Naging mabilis ang mga sumunod na araw. Sa pag-uwi ko walang sinabi si Kuya Art o si Kuya Justin, hindi rin nila napansin na wala akong dalang bagahe. Naging normal ang takbo ng buhay ko, hindi nila ako kinukulit, minsan lang din kung dumalaw si kuya Nathan, busy sila ni ate Mau sa tinatayo nilang business. Lahat ng oras ginugol ko sa pag-aaral, halos wala na rin akong panahon na lumabas-labas lalo at busy din naman ang tatlo kong kaibigan sa inaaral namin. Madalang kung tumawag si Sebastian pero hindi ko na masyadong ginawan pa ng kahulogan, hindi na rin namin napag-usapan pa muli ang nangyari bago ako umuwi; kahit nga ang kulitin ako na dumalaw sa kanya ay hindi na rin niya ginagawa. Ang estado ng puso ko para sa kanya ay ganoon pa rin, mahal ko pa rin siya, hindi ko pa rin kaya na m

