya ko na gamitin siya.
“Wala ka namang kasalanan, kung kaya ko lang na pigilin 'to ginawa ko na kaya lang puso ko ‘to eh, siya na talaga.” Mas pipiliin ko pa na magalit si Ross sa akin, darating ang panahon na may mamahalin siya na babae na hindi kagaya ko.
“Mahal mo talaga siya?” tumango ako.
“Sige, pero kung sakali na masaktan ka lang sa kanya bumalik ka sa akin. Papalayain kita kasi sobrang mahal kita. Hindi ko kayang saktan ka. Promise me, if everything became wrong comeback to me.” Niyakap ko siya, kung pwede lang na akoin ko ang lahat ng sakit ginawa ko na. Ross doesn’t deserve a woman like me, kahit ngayon sa sitwasyon namin hinahanap ng puso ko na makita muli si Sebastian.
“Puntahan mo na siya. Maging masaya ka, nandito lang ako kapag kailangan mo ng karamay kung pinapaiyak ka niya.” Humiwalay siya sa pagkakayakap naming dalawa. Ngumiti siya kahit malungkot ang mata niya, pinipiga rin siguro ang puso niya. I am insensitive sinawalang bahala ko ang nakikita kong kalungkotan sa mata niya, wala naman na akong maloloko. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na papunta kay Sebastian.